EsP9 Lesson Plan For Module 9 Quarter 3

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

SAN ROQUE NATIONAL HIGH SCHOOL

BANGHAY-ARALIN
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
S.Y. 2021-2022
Pangalan ng Guro: VANESSA O. LANOT
Petsa at Oras ng Pagtuturo: Pebrero 22, 2022 DLDM: Blended Distance Learning
10:00-11:00 ng umaga (Digital/ Printed Modular/Online Distance
Baitang at Pangkat: 9 – Rizal Learning)
Mga Layunin:
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa konsepto ng katarungang panlipunan.
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Natutugunan ng mag-aaral ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga
Pagganap angkop na pagkakataon
C. Mga Kasanayang Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay sa kapwa ang
Pampagkatuto nararapat sa kanya. (EsP9KP-IIId-9.3)
Natutugunan ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga angkop na
pagkakataon. (EsP9KP-IIId-9.4)
Nilalaman: Katarungang Panlipunan
Mga Sanggunian: SDO Navotas EsP9 Q3 Lumped Module pahina 4-13
Mga Kagamitan sa Powerpoint presentation, ADM Division of Navotas, computer, internet
Pagtuturo:
Pamamaraan: 1. Panalangin
A. Panggayak 2. Attendance Checking: Sa pamamagitan ng emoji ay ipahayag ang nararamdaman.
3. Netiquette
4. Balik- Aral
Tukuyin kung ang mga sumusunod na litrato kung ito ay nagpapakita ng
katarungan o hindi, ipaliwanag:

B. Pagtuklas Video Analysis


Panuto: Malaki ang papel ng batas, pamahalaan, pulis, at malalim na ugnayan ng tao
sa loob ng komunidad sa pag-iral ng katarungang lipunan. Isang paglabag dito na
madalas na nangyayari lalo na sa mga kabataan ay ang “bullying.” Panoorin ang video
at sagutan ang mga gabay na tanong.
https://www.youtube.com/watch?v=7SGMI7P5F2o
Gabay na tanong:
1. Ano ang papel ng bawat sektor sa pag-iral ng katarungang panlipunan base sa
napanood na video?
a. Batas
b. Pamahalaan
c. Pulis
d. Malalim na ugnayan ng tao sa loob ng komunidad
2. Sino ang may pangunahing katungkulan upang umiral ang katarungan sa
isang tao? Bakit?
C. Pagpapalalim Video Lesson:
Pagpapakita ng video lesson na tinatalakay ang mga sumusunod:
➢ Pagkilala sa Dignidad ng Tao
➢ Makatarungang Tao
Gabay na tanong:
1. Paano makipapakita na may pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay
sa kapwa ang nararapat sa kanya?
2. Magbigay ng ilang paraan upang matugunan ang pangangailangan ng kapwa
o pamayanan sa mga angkop na pagkakataon.
D. Pagsasabuhay Situational Analysis Group Presentation
Panuto: Ang mga mag-aaral ay ginrupo at binigyan ng sitwasyon kung saan ay
gagawa sila ng pagsasaliksik o pakikipanayam sa mga taong nakaranas nito. Ito ay
iuulat nila sa klase kasabay ng pagsagot sa mga gabay na tanong.

Inihanda ni: BB. VANESSA O. LANOT Pahina 1 ng 4 DLP sa EsP 9 (SY 2020-2022)
1. Isang kabataang lumabag sa batas na nailagak sa isang institusyon at
nakalaya matapos ang matagal na panahon. (Leader: Mikaella Morales)
2. Isang mag-aaral na anak ng isang bilanggo. (Leader: Karlene Camacho)
3. Isang kabataan na may kapansanan o kaya naman ay may kondisyong
espesyal (children with special needs). (Leader: Angelyn Andan)
4. Isang mahirap na mag-aaral na pumapasok ng walang baon. (Leader: Lance
Datol)
5. Isang kabataang biktima ng sekswal na pag-abuso. (Leader: Rhadz Cyrill Cruz)

E. Batayang Graphic Organizer:


Konsepto Panuto: Susubukin ng mga mag-aaral na ipaliwanag ang graphic organizer base sa
kanilang natutunan mula sa katarungang panlipunan.

