Filipino 9

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Cebu City
CEBU CITY NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Salvador St., Labangon, Cebu City

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


SA
FILIPINO 8
Pangalan:_________________________________________________ Lagda ng Magulang:__________
Antas at Seksyon: __________ Petsa:____________________

Panuto: Basahin, unawain at sagutin ang mga sumusunod. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa
bawat bilang. Ipinagbabawal ang pagbubura.
1. Ito ay tinatawag ding kaalamang-bayan na binubuo ng mga salawikain, sawikain, at bugtong.
A.Alamat B. Epiko C. Karunungang-Bayan D. Maikling kwento
2. Ito’y isang uri ng karunungang-bayan na nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng
ating mga ninunong naglalayong mangaral at umakay sa mga kabataan sa pagkakaroon
ng kabutihang-asal.
A. Kasabihan B. Salawikain C. sawikain D. palaisipan
3. Ano ang hindi totoo tungkol sa alamat?
A. Galing ito sa salitang Latin na Legendus, nangangahulugang “upang mabasa”
B. Katumbas ito ng legend sa Ingles
C. Tumatalakay ito sa pinagmulan ng mga katawagan.
D. Hango ito sa totoong buhay na isinulat upang maging gabay sa mga mambabasa.
4. Anong salita ang hindi kasali sa pagpipilian?
A. Simula B. Gitna C. Banghay D. Wakas
5. Ito ay isang salaysay na tuluyan at nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay o lugar.
A.Alamat B. Epiko C. Karunungang-Bayan D. Maikling kwento
6. Ito ay isang mahabang tulang pasalaysay na inaawit o binibigkas na nagsasaad ng
kabayanihan at mahiwagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan na karaniwang
nagtataglay ng lakas na nakahihigit sa karaniwang tao.
A.Alamat B. Epiko C. Karunungang-Bayan D. Maikling kwento
7. Ang karagatan ay isang kwentong batay sa alamat ng___.
A. Loro B. Singsing C. Kwentas D. Kwago
8. Sa duplo, ang mga lalaking kasali ay tinatawag na _________________at ang mga babae
naman ay_______________.
A. Binata, Dalaga B. Bilyako, Bilyaka C.Duplero, Duplera D. Lalakihan, Babaihan
9. “’Pag may isinuksok, may madudukot”, anong mahalagang kaisipan ang ibig ikintal ng linya?
A. Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok
B. Madalas ay inilalagay ng mga Pilipino ang pera sa alkansiya, kapag dumating ang oras
ng pangangailangan ay may magagasta.
C. Umuunlad ang mga bangko dahil sa mga perang inipon ng mga tao.
D. Kailangang laging maging handa sa pakikipaglaban sa mga masasamang-loob.
10. Ang pahayag sa bilang 9 ay halimbawa ng karunongang-bayan na;
A. Salawikain B. Sawikain C. Palaisipan D. Kasabihan
11. Ikinuwento ng___________________ na nakita niya sa kaniyang panaginip na darating si
tuwaang sa Kawkawangan. Inalok siya ni Tuwaang na sumama sa kanyang paglalakbay.
A. Loro ng hari B. Isda na may singsing C. Gungutan D. Higanti
12. ang dalagang ikakasal kay binata ng sakadna at umupo sa tabi ni tuwaang
A. Dalaga ng Monawon B. Doplera C. Bilyaka D. Dalaga ng Singsing

1
13. Isa itong element/bahagi ng alamat na kinapapalooban ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at
kasukdulan.
A. Una B. Simula C. Gitna D. Wakas
14. Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
A. Saglit na Kasiglahan B. Sulyap sa Suliranin C. Tunggalian D. Kakalasan
15. Ano ang kahinaan ng Binata ng Sakadna?
A. Gintong plawta B. Tubig C. Halimaw D. Ipis
Para sa bilang 16-17

Bilang ganti sa katapatan at pagkamagalang ni Sel Pon, inihimlay ng diwata ng katubigan ang mga labi
nito sa karagatan upang magkaroon ng katiwasayan ang kanyang pagpanaw.
Dumaan pa ang maraming taon matapos matuldukan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
isang mangingisda ang nakatagpo sa labi ni Sel Pon. Dahil sa takot naisipan nitong ilibing na lang sa
kanyang bakuran. Himala ng mga himala, ang labi ay nagbagong anyo.
Ang pangyayaring ito ay hindi nalingid sa kaalaman ng marami, sa tulong na rin ng papausbong
na teknolohiya. Isang Amerikano ang bumili nito, pinag-aralan at sa pamamagitan ng cloning ito’y
naparami. Nakita ang kahalagahan nito lalo na sa mga pamilyang punong-puno ng pagmamahal.
Batay sa matandang nakakikila sa noo’y dakila at matulunging si Sel Pon, wala silang
pinagkaiba. Lalo na sa kakayahang mapag-ugnay ang mga magkakalayo sa pamamagitan lamang ng
paghawak sa kanya.
Sa huli ang bagay na ito ay napabantog, upang magkaroon ng pagkakakilanlan tinawag itong Cell Phone
bilang pag-alaala kay Sel Pon.
Mr. Blue Heart

