ESP2 - Module2 - Karapatang Aking Taglay, Mag-Anak Ko Ang Gabay PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

2

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Karapatang Aking Taglay,
Mag-anak ko ang Gabay
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlonng Markahan – Modyul 2: Karapatang Aking Taglay, Mag-anak ko ang Gabay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM


Awtor : Michael A. Manuel
Co-Awtor - Content Editor : Imee Grace S. Alarcon
Co-Awtor - Language Reviewer : Arlene R. Castro
Co-Awtor - Illustrator : Emily S. Nuguid
Co-Awtor - Layout Artist : Mearnie P. Panganiban

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Dinalupihan : Rodger R. De Padua, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Miralou T. Garcia, EdD
Teacher District LRMDS Coordinator : Jennifer G. Cruz
District SLM Content Editor : Miralou T. Garcia, EdD
District SLM Language Reviewer : Ma. Luisa R. Bacani

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, ESP/Values : Jacqueline C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer : Rommel M. Magcalas

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: [email protected]
2

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Karapatang Aking Taglay,
Mag-anak ko ang Gabay
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang


matukoy at malaman ang mga pangunahing karapatan na dapat
na iyong tinatamasa.

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


Natutukoy ang mga karapatang maaaring ibigay ng
mag-anak (EsP2PPPIIIc– 7)

Subukin

Isulat ang KP kung ang sumusunod na pahayag ay karapatan ng


isang batang tulad mo at HK kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1. Makapaglaro at maglibang.

2. Mamalimos sa kalsada.

3. Mapaunlad ang taglay na kakayahan.

4. Mabigyan ng edukasyon.

5. Ipasok na kasambahay sa Maynila.

1
Aralin
Karapatang Aking Taglay,
1 Mag-anak ko ang Gabay

Mahalaga ang ginagampanang papel ng bawat miyembro ng


pamilya sa pagbibigay sa iyo ng mga bagay upang lumaking
maayos at maging kapakipakinabang na indibidwal. Kailangan
ang mga ito upang ikaw ay umunlad at magtagumpay.

Bilang isang bata, mahalaga na malaman mo ang mga bagay na


ito. Alam mo ba kung ano-ano ang mga karapatan na iyong
dapat na tinatamasa?

Handa ka na ba? Halina’t alamin natin.

Balikan

Iguhit ang bituin ( ) kung ang sumusunod na pahayag ay


karapatan ng bata at buwan ( ) naman kung tungkulin. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.

1. Magkaroon ng malusog na pangangatawan.


2. Iginagalang at minamahal ang mga magulang.
3. Pakikinig nang mabuti sa itinuturo ng guro.
4. Maisilang at mabigyan ng pangalan.
5. Tumira sa tahimik, maayos at malinis na pamayanan.

2
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral
upang matukoy ang mga pangunahing karapatan ng
isang bata na maaaring ibigay ng kaanak o pamilya.

Tuklasin

Basahin ang maikling kuwento sa ibaba.

Karapatan ni Ana

Si Ana ay pitong taong gulang na. Nasa ikalawang baitang


na siya ngayon. Pagkauwi galing sa paaralan ay tumutulong siya
sa mga gawaing bahay at pag-aalaga ng nakababatang
kapatid.

“Tulog na Pepe, tulog na,”


malambing na wika ni Ana habang
pinapatulog ang bunsong kapatid.
Mayamaya ay narinig niya ang tinig
ng inang si Aling Delia.

“Ana, tulog na ba ang kapatid mo?,” ang tanong nito.


“Huwag mong kalilimutang gawin ang iyong mga takdang-aralin.”
“Opo, Inay,” ang tugon ni Ana.

