MTB Mle2q2f

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 40

IKALAWANG MARKAHAN

MTB-MLE G2
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas
sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang kanilang
karapatang-aring. Ang anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang
maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot ng Kagawaran.

Ang modyul na ito ay masusing sinuri at niribisa ayon sa


pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum
and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat
bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na
isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa
karapatang pampagkatuto.
Mga Tagasuri

PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2


PIVOT 4A Learner’s Material
Ikalawang Markahan
Unang Edisyon, 2020

MTB-MLE
Ikalawang Baitang
Job S. Zape, Jr.
PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead
Joyce Sweetheart Dela Cruz
Content Creator & Writer
Jaypee E. Lopo
Internal Reviewer & Editor

Fe M. Ong-ongowan & Hiyasmin D. Capelo


Layout Artist & Illustrator
Alvin G. Alejandro & Melanie Mae N. Moreno
Graphic Artist & Cover Designer

Ephraim L. Gibas
IT & Logistics
Earvin Pelagio, Komisyon sa Wikang Filipino
External Reviewer & Language Editor

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON


Patnugot: Wilfredo E. Cabral
Pangalawang Patnugot: Ruth L. Fuentes

PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2


Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material

Para sa Tagapagpadaloy

Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga


mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang
MTB-MLE. Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinigurong naaayon sa
mga ibinigay na layunin.

Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa


paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa
pagpapakita ng kakayahang may tiwala sa sarili na kanilang magiging
gabay sa mga sumusunod na aralin.

Salamat sa iyo!

Para sa Mag-aaral

Ang modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anomang marka o sulat ang anomang bahagi nito. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain sa pagkatuto.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.
3. Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Punan ang PIVOT Assessment Card for Learners sa pahina 38 sa
pamamagitan ng akmang simbolo sa iyong Lebel ng Performans
pagkatapos ng bawat gawain.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung
tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang magsagot ng mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o
tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong magulang o
taga pag-alaga, o sinomang mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas


ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na
pang-unawa. Kaya mo ito!
PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2
Mga Bahagi ng PIVOT 4A Modyul
K to 12 Learning
Nilalaman
Delivery Process
Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na
(Introduction)

Alamin resulta ng pagkatuto para sa araw o linggo, layunin ng


Panimula

aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na


halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling
Suriin kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang
kailangan para sa aralin.
Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga aktibidad,
Subukin gawain at nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa
Pagpapaunlad
(Development)

mag-aaral. Ang karamihan sa mga gawain ay umiinog


sa mga konseptong magpapaunlad at magpapahusay
Tuklasin
ng mga kasanayan sa MELC. Layunin nito na makita o
matukoy ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya
Pagyamanin alam at ano pa ang gusto niyang malaman at
matutuhan.
Ang bahaging ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa
mag-aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at
Isagawa oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga Knowledge
Pakikipagpalihan

Skills at Attitudes (KSA) upang makahulugang mapag-


(Engagement)

ugnay-ugnay ang kaniyang mga natutuhan


pagkatapos ng mga gawain sa Pagpapaunlad o D.
Inilalantad ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong
sitwasyon/gawain sa buhay na magpapasidhi ng
Linangin
kaniyang interes upang matugunan ang inaasahan,
gawing kasiya-siya ang kaniyang pagganap o lumikha
ng isang produkto o gawain upang ganap niyang
Iangkop maunawaan ang mga kasanayan at konsepto.
Ang bahaging ito ay maghahatid sa mag-aaral sa
proseso ng pagpapakita ng mga ideya, interpretasyon,
Isaisip pananaw, o pagpapahalaga upang makalikha ng mga
(Assimilation)

piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng


Paglalapat

kaniyang kaalaman sa pagbibigay ng epektibong


repleksiyon, pag-uugnay o paggamit sa alinmang
sitwasyon o konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang
Tayahin mag-aaral na lumikha ng mga estrukturang konseptuwal
na magbibigay sa kaniya ng pagkakataong pagsama-
samahin ang mga bago at dati ng natutuhan.
Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at gabay
sa pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies (MELCs). Ang higit na
pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan sa
tulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ng
Worktext at Textbook na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng
Kagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid ng
kaalaman tulad ng Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI.

PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2


Pagsulat ng Talata Gamit ang mga
WEEKS Panghalip Pamatlig
1-2 Aralin

I
Nilalayon ng aralin na ito na mahubog ang kakayahan mo sa
pagsulat ng talata gamit ang paksa at ang mga Panghalip Panao sa
Unang Panauhan. Hangad rin nito na magamit mo sa pangungusap
ang mga panghalip pamatlig.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang nakasusulat ng
talata gamit ang mga panghalip.
Ang ito, iyan at iyon ay mga salitang ginagamit na pamalit o
panghalili sa mga bagay na itinuturo. Tinatawag ang mga ito na
Panghalip Pamatlig. Ang ito ay ginagamit kapag ang bagay ay
malapit sa nagsasalita. Ang iyan ay ginagamit kung malapit sa
kinakausap. Ang iyon naman ay ginagamit kung malayo sa
nagsasalita o kinakausap.
Ang panghalip panao sa unang panauhan ay tumutukoy sa
taong nagsasalita o kasama ang kaniyang sarili. Halimbawa:
1. Ako ay mamimili sa bayan.
2. Tayo nang magbasa ng aralin.
3. Kami ay magsisimba sa Linggo.
Ang mga pangahalip na nabanggit sa mga bahagi ng araling
ito ay magagamit mo sa pagsulat ng isang talata. Ang talata ay
binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay.
Ginagamit ang panghalip upang hindi maging paulit-ulit ang
pagbanggit ng pangngalan o ngalan ng tao, bagay, lugar o hayop.
Tingnan ang halibawa sa ibaba.
Ako si Jose. Kapatid ko sina Jennie, Jessa at Joshua. Sina
Jennie, Jessa at Joshua ay mababait at mapagmahal. Minamahal
sina Jennie, Jessa, Joshua at ako, si Jose, ng aming mga magulang.

PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2 6


Nabasa mo na paulit-ulit ang mga pangalang Jennie, Jessa, at
Joshua. Upang maiwasan ito, gumagamit ng panghalili o pamalit.
Ang talata ay magiging: Ako si Jose. Kapatid ko sina Jennie,
Jessa at Joshua. Sila ay mababait at mapagmahal. Minamahal kami
ng aming mga magulang.

D
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1. Lagyan ng tsek (✓) ang pangungusap
na gumagamit ng tamang panghalip pamatlig. Lagyan naman ng
ekis (X) kung mali ang ginamit. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
_____ 1. Ako ay pupunta sa Quezon.
_____ 2. Ito ang modyul ko.
_____ 3. Iyan pala ang magara ninyong kotse.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Piliin ang panghalip pamatlig na
angkop sa pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. (Iyan, Ako) ba ang bago mong bag?
2. (Kanila, Iyon) ang bago naming bahay.
3. (Ito, Akin) ang payong ko.
4. (Iyan, Akin) ba ang sombrero mo?
5. (Ito, Doon) ay lapis.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Piliin sa loob ng panaklong ang
tamang panghalip pamatlig. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Akin ang dilaw na sombrero. (Ito, Iyan, Iyon) ang isusuot ko sa
pamamasyal.
2. Ang damit na (ito, iyan, iyon) na hawak mo ay akin.
3. Nakabilad sa labas ang sapatos mo. Kunin mo na (ito, iyan, iyon)
dahil umuulan.
4. Ang modyul na hawak mo ay galing sa paaralan. (Ito, Iyan, Iyon)
ay bago.
5. (Ito, Iyan, Iyon) ang lapis na hawak ko. Ito ay bigay sa akin ni lola.
7 PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2
E
Gawain sa Pagkatuto Bíang 4: Basahin nang malakas ang maikling
diyalogo. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.
Lilibeth: Alfred, Toto at Gary, kayo ba ay mabait at masunurin sa
inyong mga magulang?
Alfred: Ako po ay nakikinig at sumusunod sa pinag-uutos ng aking
nanat at nanay. Kayo, Toto at Gary, ganoon din ba kayo?
Toto: Oo naman. Tayong mga anak ay dapat lumaking masunurin sa
magulang.
Gary: Tama! Matuto rin tayong maging magalang sa kanila.

1. Sino-sino ang nag-uusap sa diyalogo?


2. Ano-anong panghalip panao ang ginamit sa diyalogo?
3. Ano-anong mga panghalip panao sa unang panauhan ang
makikita sa diyalogo?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Punan ng angkop na panghalip na


pamatlig ayon sa larawang nakikita. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

1. ____ ang aming paaralan. Doon kami pumapasok.

2. ____ ang tanim ng aking tatay. Malapit nang


umusbong.

3. ____ ang bag ng kapatid ko.

PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2 8


4. ____ ang bag ko.

5. _____ si John. Siya ang matalik kong kaibigan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Punan ng angkop na panghalip na


pamatlig at panao ang mga patlang sa talata. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.

Ako si Mel, isang batang nasa Ikalawang Baitang. 1. _____ ay


masipag mag-aaral. 2. _____ ang aking modyul. Hawak ko ito at
binabasa. 3. _____ naman na nasa dako roon ang gamit ng aking
kapatid na si Mila.
4. _____ ay parehong nag-aaral sa maghapon. Tinatapos namin
ang mga gawain bago maglaro. Nag-aaral ka rin ba? Halika, 5. _____
na at mag-aral.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Isaayos ang mga pangungusap upang
makabuo ng talata. Lagyan ng bilang 1 hanggang 5. Isulat ang mga
panghalip. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. Ako ay may tatlong kaibigan.


2. Kami ay laging nagtutulungan.
3. Kami rin ay nagmamahalan.
4. Mababait sila at mapagkakatiwalaan.
5. Sila ay sina Kaye, Myrna at Elisa.

9 PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2


Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Sumulat ng isa hanggang dalawang
talata tungkol sa paksang iyong napili. Salungguhitan ang mga
panghalip na iyong ginamit. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

_______________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

A
Natutuhan mo sa aralin na ito na:
Gagamitin mo ang panghalip na _ t _ kapag ang bagay ay
malapit sa nagsasalita.

Angkop naman ang panghalip na _ y _ _ kung malapit sa


kinakausap.

Pipiliin mo naman ang panghalip na _ _ o _ kung malayo sa


nagsasalita o kinakausap.

PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2 10


Paggamit ng Iba pang mga Uri
ng Panghalip Pamatlig WEEK
Aralin
3

I
Nakagawa ka ba ng pangungusap gamit ang mga natutuhang
pangahalip? Mas madaragdagan pa ang iyong kaalaman sa
paksang ito upang magamit sa araw-araw.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makabubuo ng
mga pangungusap at talata gamit ang iba pang panghalip
pamatlig.
Ang mga salitang dito, diyan at doon ay mga halimbawa rin ng
panghalip pamatlig. Ginagamit ang dito kung ang itinuturo ay sa
kinatatayuan ng nagsasalita at kausap. Ginagamit ang diyan kung
ang itinuturo ay hindi gaanong malayo sa nagsasalita. Ginagamit
naman ang doon kung ang itinuturo ay malayo sa nag-uusap.

Dito ako nakatira. Diyan ako nag-aaral. Doon sa dulo ang daan.

