Esp5 Q4 TQ

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
S C H O O L S DIVISION O F F I C E O F BAYUGAN CITY

FOURTH QUARTERLY EXAMINATION IN EsP 5


S Y 2022-2023

Direksiyon: Basahin at unawain ang bawat pahayag o tanong. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa iyong papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa?


A. Nagbibigay ng pagkain sa mga bata sa lansangan.
B. Hindi pinapansin ang kapatid na humihingi ng tulong.
C. Nakikipag-agawan ng laruan sa iyong nakababatang kapatid.
D. Patuloy na pagtapon ng mga basura sa paligid na naging sanhi ng
pagdami ng mga insekto.

2. Alin ang HINDI nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa?


A. Idinadalangin ang kasalukuyang kalagayan ng ating bansa.
B. Tumutulong sa paggawa ng proyekto ng iyong nakababatang.
C. Dumadalo sa mga pagpupulong hinggil sa pag-iingat ng kapaligiran.
D. Nakikipag-agawan ng mga laruan sa iyong kapitbahay na bagong
lipat.

3. Inutusan ka ng Tatay mo na bantayan ang Nanay mong may sakit, kasi


may kukunin siya sa bukid. Ano ang iniutos ng Tatay?
A. Gisingin ang Nanay
B. Pakainin ang Nanay
C. Paliguan ang Nanay
D. Bantayan ang Nanay

4. Ano ang sasabihin ng guro kung malapit na ang pagsusulit sa ikaapat na


kwarter?
A. Basahin ang mga aralin
B. Baliwalain ang sinabi ng guro
C. Maglaro bago pag-aralan ang mga aralin
D. Magsimula ng pag-aralan ang mga leksiyon

5. Tingnan kung ano ang ipinapakita sa larawan.


A. pagsira sa kapwa
B. paghanda sa sarili
C. pag-iwas sa kapwa
D. pag-tulong sa kapwa

6. Ano ang masasabi mo sa larawan?

A. naghaharutan
B. Nagkukuwentohan
C. Naglalaro ng bigayan
Test Writer: Marilou Abala
School: Mabuhay Elementary School
Email Address: [email protected]
D . Nagbibigay ng tulong

7. S a larawang ito, anong mabuting asal ang mapupulot


o makukuha natin?

A. Ang pagliligpit sa mga gamit.


B. Ang pagmamalasakit sa kapwa.
C. Ang pagtutulongan sa paglilinis.
D. Ang pagsawalang kibo sa mga gawain.

8. Nakita mo ang isang matandang babae na dala-dala niya ang basket na


puno ng prutas at gulay. Ano ang iyong gagawin?
A. Kukunin ko ang basket at ihatid sa aming bahay.
B. Tutulongan ko ang matanda sa pagdadala ng basket.
C. Hahayaan ang matanda sa pagdadala ng kanyang basket.
D. Tutulongan ko ang matanda sa pagdadala ng basket pero hihingi
ako ng prutas.

9. Bilang isang bata, ano ang magagawa mo upang Hindi magkalat ang mga
basura sa inyong paaralan?
A. Gagawa ng compost pit
B. Gagawa ng mga basurahan
C. Susunugin ang mga basura
D. Ipagsabi sa mga mag-aaral na itapon ang basura sa basurahan

10. Nakita mong nadapa ang isang bata. Ano ang iyong gagawin?
A. iasa sa iba
B. saklolohan
C. huwag pansinin
D. hayaan siya sa sarili niya

11. Alin sa mga larawan ang nagpapakita na gawain sa pamayanan ang pag-
tulong sa kapwa?

A. C.

B. D.

12. Alin ang nagpapakita ng kawanggawa?


A.
C.

B
D.

Test Writer: Marilou Abala


School: Mabuhay Elementary School
Email Address: [email protected]
13. Upang matugunan ng pamahalaan ang mga programang pangkaligtasan,
ang mamamayan dapat na .
A. maging mapagmasid at alerto
B. hindi maniwala sa pamahalaan
C. huwag pansinin ang mga programa
D. hayaan ang ibang tao na lang ang sasali

14. Upang malutas ang suliranin ng malnutrition, ano ang dapat gawin ng
pamahalaan?
A. Magbibigay ng pera
B. Pangangalaga sa paligid
C. Magkaroon ng recycled program
D. Magkakaroon ng feeding program

15.Dahil sa banta ng COVID- 19, ang mga tao ay pinapayuhang umiwas


sa paglabas ng tahanan at magtungo sa mga matataong lugar upang
hindi mabilis kumalat ang sakit na ito. Ang iyong gagawin upang
maipakita ang pagmamalasakit?
A. Tityakin ko sa bawat paglabas na ako ay ligtas sa virus.
B. Lalabas ako ng aming tahanan dahil marami akong nais pasyalan.
C. Madalang na lamang akong magtungo sa bahay ng aking mga
kaibigan.
D. Susunod ako sa ipinag-uutos upang hindi ako mahawa o
makahawa sa aking kapwa.

