LP Filipino

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
DINALUPIHAN EAST DISTRICT
SAN SIMON ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN School SAN SIMON ELEMENTARY SCHOOL Grade Level 1 Quarter 4
IN TEACHING Teacher ANGELICA N. ALIPIO Learning Area MTB-MLE
MTB-MLE 1

Naipapakita ang pang-unawa kung paano nakapaglalarawan ng mga tao, bagay,


A. Pamantayang Pangnilalaman hayop, pangyayari, at lugar
I. LAYUNIN

Nakalalahok sa mga Gawain (Indibidwal o Grupo) kaugnay ng paglalarawan ng mga


B. Pamantayan sa Pagganap tao, bagay, hayop, pangyayari, at lugar.

C.Mga Kasanayan/Mga Layunin Natutukoy ang mga salitang naglalarawan na tumutukoy sa kulay, sukat, hugis, texture,
temperatura at damdamin sa mga pangungusap (MT1GA-Iva-d-2.4 )
II. NILALAMAN (Paksang Aralin) Paglalarawan ng mga tao, bagay, hayop, pangyayari, at lugar – PANG-URI
III. LEARNING RESOURCES

1. Gabay ng Guro CG: K to 12 Curriculum Guide in MTB-MLE,


A. REFERENCES

2. Kagamitan ng Mag-
aaral
3. Sangguniang Aklat
4. Iba pang kagamitan at
Pictures ,charts, laptop, PPT, Video Recordings
Sanggunian
B. Pagpapahalaga Pagpapaunlad ng Talentong ibinigay ng Diyos.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
DINALUPIHAN EAST DISTRICT
SAN SIMON ELEMENTARY SCHOOL

A. Panalangin
Panginoon, Salamat po sa masayang araw na ito na ibinigay Ninyo sa bawat isa. Salamat po sa
buhay at kalakasan. Gabayan N’yo po kami sa aming pag-aaral upang matutunan po ng bawat
isa ang aralin. At higit sa lahat ay maisabuhay po namin ang gintong aral na dapat matutunan
sa raw na ito. Sa Iyo po ang lahat ng papuri at pasasalamat. Amen.
B. Pagbati
Magandang araw muli mga bata! Handa na ba kayo? Wow. Kung handa na kayo excited narin
akong magturo sa inyo!
C. Attendance

“Kapag tinawag ko ang pangalan ng mga lalaki ang sasabihin niyo ay SUPERMAN at sa mga
babae naman ay DARNA.”

Magaling! Nagagalak ako dahil walang lumiban sa ating klase ngayon.

D. Pagpapabatid sa layunin ng
Sa pagtatapos ng aralin na ito ay inaasahang:
Aralin
maunawaan mo ang kahulugan ng pang – uri at
matukoy mo ang salitang pang-uri
E.Balik- aral
IV. PROCEDURES

“Para sa ating pagbabalik aral, may inihanda akong gawain.”

Tukuyin ang salitang kilos sa bawat pangungusap.

1. Si Lito ay naligo sa ilog kanina.


2. Ang mga bata ay naglalaro sa parke.
3. Lumiliad ang mga ibon.
4. Pinitas ni Aya ang mga bulaklak sa hardin.
5. Bumili ng tinapay si Ben sa tindahan ni Aling Mona.

Mahusay mga bata! Bigyan ninyo ng Very Good Ako Clap ang inyong sarili.

F. Presentasyon ng Ngayon mga bata, sa ating pagsisimula. Nais kong pakinggan ninyo ang maikling kwento
Aralin/Pagganyak tungkol sa ANG MATULUNGING PAMILYA.

Ang Matulunging Pamilya


Isinulat ni: Gideon V. Roberts

Sa isang maliit na Barangay, may isang pamilyang hinahangaan ng lahat. Sila sina Aling Rosa,
Mang Tony at ang kanilang mga anak na sina Ara, Ben, at Ana. Pagtatanim sa bukid ang
kanilang pangunahing ikinabubuhay. Masipag at matitiyaga ang buong mag-anak. Dagdag mo
pa ang kanilang malusog at matulunging kalaabaw na kasama nila sa bukid. Linggo-linggo ay
umaani sila ng mga gulay at prutas na inilalagay nila sa malalaking kaing. Isang araw, habang
nanonood sila ng balita sa kanilang luma at maliit na telebisyon,nakita nila ang mahabang pila
ng mga tao na kumukuha ng tulong at donasyon. Nakaramdam sila ng awa sa mga taong
nakararanas ng gutom dahil sa epekto ng pandemya. Dahil dito, nagpasya ang mag-anak na
magpunta sa tanggapan ng kanilang Barangay upang magbigay ng tulong. Bilang pag-iingat,
nagsuot sila ng facemask at faceshield. Inihatid nila ang kaing-kaing na gulay at prutas na
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
DINALUPIHAN EAST DISTRICT
SAN SIMON ELEMENTARY SCHOOL