16. Batay sa nilalaman ng talata, mahihinuhang ito ay;


A. Simula at Gitna B. Gitna C. Gitna at Wakas D. Wakas
17. Anong pang-abay na panlunan ang nahalaw sa talata?
A. Sa karagatan B. Sa labi C. Sa tulong D. Sa huli
18. Sa pahayag na,” Talamak sa lahing Pilipino ang palakasan-‘pag may kakilala kang nasa
pamahalaan o katungkulan hindi mahirap ang makapasok sa trabaho. Anong karunungang-
bayan ang angkop at mabuting gagamitin upang malunasan ang sakit na ito ng lipunan?
A. Bulong B. Kasabihan C. Salawikain D. Sawikain
19. Magkakasinghalaga ang lahat ng uri ng karunungang-bayan – ang lahat ng mga ito ay
sumasalamin sa kulturang Pilipino. Ang salitang nasalungguhitan ay nagpapahiwatig ng;
A. Pahambing na magkatulad C. Pahambing na palamang
B. Pahambing na pasahol D. Pahambing na di magkatulad
20. ____________________(gusto: di magkatulad) kong magbasa kaysa manood ng teleserye
kapag wala akong ginagawa. Anong salita ang angkop na ipuno sa patlang?
A. Mas B. Higit C. Gustong-gusto D. di-gaano
Para sa bilang 21-22
Noong unang panahon, ang ating kapuluang kilala sa tawag na Maharlika ay sinakop ng
. mga Kastila. Dala-dala nila ang paniniwalang kritiyanismo. Dumating ang mga paring
Pransiskano (Franciscans), Dominiko (Dominicans) at Heswita (Jewish) upang binyagan ang
ating mga ninuno, ngunit palihim ding isinakatuparan ang kanilang makasariling hangarin.
Hindi naglaon, ang ating kapuluan ay pinangalanang Filipinas bilang parangal sa
Hari ng Espanya na si Filipe.
Hindi rin itinuro ng mga kastila ang kanilang wika sa mga Filipino (noo’y tinatawag na
Indio, ibig sabihin mangmang) upang hindi maintindihan ang kanilang usapan, bagkus ang
mga kastila ang nag-aral ng wikang katutubo. Bunga nito nagkaroon ng mga kamalian sa
pananagalog. Kabilang na dito ang paggamit ng bansag na Ginoo. Sa wikang tagalog ito ay
ginagamit sa mga lalaking natakneng (kapita-pitagan), ngunit kapansin-pansin o kapuna-
punang ito ay ginamit bilang pantukoy kay Birheng Maria sa bahagi ng mga panalanging
katulad ng Aba Ginoong Maria