16. Marami ang nawalan ng tahanan at mga kagamitan sa pagsalanta ng


malakas na bagyo sa ibang lugar sa Pilipinas. Ano ang wastong
gawin?
A. Pababayaan ko sila.
B. Malayo ako sa kanilang lugar kaya bahala na ang mga malapit sa
kanila.
C. Pagtatawanan ko sila dahil wala na silang bahay at nasira ang
kanilang mga gamit.
D. Ako ay magbibigay ng anumang aking makakaya at patuloy na
idadalangin ang kanilang kalagayan.

17. Ang nakagalit mong kaibigan ay lumapit sa iyo at humingi ng tawad sa


kanyang pagkakamali. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ko siya papansinin.
B. Mas lalo akong magagalit sa kanya.
C. Hihingi rin ako sa kanya ng paumanhin at makikipagbati ako sa
kanya.
D. Makikinig ako sa kanya ngunit hindi ko tatanggapin ang paghingi
niya ng paumanhin.

18. Habang ikaw ay nakasakay sa bus, may isang lola ang sumakay at wala
nang ma uup ua n, ano ang mas mahalagang gawin?
A. Tatayo ako at ibibigay sa lola ang aking puwesto.
B. Hihikayatin ko ang iba na ibigay sa kanilang puwesto sa lola.
Test Writer: Marilou Abala
School: Mabuhay Elementary School
Email Address: [email protected]
C . Ako ay magkukunwaring natutulog upang hindi ako patayuin.
D . Ibibigay ko sa lola ang aking puwesto at sisingilin siya para sa
aking pamasahe.

19. Pagmasdan ang larawan sa ibaba. Paano mo maipapakita ang pagmama-


hal sa kanila?

A. Tulongan pero labag sa kalooban.


B. Tulongan sa abot ng aking makakaya.
C. Hayaan ang iba ang tutulong sa kanila.
D. Pagtawanan sila na ganon ang kanilang sitwasyon.

20. Magkakaroon ng “Clean Up Drive” sa inyong lugar. Napagkasunduan ng


mga opisyales na magtulungan ang lahat. Bawat tahanan ay may
repre- sentante na tutulong sa paglilinis. S a anong paraan mo
maipakikita ang iyong suporta?
A. Pabayaan ko na lamang sila sa kanilang ginagawa.
B. Kusang-loob na makiisa sa programa ng barangay.
C. Sabihin sa mga opisyales na wala akong oras na tumulong.
D. Balewalain kung ano man ang ipinatutupad ng aming barangay.

21, 22 at 23. Ano ang ginagawa ng mga nasa larawan?

21. A. bumibili
B. humihingi
C. nagdarasal
D. namamahagi

22. A. nagdadasal
B. nagkukuwentohan
C. nagpapahayag
D. nag-uusap

23. A. mag-aani
B. mamalengke
C. mamasyal
D. magsisimba

Test Writer: Marilou Abala


School: Mabuhay Elementary School
Email Address: [email protected]
24. Aling larawan ang nagpapasalamat sa Diyos?
A. C.

C. D.

25. Alin ang nagpapakita ng pananalig sa Diyos?


A. Pag-iwas sa tungkulin.
B. Pagbabaliwala sa paligid.
C. Mag-antay ng tulong galing sa iba.
D. Pagmamalasakit sa kapwa at sa kapaligiran.

26. Alin ang nagpapahayag ng paniniwala sa Diyos?


A. Walang panahon magdasal dahil busy.
B. Nabubuhay ang tao sa tinapay lamang.
C. Ang dasal ang malakas na sandata sa
buhay. kahit hindi
D. Nabubuhay ang
naghahanapbuhay. tao sa
dasal lamang
27. S a sumusunod na pahayag, alin ang tama?
A. Nagsasabi ng masama sa iyong kapwa.
B. Nagsisinungaling sa kapwa upang siraan ang kaaway.
C. Ginagamit ang pangalan ng Panginoon sa walang-kabuluhang
pag-uusap
D. Ipinagpapasalamat sa Diyos ang mga biyayang tinatanggap sa
sa bawat araw.

28. Pag-uwi sa bahay, ikaw ay gutom dahil hindi ka nakakain ng miryenda


sa iyong paaralan. Nadatnan mong may pagkain sa mesa. Ano ang
iyong gagawin?
A. Kakain kaagad
B. Magdasal bago kumain
C. Uubusin lahat ng pagkain
D. Magpaalam sa Nanay at magdasal bago kumain

29. Araw ng Linggo at ginigising ka ng iyong magulang dahil kayo ay mag-


sisimba. Ano ang iyong isasagot?
A. Hindi kikibo
B. Inaantok pa ako
C. Opo, babangonna ako
D. Kayo na lang ang magsimba

30. Ikaw ay naglinis ng iyong katawan at nag-ayos ng iyong higaan. Pagka-


tapos ikaw ay nahiga na at handa nang matulog. Ano ang iyong
gagawin bago tuluyang magpahinga?

