Filipino

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

PANITIKAN PILIPINO SA PANAHON NG MATAMO ANG KALAYAAN

HANGGANG SA KASALUKUYAN

Kaligirang Kasaysayan

 Ang paghihintay ng mga Pilipino sa pangakong pagbabalik ng mga Amerikano ay


natupad noong 1945.

 Isinauli ang kalayaan ng Pilipinad noong ika-4 ng Hulyo, 1946.

 Ibinaba sa tagdan ang bandilang Amerikano at mag-isang iwinagayway ang


bandilang Pilipino

 Naging napakabigat para sa mga Pilipino ang naging labi ng digmaan na siyang naging
suliranin ng bansa mula sa iniwang digmaan.

 Ang ekonomiya ng bansa ay humantong sa kababaan.

 May mga salaping ipinamudmod sa mga gerilya bilang gantimpala ng kagitingan at


pagkamakabayan, subalit walang pag-uukol na ginawa para sa kabuhayan ng bansa.
Sa panahong ito, naging balakid ng Pilipinas sa kaniyang pagsasarili ang
ekonomiyang naapektuhan ng digmaan.

Sa larangan ng panitikan...

 Higit na sumigla ang kalayaang pampanitikan ng bansa.

 Nagkaroon ng komersyo o balitang komersyo na isang bahagi ng pahayagan na


naglalaman ng mga balita tungkol sa kalakalan, industriya, at komersyo.

 Naging paksain ng panitikan ng Pilipinas ang kabayanihan ng mga gerilya, kalupitan ng


mga Hapon, kahirapan ng pamumuhay noon, atbp.

 Nabuksang muli ang mga palimbagang naipasara dahil sa giyera.

 Naitatag ang Palanca Memorial Award in Pilipino and English Literature noong
1950.

 Ang Palanca Memorial Award in Pilipino and English Literature ay itinatag


bilang pagbibigay-pugay kay Don Carlos Palanca Sr., isang tao na nag-aral na may
sariling pagsisikap at umangat hanggang sa naging matagumpay na negosyante.

 Nagkaroon din ng Republic Cultural Award, Gawad ni Balagtas, at Taunang Gawad


ng Surian ng Wikang Pambansa.

 Sumigla rin ang pagkakaroon ng pahayagan sa mga paaralang pangkolehiyo.

 Nagbulas din ng palimbagan ng mga lingguhang babasahin: Liwayway; Bulaklak;


Tagumpay; at Ilang-ilang
 mga samahang naitatatag para sa panitikang Filipino:

 Taliba ng Inang Wika (TANIW)

 Itinatag ni Lope K. Santos noong 1952.

 Kapisanan ng Diwa at Panitik (KADIPAN)

 Itinatag noong Oktubre 22, 1950 na nagsisilbing isa sa pinakamatagal na


umiiral na organisasyon sa Pamantasang Normal ng Pilipinas.

 Ito ay ang opisyal na samahang pang-akademiko ng mga nagpapakadalubhasa


sa Filipino.

 Naglalayong mapaunawa sa mga mamamayang Pilipino ang kahalagahan ng


wikang Pilipino kasama na ang wikang Pilipino.

 Kapisanan ng mga Mandudulang Pilipino (KAMPI)

 Ilang Samahang Naitatag para sa Panitikang Ingles:

 Philippine Writers Association

 Dramatic Philippines

 Philippine Educational Theater Association (PETA)

 Arena Theater

 Barangay Writer’s Guild

 Naitatag rin ang HUKBALAHAP (Hukbong Bayan Laban sa Hapon).

 Binubuo ng pangkat ng mga gerilyang may pagkilalang komunismo.

 Isa pang pamana ng digmaan na naging malaking sagabal sa pambansang


kaunlarang pang-ekonomiko.

