Ap3 q2 m3 Mga Kuwento NG Kasaysayan at Mga Makasaysayang Pook Final

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

3 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Mga Kuwento ng Kasaysayan at Mga Makasaysayang
Pook

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Prince Garei G. Revil
Editor: Florence S. Gallemit, Ma. Jeanie Quimiguing
Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr.
Florence S. Gallemit
Dr. Jephone Yorong
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Prince Garei G. Revil
Tagalapat: Prince Garei G. Revil
Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III
Dr. Eugenio B. Penales
Sonia D. Gonzales
Dr. Ella Grace M. Tagupa
Dr. Jephone P. Yorong
Florence S. Gallemit
Jose C. Overa
Marilou S. Cagbabanua
Alamin
Naiuugnay sa kasalukuyang pamumuhay ng mga tao ang kuwento ng mga
makasaysayang pook o pangyayaring nagpapakilala sa sariling lalawigan at
iba pang lalawigan ng kinabibilangang rehiyon(AP3KLR- IId-3)

Balikan
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng
tamang sagot. Isulat ito sa inyong papel.
1. Sa paglipas ng panahon, ano-ano ang kadalasang nagbabago sa mga lungsod,
lalawigan o rehiyon?
A. Pangalan ng lungsod, lalawigan o rehiyon
B. Pisikal na kapaligiran ng lungsod, lalawigan o rehiyon
C. Populasyon ng lungsod, lalawigan o rehiyon
D. Lahat ng nabanggit
2. Ano ang kabutihang naidudulot ng mga pagbabagong naganap sa mga
lungsod, lalawigan o rehiyon?
A. Nagiging sikat ang isang lungsod, lalawigan o rehiyon.
B. Nagiging mayaman ang isang lungsod, lalawigan o rehiyon.
C. Nagiging mas maunlad at naaayon sa makabagong panahon ang
kaganapan sa isang lungsod, lalawigan o rehiyon.
D. Wala sa nabanggit
3. Ano-anong aspeto ng pagbabago ang nakikita pa rin sa kasalukuyan sa mga
lungsod at lalawigan ng Rehiyon IX – Zamboanga Peninsula?
A. Pagbabago sa populasyon
B. Pagbabago sa pisikal na kapaligiran at imprastruktura
C. Pagbabago sa pang-ekonomiya at panlipunan
D. Lahat ng nabanggit
4. Bakit mahalaga na malaman mo ang mga pagbabago sa iyong sariling lungsod,
lalawigan at rehiyon?
A. Upang maisa-isa mo ang mga pagbabago na nagaganap dito
B. Upang mailahad mo ang mga pagbabago na nagaganap dito
C. Upang maipagmayabang mo ang mga pagbabago na nagaganap dito
D. Upang malaman, maintindihan at mapahalagahan mo ang mga
pagbabago at kasalukuyang kaganapan dito
5. Paano mo malalaman ang mga pagbabago na naganap sa iyong sariling
lungsod, lalawigan at rehiyon?
A. Aalamin ko ang mga kasalukuyang pangyayari at kaganapan ng aking
sariling lungsod, lalawigan at rehiyon.
B. Aalamin ko ang kasaysayan ng aking sariling lungsod, lalawigan at
rehiyon.
C. Aalamin at ihahambing ko ang kasaysayan at kasalukuyang kaganapan
ng aking sariling lungsod, lalawigan at rehiyon.
D. Wala akong gagawin.