21. Anong salita/mga salita ang hindi kabilang sa hanay?


A. Noong unang panahon B. Bunga nito C. Palihim D. Rin

2
22. Ang seleksiyon ay maituturing na alamat. Alin ang angkop na tugon/reaksyon sa pahayag:
A. Tama, ito ay maituturing na isang alamat sapagkat tinukoy nito ang pinagmulan ng
pangalang Filipinas
B. Tama, ang seleksiyon ay masasabing alamat sapagkat ito ay nasusulat sa tuluyan –
binubuo ng mga talata
C. Mali, dahil ang isang alamat ay isang uri ng panitikang bunga lamang ng malawak na
guni-guni, kinasasangkutan ng mga makapangyarihang nilalang katulad ng mga diwata at
mga diyos o mga diyosa.
D. Mali, ito ay hindi maituturing na alamat dahil hindi nasusulat nang patula
23. Nasa kamay ng mga kabataan ang magiging kinabukasan ng sanlibutan. Anong bahagi ng
pangungusap ang halimbawa ng pang-abay?
A. Nasa kamay B. Mga kabataan C. Sanlibutan D. Kinabukasan
24. Ang epiko ay kabilang sa mga sinaunang panitikang Pilipino. Kathang sumasalamin sa
kulturang sariling atin – pagiging matapang, mapagmahal, at maalalahanin. Anong uri ng
talata ang iyong binasa?
A. panimula B. talatang ganap C. talatang pabuod D. b at c
25. Bakit maituturing na bayani si Tuwaang?
A. Siya ay nakikipaglaban sa masasamang tao
B. Siya ay tumutulong sa nangangailangan
C. Siya ay may kapangyarihan at malakas
D. Siya ay nakikipagdigma, tumutulong sa nangangailan at may kapangyarihan
26. Kung ikaw si Tuwang gagawin mo rin ba ang kanyang ginawang pagtulong sa mga
nangangailangan? Bakit?
A. Oo, dahil ang pagtulong sa kapwa na nangangailangan ay isang magandang ugali.
B. Oo, dahil kung tutulong ka ikaw ay magiging sikat sa inyong lugar
C. Oo, dahil ang sabi ng Diyos mahalin at ibigin ang ating kapwa.
D. Oo, dahil ito ang tamang gawin bilang isang mamamayang Pilipino.
27. Dahil sa paglaganap ng sakit na COVID 19 sa ating bansa ay __________na nagpulong ang
mga kasapi ng IATF at si Pangulong Duterte.
A. Biglang B.Agad-agad C. Unti-unti D. Sabay-sabay
Para sa bilang 28-29
28. “Ipahandog-handog ang buong pag-ibig,
At hanggang dugo’y ubusing itigis,
Kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
Ito’y kapalaran at tunay na langit.”
Ang ibig ipahiwatig ng saknong ay____________________.
A. Ang paghahandog ng buhay para sa Inang Bayan ay tunay na isang kabayanihan.
B. Bahagi ng ating kapalaran ang mamatay para sdugo,yaman,a bayan.
C. Kung nais mong maging bayani,ihandog ang iyong dugo sa mga nangangailangan.
D. Lahat na nabanggit
29.”Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa bayang nagkupkop,
Dugo,yaman,dunong, katiisa’t pagod,
Buhay ma’y abuting magkalagut-lagot.
Nagpahiwatih ang saknong na______________.
A. Ang taong may wagas at Dalisay na pagmamahal sa bayan ay handing mag-alay ng sarili
para sa tinubuang lupa.
B. Yaman,dugo at talino ang kailangan upang ang bayan ay mahango sa pagkaalipin.
C. Matalino at mayayamang tao lamang ang maaaring maglingkod sa bayan.
D. wala sa nabanggit
30. Paano naging epektibo ang pagpapahayag ng emosyon ni Andres Bonifacio sa kanyang
tulang
“Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”?
A.ginamitan niya ng mga pandiwang nagpapahayag ng damdamin
B. dahil sa pangngalang nagpapahayag ng kalungkutan
3
C. may mga bantas ng pang-uring ginamit
D. may mga paksang nagpapaiyak
31. Si Alex ay mag-aaral sa Baitang 8. Mahilig siyang sumulat at bumigkas ng tula. Paano
malilinang sa paaralan ang kaniyang talento sa pagtula?
A. Mag-aral siya ng asignaturang Pamamahayag.
B. Dumalo siya sa mga sa mga seminar-worksyap ng Samahan ng Mambibigkas sa paaralan.
C. Lagi siya lalahok sa mga patimpalak ng pagbigkas ng tula.
D. Maghanap siya ng masasalihang samahan ng mga manunula.
32. Nagluluto ng hapunan sa kusina ang Nanay .Ang pang-abay sa
pangungusap ay ___________________.
A. ng hapunan B. ang Nanay C. Nagluluto D. sa kusina
33. Sa isang lugar sa probinsya,isinilang ang ama niya. Ang pahayag ay ginagamitan ng pang-
abay na may panandang____.
A . Isang B. Niya C. Ang D. Sa
34. Buhat nang dumating siya,hindi na niya ako tinantanan. Ang pahayag ay ginagamitan ng
pang-abay na may pananda. Ito ang salitang ____________.
A. Hindi B. Buhat C. Nang D. Niya
35. Ang paggawa sa mga Gawain at pagpupunyagi sa pag-aaral ay nagpapakita sa
pagpapahalaga natin sa panahon dahil naniniwala tayo na ang oras ay _.
A.di – dapat palagpasin B. Lilipas din C . Buhay D. Ginto
36. Gawing pahambing na pasahol ang pang-uri sa pangungusap. Maliksing kumilos ang batang
iyan.
A. Di –hamak na maliksing kumilos ang batang iyan kaysa kapatid niya.
B. Mas maliksing kumilos ang batang iyan kaysa ibang bata dito.
C . Di-gaanong maliksing kumilos si Alex kaysa kay Lexter.
D . Magkasingliksing kumilos si Lexter at Jonas.
37. Pangulo ka ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL) at sa darating na
pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito, napag-usapan ninyo ng pamunuan ng inyong
samahan na magkakaroon ng paligsahan sa pagtatalong patula gamit ang fliptop. Alam mo
na ito ay lubhang kinagigiliwan ng mga mag-aaral na katulad mo sa kasalukuyan.
Ano ang pangunahing layunin ng SAMAFIL sa pagdaraos nito?
A. Mahikayat na maging kasapi ng SAMAFIL ang lahat ng mag- aaral sa paaralan.
B. Mahikayat na lumahok ang mga mag-aaral sa paligsahan.
C. Maging bago sa paningin ng mga guro ang fliptop.
D. Malinang at maibigan ng mga mag-aaral ang sining ng pagtula.
38. Anong katangian ng mga Pilipino ang taglay sa paggamit ng eupemistikong pahayag?
A. Tapat B. Madaling umunawa C. Magalang D.Malumanay magsalita
39 . Higit na may magandang bukas ang mga mag-aaral na nagsusunog ng kilay. Ang ibig sabihin
ng sinasalungguhitan ay _ _.
A. Nagbubulakbol B. Naghihirap C. Nagsisikap D. Nagbabasa
40 . Ang pangungusap sa bilang 9 ay halimbawa ng pahambing na palamang dahil sa salitang _
_.
A. Nagsusunog B. Maganda C. Mag-aaral D. Higit
41. Pagmaliit ang kumot, magtiis kang mamaluktot.
A. Pagtiyagaan na lamang ang kakulangan sa buhay.
B. Maging panatag sa buhay kahit nakakaranas ng kakulangan.
C. Kung maliit ang kumot ay huwag ng paghatian pa ibigay na lamang sa iba.
D. Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay matuto kang magtiis at magtipid.
42. Ang pinakamahirap gawin ng lahat ay ang gumawa ng tama – maling mangopya pero
ginagawa, maling magsinungaling ngunit siyang naghahari. Anong halimbawa ng sawikain
ang dapat mong idikit sa inyong dingding para kahit papano makagawa ka ng tama?
A. “Tanggalin mo ang iyong mga mata, mabuti pang wala kang makita kaysa gumawa ng
masama.”