 Maraming bayan sa gitnang Luzon noong 1950 ang may “tagong pamahalaan ng mga
huk” na:

 nakapaniningil ng buwis

 nakapagpapakalat ng mga kautusan

 nakapagpapataw ng parusa laban sa sariling paglilitis

ang kalagayan ng panitikan ng panahong ito:

 Naging mapanghangad sa makukuhang gantimpala ang mga manunulat ng panahong ito


sapagkat bago pa sumulat ng anumang akda ay inaalam muna kung aling pahayagan ang
kaya na magbayad ng malaking halaga.
 Pagsulpot ng mga kabataang mag-aaral sa larangan ng pagsusulat.

mga panitikan sa panahong ito:

 Tulang Tagalog - nagkaroon ng “laman” at hindi salita’t tugma lamang

 Maikling Kuwento/Katha - nagtataglay na ng mabuti-buting tauhan, mga pangyayaring


batay sa katotohanan, at mga paksaing may kahulugan

 Nobela - binabasa ng mga tao bilang libangan lamang

 Bigkasin ng Tula - kinagigiliwan ng mga tao kumpara dati at pinagdadayo ng pulu-


pulutong na mga tao ang pakikinig sa sinumang mambibigkas

 Dula

 Sanaysay

Maikling Katha – ay pinakamayan ng ibat inang katipunan ,gayundin ng mga indibidwal na


manunulat.Nagtataglay na ang mga maikling katha nang mabubuting tauhan, mga
pangyayaring batay sa katotohanan at mga paksaing may kahulugan ,Kabilang sa mga
maikling katha na ito ang 1. “Walang panginoon” ni Deogracias A. Rosario. 2.” Kasalan sa
Nayon “ ni Eleuterio P. Fojas 3. “Ang pusa sa Aking Hapag” ni Jesus A. Arceo
“Wala ng Lawin sa Bukid ni Tata Felipe” ni Benigno R. Juan .

Mga kilalang kwentista sa Panahon ng Bagong Lipunan

1. Lualhati Bautista
- ipinanganak sa tondo manila noong disyembre 2,1945
- isang bantog na babaeng pilipinong manunulat
- ilan sa mga nobela niya ang Gapo, Dekada 70 at Bata pano ka ginawa ? na
nakapagpanalo sa kanya sa palanca award ng tatlong beses noong 1980,1983 at 1984.
2. Pedro S. Dandan
- ipinanganak sa Baliwag Bulacan noong hunyo 30, 1916.
- nakagawa ng ilang daang akdang pampanitikan kabilang ang maikling
katha ,sanaysay ,tula at nobela.
3. Fidel Rillo Jr.
- ipinanganak noong Hunyo 4 ,1955
- kasalukuyang nagdidisenyo ng magasin st libro
- Tagapayo sa advertising at pamamatnugot .
- Isa sa Board of Directors union ng mga manunulat sa pilipinas .
4.Bienvenido Ramos
- dating ulong patnugot ng magasing liwayway
- nagaaral ng AB Journalism sa FEU.
- may akda ng kwentong pakikipagtunggali na nalathala sa magasing liwayway .
5. Jose F. Lacaba
- ipinanganak sa Cagayan de Oro noong agosto 20 ,1945
- sumabak din sa pagsulat ng skrip sa pelikula . Ilan sa mga ito ay ang jaguar noong
1979 at sister Stella noong 1984.
6 . Jun Cruz Reyes
- Natatanging nuron ng wikang Filipino at kamalayang Bukaleryo ng ating
panahon .
- Isang magaling na guro na binigyan ng parangal bilang pinakamahusay na
assistant professor ng college of art and letters sa UP Diliman .
7. Lamberto E. Antonio
- isinilang noong Nobyembre 9 ,1946 sa Palasinan Cabiao,Nueva Ecija .
- isang pilipinong manunulat ,kabilang sa tatlong tungkong baton panulaang
Filipino,kasama sina Virgilio S. Almario at Rogelio G. Manganas .
8 Patrocinio Villafuerte
- isang guro at manunulat sa Filipino sa kasalukuyan siya Ang tagapangulo ng
departamento ng Filipino sa Philippine National University.
- Guro ng Filipino sa lahat ng antas ,manunulat ng may 145 na aklat na
karamihan ay teksbuk at sangguniang aklat sa Filipino.
9. Fanny A. Garcia
- kauna – unahang nakapagtapos sa programang malikhaing pagsulat sa antas
mastersado at doktorado sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman
- kasalukuyang nagtuturo at namamahalang tagapangulo ng Departamento ng
Filipino sa De la Salle University.
10 .Benjamin Pascual
- - ipinanganak sa lungsod Ng laog , ilocos Norte . Isang kwentista at nobelista
- Maraming nasulat na maikling kwento sa ilokano at dalawang nobela
- Tagapayong legal ng GUMIl ,metro manila