Aralin Mga Kuwento ng Kasaysayan at Mga


3 Makasaysayang Pook

Tuklasin
Ang mga kuwento ng makasaysayang pangyayari sa ating lalawigan at
rehiyon ang siyang nagbibigay-buhay kung gaano kayaman ang ating kultura.
Mga bakas ng kahapon na kung ating tatanawin ay mga alaalang nagbibigay sa
atin ng dangal bilang Pilipino. Ito ay nakaukit na sa ating katauhan tungo sa
pag-usbong ng panibagong kabihasnan. Dahil sa mga kuwento ng mga
makasaysayang pook na makikita sa ating rehiyon at lalawigan, nagbigay-daan
ito sa pag-unlad ng mga pamumuhay sa sinaunang tao na makikita pa rin natin
sa kasalukuyan katulad ng pagsasaka, pangingisda at pangangalakal.
Halina’t ating tuklasin, kilalanin at ipagmalaki ang mga iilan lamang na
mahahalagang pangyayari sa ating rehiyon at lalawigan.
Fort Pilar
Ang kuta ay itinayo noong ika-23 ng
Hunyo 1635 ng isang Heswitang pari na si
Padre Melchor de Vera kasama si Kapitan Juan
de Chaves upang magsilbing tanggulan ng mga
kristiyano laban sa pagsalakay ng mga moro at
dayuhang mananakop. Kinilala ang Fort Pilar
bilang Pambansang Yamang Pangkultura
noong ika-1 ng Agosto 1973 sa pamamagitan
ng Presidential Decree No. 260. Matatagpuan
ito sa Lungsod ng Zamboanga.
Zamboanga City Hall
Ang pagtatayo ng gusaling ito ay
nagsimula noong 1905 at natapos noong 1907
ng Pamahalaang Pederal ng Estados Unidos
para sa mga Amerikano na tagapamahala ng
lugar na kinabibilangan nina Leonard O. Wood,
Tasker H. Bliss, Ralph W. Hoyt, at John
Pershing ng World War I. Sa kasalukuyan, ito
ay nagsisilbing Bahay Pamahalaan ng Lungsod
ng Zamboanga kung saan pinangangasiwaan
ng Punong Lungsod/City Mayor.
Punto del Desembarco de Rizal
Sa dalampasigang ito ng Sta. Cruz,
Lungsod ng Dapitan lumunsad si Rizal noong
ika-7 ng gabi, ika-17 ng Hulyo 1892 upang
simulan ang buhay-tapon sa Dapitan. Kasama
ni Kapitan Delgras ang tatlong kawal ng
artilyera ay naglakad sila sa daan patungo sa
Casa Real. Dito ipinakilala si Rizal kay Don
Ricardo Carnicero, ang kastilang gobernador
militar.
Dapitan City Plaza
Habang nakadistiyero sa Dapitan ang
bayani na si Jose Rizal sa taong 1892-1896,
ang Liwasan ng Dapitan ay isinaayos at
pinaganda niya sa tulong ni Gov. Carnicero.
May itinanim siyang mga puno ng akasya sa
paligid ng liwasan. Ang kanyang plano upang
ito ay maihahambing sa mga plaza na nakita
niya sa Europa.

Relief Map of Mindanao


Sa tapat ng simbahan ng St. James ay
matatagpuan ang isang malaking mapa ng
Mindanao, sa isang kabuuang lupain na may
900 square meters. Ginawa ito ng Pambansang
Bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal. Inilaan
niya ito bilang isang kaganyak-ganyak na
aparato para sa pagtuturo ng kasaysayan at
heograpiya sa mga bayan. Matatagpuan ito sa
Lungsod ng Dapitan.

Casa Redonda
Ito ay may walong panulukan na tirahan
na nagsilbing kwarter para sa mga mag-aaral ni
Dr. Jose Rizal. Nang maglaon, ginawa itong
isang klinika kung saan dito si George Tauter,
ang ama ni Josephine Bracken, inoperahan sa
kanyang mata. Meron ding bahay si Rizal para
sa mga alaga niyang manok, ito ay tinatawag
na Casa Redonda Pequeña na may anim na
panulukan. Matatagpuan ito sa Lungsod ng
Dapitan.
Casa Cuadrada
Ito ang pangunahing bahay na nagsilbing
tirahan ni Dr. Jose Rizal kasama ang mga
miyembro ng kanyang pamilya, na madalas
bumisita sa kanya. Sa pook na ito, makikita
ang isang natural na hugis-puso na bato, ito ay
tinatawag na Mi Retiro Rock sapagkat ito ay
nagsilbing inspirasyon ni Dr. Jose Rizal sa
pagsulat ng magagandang taludtod ng kanyang
mga tula. Kilala rin ito bilang Batong Lumayag
dahil para itong lumilitaw kung nalilibutan ng
mataas na tubig. Matatagpuan ito sa Lungsod
ng Dapitan.

