Banghay Aralin Sa Edukasyong Pantahanan at Pangkab

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

Gawaing Pang – Agrikultura


Ika Anim na Baitang

I. Layunin

Naipapaliwanag ang kahalagahan ng kasanayan sa pagtatanim ng


puno/bungang kahoy at kabutihang naidudulot nito sa pamumuhay ng
pamilya at kapaligiran

II. Paksang Aralin

Paksa:
Kahalagahan ng kasanayan sa pagtatanim ng puno/bungang kahoy at
kabutihang naidudulot nito sa pamumuhay ng pamilya at kapaligiran

Sanggunian:
BEC PELC 1.1
Umunlad sa Paggawa 6 pah. 46
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 6 pah. 210

Kagamitan:

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pagbati
2. Panalangin
3. Action song
4. Pagbabalitaan ukol sa liban sa klase at kalinisan.
5. Pagtatakda ng Alituntunin

6. Balik – Aral

Sa anong paraan makatutulong ang gawaing pang –


agrikultura
upang mapabuti at mapaunlad ang uri ng pamumuhay at
kapaligiran?

7. Talasalitaan/Paghahawan nga mga balakid

sasangga bagyo bungang – kahoy


pamilya

kapaligiran produksyon sariwa produkto

B. Pagganyak
Pagpapakita ng mga larawan ng mga puno/bungang-kahoy

C. Paglalahad

Ilalahad ng guro ang isang sanaysay patungkol sa kahalagahan


ng kasanayan sa Pagtatanim

Kahalagahan ng Kasanayan sa Pagtatanim

Ang kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng puno / bungang - kahoy


ay nakatutulong sa pamilya upang madagdagan ang kita at mapangalagaan
ang kapaligiran.

Ang pamilya na may taniman ay tiyak na nakatitipid dahil hindi na nila


bibilhin ang iba nilang pangangailangang pagkain. Tiyak na sariwa at mataas
na uri ang kanilang kakainin dahil sila ang nagtanim. Ang kapaligirang may
iba’t ibang puno / bungang-kahoy ay makabubuti sa ating kalusugan. Ang
mga ito ang pipigil sa madaling pag – agos ng tubig at sasangga sa hangin
kung may bagyo. Ang pagtatanim ay isang paraan ng pagpapalipas ng
malayang oras na makatutulong sa kalusugan ng ating katawan at maayos na
kapaligiran.
Hanapbuhay ng maraming Pilipino ang pagtatanim ng iba’t – ibang uri
ng puno / bungang – kahoy . Madaragdagan ang pagkaing panustos sa
bansa. Kung mataas ang produksyon , higit na marami ang makikinabang.
Bukod sa mura ang halaga , makapagluluwas pa ng produkto sa iba’t – ibang
lugar sa bansa.

D. Pagtatalakay

a. Anu – ano ang mga kahalagahan ng kasanayan sa


pagtatanim ng puno / bungang - kahoy sa pamilya?
kapaligiran?

b. Anu – ano ang mga kabutihang naidudulot ng


pagtatanim ng
puno / bungang – kahoy sa pamilya? kapaligiran?

c. Bilang isang kabataan, anu – ano ang iyong


magagawa upang
makatulong sa iyong pamilya at sa pagpapanatili ng
kalinisan ng
kapaligiran?

E. Pagsasagawa ng Gawain
Papangkatin ng guro ng apat na grupo ang klase para isagawa ang aktbidad.

Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Lagyan ng tsek ( / )


ang bilang na tumatalakay sa mga kahalagahan ng kasanayan sa pagtatanim
ng puno/bungang kahoy at kabutihang naidudulot nito sa pamumuhay ng
pamilya at kapaligiran at ekis kung ( x ) hindi.

______ 1. Matitiyak na sariwa at mataas na uri ang kakainin ng isang


pamilya dahil sila ang nagtanim.

______ 2. Ang pananahi ay isang paraan ng pagpapalipas ng


malayang oras na makatutulong sa kalusugan ng ating katawan at maayos na
kapaligiran.

______ 3. Hanapbuhay ng maraming Pilipino ang pagtatanim ng iba’t –


ibang uri ng puno / bungang – kahoy .

______ 4. Ang kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng puno /


bungang - kahoy ay nakatutulong sa pamilya upang madagdagan ang kita at
mapangalagaan ang kapaligiran.

______ 5. Kung mataas ang produksyon ng mga alagang hayop , higit


na marami ang makikinabang.

F. Paglalahat

Anu- ano Kahalagahan ng Kasanayan sa Pagtatanim


1. Nakapagdudulot ng mabuting kalusugan.
2. Maaaring pagkakitaan.
3. Nakapagbibigay ng magandang halimbawa sa kapwa.
4. Kaakit – akit na tanawin.
5. Nagdudulot ng sapat na panustos sa pagkain.

IV. Pagtataya

Mababasa sa ibaba ang mga kahalagahan ng kasanayan sa


pagtatanim ng puno/bungang kahoy at kabutihang naidudulot nito sa
pamumuhay ng pamilya at kapaligiran na may titik A hanggang E . Basahin
din ang mga sitwasyong may bilang 1 – 5 sa ibaba at isulat sa sagutang papel
ang akmang titik ng mga kahalagahan ng pagtatanim na nasasaad sa
sitwasyon.

A - Nakapagdudulot ng mabuting kalusugan


B - Maaaring pagkakitaan
C - Nakapagbibigay ng magandang halimbawa sa kapwa
D - Kaakit – akit na tanawin
E - Nagdudulot ng sapat na panustos sa pagkain

_______ 1. Libangan ni Mang Romy ang magpunla ng iba’t – ibang uri ng


bungang – kahoy , dahil dito maraming kapitbahay ang humahanga sa
kanyang kasipagan.
________ 2. Napakasarap ng mga bungang – kahoy na tanim nina Mrs. &
Mrs. De la Cruz. Bukod kasi sa malalaki ito ay tunay na kaytatamis pa nito.
_________ 3. May taniman ng puno/bungang-kahoy sina G. Santos sa
kanilang resort. Dahil dito , nagsilbi itong dagdag atraksyon sa kanilang mga
kustomer.
_________ 4.Retiradong pulis si Mr. Aguilar , sa dapit – hapon ng kanyang
buhay napagpasyahan nilang mag – asawa na manirahan na lamang ay sa
kanilang lupain sa Batangas kung saan may mga naglalakihang puno at
naghihitikang mga bungang – kahoy dito.
_________ 5. Dahil sa malawak na taniman ni G. Vargas ng mga bungang –
kahoy , naisipan na rin nilang magtayo ng tindahan ng prutas sa palengke.
Batid niya na malakas ang kikitain ng mga ito.

V. Takdang Aralin

Gumawa ng pakikipanayam sa mga taong matagumpay sa larangan ng


pagtatanim. Itala ang mga kabutihang naidulot ng mga ito sa kanilang pamilya
at kapaligiran.

You might also like