Mahirap lamang ang pamilya ni Ana. Kahit maliit lang ang


kinikita ng magulang sa pagtitinda ng basahan at dyaryo ay
nagagawa nitong itaguyod ang kaniyang pag-aaral. Tinitiyak din

3
nila na mapakain siya ng masusustansiyang pagkain upang
lumaking malusog.
Nalilibang na si Ana sa pagsagot ng kanyang mga takdang-
aralin nang marinig niya ang masayang hiyawan ng mga bata sa
labas. Mayamaya ay dumating ang kaniyang mga kaibigan.
“Aling Delia, maaari po ba naming isama si Ana upang
maglaro?,” ang magalang na tanong ni Betty. “Oo, Betty, pero
kailangan niya munang tapusin ang kaniyang mga takdang-
aralin.” “Sige po Aling Delia. Hintayin na lamang po namin si Ana,”
ang wika naman ni Nena.
Nang matapos si Ana sa kaniyang takdang-aralin ay lumapit
siya sa kaniyang ina. “Inay, maaari na po ba akong maglaro?,”
ang tanong nito. “Oo naman anak. Ang batang katulad mo ay
nararapat lamang na maglibang at makihalubilo,” ang sambit ni
Aling Delia.” “Salamat po, Inay.”
Masayang lumabas si Ana kasama ng kaniyang mga
kaibigan upang maglaro sa labas ng bahay. Habang papalabas si
Ana ay nakatingin si Aling Delia at nagsabing, “Anak, mag-iingat
ka at pagkatapos ay umuwi agad ha!” “Opo, Inay.”
Mahal na mahal si Ana ng kaniyang mga magulang. Hangad
nila ang mga bagay na makakabuti para sa kanya. Kaya naman
kahit hirap sila sa buhay ay sinisigurado nito na naibibigay ang
kaniyang mga pangangailangan.

Basahin at sagutan ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa


sagutang papel.

1. Sino ang bata sa kuwento?

2. Ilang taong gulang na siya?

4
3. Katulad ka rin ba ng bata sa kuwento? Bakit?

4. Ano-anong mga karapatan ang tinatamasa


niya ayon sa kuwentong iyong binasa?

5. Sa tingin mo, bakit dapat matamasa ng isang


batang katulad mo ang mga karapatan?
Pagkumparahin.

Suriin
Ang karapatan ay mga pangangailangan na dapat mong
matamo o makamit bilang isang bata.

Mahalaga ang mga ito sa iyong pamumuhay. Kung ito’y


makukuha nang maayos, ikaw ay magiging kapakipakinabang sa
iyong sarili, pamilya at komunidad dahil ikaw ay nahubog nang
mahusay.

Mga Karapatan ng isang batang tulad mo:

1. Karapatang maisilang at magkaroon ng pangalan.


2. Karapatang alagaan at mahalin ng sariling
magulang.
3. Karapatang mabigyan ng sapat na pagkain,
kasuotan at maayos na tirahan.
4. Karapatang mabigyan ng sapat na edukasyon.
5. Karapatang mapaunlad ang kakayahan.
6. Karapatang maglaro at maglibang.
7. Karapatang mabigyan ng proteksyon laban sa
karahasan at panganib.

5
Pagyamanin

Pagtapatin ang mga larawan na nasa Hanay A sa mga karapatan


ng bata sa Hanay B. Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang
papel.
A B

1.
a. Karapatang mabigyan ng
pangalan

b. Karapatang manirahan sa
2. tahimik at maayos na
pamayanan

c. Karapatang alagaan at
3. mahalin ng magulang

d. Karapatang mabigyan ng
sapat na edukasyon
4.

e. Karapatang makapaglaro

5.

6
Isaisip

Lagyan ng tamang sagot ang patlang upang mabuo ang


pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

makapaglaro edukasyon pangalan

proteksiyon magulang

Ang karapatan ay mga pangangailangan na dapat


matamo ng isang batang tulad mo. Ang ilan sa mga
karapatan mo ay:

 Maisilang at magkaroon ng (1)_____________.


 Mahalin at alagaan ng iyong mga (2)_____________.
 Maibigay ang mga pangunahing pangangailangan
tulad ng pagkain, kasuotan at maayos na tirahan.
 Mabigyan ng sapat na (3) _________________ upang
umunlad ang kaalaman at kakayahan.
 Magkaroon ng pagkakataong (4)________________ at
maglibang.
 Mabigyan ng (5)___________________ laban sa
pang-aabuso.