Filipino-Japanese Memorial Park


Isang alaala ng World War II sa Barangay
Dicayas na ngayon ay nakatayo upang sariwain
at pagbabalik-tanaw sa digmaan ng mga
sundalong Pilipino at Hapon. Matatagpuan ito
sa Lungsod ng Dipolog.

Holy Rosary Cathedral


Ito ay itinayo ng mga prayle ng Espanya
noong 1894 o 1895 sa Lungsod ng Dipolog.
Ipinakikita ng mga tala na ang altar ng katedral
ay dinisenyo ni Dr. Jose Rizal, na naglilingkod
pa rin sa panunungkulan ng kanyang
pagkatapon sa Dapitan sa mga taong iyon.

Tulwanan Village
Sa Sitio Tulwanan, Barangay Lugdungan
ang orihinal na kinaroroonan ng mga unang
naninirahan sa Lungsod ng Dipolog, ang mga
Subanon. May anim na kilometro mula sa
lungsod at sa kahabaan ng Dipolog River, na
kung saan dinala ng mga Subanon ang
kanilang mga produkto sa pakikipagkalakalan
sa merkado sa mga unang araw.

Mahalagang malaman natin ang mga kuwento ng kasaysayan sa ating


rehiyon at lalawigan dahil dito tayo nakilala at ito ang hiyas na pamana sa atin
ng mga ninuno. Sa pamamagitan din ng pag-aaral sa nakaraan, mas
mauunawaan pa natin ang ating pinagmulan at maibabahagi ang mga kuwento
sa kasalukuyan. Dapat igalang natin ang mga makasaysayang pook at bigyang-
pugay ang hindi malilimutang ambag nila sa ating pagka-Pilipino.

Suriin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat
ito sa inyong papel.
1. Ang mga sumusunod ay iilan lamang na makasaysayang pook sa ating
lalawigan at rehiyon, magbigay ng maikling detalye o pangyayari na naganap
sa bawat isa:
A. Fort Pilar sa Lungsod ng Zamboanga – ___________________________
B. Rizal Shrine sa Lungsod ng Dapitan – ____________________________
C. Tulwanan Village sa Lungsod ng Dipolog – ________________________
D. Filipino-Japanese Memorial Park – _______________________________
E. Holy Rosary Cathedral – _________________________________________

Pagyamanin
Panuto: Piliin sa kahon ang tamang sagot sa bawat pahayag sa ibaba. Isulat
ito sa inyong papel.

Casa Redonda Pequeña Relief Map of Mindanao Casa Redonda


Mi Retiro Rock Casa Cuadrada Dapitan City Plaza

1. Ito ay may anim na panulukan na istraktura na nagsilbing bahay ng mga


alagang manok ni Dr. Jose Rizal sa Dapitan.
2. Kilala rin ito bilang Batong Lumayag dahil para itong lumilitaw kung
nalilibutan ng mataas na tubig.
3. Ito ang pangunahing bahay na nagsilbing tirahan ni Dr. Jose Rizal kasama
ang mga miyembro ng kanyang pamilya, na madalas bumisita sa kanya.
4. Ito ay makikita sa tapat ng simbahan ng St. James sa Dapitan para sa
pagtuturo ng kasaysayan at heograpiya sa mga bayan ng Mindanao.
5. Ito ay binuo at pinapaganda ni Dr. Jose Rizal upang ito ay maihahambing sa
mga plaza na nakita niya sa Europa.

