DETAILED LP SA EPP IV (Agriculture)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

edukasyong pantahanan at pangkabuhayan iv

Aralin 1 Pakikinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental

I – Layunin
 Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental para sa pamilya
at sa pamayanan

II – Paksang Aralin
Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental para sa Pamilya at sa Pamayanan
Sanggunian: K-12 EPP4AG-Oa2 (1.2)
Kagamitan:tambiolo (kahon na may binilot na papel na may nakasulat
ng mga paksa)

III- Pamamaraan
A. PAGGANYAK (WORD RELAY )
Ihanda ang mga salita gaya ng pagkakakitaan, nagpapaganda ng kapaligiran,
nagbibigay ng lilim at sariwang hangin, at sumusugpo ng polusyon. Isulat ang bawat
isang salita sa papel na ilalagay sa tambiolo. Tumawag ng bata at pabunutin sa
tambiolo. Bibigyan ng kasagutan ng mga mag-aaral ang nabunot na paksa. Maaring
hindi lahat ng bata ay makapagbibigay ng wastong sagot ngunit maari itong
tanggapin.
B. PAGLALAHAD
Ipabalik ang mga binilot na papel sa tambiolo. Pang0katin ang mga mag-aaral
at pabubunutin sa tambiolo ang lider. Bigyan ng 15 minuto ang bawat pangkat upang
mapag-usapan ang paksa at ipabahagi ito sa buong klase.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Ipaliwanag ang mga kapakinabangan na makukuha sa pag- tatanim ng mga
halamang ornamental ayon sa ibinahagi ng mga mag-aaral.

D. PAGSASANIB
Pagiging responsable (Responsible). Ang mga halaman ay bahagi ng ating
kalikasang kaloob ng Maykapal. Dapat natin itong alagaan, pahalagahan, at
pagyamanin.

E. PAGLALAHAT
Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay isang kawili-wili at
nakalilibang na gawain.
Maraming kapakinabangan ang nakukuha rito na makakatulong sa pamilya at
pamayanan.
IV. PAGTATAYA:
Ipasagot kung Tama o Mali ang sumusunod na tanong:
1. Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay nakatutulong sa
pagbibigay ng malinis na hangin.
2. Ang mga halamang ornamental ay walang naidudulot na mabuti sa
pamilya at ibang tao sa pamayanan.
3. Maaaring ipagbili ang mga itatanim na halamang ornamental.
4. Nakapagbibigay kasiyahan sa pamilya at pamayanan ang
pagtatanim ng mga halamang ornamental.

V TAKDANG GAWAIN:
Pagawain ang mga bata ng album ayon sa kapakinabangan na makukuha ng
pamilya at pamayanan sa pagtatanim ng mga halamang ornamental.

You might also like