kanilang inani mula sa kanilang bukid. Masayang-masaya ang kanilang punong barangay sa
kabutihang kanilang ginawa. Simula noon, naging ugali na ng pamilyang ito na magbahagi ng
kanilang ani lingo-linggo upang makatulong sa kapwa.

Itanong:
1. Sinu-sino ang mga pangunahing tauhan sa kwento?

(Tama mga bata, sina Aling Rosa, Mang Tony, Ara, Ben at Ana ang mga pangunahing tauhan
mula sa kwento.)

2. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mag-anak?

(Mahusay! Ang pagtatanim ng gulay at prutas ang pangunahing ikinabubuhay ng pamilya mula
sa kwento.)

3. Anong hayop ang kanilang nakakatulong sa


pagtatrabaho sa bukid?

(Tama mga bata. Ang kanilang alagang kalabaw ay nakakatulong rin nila sa gawaing bukid.)

4. Anong magandang katangian ang taglay ng mag-


anak?

(Magaling! Ang magandang katangian na ipinakita ng mag-anak ay ang pagiging matulungin.)

5. Anong aral ang iyong natutuhan mula sa kwento?

(Tama mga bata. Ang gintong aral na makukuha natin mula sa aralin ay ang kahalagahan ng
pagiging matulungin. Ngayong panahon ng pandemya mga bata ay maaari tayong tumulong sa
ating kapwa sa paraang kaya nating gawin.)

G. Pagtalakay sa Aralin Ngayon mga bata, ay sabay-sabay nating basahin ang mga salitang ito na ginamit sa maikling
kwento na inyong napakinggan.

1. maliit
2. masipag
3. matiyaga
4. malusog
5. matulungin
6. malaki
7. luma
8. mahaba

Alam nyo ba mga bata na ang mga salitang ito ay mga salitang naglalarawan? Pakiulit nga
natin mga bata, NAGLALARAWAN. Magaling. Ngayon naman ay tingnan natin kung ano ba ang
inilrawan ng mga salitang ito mula sa kwento.

Basahin natin ang mga sumusunod na parirala.

1. maliit na barangay

(inilarawan ng salitang maliit ang barangay)


REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
DINALUPIHAN EAST DISTRICT
SAN SIMON ELEMENTARY SCHOOL

2. masipag at matiyagang pamilya

(inilarawan ng salitang masipag at matiyaga ang pamilya)

3. malusog at matulunging kalabaw

(inilarawan ng salitang malusog at matulungin ang kalabaw)

4. malaking kaing

(inilarawan ng salitang Malaki ang kaing)

5. lumang telebisyon

(inilarawan ng salitang luma ang telebisyon)

6. mahabang pila ng mga tao

(inilarawan ng salitang mahaba ang pila ng mga tao)

Ang mga salitang inilarawan mga bata ay tinatawag nating PANGNGALAN na nauna na nating
tinalakay. Ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, at pangyayari.

Ano naman kaya mga bata ang tawag natin sa mga salitang naglalarawan? Mayroon ba sa
inyo ang nakakaalam?

Kung wala mga bata, tingnan natin ang laman ng mahiwagang kahon. Ang tawag natin sa mga
salitang naglalarawan ay……………charaaannnn. PANG-URI.

Pakiulit n’yo nga mga bata! Tama, PANG-URI.

H. Paglalahat Ang mga salitang naglalarawan sa tao, bagay, hayop, pangyayari at lugar ay tinatawag nating
Panguri.

Ang PANG-URING PANLARAWAN ay naglalarawan ng hugis, kulay, laki, lasa, amoy, at iba
pang katangian ng larawan.

Ang mga pangngalan ay maaari nating ilarawan batay sa kanilang katangian na ating nakikita,
naririnig, naaamoy, nadarama, o nalalasahan.