Test Writer: Marilou Abala


School: Mabuhay Elementary School
Email Address: [email protected]
A. Matulog kaagad
B. Mag-cellphone muna
C. Magdasal bago matulog

D. Kakain muna bago matulog

31. Ang iyong kaibigan na si Kaloy ay isang Muslim. Inanyayahan ka na


sasama sa kanya upang magsimba. Ano ang nararapat mong
gawin?
A. Iwasan ko si Kaloy.
B. Tatanggapin ko ang alok niya.
C. Tatanggihan ko ang alok niya.
D. Sasabihin na hindi tayo magkatulad ng paniniwala.

32. Paano mo maipapakita ang iyong pananampalataya sa Diyos?

A. Tutulong na labag sa kalooban.


B. Aawayin ang hindi ko kaibigan.
C. Papaluin ang asong palaboy-laboy.
D. Magsisimba at magpapasalamat sa Diyos.

33. Bakit mahalaga na magkaroon ng pananampalataya sa Diyos?


A. Dahil ang Panginoon ang pinagmulan ng kasamaan.
B. Dahil ang Panginoon ang nagbibigay sa mga sakuna.
C. Dahil ang Panginoon ang naglikha ng lahat ng bagay
sa mundo.
D. Dahil ang Panginoon ang dahilan ng aking kahirapan
sa buhay.

34. Paano mo maipapakita ang iyong pananampalataya sa Diyos sa iyong


kapwa tao?
A. Mamamasyal palagi sa park.
B. Iwasan ang nanghihingi ng abuloy sa iyo.
C. Magsawalang kibo sa mga pangyayari sa paligid.
D. Mapagdasal, mapagmasid,at tutulong sa mga
nangangailangan.

35. Batay sa larawan, paano mo maipapakita ang pagpapasalamat sa


Diyos?

A. sa pamamagitan ng pagsaklolo
B. sa pamamagitan ng pagwalang kibo
C. sa pamamagitan ng pagsuntok ng dayber
D. sa pamamagitan ng pag-iwas na tumulong

36. Ano na gawain na iyong isinasagawa upang maipakita ang iyong pag-
papasalamat sa ating Diyos?
Test Writer: Marilou Abala
School: Mabuhay Elementary School
Email Address: [email protected]
A. ang pagiging maramot
B. ang pagiging makasarili
C. ang pagiging mapag-isa at masungit
D. ang pagiging mapagbigay at matulungin

37. Si Marco at Mateo ay magkaibigan. Si Marco ay sumusunod sa ipinatu-


tupad na batas at si Mateo naman ay gumagawa ng labag sa batas.
Sino sa dalawa ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa?

A. Si Marco dahil gumagawa ng mabuti.


B. Si Mateo dahil ginagampanan niya ang tungkulin.
C. Si Marco dahil tumutulong siya sa pangangampanya.
D. Si Mateo dahil masayahin at maasikaso sa kanyang pamilya.

38. S a iyong palagay, alin sa mga sumusunod na pahayag maipakita ang pag-
kamapagmahal sa kapwa?
A. Pagbibigay dasal sa mga may sakit at pasayahin.
B. Pabayaan ang ang mga taong napainsala s amalakas na bagyo.
C. Susulatan ang pader ng paaralan ng hindi kanais-nais na salita.
D. S ama han sa iniman ang kabarkada kahit bawal ang uminom ng
alak.

39. Ang Pangkat A ay gumagawa ng pakikiisa, pagdarasal at pagkalinga at


ang Pangkat B ay walang pakialam sa mga pangyayari sa paligid.
Paano mo hihikayatin ang pangkat B?
A. Pagsabihan na tamad sila.
B. Pababayaan sila kung anuman ang gusto nila.
C. Mumurahin sila na walang makabuluhang nagawa.
D. Mahinahon na pakiusapan at ipapaliwanag ang tungkol sa
responsibilidad ng bawat isa sa nakapaligid.
40. Bakit kailangang maniwala at magpasalamat sa Diyos sa lahat ng ating
ginagawa sa sariling buhay at pagkalinga sa mga nangangailangan
na nakapaligid sa atin?
A. Dahil Siya ang dahilan sa mga sakuna.
B. Dahil Siya ang nagbigay sa ating buhay.
C. Dahil Siya ang pinagmulan ng kaguluhan
D. Dahil Siya ang gumambala sa mga nilikha

Test Writer: Marilou Abala


School: Mabuhay Elementary School
Email Address: [email protected]

You might also like