MGA MANUNULAT NG TULA

TULA

 Isang tuwirang pagbabagong hugis sa buhay: na sa ibang pananalita ito ay isang


maguniguning paglalarawan na nakakaluplupan ng kariktan sa pamamagitan ng mga
sukat ng taludtod na tahasang nadarama, dinaramdam, iniisip, o ginagawa ng tao.

1. Alejandro G. Abadilla.

Tinagurian siya bilang “Ama ng Makabagong Panulaang Tagalog” at “Ama ng


Malayang Taludturan”, hindi lamang dahil siya ang masigasig na nagbasa at pumili ng
namumukod na mga akda, kundi dahil sa kaniyang matamang paninindigan laban sa talamak
at makipot na nakabihasnang pamantayan sa pagtula.

Tula:

“Ako ang Daigdig”


• Bagaman nabuhay si Abadilla sa panahon ng tradisyonal na panulaang Balagtas, kung
saan binibigyang-diin ang balangkas at kaanyuan ng akda, ginamit niya ang malayang
taludturan at makabagong mga idyoma at salita.

2. Amado V. Hernandez

- Makata ng mga Manggagawa

• Iginawad ang karangalan na Pambansang Alagad ng Sining noong 1973.

Tula:

Isang Dipang Langit


DULA

- Ito ay nahango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawin or kilos.


- Ito ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas sa tanghalan.

Mga Sangkap ng Dula:

1. Simula
- Tauhan
- Tagpuan
- Sulyap sa Suliranin
2. Gitna
- Saglit na Kasiglahab
- Kasukdulan
- Tunggalian
3. Wakas
- Kakalasan
- Kalutasan

Mga Elements ng Dula:

• Iskrip o Banghay

• Karakter

• Dayalogo

• Tanghalan

• Direktor

• Manonood

• Tema

Mga uri ng Dula:

• Komedya

• Trahedya

• Melodrama o “Soap Opera”

• Parsa

• Parodya
NOBELA

 Ay Isang mahabang kuwentong piksiyob na binubuo Ng iba't-ibang kabanata.


 Mayroon itong 60,000-200,000 na salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo,
naging istilo niti Ang lumang pag-ibig at naging bahagi Ng mga pangunahing
henerong pampanitikan.

NOBELA SA PANAHON NG AMERIKANO

 1900- nasakop Ang Pilipinas hg mga Amerikano. Ang siglong ito ay kinilalang tao
Ng modernismo o Panahon Ng Industriyalismo.
 Nobelang mapaghimagsik nagbibigay diin sa kalayaan reporma pagbabago at diwang
nasyonalismo.
 1946- Hulyo 4, 1946 isinanauli Ng mga Amerikano ang kalayaan Ng mga Pilipino.