Gawain
Panuto: Basahin ang mga pangyayari. Isulat ang salitang “Masaya” kung masaya
ka o isulat naman ang salitang “Malungkot” kung malungkot ka sa mga
pangyayari. Isulat ito sa inyong papel.
1. Natapos agad ang paglilinis sa makasaysayang pook dahil maraming tao ang
tumulong.
2. Naging mabaho ang pasyalan dahil sa basurang pakalat-kalat sa daan.
3. Nabigyan ng hanapbuhay ang mga tao dahil sa maraming turista ang
dumadayo sa mga makakasaysayang pook sa lalawigan.
4. Pumipitas ng mga bulaklak ang mga tao habang sila ay bumibisita sa
makasaysayang pook.
5. Binigyan ng gantimpala ang isang guro dahil sa pagbabahagi niya ng
kaalaman tungkol sa mga kuwento ng kasaysayan sa rehiyon.
6. Nagkaroon ng baha na sumira sa pook pasyalan.
7. Pinapahalagahan ng mga tao ang kanilang makasaysayang pook.
8. Ayaw ng mga bata mag-aral tungkol sa kasaysayan dahil nahihirapan silang
tandaan ang mga mahahalagang pangyayari.
9. Ipagmalaki at igalang natin ang mga makasaysayang pook.
10. Kinalimutan na ng tuluyan ang mga kuwento sa mga makasaysayang pook
ng ating rehiyon.

Isaisip
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ito sa inyong papel.
1. Ano ang pinakamahalagang pangyayaring naganap sa Lungsod ng Dapitan na
nakaukit na sa pahina ng kasaysayan?
2. Paano mo mapanatiling maganda at maayos ang mga makasaysayang pook sa
iyong lalawigan?
3. Bakit mahalagang malaman ang mga kuwento ng kasaysayan at
makasaysayang pook sa ating lalawigan at rehiyon?

Tayahin
Panuto: Basahin nang tahimik. Piliin at isulat ang titik ng iyong sagot sa papel.
1. Bilang mag-aaral, paano mo maiuugnay ang kahalagahan ng kasaysayan sa
pamumuhay ng tao?
A. Kailangan magkaroon ng programa na pinapaunlad ang karunungan ng
mga kabataan.
B. Unawaing mabuti ang mga mahahalagang pangyayari sa nakaraan at
magandang naidudulot nito sa pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan.
C. Pumunta sa makasaysayang pook at kukuha ng larawan doon para may
maipakita ka sa iyong mga kapit-bahay.
D. Lalahok sa patimpalak ng kasaysayan upang madagdagan ang iyong
kaalaman sa nakaraan.
2. Bakit mahalagang malaman ang mga kuwento ng makasaysayang pook sa
ating lalawigan at rehiyon?
A. Upang maiwasan at masolusyonan ang mga suliraning nagaganap sa
pamayanan.
B. Dahil ito ang mga pagbabago na kailangang tanggapin para sa ikabubuti
ng nakararami.
C. Dahil nagbibigay ito ng mahalagang aral sa atin sa nakaraan at malalim
na pagmamahal sa ating bayan.
D. Upang maunawaan ang pag-aaral sa kasaysayan.
3. Ipinababasa sa iyo ang mga kuwento ng makasaysayang pook na makikita sa
kinabibilangan mong rehiyon. Ano ang isasagot mo sa iyong guro?
A. Hindi ko po babasahin.
B. Babasahin ko lamang kung gusto ko.
C. Ayaw kong basahin para hindi sasakit ang ulo ko.
D. Gustong-gusto ko pong basahin.
4. May nakita kang batang pumitas ng mga bulaklak sa halamanan sa plasa at
itinapon niya ang mga ito sa daan. Ano ang gagawin mo?
A. Sisigawan ko siya para mahiya siya.
B. Pababayaan ko nalang siya sa ginagawa niya.
C. Papaluin ko ang kanyang kamay.
D. Pagsasabihan at ipaaalala ko sa kanya na bawal iyon.
5. May makasaysayang pook sa inyong pamayanan. Ibig mong malaman ito ng
mga kaibigan mo sa ibang lungsod. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko sasabihin sa kanila.
B. Ikukuwento ko ito sa kanila para malaman nila.
C. Aanyayahan ko sila na bumisita sa aming pamayanan.
D. Pupunta ako sa kanila para malaman ko rin ang kanilang
makasaysayang pook.