Ang panghalip na paari ay nagpapakita ng pag-aari. Tulad ng


panghalip na panao, ang panghalip na paari ay ipinapalit sa
pangngalan ng taong nagsasalita, kinakausap at pinag-uusapan.
Ang panghalip na paari ay maaaring isahan o maramihan.
Mga halimbawa:
Isahan Maramihan
akin atin/amin
iyo inyo
kaniya kanila

11 PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2


D
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1. Lagyan ng tsek (✓) ang pangungusap
na gumagamit ng tamang panghalip pamatlig. Lagyan naman ng
ekis (X) kung mali ang ginamit. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
___ 1. Matatagpuan mo doon sa malayo ang iyong hinahanap.
___ 2. Akin sa tabi mo siya tatayo.
___ 3. Diyan sa tabi ko lamang iniwan ang halaman.
___ 4. Dalhin mo dito ang aking bag.
___ 5. May itatanim ako malapit doon.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2. Lagyan ng tsek (✓) ang pangungusap


na gumagamit ng tamang panghalip na paari. Lagyan naman ng
ekis (X) kung mali ang ginamit. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
___ 1. Akin ang damit na ito.
___ 2. Sa amin ang mga halamang ito.
___ 3. Sa iyo ba ang drawing na ito?
___ 4. Sa kaniya ang krayolang ito.
___ 5. Malaki ang ating bahay. Ito ang sabi ni Kara sa kalaro.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Piliin sa loob ng panaklong ang


panghalip pamatlig na angkop sa diwa ng pangungusap. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.

1. Pupunta (ito, dito, ganito) sa bahay natin si Maria.


2. Ang pagkain ay (ganoon, doon, iyon) bibilhin.
3. (Dito, Diyan, Doon) mo ilagay sa tabi ko ang aking salamin.
4. Nakikita mo ba iyong isla na hugis tatsulok? (Dito, Diyan, Doon)
tayo pupunta.
5. Halika (dito, diyan, doon) sa tabi ko. Lambing ng nanay sa
kaniyang anak.
PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2 12
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Piliin ang tamang panghalip paari sa
bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Sa (ako, akin) ang damit sa kabinet.
2. Tungkol sa (amin, niya) ang kuwentong isinulat ni tatay.
3. Sa (kaniya, akin) ko ibinigay ang bagong pantasa.
4. (Atin, Amin) lahat ang mga pagkain sa mesa. Ito ang sinabi ng
tatay ni Melly sa kanila.
5. Sa (inyo, akin) ba ang malaking bahay sa plaza?

E
Gawain sa Pagkatuto Bílang 5: Punan ng angkop na panghalip
pamatlig ang pangungusap ayon sa ipinakikita ng nasa larawan.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. ________ mo itapon ang basura.

2. Gusto kong pumunta ______ sa bundok.

3. _____ mo ilapag sa mesa ang pagkain.

4. ______ namin itinatapon ang aming basura.

5. Maraming malalaking puno ________ sa parke.

13 PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2


Gawain sa Pagkatuto Bílang 6: Punan ang patlang ng panghalip
paaring bubuo ng diwa ng pangungusap.
1. Lenny at Jill, sa _________ ba ang payong na nasa labas ng bahay?
2. Maganda ba ang relo ko? Bigay ito sa _____ ng aking lola.
3. Kay Clara ang pulang sapatos. ______ din ang puting medyas sa
tabi nito.
4. Mona, sa ___ pala ang aklat na naiwan sa mesa. Nakasulat ang
pangalan mo.
5. Sabi niya ay nasa _____ ang aking lapis. Hiniram mo raw ito.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Isaayos ang mga pangungusap upang
makabuo ng talata. Salungguhitan ang mga panghalip. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.
1. Ako si Carlo, pitong taong gulang.
2. Dahil bawal pang lumabas, ibinigay sa akin ang mga modyul na
ito. Babasahin ko ito.
3. Dito ako nakatira malapit sa plaza.
4. Sa kanila naman ng mga kapatid ko ang ibang gamit.
5. Doon naman sa may dulo ang aking paaralan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Sumulat ng isa hanggang dalawang


talata tungkol sa mga gamit sa inyong bahay ang ang kanilang
kinalalagyan. Salungguhitan ang mga panghalip na iyong ginamit.
Isulat ito sa iyong kuwaderno.

A
Natutuhan mo sa aralin na ito na may iba pang mga
halimbawa ang panghalip. Dapat tandaan na:

Gagamitin mo ang panghalip na d _ _ _ kapag ang bagay ay


malapit sa nagsasalita, _ i _ _ n kung malapit sa kinakausap, at
_ o _ _ kung malayo sa nagsasalita o kinakausap.
Ang panghalip na paari naman ay ginagamit upang tukuyin
ang pagmamay-ari.
PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2 14
Pagtukoy sa Kahulugan at mga Halimbawa
WEEK
ng Simile
4
Aralin
I
Sisimulan mo ang pag-aaral tungkol sa tayutay sa linggong ito.
Ito ay ang paggamit ng mga salitang may kakaiba o malalim na
kahulugan. Mayroon itong iba’t ibang uri katulad ng simile, metapora,
personipikasyon, hyperbole at marami pang iba.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang matutukoy mo ang
kahulugan at ang mga halimbawa ng simile o simili.
Ang simile o pagtutulad ay ginagamit sa paghahambing ng
dalawang magkaibang bagay, tao at pangyayari gamit ang mga
salitang (ka)tulad, parang, tila, sing, sim at kawangis.
Halimbawa:
Para kang yelo na unti-unting natutunaw sa hiya.
Simbagal (Kasing bagal) ng pagong ang takbo ng sasakyan.
Singkinis ng kamatis ang pisngi ng sanggol.
Katulad ng anghel ang mukha ng bata.
Kawangis ng uling ang ulap sa itim dahil sa bagyo.