4
B. “Ang lingon nang lingon sa pinanggalingan, bangin ang hahantungan”
C. “ Madaling maging tao, mahirap magpakatao”
D. “Ang maling gawa, dala-dala hanggang sa pagtanda”
43. Anong mga pang-abay ang madalas gamitin sa simula ng isang alamat?
A. Panlunan at pamanahon B. Pamanahon C. Panlunan D. Pamaraan
44. Noong unang panahon daw ay may nag-isang dibdib na dalawang nilalang na nagngangalang
Bulan at Adlaw. Sa tamis ng kanilang pag sama ay nagkaanak sila ng marami. Nagpatuloy ng
pag-aanak si Bulan hanggang sa mapuna ni Adlaw na maraming-marami na pala ang mga
anak nila at nagsisikip na sila sa kanilang Buhay. Anong mga pang-abay at anong uri ang
ginamit sa bahagi ng alamat?
A. Noong unang panahon/pamanahon; pala/ingklitik; sa kanilang bahay/panlunan
B. Noong unang panahon/panlunan; pala/ingklitik; sa kanilang bahay/pamanahon
C. Noong unang panahon/pamanahon; pala/ingklitik; sa tamis/panlunan
D. Noong unang panahon/pamanahon; pala/ingklitik; sa mapuna/panlunan
45. Bilang isang kabataan, ano ang iyong magagawa upang mapayabong sa kasalukuyan ang
panitikang Pilipino?
A. Iwasan ang pagbababad sa messenger o facebook, at paglaanan ng sapat na panahon ang
pagpapausbong sa panitikan Pilipino
B. Sa halip na pag-usapan sa messenger at i-post sa facebook ang mga usaping walang
kaparakan, gugulin na lang ang oras sa pagbabahagi ng kaalaman.
C. Iwasan ang pag-inom ng alak at paghithit ng sigarilyo.
D. Mag-aral nang mabuti at gawin ang mga kinakailangan para sa asignatura.
46. Kung magmamalabis sa pananalita, ang mga kabataan ngayon ay lulong na sa paggamit ng
internet, halos ibuhos na nila ang kanilang oras sa paglalaro ng online games, pakikipag-chat
at kung ano-ano pa. Kaya nga’t wala na silang panahon para sa salo-salong pagkain sa
hapag-kainan. Anong bahagi ng pangungusap ang nagpapahayag ng resulta?
A. Kung magmamalabis sa pananalita
B. ang mga kabataan ngayon ay lulong na sa paggamit paggamit ng internet
C. halos ibuhos na nila ang kanilang oras sa paglalaro
D. kaya nga’t wala na silang panahon para sa salo-salong pagkain sa hapag-kainan.
Para sa bilang 47-48
“ Karunungang-bayan ____ kuwentong-bayan, wala tayong dapat itulak-kabigin ____ ito ay
pawang maituturing na kaban ng lahing kayumanggi.”
47. Anong pangatnig na pamukod ang maaaring ipuno sa unang puwang para mabuo ang
kahulugan ng pahayag.
A. At B. O C. Sapagkat D. Palibhasa
48. Anong pangatnig na pananhi ang maaaring ipuno sa ikalawang puwang upang maging
malinaw ang kahulugan ng pahayag.
A. At B. O C. Sapagkat D. Palibhasa
Para sa bilang 49-50.
1) Sa loob ng halos 333 taong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, nabihisan ang
panitikang kinagisnan ng ating mga ninuno – mga kuwentong-bayan at karunungang-
bayan. 2)Ang mga ninuno nating mahusay sa pagsulat at pagbasa ay binansagang mga
Indio o walang alam. 3)Sinunog, sinira at inianod sa ilog ng mga kastila ang akda ng
ating mga ninuno dahil sa di umano’y “likha ng demonyo.”
4)Tuluyan bang namatay ang panitikang sumasalamin sa kulturang Pilipino.
5)Paano ito nagpumilit kumawala sa tanikala ng paniniwalang katolisismo?
6)Nagkapuwang ba ang mga paksang hindi nangangamoy kandila samantalang
namamayagpag ang mga manunulat na Pilipino.