Karagdagang Gawain
Panuto: Gumuhit ng iba pang makasaysayang pook na matatagpuan sa inyong
lugar at ilarawan ang mga kuwento nito. Ilagay sa kahon na makikita sa ibaba
ang iyong iguguhit na larawan.
Gawain
Tayahin 1. Masaya 6. Malungkot
1. B 2. Malungkot 7. Masaya
2. C 3. Masaya 8. Malungkot
3. D 4. Malungkot 9. Masaya
4. D 5. Masaya 10. Malungkot
5. B
Suriin
1.
a. Ang kuta ay itinayo noong ika-23 ng Hunyo 1635 ni
Padre Melchor de Vera, isang Jesuit Priest-
Engineer, upang maiwasan ang mga pag-atake Isaisip
mula sa mga moro at dayuhang mananakop. 1. Ang pagkatapon ng
b. Ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Pambansang Bayani ng
P. Rizal ay gumugol ng kanyang huling apat na taon Pilipinas na si Dr. Jose P.
sa pagpapatapon sa Dapitan. Rizal at ang kanyang
c. Ito ang orihinal na kinaroroonan ng mga unang malaking naiambag sa
naninirahan sa Dipolog, ang mga Subanon. Lungsod ng Dapitan.
d. Isang alaala ng World War II sa Barangay Dicayas na 2. Sa pamamagitan ng
ngayon ay nakatayo upang sariwain at pagbabalik- paglilinis at pagbibigay-
tanaw sa digmaan ng mga sundalong Pilipino at pugay sa mga ito.
Hapon. 3. Dahil dito tayo nakilala
e. Ito ay itinayo ng mga prayle ng Espanya noong at ito ang hiyas na
1894 o 1895 sa Dipolog. pamana sa atin ng mga
ninuno.
Pagyamanin
1. Casa Redonda
Pequeña Balikan
2. Mi Retiro Rock 1. D
3. Casa Cuadrada 2. C
4. Relief Map of 3. D
Mindanao 4. D
5. Dapitan City Plaza 5. C
Susi sa Pagwawasto:
Sanggunian:
Book

§ Araling Panlipunan 3 Patnubay ng Guro pahina 96-99


§ Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng Mag-aaral pahina 188-189
Website
§ http://homeworks-edsci.blogspot.com/2012/10/makasaysayang-pook-sa-
zamboanga.html
§ https://sites.google.com/site/philippinesthebeautywithin/reg-9-
zamboanga-peninsula/zamboanga-del-norte
§ https://en.wikipedia.org/wiki/List_of_historical_markers_of_the_Philippines
_in_Zamboanga_Peninsula
§ https://www.philippines.travel/activities/punto-del-desembarco-de-rizal-
en-dapitan
§ https://en.wikipedia.org/wiki/List_of_Cultural_Properties_of_the_Philippine
s_in_Zamboanga_Peninsula
§ https://sites.google.com/site/philippinesthebeautywithin/reg-9-
zamboanga-peninsula/zamboanga-city
§ https://en.wikipedia.org/wiki/Fort_Pilar
§ https://www.vigattintourism.com/tourism/articles/Tulwanan-Village-The-
Old-Town-Site-of-Dipolog

External Links
§ Philippine Cultural Education, Vigattin Tourism, Pinas Muna, National
Historical Commission, Philippines The Beauty Within Region 9
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?
A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,
sand, because it was then that I But only God can make a tree.
CARRIED YOU!

You might also like