Ap 7q2 Las 2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

JUNIOR HIGH SCHOOL

Araling
Panlipunan 7
Quarter 2 – LAS : 2
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya

FOR TANDAG NATIONAL SCIENCE


HIGH SCHOOL USE ONLY
DepEd Learning Activity Sheets (LAS)

Name of Learner : ___________________________________________________


Grade Level : ___________________________________________________
Section / Strand : ___________________________________________________
Date : ___________________________________________________

Week 2-3

Araling Panlipunan 7
Learning Area

Mga sinaunang kabihasnan sa Asya


Topic

Pinakamahalagang kasanayang pampagkatuto (MELC): Napaghahambing ang


mga sinaunang kabihasnan sa Asya

Mga Layunin
1. matutukoy ang pinagmulan ng mga unang tao sa Asya
2. mapapahalagahan ang bawat yugto ng pamumuhay at pag-unlad ng sinaunang tao
sa Asya
3. makakalikha ng isang poster na nagpapakita ng kaibahan ng kabihasnan at
sibilisasyon.

Kabihasnang Sumer (3500 BCE - 3000 BCE)


Lokasyon • Nabibilang ito sa tinatawag na Fertile Crescent.
• Matatagpuan sa Mesopotamia, ang kasalukuyang Iraq.
• Ang salitang “Mesopotamia” ay hango sa salitang Greek na “meso” at
“potamos” na ang ibig sabihin ay “pagitan” at “ilog”.

(For Tandag National Science High School Use ONLY)


Katagiang  Lambak sa pagitan ng ilog Tigris at Euphrates, na kung saan ang mga ilog
Pisikal nito ang nagsisilbing hangganan ng kanilang nasasakupan. May bundok sa
Hilagang bahagi, tubig sa Silangan at Kanluran, at disyerto sa Timog.

Pamayanang  Mga bayan ng Kish, Ur, Larak, Nippur at Lagash ang pangunahing
Naitatag pamayanan ng kabihasnang Sumer.
Uri ng • Ang pamumuhay ay nakasentro sa agrikultura at kalakalan.
Pamumuhay • Sila ay sumasamba sa maraming diyos at diyosa.
• Ang mga bayan ay may kani-kanilang pamumuno na hindi nakakaisa kaya
madalas ang digmaan sa pagitan ng mga bayan.

Sistema ng  Ang paraan ng kanilang pagsulat ay tinatawag na


Pagsulat “Cuneiform” na isinusulat sa clay tablet gamit ang pinatulis na tangkay ng
damo. Ang salitang cuneiform ay galing sa Latin na salitang cuneus na
ibig sabihin ay “sinsel” at porma na ibig sabihin ay “hugis”

Ambag at • Ang mga Sumerian ang sinasabing pinaka-unang gumamit ng gulong sa


Kontribusyon pagdadala ng mga kalakal nila sa ibang lugar.
• Paggamit ng “potter’s wheel” sa paggawa ng banga.
• Paggamit ng araro sa pagtatanim
• Paggamit ng arko o “arch” sa kanilang istruktura upang mapanatili ang tibay
nito.
• Ang sistema ng patubig o “irrigation” para sa kanilang pananim.

(For Tandag National Science High School Use ONLY)


Mga Kaugnay
na
Larawan

Kabihasnang Indus (2500- BCE


1600BCE)
Lokasyon  Matatagpuan sa Timog na bahagi ng Asya.
 Tinatawag din “subcontinent of Asia”.

Katagiang  Lambak -ilog .ng Indus River o Indus Valley.