Makikita sa mga pangungusap ang paghahambing na


ginamitan ng mga salitang may salungguhit.
Sa unang halimbawa, ikinumpara ang kausap sa yelo na
natutunaw. Katulad ito ng nararamdan ng tao kapag nahihiya na
parang nasi na niyang matunaw o maglaho. Sa ikalawa naman,
itinulad ang usad ng sasakyan sa pagong na mabagal o marahan
ang takbo. Inihalintulad naman ang ulap at uling. Maaaring
magkasing itim ang kulay ng dalawang bagay.
15 PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Lagyan ng tsek (✓) kung ang
pangungusap ay gumagamit ng simile. Lagyan naman ng ekis (X)
kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
_____1. Sintigas ng bato ang puso ni Allan.
_____2. Kaming magkapatid ay parang aso’t pusa ngunit mahal
namin ang isa’t isa.
_____3. Tulad mo ang diksiyonaryo sa dami ng alam na salita.
_____4. Tila balat sibuyas ang batang madaling umiyak.
_____5. Si Joana ay magandang magsulat.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Tukuyin ang dalawang bagay o tao na
pinagkukumpara o pinagtutulad sa pangungusap. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.
Halimbawa:
Simpula ng rosas ang mukha ni Liza.
Rosas at mukha ni Liza
1. Tulad ng huni ng ibon ang pag-awit ni ate.
2. Parang tubig sa linaw ang salamin ni kuya.
3. Sing haba ng kalsada ang pasensiya ng tatay ko.
4. Parang tupa sa kabaitan ang nanay ko.
5. Tila asukal sa tamis ang pagmamahalan ng aming pamilya.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Isulat ang letrang S kung ang


pangungusap ay may simili at H kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.
1. Ang kaniyang mga mata ay tila bituing nagniningning sa langit.
2. Sing-init ng araw ang kanilang pagtanggap sa amin.
3. Masayang naglalaro ang mga bata sa parke.
4. Ang kaniyang boses ay para bang isang matinis na tunog ng
biyolin.
5. Sinlambot ng bulak ang puso ni Ana.
PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2 16
E
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Basahin ang tula at tukuyin ang mga
linyang may simile. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Munting Hiling
J. Lopo

Bata pa man akong maituturing


‘tulad ng anghel na malambing
Mayroon akong munting hiling
Sinliit ng butil na maihahambing

Mga pangarap ko ngayon


Sintayog na ng lipad ng ibon
Magdarasal sa Panginoon
Matutupad sa tamang panahon

Sisikaping maging simbait ng tupa


upang sa buhay ay maging masaya
Mamahalin ko ang aking pamilya
Na parang asukal sa tamis at lasa.

Mga Halimbawa ng Simile mula sa Tula

1. _________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________
3. _________________________________________________________________
4. _________________________________________________________________
5. _________________________________________________________________

17 PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2


Gawain sa Pagkatuto Bílang 5: Kompletuhin ang pahayag sa ibaba
gamit ang simile. Maaari ring mag-isip ng ibang halimbawa. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.
1. Parang yelo sa puti ______________________________________________
______________________________________________

2. Katulad ng ilaw __________________________________________________


__________________________________________________

3. Sintaas ng gusali _________________________________________________


_________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6: Sumulat ng halimbawa ng simile.


Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. _______________________________________________________________
2. _______________________________________________________________
3. _______________________________________________________________
4. _______________________________________________________________
5. _______________________________________________________________

A
Natutuhan mo sa aralin na ito ang tungkol sa isang uri ng
tayutay. Ito ay ang s _ m _ _ e, ang pagtutulad o paghahambing
ng dalawang magkaibang bagay, tao at pangyayari.
Ang mga palatandaan na may simile sa pangungusap ay ang
mga salitang:
t _ _ _ d, p _ r _ _ g,
_ _ l _, _ _ _ g, sim
at k _ w _ n _ _ s.
PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2 18
WEEK
Pakikilahok sa Pag-uusap
5 at Pagsisimula ng Diyalogo
Aralin
I
Sumasali ka ba sa usapan ng inyong pamilya? Tungkol saan ang
inyong pinag-uusapan? Ano-ano ang madalas mong sinasabi tuwing
nakikipag-usap?
Ang pag-uusap o diyalogo ay nagaganap sa pagitan ng
dalawang tao o mahigit pa. Ang pag-uusap ay isa sa paraan upang
maiparating mo ang nais mong sabihin.
Ang pag-uusap o diyalogo ay mabisang paraan upang lubos
na magkaunawaan. Ginagamit din itong paraan upang ayusin o
lutasin ang mga suliranin. Kung madalas na mag-uusap ang pamilya,
higit na mapapalapit ang loob sa isa’t isa. Lalong magkakaroon ng
pagmamahalan.

Ganito ‘yan.

Maaaring ikaw ang magsimula ng pag-uusap o makilahok dito.


Sa tuwing gagawin mo ito, makabubuting ikaw ay:
- maging magalang
- magsalita kung tinanatong o kailangan lamang
- makinig sa kausap
- tumingin sa kausap
- huwag makipag-away
- magtanong kung may hindi nauunawaan
19 PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2
Paano nga ba makilahok sa isang pag-uusap o diyalogo?
Ano-ano ang mga tama o wastong gawin?
Hindi dapat basta-basta sumasali sa pag-uusap ang batang
katulad mo lalo na kung matatanda ang nag-uusap. Tandaan ang
sumusunod sa maayos na pakikilahok sa usapan:
- Hintaying bigyan ng pagkakataon upang makilahok
- Tiyakin na nauunawaan mo ang pinag-uusapan
- Magtanong nang maayos kung kinakailangan
- Gumamit ng magagalang na mga salita tulad ng ‘po’ at ‘opo’
- Pakinggang mabuti ang sinasabi ng kausap

