Ang Hindi Natatapos Na Problema
Ang Hindi Natatapos Na Problema
Ang Hindi Natatapos Na Problema
Ano nga ba ang sanhi ng polusyon? Bakit ito ay isang patuloy na suliranin ng ating
bansa? Sa aking sariling pananaw, ang sanhi ng polusyon ay ang kapabayaan na rin ng ating
mga mamamayan. Sino pa ba ang may kakayahan para pangalagaan ito? Ang magbigay ng
aksyon? Siguradong kung kaya itong pangalagaan, kaya rin nila itong pabayaan. Hindi na nga
ito masyado pinagtutuunan ng pansin, nagawa pa ng mga masasamang bagay na makaapekto
sa kalikasan. Nakakaambag pa sa paglala ng polusyon. Tapon doon, tapon dito. Buga doon,
buga dito. Walang pakialam ang mga tao sa kanilang mga aksyon. Hindi nila alam na halos
lahat ng napakikinabangan nating bagay ay nanggagaling sa kalikasan. Sa kanila din babalik
lahat ng mga negatibong epekto kapag tuluyan na nasira ang kalikasan dahil sa polusyon.
Ayon sa thepinoy site, dapat mag-ingat sa mga epekto ng maruming hangin sa katawan
subalit ang mga taong may mas malaking peligro sa kalusugan ay ang mga sumusunod: Mga
may respiratory illness gaya ng asthma, bronchitis, tuberculosis at iba pa, mga may sakit sa
puso, mga sanggol at bata, mga matagal na nasa labas (traffic police, street sweepers,
sidewalk vendors, etc.), senior citizens, buntis, at mga mahihina ang immune system. Ayon sa
ulat ng World Health Organization (WHO), pinakamalaking naaapektuhan ng air pollution ang
mga umuunlad na bansa kagaya ng Pilipinas. At mas mataas daw ang antas ng polusyon sa
mga maunlad na syudad (gaya ng Maynila) kumpara sa mga maunlad na siyudad na kasing-laki
nito. Kaya naman, ang mga mamamayang naghahanap ng bakasyon ay napunta sa
masasariwa ang hangin. Matatagpuan ang mga sariwang hangin ay sa mga nayon natin at mga
dagat kaya naman dito nila napili magbakasyon.
Sa ating henerasyon, masyado tayong mga abala sa teknolohiya. Hindi natin alam na
may mga bagay na napapabayaan natin. Kung gusto natin malutas ang isyung ito, kailangan
nating magkaisa at pagtulong-tulong dahil walang mangyayari kung iisa lang ang kikilos. Dapat
ay sama-sama tayo sa isang diwa at layunin. Gawin ito para hindi lang sa ating bansa, kundi
para na ring isang hudyat sa mga iba't-ibang bansa ng pagbabago.