NOBELA SA PANAHON NG NGA HAPON (1942-1945)

 Noong panahon ng ikatlong Republika Ng Pilipinas walang pinagbago ang sistema ng


pagsulat ng nobela at naging tradisyunal.
 EL FILIBUSTERISMO at NOLI ME TANGERE

NOBELA SA PANAHON NG KALAYAAN

 Ang Bandido sa Pilipinas ni Graciano Lopez-Jaena noong panahon ng propaganda na


tungkol sa paghihimagsik at pag-aaklas.
 Ang nobelang Pilipino o Nobela sa Pilipinas ang mga nobelang nalimbag sa Pilipinas
na inakdaan ng mga may-akdang Pilipino tungkol sa mga Pilipino at Pilipinas.
Naglalaman ito ng suliranin ng iniwang digmaan ang ekonomiya Ng Bansa
 Ayon sa Wikipedia ang mga millennial ay mga kabataab na ipinanganak mula sa
taong 1980- hanggang 2000. Sa panahong ito naging balakid ng Pilipinas sa kaniyang
pagsasarili ekonomiyang naapektuhan ng digmaan.

SANAYSAY

Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na naglalayong magpahayag ng kaisipan, opinyon, o


mga karanasan sa isang organisadong paraan. Karaniwang may layuning magbigay ng
impormasyon, magpaliwanag, maglahad ng mga saloobin, at mag-aliw sa mambabasa.
Ito ay binubuo ng isang pangunahing paksa, mga pangunahing puntos, at mga detalye o
halimbawa upang suportahan ang mga punto na inilalahad. Ang sanaysay ay isang
komposisyon na nagpapakita ng isang argumento o partikular na pananaw tungkol sa
isang paksa.

Bahagi ng Sanaysay

Ang isang sanaysay ay karaniwang binubuo ng panimula, katawan at konklusyon o wakas.

Panimula o Introduksyon

Ang panimula o introduksyon ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa paksa at


nagsisilbing tulay para sa ibang bahagi ng sanaysay.

Dapat itong maglaman ng isang nagbibigay-diin na panimula, isang maikli na paglalarawan


ng paksa, at isang malinaw na punto na nagpapakita ng pangunahing argumento o layunin ng
sanaysay.

Katawan

Ang katawan ay ang pangunahing bahagi ng sanaysay at binubuo ng ilang mga talata. Dapat
mayroong pokus ang bawat talata sa isang pangunahing ideya at maglaman ng sumusuportang
ebidensya at halimbawa.

Ang katawan ay dapat maglalahad ng argumento o pangunahing punto sa isang lohikal at


naiintindihan na paraan, gamit ang malinaw na wika.

Konklusyon o Wakas

Ang konklusyon o wakas ang nagbubuod ng pangunahing punto na ginawa sa katawan. Dapat
itong magpahayag muli ng punto sa ibang paraan, at maaring maglaman din ng huling ideya.

Uri ng Sanaysay

Pormal

Ang mga pormal na sanaysay na tumatakbo sa mga malalim at mahalagang paksa ay


kadalasang nangangailangan ng malawak na pag-aaral at pag-unawa sa paksa.
Ang layunin ng manunulat ay hikayatin ang mga mambabasa na mag-isip nang kritikal,
bumuo ng kanilang sariling opinyon at makarating sa mga napag-aralang desisyon na
maaaring gawin.

Kailangan ng manunulat na ipakita ang impormasyon sa isang malinaw at maikli na paraan,


na nangangailangan ng pagbabago sa maraming pinagmulan at pananaw upang magbigay ng
komprehensibong pagtingin sa paksa.

Ang layunin ay pagpapadali sa pag-unawa ng mambabasa sa paksa, hikayatin sila na pag-


isipan ang kanilang sariling pananaw at makarating sa mga napag-aralang konklusyon. Ang
layunin ng manunulat ay pagpapadulas sa mambabasa, hamunin ang kanilang mga pananaw,
at pagpapadali sa mas malalim na pag-iisip tungkol sa paksa.