Impormasyon

Paano ka naman magsisimula ng isang diyalogo? Narito ang ilan


sa mga hakbang:
1. Isipin muna ang paksang nais pag-usapan. Tiyakin na may
halaga ito.
2. Tanungin ang kakausapin kung maaari siyang makausap o
kung may panahon siya para sa isang diyalogo.
3. Sabihin ang iyong pakay o nais sa pakikipag-usap.
4. Makipagpalitan ng mga magagalang na salita habang
nag-uusap.
5. Pasalamatan ang kausap bilang pagtatapos.
PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2 20
D
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Isulat ang salitang Tama kung ang
pahayag ay wasto o nararapat sa pag-uusap o pakikipag-diyalogo.
Isulat naman ang Mali kung hindi ito dapat gawin. Isulat ang sagot
sa iyong kuwaderno.
_____1. Dapat maging magalang sa pakikipag-usap.
_____2. Maghintay muna bago makilahok sa pag-uusap.
_____3. Magsalita na kahit hindi pa tapos ang kausap.
_____4. Tanungin muna ang kapwa kung maaaring makausap.
_____5. Magpasalamat sa kausap.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Tukuyin kung aling kilos sa


pakikipag-usap o pakikipag-diyalogo ang tama o wasto. Piliin ang
letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
1. Nag-uusap ang mag-asawang Paul at Kate. May nais itanong si
Biboy. Ano ang dapat niyang sabihin?
A. “Anong pinag-uusapan ninyo?”
B. “Maaari po ba akong magtanong?”
C. “Oo, alam ko rin iyan.”
2. Abalang nagbabasa ng aralin sa modyul ang kapatid mo.
Kailangan mo ng tulong. Ano ang sasabihin mo?
A. “Maaari po bang magpatulong?”
B. “Tulungan mo nga ako rito.”
C. “Pakigawa mo nga ito.”
3. Kinakausap ng Nanay Zeny niya si Lyn. Ano ang tamang kilos na
dapat ipakita?
A. Magpatuloy sa ginagawa
B. Sumagot ng oo na kahit hindi pa
C. Tumingin sa kausap at sumagot nang maayos

21 PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2


4. Narinig mong nagtatalo ang dalawa mong kapatid. Ano ang
sasabihin mo?
A. “Hindi maganda iyan. Mag-usap kayo nang maayos.”
B. “Sige, ako ang magsasabi kung sino ang magaling.”
C. “Kakampi mo ako. Mas naniniwala ako sa iyo.”
5. Hindi mo naunawaan ang sinasabi sa iyo ng iyong tatay. Ano ang
gagawin mo?
A. Hahayaan na lamang ito
B. Magtatanong upang maunawaan
C. Magkukunwaring naunawaan kahit hindi naman

E
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Makipag-usap sa nanay, tatay o
kapatid. Pumili ng paksang nais pag-usapan. Isagawa o ipakita ang
mga tamang kilos. Markahan ng tsek (✓) ang hanay kung naipakita o
hindi ang kilos. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Wastong Kilos sa Pakikipag-usap Naipakita Hindi


Naipakita
1. Gumamit ako ng ‘po’ at ‘opo’ at
iba pang magagalang na salita.

2. Naghintay ako nang tamang


pagkakataon bago nagsalita.

3. Tumingin ako sa aking kausap.

4. Nakinig ako sa sinasabi ng aking


kausap.

5. Nagpasalamat ako sa aking


kausap.

PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2 22


Gawain sa Pagkatuto Bílang 5: Punan ang usapan ninyong
magkaibigan tungkol sa inyong mga karanasan sa pag-aaral sa
panahon ng pandemya. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

A
Natutuhan mo sa aralin na ito ang tungkol sa pakikilahok sa
pag-uusap at pag-uumpisa ng d _ y _ l _ g _.
Ang mga ito ay paraan upang makatanggap at
makapagbigay ng _ m p _ _ m _ s y _ n.
Tandaan na dapat maging magalang, mabuting tagapakinig
at magpasalamat sa sino mang kinakausap.
23 PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2
Pagkuha ng Impormasyon
WEEK
mula sa Anunsiyo at Mapa
6
Aralin
I
Tiyak na maraming impormasyon o kaalaman ang iyong
natatanggap araw-araw. Saan-saan nga ba ito makikita o
nagmumula? Ano-ano ang maaari mong pagkunan ng mga
kaalaman?
Sa linggong ito, pag-aaralan mo ang dalawang paraan upang
makakuha ng impormasyon. Una ay ang mga detalye mula sa
anunsiyo o patalastas. Ang ikalawa naman ay gamit ang mapa ng
pamayanan o komunidad.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang nakakukuha ng
mga impormasyon gamit ang nabanggit na mga paraan.

K S

T
Maliban sa radyo, telebisyon at internet, makatutulong din ang
mapa at nakalimbag na anunsiyo upang malaman mo ang mga
detalye ng kailangan mong impormasyon.
Matutukoy mo mula sa patalastas ang nais ipabatid o ipaalam
ng mga kinauukulan o ng pinagmulan ng anunsiyo. Kadalasan ay
mga paalala o gawain ang laman ng patalastas.
Ang anunsiyo ay nakikita sa mga poste o pader. Marami nito sa
matatao o pampublikong mga lugar tulad ng Barangay Hall, plaza,
PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2 24
paaralan at sa iba pang pook o lugar.
Mababasa sa anunsiyo ang impormasyong sumasagot sa mga
katanungang ano, sino, saan, kalian at paano.
Tingnan ang halimbawa sa ibaba.

ANUNSIYO
ANO: Pagandahan ng Gulayan sa Bakuran upang
COVID-19 ay Labanan
KAILAN: Simula Enero 4, 2021
SINO: Lahat ng pamilya sa Barangay
PAANO: Magpalista at humingi ng mga pananim sa
barangay. Palaguin ang mga halaman
at pagandahin ang bakuran.
Tatanggap ng premyo ang pamilyang may
pinakamaganda at pinaka-mabungang gulayan.