Pisikal  Hugis ng nakabaliktad na tatsulok.
 May nagtataasang bulubundukin ng Himalayas sa hilagang
bahagi ng rehiyon ng India.
Pamayanang  Ang Harappa at Mohenjo -Daro ay dalawang pamayanang
Naitatag naitatag sa kabihasnan ng Indus na tinatayang may
naninirahan na simula pa noong 7000 BCE .
Uri ng Pa-  Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan ng
mumuhay kabihasnang Indus ay pagtatanim ng palay at gulay.
 Gayundin, ang pag -aalaga ng hayop tulad ng kambing, baka
at tupa.
 Sila ay mahusay rin sa larangan ng kalakalan na ilan sa
kanilang produktong kalakal ay tela, palayok at
kasangkapang metal.
Sistema ng  Ayon sa mga eksperto, ang sinaunang mamamayan ng
Pagsulat kabihasnang Indus ay sistema ng pagsulat at wika na
tinatawag ng Harappa pictogram.
Ambag at  Sistema ng patubig o “irrigation”.

Kontribusyon  Sistema ng pagsulat at pagtimbang.


 Paghahabi ng tela at paggawa ng kasangkapang metal.

(For Tandag National Science High School Use ONLY)


Mga Kaugnay
na
Larawan

Kabihasnang Shang (1700- BCE


1200BCE)
Lokasyon  Matatagpuan sa silangang na bahagi ng Asya.
 Ang Tsina ang pinakamalaging Bansa sa Asya.
Katagiang  Lambak -ilog Huang He o Yellow River.
Pisikal  May Gobi Desert sa Hilaga, sa Timog -kanluran ang
bulubundukin ng Himalayas, sa timog -silangan ang South
China Sea at sa silangan ang Yellow Sea.
 Dalawa ang pinakamahalang ilog sa China ang Chang Jiang
(Yangtze) at Yellow River (Huang He).
Pamayanang  Sinasabing noong 2000 BCE ay may naninirahan ng mga tao
Naitatag sa lambak -ilog ng Huang He, hanggang sa may isang pamilya
- ang pamilyang Shang, ang naging makapangyarihan at
silang namuno sa lambak -ilog ng Huang He.
Uri ng  Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan ng
kabihasnang kabihasnang Shang ay pagtatanim.
Pamumuhay
 Napakahusay din nila sa larangan ng kalakalan.
 Ang istruktura ng kanilang lipunan ay isang piramide na
kung saan hari at ang kaniyang pamilya ang silang
namamahala sa lipunan. Ang ikalawang bahagi ng lipunan
ay mga Aristokrata na nagmamay -ari ng malalaking lupain.
At ang panghuli ay mga manggagawa.
Sistema ng  Ang sistema ng pagsulat sa panahon ng kabihasnan ay
Pagsulat binubuo ng 3,000 simbolo o character. Ito ay tinatawag din
Calligraphy.

(For Tandag National Science High School Use ONLY)


Gawain 1

Panuto: Itala ang mga katangiang pisikal ng mga sumusunod na kabihasnan. Isulat ang
iyong sagot sa kahon.

SUMER INDUS SHANG

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Punan ang mga hinihinging


impormasyon tungkol sa naging pagbabago at pag- unlad ng
pamumuhay ng mga kabihasnang umunlad sa Asya. Gawin ito sa
iyong sa iyong sagutang papel.

Lugar na Kabihasnan Mga unang Sistema


pinagmulan g umusbong pamayanan ng
ng g umusbong Pagsula
Kabihasnan t
Mesopotami
a
Indus Valley
China

(For Tandag National Science High School Use ONLY)


Gawain sa Pagkatoto bilang 3

Panuto: Sagutan ang talahanayan sa nagging pagbabago at pag-unlad sa uri ng


pamumuhay sa mga umusbong na kabihasnan.

MGA KABIHASNAN URI NG PAMUMUHAY


SUMER

INDUS

SHANG

Gawain sa PAgkatoto bilang 4

Panuto: Tukuyin ang uri ng pamumuhay sa bawat kabihasnan at ang katumbas na


kahalagahan.

KABIHASNAN KONTRIBUSYON KAHALAGAHAN SA


KASALUKUYAN
SUMER

INDUS

SHANG

Gawain sa Pagkatoto 5

Panuto: Itala ang mga impormasyong pagkakatulad at pagkakaiba ng mga


kabihasnan sa loob ng Venn Diagram.

