0% found this document useful (0 votes)
60 views3 pages

Handout 2

Ang parabula ay tungkol sa tatlong alipin na tinawag ng kanilang panginoon upang pamahalaan ang kanyang ari-arian bago umalis. Ang unang dalawang alipin ay nagpundar ng salaping ipinagkatiwala sa kanila ngunit ang ikatlo ay itinago lamang ito. Nang bumalik ang panginoon, pinuri niya ang unang dalawang alipin dahil sa katapatan at kabutihan nila ngunit pinarurusahan niya ang ikatlong alipin dahil sa katamaran at kawalan ng katapatan.

Uploaded by

2002919
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
Download as docx, pdf, or txt
0% found this document useful (0 votes)
60 views3 pages

Handout 2

Ang parabula ay tungkol sa tatlong alipin na tinawag ng kanilang panginoon upang pamahalaan ang kanyang ari-arian bago umalis. Ang unang dalawang alipin ay nagpundar ng salaping ipinagkatiwala sa kanila ngunit ang ikatlo ay itinago lamang ito. Nang bumalik ang panginoon, pinuri niya ang unang dalawang alipin dahil sa katapatan at kabutihan nila ngunit pinarurusahan niya ang ikatlong alipin dahil sa katamaran at kawalan ng katapatan.

Uploaded by

2002919
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1/ 3

Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin

(Mateo 25:14-30)
May isang taong maglalakbay kaya tinawag niya ang tatlo niyang alipin upang
pamahalaan ng kanyang ari-arian. Binigyan niya ng pera ang bawat isa ayon sa
kanilang kakayahan.Ang unang alagad ay binigyan niya ng limanlibong salaping
ginto, dalawang libong salaping ginto naman sa ikalawang alipin, at isang libong
salaping ginto sa ikatlo.

Pagkatapos nito ay umalis na ang kanilang panginoon. Agad na kumilos ang


binigyan ng limanlibong salaping ginto at ipinangalakal ang salapi. Siya ay kumita
ng limanlibong salaping ginto. Gayundin ang ginawa ng ikalawang alipin kaya
tumubo din ang kanyang salapi ng dalawang libong salaping ginto. Samantala, ang
tumanggap ng isang libong salaping ginto ay humukay sa lupa at itinago ang
salaping ginto ng kanyang panginoon.Pagkaraan ng mahabang panahon ay
nagbalik na ang kanilang panginoon at pinag-ulat ang bawat isa.

Lumapit ang unang alipin at sinabing, “Panginoon, tumubo po ng limang libo ang
salaping ipinagkatiwa ninyo sa akin.” Natuwa ang panginoon at sinabi sa alipin,
“Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya’t
pamamahalain kita sa malaking halaga.Samahan mo ako sa aking kagalakan!”

Sunod na lumapit ang ikalawang alipin at sinabi sa kanyang panginoon,


“Panginoon, ito po ang iniwan ninyo sa aking dalawang libong salaping ginto. Heto
naman po ang dalawang libong salaping ginto na tinubo nito.” Sumagot ang
panginoon at sinabing, “Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Naging tapat ka sa
kaunting halaga, kaya’t pamamahalain kita sa malaking halaga.Samahan mo ako
sa aking kagalakan!

”Huling lumapit ang ikatlong alagad na tumanggap ng isang libong ginto at


sinabing, “Alam ko pong kayo’y mahigpit at pinipitas ninyo ang bunga ng hindi
ninyo itinanim at inaani ninyo ang hindi ninyo inihasik. Natakot po ako, kaya’t
ibinaon ko sa lupa ang inyong salaping ginto. Heto na po ang inyong salapi.”

Nagalit sa kanya ang kanilang panginoon at sinabing, “Masama at tamad na


lingkod! Alam mo palang pinipitas ko ang bunga ng hindi ko itinanim at inaani ko
ang hindi ko inihasik, bakit hindi mo na lamang inilagay sa bangko ang aking
salapi! Kahit paano’y may tinubo sana ito! Kunin ninyo sa kanya ang isanlibong
salaping ginto at ibigay sa may sampung libong salaping ginto. Sapagkat ang
mayroon ay bibigyan pa, at magkakaroon ng sagana; ngunit ang wala, pati ang
kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang
walang silbing taong iyan! Doo’y mananangis siya at magngangalit ang kanyang
mga ngipin.”
Pangalan:_________________________ Petsa:_____________________________
Baitang at Seksiyon: _______________ Puntos:____________________________

PANUTO: Batay sa nabasang parabula, magtala ng mga kaganapang nagpapakita ng


katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal ng isang tao. Gayahin ang pormat sa
sagutang papel.

Kabutihan Kagandahang-asal Katotohanan

You might also like