Mula kay
Barangay Kapitan

Sa pagbabasa ng anunsiyo ay malalaman mo ang mga


nagaganap at magaganap pa sa inyong lugar. Maibabahagi mo rin
sa iba ang mga impormasyon.
Mahalaga naman ang paggamit ng mapa upang hindi ka
maligaw. Masasagot mo rin ang sino mang magtatanong sa iyo
tungkol sa kinaroroonan ng isang lugar. Maituturo mo kung nasaan
ang bahay, paaralan, palengke, ospital at iba pang mahahalagang
pook sa inyong komunidad o lugar.
May mga simbolo at sagisag na makikita sa komunidad. Ang
mga ito ay may kani-kaniyang kahulugan. Ang mga ito ang
kumakatawan sa mga bagay, gusali o estruktura, makasaysayang
lugar at iba pang maaaring pagkakakilanlan sa bawat komunidad.

25 PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2


Madali mong mahahanap ang kinaroroonan ng isang lugar sa
mapa. Ang H ay Hilaga o itaas na bahagi. Ang T ay Timog o ibabang
bahagi. Ang K ay Kanluran o kaliwang bahagi mo. Ang S naman ay
Silangan o kanang bahagi mo.
Maaari namang sa pagitan ng dalawang direksiyon ang
kinaroroonan ng isang sagisag o estruktura. Ang mga halimbawa nito
ay Hilagang-Silangan (HS), Timog-Silangan (TS), Timog-Kanluran (TK) at
Hilagang-Kanluran (HK). Tingnan ang mga lugar na ito sa direksiyon sa
ibaba.

H
HK HS
K S
TK TS
T

D
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Tukuyin ang mga sumusunod na
estruktura na matatagpuan sa mapa. Isulat ang letra ng sagot sa
iyong kuwaderno.

1. A. palengke B. bahay

2. A. ospital B. simbahan/sambahan

PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2 26


A. parke B. himpilan ng pulisya
3.

4. A. ospital B. paaralan

5. A. kalsada B. tulay

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Lagyan ng tsek (✓) kung tama ang


isinasaad ayon sa makikita sa mapa sa pahina 26. Lagyan naman ng
ekis (X) kung mali ang impormasyon o lokasyon. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.
_____1. Makikita ang plaza o parke sa Hilagang-Kanlurang bahagi .
_____2. Matatagpuan sa Timog ang paaralan.
_____3. Nasa Silangan ang palengke o pamilihan.
_____4. Mararating ang simbahan/sambahan sa gawing Kanluran.
_____5. Nasa Timog-Kanluran ang himpilan ng pulisya.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Ibigay ang direksiyong dapat mong
puntahan upang marating ang tinutukoy na lugar o pananda ayon
sa mapa sa pahina 26. Isipin na ikaw ay nakatayo sa gitna ng
komunidad. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Kapag maaari nang pumasok sa paaralan, lalakad ako
patungong _____________.
2. Isasama ako ni nanay mamili ng gulay at isda sa palengke.
Magtutungo kami sa direksiyong pa-_________________.
3. Kailangan kong tumawid sa tulay upang makapunta sa simbahan/
sambahan. Makikita ko ito sa _______________.
4. Maglalaro ako sa parke. Pupunta ako sa _________________.
5. Uuwi na ako ng bahay. Mararating ko ito papuntang _____________.
27 PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2
E
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Basahin ang anunsiyo sa ibaba. Sagutin
ang mga tanong ayon sa mga ibinigay na impormasyon. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.

Mga Dapat Tandaan sa Pagkuha ng Modyul

1. Sumunod sa nakatakdang oras at araw ng pagkuha.


Lunes hanggang Biyernes, 07:00-5:00
Bulwagan ng Magalang Elementary School
2. Sumunod sa safety protocols o tagubiling pangkaligtasan na
ipinatutupad ng pamahalaan at ng paaralan.
A. pagsusuot ng face mask at face shield
B. pagtatala ng personal na impormasyon
B. pagpapakuha ng temperature ng katawan
D. pagsunod sa social distancing
3. Huwag magsama ng bata upang hindi magkasakit.
4. Makipag-ugnayan sa mga guro. Sabihin ang pangalan at baitang
ng mag-aaral upang makuha ang modyul.
6. Iuwi sa bahay ang mga gamit sa pag-aaral. I-disinfect bago
gamitin.
- Pamunuan ng Magalang ES

1. Tungkol saan ang anunsiyo o patalastas?


2. Kanino/saan nangmula o nanggaling ang anunsiyo?
3. Kailan maaaring kunin ang mga modyul?
4. Paano makukuha ang modyul?
5. Ano ang kailangang gawin bago gamitin ang mga modyul na
nakuha sa paaralan?
PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2 28
Gawain sa Pagkatuto Bílang 5: Pag-aralan ang mapa. Isulat sa
kuwaderno ang sagisag o panandang matatagpuan sa tinutukoy na
direksyon. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

K S

Tukuyin ang lugar o pananda na makikita kapag tinungo mo


ang sumusunod na direksiyon:
1. Timog ________________________________
2. Silangan ______________________________
3. Hilagang ______________________________
4. Kanluran ______________________________
5. Timog-Silangan ________________________
29 PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2
Gawain sa Pagkatuto Bílang 6: Iguhit ang mapa ng inyong lugar o
komunidad. Lagyan ng pangalan ang mga pananda o gusaling
makikita sa inyong pamayanan. Bilugan at kulayan ang inyong
bahay. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Ang Mapa ng Aming Lugar