Ngayon mga bata, tingnan pa natin ang ilang mga salita sa loob ng mahiwagang kahon na
maaaring gamitin sa paglalaarawan. Basahin natin ng sabay-sabay.

1. makulay
2. malinamnam
3. maingay
4. mabango
5. mataas

Mahusay mga bata. Ang mga salitang ito ay mga halimbawa rin ng Pang-uri, o mga salitang
naglalarawan.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
DINALUPIHAN EAST DISTRICT
SAN SIMON ELEMENTARY SCHOOL

I. Pangkatang Gawain Ngayon naman magkakaroon tayo ng pangkatang gawain. Hahatiin ko kayo sa tatlong grupo.
Ang row 1 at 2 ang magsisilbing group 1, ang row 3 at 4 ay magiging group 2 ,samantalang ang
row 5 naman ay magiging group 3.

Maliwanag ba mga bata?

Bawat grupo ay bibigyan ko ng Gawain at ito ay inyong pagtutulung-tulungan. Basahin at


intindihing mabuti ang panuto.

Group 1
Panuto: Bilugan ang wastong salita na maglalarawan sa larawan.

1. paru-paro (makulay, mataas, malinamnam)


2. Puno (mataas, maamo, mailap)
3. kape (mainit, malawak, maasim)
4. mansanas (mapula, mapakla, malapad)
5. tigre (mabangis, maamo, mabait)

Group 2
Basahing mabuti ang mga sumusunod na salita. Lagyan ng tsek kung ang salita ay pang-uri at
ekis naman kung hindi.

______1. Malaki
______2. Kabayo
______3. Magalang
______4.matamis
______5.malambot

Group 3
Piliin ang mga salitang naglalarawan o pang-uri sa mga salitang nasa loob ng kahon.
Isulat ito sa ibaba.

Lapis maalat bilog bahay

pula mabait malaki isda

1. ________________
2. ________________
3. ________________
4. ________________
5. ________________

J. Aplikasyon

Naunawaan ba ninyo ang ating aralin? Mayroon ba kayong tanong mga bata?

Kung wala ng tanong mga bata. Ano nga ulit ang ating tinalakay ngayong araw?

(Tama tinalakay natin ngayong araw ang mga salitang naglararawan sa tao, bagay, hayop,
lugar, at pangyayari na tinatawag nating PANG-URI)

At bilang aplikasyon mga bata, mahalaga na matutuhan natin ang wastong gamit ng mga
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
DINALUPIHAN EAST DISTRICT
SAN SIMON ELEMENTARY SCHOOL

salitang naglalarawan. Maaari natin itong gamitin lalo na sa pagpapakita natin ng


pagpapahalaga sa mga bagay at biyayang ibinibigay ng Diyos sa atin sa bawat araw. Na kahit
na dumadanas tayo ng pagsubok dulot ng pandemya, patuloy nating tingnan ang kagandahan
ng mundo na nilikha ng Diyos. Isang masaya at makulay na mundo nap uno ng biyaya at
pagpapala na tayong lahat ay nananatiling malakas, malusog, at masigla.

Ngayon mga bata, kung wala ng tanong ay dadako na tayo sa ating mga pagsasanay upang
sukatin kung naunawaan ninyong Mabuti ang aralin.

Isulat sa papel ang salitang naglalarawang ginamit sa bawat pangungusap.

1. Masipag ang batang si Nena.


2. Masarap ang ulam na niluto ni nanay.
IV. Pagtataya 3. Malawak ang lupain ni Mang Tony.
4. Maamo ang alaga kong aso.
5. Mataas ang punong niyog sa aming bakuran.

Panuto:
V. Takdang-Aralin
1. Sa isang bondpaper, gumuhit ng isang malinis, maganda, at makulay na kapaligiran.
VI. REMARKS
A. No. of learners who earned
80% in the evaluation
B. No. of learners who require
additional activities for
remediation
C.Did the lesson work? No. of
learners who have caught up
w/ the lesson
VI. REFLECTION

D.No. of learners who continue


to require remediation
E. Which of my teaching
strategies worked well? Why
did these work?
F. What difficulties did I
encounter which my principal
or supervisor can help me
solve?
G.What innovation or localized
materials did I use/discover
which I wish to share with
other teachers?

Prepared: Noted:

ANGELICA N. ALIPIO EVELYN G. REGALA


Teacher I School Principal III
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
DINALUPIHAN EAST DISTRICT
SAN SIMON ELEMENTARY SCHOOL

You might also like