LP in Araling Panlipunan 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
NAGKAISANG NAYON ELEMENTARY SCHOOL
Mayon St., Amparo Subd., Brgy. Nagkaisang Nayon, Nova. QC.

Pinagsanib na Banghay Aralin sa Araling Panlipunan


at Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan
Ikalimang Linggo
Marso 21, 2023 (7:40 – 8:20am)

I. Layunin:
- Nakikilala at natutukoy ang mga taong bumubuo sa paaralan at mga tungkulin nito. (e.g.
punong guro, guro, mag-aaral, doktor at nars, dyanitor, etc)
- Naisakikilos ang mga tungkulin ng mga taong bumubuo sa paaralan.
- Napahahalagahan ang mga taong bumubuo sa paaralan.
II. Paksang Aralin: Mga Taong Bumubuo sa Paaralan at Kanilang Tungkulin
A. Kagamitan: Powerpoint presentation, projector, mga larawan, kahon, at tsart
B. Sanggunian: MELC AP1PAA- IIIb-4
C. Pagpaphalaga: Pagiging magalang

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagsasanay: Pagkuha ng mga tanong sa kahon ng kaalaman.
2. Balik-aral
Pag-ugnayin ang larawan ng bahagi ng paaralan sa pangalan nito.
1. A. silid-aklatan

2. B. kantina

3. C. silid-aralan

4. D. opisina ng punongguro

5. E. klinika

3. Pagganyak:
Pag-awit ng isang kanta tungkol sa mga tauhan sa paaralan.
Tono: “Nasaan ka?”
Sino-sino ang mga binanggit sa ating awit?
Saan natin sila nakikita?

B. Panlinang na Gawain
1. Ilahad:
Magpanood ng video tungkol sa mga taong bumubuo sa paaralan.

2. Pagtalakay:
Sino ang namumuno sa paaralan?
Ano naman ang gawain o tungkulin ng dyanitor sa ating paaralan?
Sino ang nagtuturo sa mga mag-aaral na magsulat, magbilang, at magbasa?
Ano naman ang tawag sa mga katulad ninyo na pumapasok sa paaralan upang matutong
magbasa, magsulat, at magbilang?
Sino ang nangangalaga ng katahimikan at kaligtasan ng mga mag-aaral sa paaralan?
Ano naman ang gawain ng librarian?
Mahalaga ba ang mga taong bumubuo sa ating paaralan? Bakit?
Paano natin sila pahahalagahan?
3. Paglalahat:
Sino-sino ang mga taong bumubuo sa paaralan?
Ang guro, punongguro, librarian, guidance counselor, guwardiya, dyanitor, canteen helper at
mag-aaral ang bumubuo sa paaralan.

Mahalaga ang ginagampanan ng mga taong bumubuo sa paaralan. Sila ay nagtutulungan


upang mapanatili ang kagandahan at kaayusan ng paaralan.
4. Pangkatang Gawain:
Bigyan ang bawat pangkat ng kanya- kanyang gawain

Unang Pangkat- Pagtapatin ang larawan ng mga taong bumubuo sa paaralan sa


pangalan nito.
Ikalawang Pangkat – Piliin sa loob ng kahon kung sino ang nasa larawan. Isulat sa
patlang ang sagot.
Ikatlong pangkat- Kulayan ng pula ang puso kung tama ang isinasaad na tungkulin
ng tauhan sa paaralan at itim kung mali.
Ikaapat na Pangkat – Piliin sa Hanay B ang mga tungkulin ng mga taong katulong
sa paaralan na nasa Hanay A. Titik lamang ang isulat sa patlang.

5. Pagsasanay:
Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung tama ang pahayag at (X) naman kung hindi.
______1. Ang guwardiya ang siyang nagtuturo sa mga mag-aaral na magbasa, magsulat at
magbilang.
______2. Ang dyanitor ang siyang naglilinis ng paaralan.
______3. Ang tagaluto ang siyang naniniguro sa malinis at masustansiya ang mga makakain
ng mag- aaral sa paaralan.
______4. Ang punongguro ang siyang gumagabay sa mga guro upang magampanan nila ng
maayos ang pagtuturo.
______5. Ang nars at doktor ang nangangasiwa sa loob ng silid aklatan.
IV. Pagtataya:
Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Siya ang nagpapanatili ng kaligtasan ng mga mag-aaral sa paaralan.
a. tagaluto sa kantina
b. guwardiya
c. dyanitor
d. mag- aaral
2. Siya ang nagtuturo sa mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan.
a. guro
b. punongguro
c. librarian
d. guwardiya
3. Siya ang namumuno sa paaralan.
a. dyanitor
b. mag-aaral
c. punonguro
d. guro

4. Sila ang gumagamot sa mga mag-aaral na nagkakasakit.


a. librarian
b. nars at doctor
c. guro
d. guwardiya
5. Siya ang nagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng paaralan.
a. dyanitor
b. librarian
c. guwardiya
d. guro
V. Kasunduan:
Gumupit ng mga larawan ng mga taong bumubuo sa paaralan at idikit ito sa kuwaderno.
Sumulat ng isang pangungusap ng tungkulin nito.

Inihanda ni:
ESHELLE D. FEBRES
Guro

Binigyang-pansin nina:

EDEN H. VINCULADO
Master Teacher In-Charge

RODELIO R. OLONAN
Principal II

Republic of the Philippines


Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
NAGKAISANG NAYON ELEMENTARY SCHOOL
Mayon St., Amparo Subd., Brgy. Nagkaisang Nayon, Nova. QC.

Classes Suspended
(August 31, 2023)

September 1, 2023
Please refer to the Lesson Plan dated
August 31, 2023

Inihanda ni:
ESHELLE D. FEBRES
Guro

Binigyang-pansin nina:

EDEN H. VINCULADO
Master Teacher In-Charge

RODELIO R. OLONAN
Principal II

Republic of the Philippines


Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
NAGKAISANG NAYON ELEMENTARY SCHOOL
Mayon St., Amparo Subd., Brgy. Nagkaisang Nayon, Nova. QC.

You might also like