Di-Pormal

Ang mga hindi pormal na sanaysay ay kadalasang nakatuon sa mga personal, araw-araw na
paksa na mas madaling pag-usapan. Ang mga sanaysay na ito ay nagbibigay ng pagkakataon
sa manunulat na ipahayag ang kanilang natatanging pananaw, ibahagi ang kanilang mga
karanasan at ipakita ang mga aspeto ng kanilang pagkatao.

Sa pamamagitan ng ganitong uri ng pag-uulat, ang layunin ng manunulat ay makapag-


ugnayan sa mambabasa at itatag ang pakiramdam ng pagkakakilala sa kanilang mambabasa.
Ang pokus ng mga sanaysay na ito ay sa pagbabahagi ng personal na karanasan at pananaw
ng manunulat.

Sa pamamagitan nito, ang layunin ng manunulat ay lumikha ng pakiramdam ng pagkakakilala


sa mambabasa at magbigay ng ideya sa kanilang pagkatao, pag-iisip, at karanasan.

Naratibong Sanaysay

Ang naratibong sanaysay ay isang uri ng sanaysay na naglalaman ng mga kuwento o salaysay
tungkol sa mga personal na karanasan ng manunulat. Karaniwan, ang naratibong sanaysay ay
nagsisimula sa pagpapakilala ng paksa at ng mga tauhan sa kwento, at sinusundan ng
paglalahad ng mga pangyayari at karanasan sa isang kronolohikal na paraan.

Naglalaman ito ng mga detalye at karanasan ng manunulat, at maaaring maglaman ng mga


damdamin, mga repleksyon, at mga aral na natutunan mula sa karanasan. Sa iba’t ibang anyo
ng sanaysay, ang naratibong sanaysay ay naglalayong magpakalat ng personal na karanasan at
magbigay ng pag-unawa sa mga mambabasa.

Ito ay isang paraan upang magpakita ng kaugnayan sa iba’t ibang tao, magbigay ng leksyon o
mensahe, at magpakalat ng kaisipan at pag-unawa. Ang naratibong sanaysay ay nagbibigay
ng pagkakataon sa manunulat na magpakita ng kanyang mga karanasan sa buhay at
magpakalat ng inspirasyon at kaalaman sa iba.

Deskriptibong Sanaysay

Ang deskriptibong sanaysay ay isang uri ng sanaysay na naglalayong maglarawan o


magbigay ng paglalarawan tungkol sa isang tao, lugar, bagay, karanasan, o sitwasyon. Sa
isang deskriptibong sanaysay, ang manunulat ay naglalarawan ng mga detalye sa
pamamagitan ng mga imahen, sensasyon, at mga pang-akit na detalye upang makatulong sa
mga mambabasa na maunawaan o maipakita ang isang paksa.

Ang deskriptibong sanaysay ay maaaring maglaman ng paglalarawan sa pisikal na aspeto ng


isang tao, lugar, o bagay, tulad ng kulay, hugis, sukat, at iba pa. Maaari rin itong maglaman
ng paglalarawan sa mga sensasyon tulad ng amoy, lasa, o pandinig, o sa mga emosyonal na
reaksiyon tulad ng takot, kasiyahan, at kalungkutan.

Sa pamamagitan ng deskriptibong sanaysay, ang manunulat ay naglalayong magbigay ng


masusing paglalarawan sa mga detalye ng isang paksa. Ito ay nagbibigay ng malinaw at
masining na pag-unawa sa mga mambabasa, at nagbibigay din ng inspirasyon sa kanila na
maunawaan at maappreciate ang mga bagay, lugar, karanasan, o sitwasyon na inilalarawan sa
sanaysay.

Argumentatibong Sanaysay

Ang argumentatibong sanaysay ay isang uri ng sanaysay na naglalayong magpahayag ng


opinyon o pananaw ng manunulat tungkol sa isang tiyak na paksa, kasama ang mga dahilan at
mga datos na nagpapalakas ng kanyang posisyon. Sa isang argumentatibong sanaysay, ang
manunulat ay nagbibigay ng isang argumento o pagpapaliwanag upang mapatunayan ang
kanyang punto de vista sa paksa.