A
Natutuhan mo sa aralin na ito ang tungkol sa pangangalap ng
impormasyon gamit ang dalawang paraan.
Una, maaari kang magbasa ng a _ _ _ s _ y _ o patalastas.
Nagtataglay ito ng detalye na sumasagot sa mga tanong na ano,
sino, saan, kalian, paano at iba pa.
Ikalawa, magagamit mo ang _ _ p _. Makikita rito ang mga
direksiyon, pananda, estruktura at iba pa sa inyong lugar.
PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2 30
Pagsusulat ng Talata at Liham
WEEKS
Gamit ang Kabit-kabit na Estilo
7-8
Aralin
I
Mahusay ka na bang sumulat? Paano mo isinusulat ang mga
letra at mga salita?
Sa linggong ito, pag-aaralan mo ang pagsusulat gamit ang
kabit-kabit na estilo o tinatawag sa Ingles na cursive o longhand
writing. Ito ang paraan na gagamitin mo sa pagkopya o pagsusulat
ng mga salita.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang nakakokopya o
nakasusulat ng salita, grupo ng mga salita, at pangungusap gamit
ang tamang espasyo, bantas, at iba pang mekaniks.
Inaasahan din na makasusulat ka ng talata at liham na may
pagsunod sa porma at mekaniks.

Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg
Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn
Ññ NGng Oo Pp Qq Rr Ss
Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz
Ang nasa itaas ay ang mga letra sa Alpabetong Filipino.
Inilimbag ang mga letra gamit ang kabit-kabit o cursive na estilo.
Mula sa mga letra, makabubuo ka ng mga salita, grupo ng mga salita
o pangungusap tulad ng nasa ibaba.

bata Ako ay bata


Ako si Katrina E. Perez 31 PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2
D
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Kopyahin ang mga salita sa ibaba.
Maglaan ng tamang espasyo sa bawat salita. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

nanay tatay ate


aso pusa ibon
mabait maganda maamo
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Kopyahin ang mga grupo ng salita at
pangungusap sa ibaba. Sundin ang pagkakasulat ng malalaki at
maliliit na letra. Maglaan ng tamang espasyo sa bawat salita.
Kopyahin ang bantas. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. mabait na tatay
2. maamong pusa
3. magandang ibon
4. Ang nanay ko ay maganda.
5. Ang kuya ko ay may
alagang ibon.
PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2 32
E
Maliban sa pagsusulat ng mga salita at pangungusap,
ginagamit din ang kabit-kabit sa pagsusulat ng talata at liham.
Sinasabing mainam na marunong kang magsulat sa ganitong estilo
upang mas mahasa ang iyong kakayahang mag-isip. Napauunlad rin
nito ang iyong kakayahang motor o pagkilos.
Tingnan ang halimbawa sa ibaba.

Ako si Michelle M. Santos. Ako ay pitong taong gulang. Ang nanay ko ay si


Rochelle M. Santos. Ang tatay ko naman ay si Michael B. Santos. Mayroon akong
dalawang kapatid. Ang pangalan nila ay Mike at Che. Mahal namin ang isa’t-isa.
Ikaw, kaya mo rin bang ipakilala ang iyong pamilya?

Mapapansin sa halimbawa na nakasulat sa malalaking letra ang


bawat simula ng pangungusap. Malalaking letra rin ang simula ng
pangalan ng tao. Ganito rin sa iba pang tiyak na pangalan ng hayop,
bagay, lugar at pangyayari. Tinatapos ang bawat pangungusap sa
bantas na tuldok (.). Kuwit (,) naman kapag may kasunod pa.
Ginagamit naman ang tandang pananong (?) kung ang
pangungusap ay isang tanong.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Isulat ang talata sa ibaba sa estilong
kabit-kabit. Iayos ang hindi tamang pagkakagamit ng malalaki at
maliliit na letra, espasyo at bantas. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Ako si max, mag-aaral sa ikalawang baitang. Paborito


ko ang magbasa ng mga aralin Maaga akong naliligo
tuwing umaga? Pagkatapos kumain ay agad kong
sinisimulan ang pagbabasa. Tumutulong din ako sa mga
gawaing bahay. Ako ang naghuhugas ng pinagkainan.

33 PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2


Sa pagsusulat naman ng liham ay may tinatawag na porma at
mekaniks. May dalawang uri ng porma ng pagsulat ng liham: pormal
at di-pormal. Ngayong ikaw ay nasa ikalawang baitang pa lamang,
pag-aaralan mo muna ang pormang di-pormal. Ginagamit ito sa
pagsulat ng liham pakikipagkaibigan.
Mekaniks naman ang tawag sa tamang pagsusulat ng malalaki
at maliliit na letra. Malaki kapag umpisa ng pangungusap at
pangngalang pantangi o tiyak katulad ng sa tao, hayop, bagay at
pangyayari. Kasama rin sa mekaniks ang paggamit ng tamang
bantas.
Ang mga bahagi ng liham ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod ay: 1. petsa na nasa kanang bahagi; 2. bating
panimula sa may kaliwa na naglalaman ng pangalan ng sinusulatan;
3. katawan ng liham o ang nilalaman, 4. bating pangwakas at 5.
lagda o pangalang ng sumulat.
Tingnan ang halimbawa sa ibaba.

Enero 5, 2021

Mahal Kong Fred,


Sumulat ako upang kumustahin ka. Nawa ay nasa mabuti
kang kalagayan at ang iyong pamilya. Nais kong magpasalamat dahil
napakabuti mong kaibigan. Sana ay matapos na ang pandemya upang
makabalik na tayo sa pag-aaral sa paaralan.
Patuloy kang mag-iingat..

Gumagalang,

Leo M. Cruz
PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2 34
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Isulat ang Tama kung wasto ang
pagkakasulat ayon sa laki o liit ng letra at bantas ng mga salitang
may salungguhit. Isulat naman ang Mali kung hindi ito tama. Isulat
ang sagot sa iyong kuwaderno.
Enero 7, 2021
Mahal kong 1. Annie,
Sumulat ako sa iyo upang batiin ka ng isang 2. maligayang
kaarawan? Dalangin ko para sa iyo ang patuloy na pagpapala ng
Panginoon.
Palagi kong naaalala ang mga pag-uusap natin. Nakalulungkot
ako dahil hindi na natin ito magawa dahil 3. bawal sa banta ng
COVID-19
4. mag-iingat ka palagi.