7
Isagawa

Iguhit ang masayang mukha ( ) kung ang pangungusap ay


tumutukoy sa pagkamit ng karapatan ng isang bata at malungkot
na mukha ( ) naman kung hindi.

1. Naglalaro ang magkakapatid kasama ng kanilang mga


kaibigan.

2. Namamasyal si Lucas kasama ng buong mag-anak.

3. Pinababayaan ni Aling Nenita ang anak na maysakit.

4. Pinapapasok sa paaralan si Mika upang matutong sumulat,


magbasa at magbilang.

5. Tinitiyak ng magulang ni Albert na nabibigyan siya ng


masusustansiyang pagkain.

Tayahin
Sa iyong sagutang papel, lagyan ng tsek ( ) ang larawan na
nagpapakita ng batang nagtatamasa ng karapatan at ekis ( )
kung hindi.

1. 2. 3.

8
4. 5

Karagdagang Gawain

Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng mga karapatang


binibigay ng iyong mag-anak. Gamitin ang rubrik sa pagpupuntos.
Mga kagamitan:
Short bond paper Krayola/pastel
Lapis Ruler

Rubrik sa Paggawa ng Poster


Pamantayan Indikador Puntos
Nilalaman Naipakita nang maayos ang ugnayan ng
lahat ng konsepto sa ginawang poster
Kaangkupan sa Paksa Maliwanag at angkop ang mensahe sa
paglalarawan ng paksa
Orihinalidad Orihinal ang ideya sa paggawa ng poster
Kabuuang Presentasyon Malinis at maayos ang kabuuang
presentasyon
Pagkamalikhain Gumamit ng wastong kombinasyon ng
kulay upang maipahayag ang nilalaman,
konsepto at mensahe.
Kabuuan

Markahan:
4- Nakahihigit sa pamantayan
3- Nakaaabot sa pamantayan
2- Katamtaman
1- Kailangan pa ng pagsasanay

9
10
Karagdagang Tayahin
Gawain
1.
Depende sa sagot ng
mag-aaral 2.
3.
4.
5.
Isagawa Isaisip Pagyamanin
1. pangalan 1. c
1.
2. magulang 2. e
2.
3. edukasyon 3. b
3.
4. makapaglaro 4. a
4.
5. proteksyon 5. d
5.
Tuklasin Balikan Subukin
1.Si Anna 1. KP
2. Pitong taong gulang 1. 2. HK
3. Depende sa sagot ng 2. 3. KP
mag-aaral 4. KP
4. Karapatang mag-aral 3.
5. HK
Karapatang mabigyan ng
masusustansiyang 4.
pagkain
5.
Karapatang makapaglaro
5. Depende sa sagot ng
mag-aaral
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Commons.Deped.Gov.Ph, 2020.
https://commons.deped.gov.ph/K-to-12-MELCS-with-CG
Codes.pdf.

"K To12 Gabay Pangkurikulum Edukasyon Sa Pagpapakatao”.


Deped.Gov.Ph, 2016. https://www.deped.gov./wpcontent/
uploads/ 2019/01/ESP-CG.pdf

Guia-Biglete, Victoria, Maria Carla Mabulay-Caraan, Rolan


Baldonado Catapang, and Isabel Monterozo-
Gonzales. Edukasyon Sa Pagpapakatao 2 Kagamitan Ng
Mag-Aaral. 1st ed. Reprint, Pasig City: DepEd-IMCS, 2013.

Guia-Biglete, Victoria, Maria Carla Mabulay-Caraan, Rolan


Catapang, and Isabel Monterozo-Gonzales. Edukasyon Sa
Pagpapakatao Patnubay Ng Guro (Tagalog). 1st ed. Reprint,
Pasig City: DepEd-IMCS, 2013.

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: [email protected]

You might also like