49. Rebisahin ang seleksiyon, anong pangungusap ang nangangailangan ng pagtatama?


A. 1 at 2 B. 4, 5, at 6 C. 4 at 6 D. 1, 2, at 3
50. Kung may dapat na rebisahin, ano ito?
A. Bantas B. Salita C. Bantas at salita D. Baybay

5
“Oh yes, kaibigan mo ako. Kaibigan mo lang ako…. And I’m so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my best
friend.” – Jolina Magdangal, Labs Kita… Okey Ka Lang? (1998)

>>>Saka na ang love life! Exam muna. Focus! 🙂

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Cebu City
CEBU CITY NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Salvador St., Labangon, Cebu City

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


SA
FILIPINO 8
Pangalan:_________________________________________________ Lagda ng Magulang:__________
Antas at Seksyon: __________ Petsa:____________________

Panuto: Basahin, unawain at sagutin ang mga sumusunod na pahayag. Itiman ang bilog ng naangkop sa
letra ng tamang sagot. Ipinagbabawal ang pagbubura.
A B C D
O O O O 1. Sangay ng panitikan na naglalahad ng pananaw o opinion ng sumusulat ukol sa paksa
a. Balagtasan b. Maikling kuwento c. Sanaysay d. Tula
O O O O 2. Uri ng sanaysay na ang paglalahad ay parang nakikipag-usap lang sa mambabasa.
a. Pormal b. Di-Pormal c. Editoryal d. Tauhan
O O O O 3. Tinaguriang unang hari ng balagtasan
a. Francisco Balagtas b. Jose Corazon de Jesus c. Juan Crisostomo Sotto d.Severino Reyes
O O O O 4. Binansagang Lola Basyang
a.Severino Reyes b. Juan Crisostomo Sotto c. Francisco Balagtas d. Jose Corazon de Jesus
O O O O 5. Matandang pinanggalingan ng Lola Basyang na ginamit ni Severino Reyes
a. Andea Rivera b. Gervacia Guzman de Zamora c. Liwayway d. Maria Paz Puato
O O O O 6. May-akda ng “Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan”
a. Jose Corazon de Jesus b. Juan Crisostomo Sotto c. Manuel L. Quezon d. Severino Reyes
O O O O 7. Isang dulang musical na umunlad noong ika-7 siglo
a. Sarsuwela b. Miss Saigon c. Balagtasan d. Walang Sugat
O O O O 8. May-akda ng “Walang Sugat”
a. Severino Reyes b.Juan K. Abad c. Hermonegenes Ilagan d. Francisco
Baltazar
O O O O 9.

You might also like