5. Nagmamahal

Estela
Gawain sa Pagkatuto Bílang 5: Isulat nang kabit-kabit ang liham sa
ibaba. Sundin ang mekaniks. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Enero 8, 2021

Mahal naming Tatay at Nanay,

Maraming-maraming salamat po sa panahon na


ibinibigay ninyo sa aming magkapatid. Naging masaya po
kami sa aming naranasan noong araw ng ating
pamamasyal. Hinding-hindi po namin iyon malilimutan.
Mahal na mahal po namin kayo.
Nagmamahal,

Me-an
35 PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2
Gawain sa Pagkatuto Bílang 6: Gumawa ng liham pasasalamat sa
iyong magulang. Sabihin kung bakit mo sila nais pasalamatan. Isulat
ito nang kabit-kabit, gamit ang tamang porma at mekaniks. Gawin ito
sa iyong kuwaderno.

A
Natutuhan mo sa aralin na ito ang tungkol sa pagsusulat ng
kabit- _ _ b _ _. Mahalaga ito sapagkat nahahasa nito ang
kakayahan mong mag-iisip. Pinauunlad din nito ang iyong
kakayahang motor o pagkilos gamit ang kamay.
Ginagamit din ang pagkakabit-kabit sa pagsulat ng mga
t _ _ a _ _ at l _ h _ m. Kinakailangang sundin ang gamit ng
malalaki at maliliit na letra, bantas, at porma.
PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2 36
PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2 37
Gawain sa Pagkatuto 4
Gawain sa Pagkatuto 5 Gawain sa Pagkatuto Gawain sa Gawain sa
1. Mga Dapat Tandaan sa Pagkatuto 2 Pagkatuto 1
3
Pagkuha ng Modyul
1. paaralan 2. Pamunuan ng Magalang ES 1. Hilaga 1. / 1. A
2. simbahan/sambahan 3. Lunes-Biyernes; 7-5 2. Silangan 2. X 2. B
3. ospital 4. makipag-ugnayan sa guro 3. Timog-Kanluran 3. / 3. A
4. palengke 5. i-disinfect 4. Hilagang-Kanluran 4. / 4. A
5. tulay 5. Hilagang-Silangan 5. X 5. B
WEEK 6
Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto 2 Pagkatuto 1
1. B 1. Tama
2. A 2. Tama
3. C 3. Mali
4. A 4. Tama
5. B 5. Tama
WEEK 5
Gawain sa Pagkatuto 4 Gawain sa Gawain sa Pagkatuto 2 Gawain sa
Pagkatuto 3 Pagkatuto 1
1. tulad ng anghel 1. S 1. ibon at ate 1. /
2. sinliit ng butil 2. S 2. tubig at salamin ni kuya 2. /
3. sintayog ng lipad ng ibon 3. H 3. kalsada at pasensiya ni tatay 3. /
4. simbait ng tupa 4. S 4. tupa at nanay 4. /
5. X
WEEK 4
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto 7 Pagkatuto 6 Pagkatuto 5 Pagkatuto 4 Pagkatuto 3 Pagkatuto 2 Pagkatuto 1
1. 1-Ako 1. inyo 1. Dito 1. akin 1. dito 1. / 1. /
2. 3-Dito 2. akin 2. doon 2. amin 2. doon 2. / 2. X
3. 5-Doon 3. kaniya 3. Dito 3. kaniya 3. Dito 3. / 3. /
4. 2-akin 4. iyo 4. diyan 4. Atin 4. Doon 4. X 4. /
5. 4-kanila 5. iyo 5. dito 5. inyo 5. dito 5. / 5. /
WEEK 3
Gawain sa
Pagkatuto 4
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto 7 Pagkatuto 6 Pagkatuto 5 1. Lilibeth, Pagkatuto 3 Pagkatuto 2
1. 1-ako 1. Ako 1. Iyon Alfred, toto, 1. Ito 1. Iyan 1. /
Gary
2. 5-kami 2. Ito 2. Iyan 2. iyan 2. Iyon 2. /
2. Kayo, ako,
3. 4-kami 3. Iyon 3. Ito 3. iyon 3. Ito 3. /
akin, tayo
4. 2-sila 4. kami 4. Ito 4. Iyan 4. Iyan
3. Ako, tayo
5. 2-sila 5. tayo 5. Iyon 5. Ito 5. Ito
WEEKS 1-2
Susi sa Pagwawasto
Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong
naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa
Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang
gabay sa iyong pagpili.
-Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na
nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
-Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa
nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
-Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko
naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o
dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain sa Pagkatuto
Week 1 LP Week 2 LP Week 3 LP Week 4 LP
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8
Week 5 LP Week 6 LP Week 7 LP Week 8 LP
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8
Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing
nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2,
lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong , , ?.
PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2 38
Sanggunian

Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning


Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City:
Department of Education.

Department of Mother Tongue-Based Multilingual


Education.
Education: Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog. Pasig City:
Department of Education.

Department of Education. Mother Tongue-Based Multilingual


Education: Teacher’s Guide. Pasig City: D e p a r t m e n t of
Education.

Department of Education. (2020). Revised MELC sa Edukasyon sa


Pagpapakatao. RM 306, s. 2020 Corrigendum to the Enclosures in
Regional Order No. 10, s. 2020, Re: Implementing Guidelines on
the Implementation of MELC PIVOT 4A Budget of Work (BOW) in
all Learning Areas for Key Stage 1 - 4.

39 PIVOT 4A CALABARZON MTB-MLE G2


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region 4A CALABARZON

Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta Rizal

Landline: 02-8682-5773 locals 420/421

Email Address: [email protected]

You might also like