F. Pagtataya Gamit ang Microsoft form link ay sasagutin ng mga mag-aaral ang pagtataya upang
masukat ang kanilang pagkatuto mula sa aralin.
1. Alin sa mga sumusunod ang PINAKAMALALIM na dahilan bakit kailangan ng mga
batas sa isang lipunan?
A. Upang parusahan ang mga nagkakamali.
B. Upang matakot ang mga tao at magtino sila.
C. Upang magabayan ang mga tao sa tamang pagkilos upang magkaroon ng
kabutihang panlahat.
D. Upang masiguro na walang krimen sa lipunan.
2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI makatarungan?
A. Ang pagbibigay ng hindi mataas na grado dahil hindi nakapagpasa ng mga
awtput.
B. Ang pagpatay sa mga nanlabang kargador ng droga habang sila ay hinuhuli.
C. Pagbibigay ng tulong sa mga namamalimos sa kalye dahil sila ay nasunugan.
D. Pagkuha ng pagkain sa canteen nang hindi nagbabayad dahil walang
baon.
3. Sino sa mga sumusunod na pinuno ang HINDI nagiging makatarungan sa bawat
sitwasyon?

Inihanda ni: BB. VANESSA O. LANOT Pahina 2 ng 4 DLP sa EsP 9 (SY 2020-2022)
A. Ang mayor na tumanggap ng regalo mula sa mamamayang nagpapasalamat
dahil sa buting nagawa niya para sa mga ito.
B. Pinalaya ng pangulo ang isang senador sapagkat hindi matibay ang ebidensyang
nagsasabing isa siyang korap.
C. Pinayagan ng gobernador na lumipad patungong ibang bansa ang
kaibigang pinagbibintangan sa kasong pagpatay kapalit ng malaking
halaga.
D. Ipinasunog ng pangulo ang mga nakumpiskang ilegal na kalakal mula sa ibang
bansa na naipuslit sa Pilipinas.
4. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng PINAKAMATINDING kawalan ng
katarungan sa sarili?
A. Nakakalimutan palagi ni Grace ang pag-inom ng bitamina.
B. Lumagpas sa tamang timbang si Faith dahil sa kanyang hilig sa pagkain ng
matamis.
C. Madalas magpalagay ng tattoo si Dan sa kaniyang katawan bilang simbolismo
ng sining.
D. Tinangka ni Marco na kitilin ang buhay sa pamamagitan ng paglaslas ng
pulso at pag-inom ng iba’t ibang klase ng gamot.
5. Nakita mong nagpapalitan ng sagot sa pagsusulit ang iyong mga kamag-aral. Hindi
ito napansin ng iyong guro. Ano ang PINAKANARARAPAT mong gawin?
A. Isuplong ang nasaksihang pangyayari sa iyong guro.
B. Pagsabihan ang mga kamag-aral na huwag ng ulitin muli ang ginawa.
C. Sitahin ang mga kamag-aral at sabihing nakita mo ang kanilang ginawa.
D. Hayaan na lamang sapagkat mas mataas naman ang nakuha mong marka kesa
sa kanila.

PANUTO: Gumawa ng pagtatasa kung anong mga palatandaan ng pagiging


makatarungang tao ang taglay mo sa iyong sarili sa kasalukuyan. Lagyan ng tsek
(✓) ang ”Ako Ito” na hanay kung tinataglay mo ang pahayag o ang “Hindi Ako Ito” na
hanay kapag hindi mo taglay ang pahayag.

G. Takda

Mga Tanong:
1. Ano ang naramdaman at napagtanto sa kinalabasan ng iyong pagtatasa?
Ipaliwanag.
2. Maituturing mo ba ang sarili mo na makatarungang tao? Bakit?
Replekyon ng Guro:

Mga Puna ng
Nagmasid:

Inihanda ni:

VANESSA O. LANOT
Master Teacher I
Pebrero 22, 2022

Inihanda ni: BB. VANESSA O. LANOT Pahina 3 ng 4 DLP sa EsP 9 (SY 2020-2022)
Sinuri ni:

GLENILDA C. IDIAN
Head Teacher III, EsP

JOJI R. FERNANDO
Principal IV

ELOISA S. SANCHEZ
PSDS / OIC – EPS, EsP

LORENA MUTAS
PSDS

Inihanda ni: BB. VANESSA O. LANOT Pahina 4 ng 4 DLP sa EsP 9 (SY 2020-2022)

You might also like