Indus

Sumer Shang

(For Tandag National Science High School Use ONLY)


Gawain sa Pagkatoto bilang 6
Panuto:

Activity 2

Panuto: Hanapin ang katumbas na kapakinabangan ng mga kagamitan na nasa


unang kolum. Paano ito ginagamit noon at paano napaunlad ang paggamit nito
ngayon? Isulat ang titik ng tamang sagot. Gawing gabay ang nasa halimbawa.
Hal. 1. Dahon = A = F
MGA KAGAMITAN NOON NGAYON
1. A. F.
Dahon
2. B. G.
Puno

C. H.
3.

Clay o luwad

D. I.
4.

E. J.
5.
Buto ng
hayop
F. K.
6.
Bato

Activity 3.

(For Tandag National Science High School Use ONLY)


Panuto: Gumawa ng poster na naglalarawan sa iyong naunawaan tungkol sa
pagkakaiba ng kabihasnan at sibilisasyon. Ikolum ito at ilagay sa isang long
bondpaper.

RUBRIKS SA PAGMAMARKA

Nilalaman at Kaangkupan 15 puntos

Pagkamalikhain 10 puntos

Kalinisan 5 puntos

Kabuuan 30 puntos

Evaluation
Panuto : Ibigay ang tamang sagot na hinihingi sa bawat aytem. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

_____1. Ito ang pangkalahatang katawagang ibinigay ng mga siyentipiko sa mga


unang tao at iba pang nilalang na malatao (humanlike creatures) na naglalakad nang
tuwid noong panahong prehistoriko.
_____2. Anong teorya ang pangunahing pinagbabatayan ng paliwanag sa
pinagmulan ng unang tao sa daigdig?
_____3. Ito ay ang pangkat ng Homo species na tinatawag na taong nag-iisip.
_____4. Ang tawag sa anumang tumigas na labi ng mga halaman, hayop at tao
na siyang ginamit na pangunahing ebidensya sa pinagdaanang ebolusyon ng tao.
_____5. Ito ay kabilang sa pangkat ng Hominid na nagtataglay ng katangian ng
isang ganap at tunay na tao.
_____6. Sa kontinenteng ito nagmula ang unang pangkat ng Homo erectus na
nagtungo sa ibang panig ng daigdig na nakarating sa Asya at Europa.
_____7. Sa panahong ito, ang mga tao ay natutong manirahan sa isang lugar.
_____8. Ito ang tawag sa mga taong palipat- lipat o walang permanenteng
panirahan sa panahon ng Paleolitiko.
_____9. Sa panahong ito, natutong pakinisin ng mga tao ang kanilang
kasangkapan na yari sa bato.
_____10. Ito ay nag-ugat sa salitang Latin na “civitas” at “civilis”.

(For Tandag National Science High School Use ONLY)


Reflection

Natutunan ko na…
__________________________________________________________________________________

Nais ko pang matutunan ang tungkol sa…


__________________________________________________________________________________

Answers’ key

( Ipapasa ang ang lahat ng mga sagot sa Gawain. Ang guro lamang ang
magwawasto sa lahat ng mga sagot)

Development Team of the Learning Activity Sheets

Writer: Rey M. Suyman, T-I Tandag National Science High School


Editor: Joeyconsly Valeroso MT-I
Reviewer: Mia O. Laorden, MT-II
Management Team: Romulo T. Laorden, P – I
Mia O. Laorden, MT – II
Joeyconsly L. Valeroso, MT – I
Adonis Don G. Oplo, MT – I
Kit Jude Q. Minion, MT – I

For inquiries or feedback, please write or call:


TANDAG NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT TEAM - TNSHS
Tabon – tabon, Quezon, Tandag City, Surigao del Sur
Telephone: 214-5827
Email Address: [email protected]

(For Tandag National Science High School Use ONLY)

You might also like