Agrikultura Lesson 1
Agrikultura Lesson 1
Agrikultura Lesson 1
AGRIKULTURA
I. LAYUNIN:
A. Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng gulay sa sarili, pamilya, at pamayanan.
B. Natatalakay ang wastong pag-aalaga ng iba’t ibang gulay.
C. Nakapagsasagawa ng survey upang malaman ang mga gulay na maaaring itanim ayon sa lugar,
panahon, pangangailangan, at gusto ng mga mamimili na maaaring pagkakakitaan.
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda
1.1 Maikling panalangin at pagbati
1.2 Pag-uulat ng lumiban
2. Pagsasanay
Magbigay ng mga pangalan ng halamang gulay na inyong kilala
3. Balik-aral
1. Pagsasalaysay ng mga bata ng kanilang naging karanasan, mga kaalaman at kasanayang
natutuhan sa nakaraang aralin; ang Elektrisidad.
B. Paglalahad ng Aralin
1. Pagganyak
1.1 Pagpapakita ng mga iba’t ibang larawan ng gulay.
1.2 Itanong sa mga mag-aaral: “Paano nakakatulong ang pagtatanim ng gulay sa sarili, pamilya,
at pamayanan?”
1.3 Magpalitan ng kuro-kuro tungkol sa mga pakinabang na naidudulot ng mga gulay.
2. Pag-aalis ng Sagabal
2.1 CAR – Cordillera Administrative Region
2.2 Lupang Loam – buhaghag ito at karaniwang nakukuha sa gilid ng ilog
2.3 Sandy Loam – may halong buhangin at maliliit na bato ang lupang ito
3. Pagbuo ng Suliranin
3.1 Ano-ano ang mga pakinabang sa pagtatanim ng gulay sa sarili, pamilya, at pamayanan
3.2 Paano itanim at alagaan ang ilang gulay na maaaring itanim sa bakuran
3.3 Paano malalaman ang tamang panahon at lugar sa pagtatanim at pangangailangan ng
mamimili.
4. Pagtalakay ng Aralin
4.1 Mga Pakinabang ng Paghahalaman
4.2 Pagsasagawa ng Survey
4.3 Wastong Pag-aalaga ng Iba’t ibang Gulay
5. Paggawa
5.1 Paggawa ng isang halimbawa ng survery table
6. Paglalagom
Ang pagtatanim ng gulay ay malaking pakinabang para sa sarili, pamilya, at kumunidad. Ito’y
nagbibigay pagkain at hanapbuhay para sa pamilya. Nagsisilbing libngan para sa sarili. Ang pagpili
ng gulay na itatanim ay nakadepende sa uri ng klima ng panahon.
7. Pagtataya
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong.
C. Pandamdamin
- sa kaalaman sa kahalagaan ng pagtatanim
- pagiging matulungin sa pamilya
V. KASUDUAN/TAKDA
Atasan ang mga bata na kapanayamin ang isang kakilalang mahilig magtanim ng gulay at tanungin
kung bakit gusting-gusto niyang magtanim ng mga gulay sa kaniyang bakuran. Ipabahagi sa klase
ang kaniyang nakalap na impormasyon.