Ang mga bahagi ng isang argumentatibong sanaysay ay karaniwang nagsisimula sa


pagpapakilala ng paksa at ng posisyon ng manunulat tungkol sa paksa. Sumusunod dito ang
pagpapakita ng mga datos, mga halimbawa, at mga impormasyon upang maipakita ang
pagiging makatwiran at mapanuri ng posisyon ng manunulat. Sa huli, nagbibigay ang
manunulat ng isang konklusyon na nagbibigay ng kasiguruhan sa kanyang posisyon sa paksa.

Ang argumentatibong sanaysay ay isang paraan upang magbigay ng impormasyon at kaisipan


upang makapag-ambag sa mga usaping panlipunan at magpatibay ng pananaw ng mga
mambabasa sa isang paksa. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng malakas at maaaring
suportadong argumento, ang manunulat ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa na
tanggapin ang kanyang pananaw sa isang paksa.
Malikhaing Sanaysay

Ang malikhaing sanaysay ay isang uri ng sanaysay na naglalaman ng mga personal na


karanasan, imahinasyon, o kaisipan ng manunulat. Ito ay naglalayong magpakalat ng
kreatibong kaisipan at paglikha ng mga salita, pangungusap, at mga kwento na nanggaling sa
imahinasyon o karanasan ng manunulat.

Sa isang malikhaing sanaysay, ang manunulat ay naglalayong magpakita ng kanyang mga


ideya sa pamamagitan ng paglikha ng isang masining at kakaibang paraan ng pagsulat.
Naglalaman ito ng mga personal na karanasan, pangarap, at mga imahinasyon na nais ibahagi
ng manunulat sa kanyang mga mambabasa.

Maaaring maglaman ang malikhaing sanaysay ng mga makabagong ideya, mga pagsusuri, o
repleksyon ng manunulat tungkol sa mga paksa tulad ng musika, sining, kultura, o personal na
mga karanasan at mga pang-araw-araw na karanasan. Ang malikhaing sanaysay ay
naglalayong magbigay ng kasiyahan, inspirasyon, at pagkakataon sa manunulat na magpakita
ng kanyang malikhain at kakaibang perspektiba tungkol sa isang paksa.

 Batas Militar 1972 – 1986


- 1972 idiniklara ang Batas Militar sa Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand
Marcos.
- Paksa ang paghingi ng pagbabago sa pamahalaan at lipunan.
- Pagsisimula ng programang Bagong Lipunan noong Setyembre 21, 1972.
- Pinahinto ang mga pampahayagan at maging samahang pampaaralan.
- Pagpapatatag ng “Ministri ng Kabatirang Pangmadla” (sumubaybay sa mga
pahayagan, aklat at mga iba pang babasahing panlipunan).

 Kasalukuyang Panahon
- Isa pang makulay na kabanata ng panitikang Pilipino.
- Namumulat ang mamayang Pilipino sa kahalagahan ng pambansang wika.
- Marami na ang sumusubok na sumulat gamit ang kanilang sariling bernakyular.
- Mas mayaman ang pinagkukunan ng paksang isusulat.
- Malaki ang impluwensiya ng teknolohiya at agham.
- Malayo na rin ang naaabot ng media.
- Kahit sa mga telebisyon nagbabago na rin ang wikang ginagamit.
- Hindi lamang pamapanitikan ang uri ng salitang ginagamit ngunit mapapansin na
may mga akda na gumagamit na rin ng pabalbal, kolokyal at lalawiganin.
Reporters:

Godio, Jeanelle Ivy Y.

Nerza, Salvacion Magdalena C.

Patente, Shernel D.

Pedere, Friderex P.

Reataza, Ginalyn M.

Sablawon, Kathe P.

Udtohan, Julie Ann Z.

You might also like