Grade 2 Reviewer 4TH Quarter

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

ESP 2

4TH QUARTER REVIEWER


Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sabay-sabay na kumakain ang pamilya Madrigal sa kanilang tahanan. Ano ang dapat nilang
gawin bago kumain?
A. magdasal B. mag-ingay C. maglaro D. matulog
2. Ano ang dapat mong gawin bilang pagpapahalaga sa mga biyayang ipinagkaloob ng Diyos?
A. gamitin sa panloloko C. gamitin sa pagyayabang
B. gamitin sa tamang paraan D. gamitin upang maging kilala
3. Si Ana ay mahusay lumangoy. Ano ang dapat niyang gawin sa kanyang
taglay na kakayahan?
A. Ipagyayabang sa kapwa C. Gagamitin sa panloloko ng kapwa
B. Itatago ang kakayahan D. Lilinangin at ibabahagi sa kapwa
4. Kapag ikaw ay tumutulong sa kapwa, ano ang mararamdaman ng mga
taong nakapaligid sa iyo?
A. magagalit B. maiinis C. matutuwa D. maaasar
5. Anong katangian ng isang bata ang pinagpapala ng Panginoon?
A. madamot B. madaya C. magagalitin D. matulungin
6. Nilikha ng Diyos ang lahat ng mga hayop na nakatira sa tubig at lupa. Paano
mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga ito?
A. Papanain ko ang mga ibon sa puno na malapit sa bahay namin.
B. Aalagaan at pakakainin ko ang alaga naming hayop.
C. Papaluin ko ang mga hayop na nagkakalat ng basura.
D. Pababayaan ko ang mga hayop sa aming lugar.
7. Ano ang nararapat nating gawin upang mapahalagahan ang mga biyayang
ipinagkaloob ng Diyos?
A. sisirain B. iingatan C. puputulin D. pababayaan
8. Maraming aning palay sa bukid si Mang Kaloy. Ano ang dapat niyang gawin
bilang pasasalamat sa biyayang kaloob?
A. Ibahagi sa kapwa.
B. Ipagdamot sa mga kapitbahay.
C. Ipagbenta sa mas mataas na halaga.
D. Ipagyabang ang masaganang ani sa iba.
9. May paligsahan sa inyong paaralan sa pag-awit at wala pang kalahok mula
sa inyong klase. Mahusay kang kumanta, ano ang dapat mong gawin sa
iyong kakayahan?
A. Sasabihin ko sa kaklase ko na siya na lang ang sumali sa paligsahan.
B. Sasali ako sa paligsahan upang maipakita ang aking kakayahan.
C. Hahayaan ko na lang na walang kalahok ang aming klase.
D. Hindi ako lalahok at manonood nalang ako sa paligsahan.

10. Paano mo ginagamit at pinahahalagahan ang iyong natatanging


kakayahan na bigay ng Panginoon?
A. Ito ay aking itatago at hindi ibabahagi sa kapwa.
B. Ito ay aking gagamitin sa tamang paraan.
C. Ito ay aking gagamitin sa kayabangan.
D. Ito ay aking ikahihiya sa kapwa.
11. Bawat bata ay nagtataglay ng kakayahan mula sa Diyos na maaaring
maipakita sa ibat ibang pamamaraan. Ano ang dapat mong gawin sa iyong
kakayahan?
A. gamitin B. linangin C. pagyamanin D. lahat ng nabanggit
12. Mahusay magsayaw si JC. Gusto niyang ibahagi sa kanyang kamag-
aaral ang kanyang kakayahan. Ano ang dapat gawin ni Lino?
A. Ipagyabang ang kakayahan sa iba.
B. Magsayaw sa daan patungong paaralan.
C. Lokohin ang mga kaklaseng hindi marunong magsayaw.
D. Turuan ang kamag-aaral na gusto ding matutong magsayaw.
13. Ano ang dapat gawin sa mga biyayang tinanggap, tinatanggap at
tatanggapin mula sa Diyos?
A. balewalain B. ipagpasalamat C. itapon D. sirain
14. May gaganaping dula-dulaan sa inyong paaralan. Magaling ka sa larangan
na pag-awit at pag-arte. Bilang isang mag-aaral paano mo gagamitin at
maipakikita ang iyong kakayahan na bigay ng Diyos?
A. Magiging mayabang ako dahil alam ko na may natatangi akong
kakayahan.
B. Sasabihin ko sa kaklase ko na siya na lang ang sumali sa dula-dulaan.
C. Hindi ako sasali dahil nahihiya akong ipakita ang aking kakayahan.
D. Sasali ako at masaya kong ipapakita ang aking kakayahan.
15. Alin sa mga gawain ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa talino at
kakayahang bigay ng Panginoon?
A. Gamitin sa panloloko ang kakayahan.
B. Gamitin sa tamang paraan ang kakayahan.
C. Gamitin ang kakayahan kung may premyong kapalit.
D. Gamitin ang kakayahan upang makalamang sa kapwa.
16. Mahilig sumayaw si Popoy subalit siya ay mahiyain. Isang umaga, ibinalita
ng kanilang guro na magkakaroon ng palatuntunan sa kanilang paaralan
Ano ang dapat gawin ni Popoy?
A. Magtatago upang hindi mapili ng guro.
B. Ipagwawalang bahala ang sinabi ng guro.
C. Ituturo sa guro ang ibang mag-aaral para sila ang mapili.
D. Lalabanan ang pagkamahiyain at sasali sa palatuntunan.
17. Paano mapauunlad ng isang bata ang taglay niyang kakayahan?
A. magsasanay B. magyayabang C. magdadamot D. magtatago
18. Mayroon kang natatanging kakayahan na ipinagkaloob ng Diyos. Ano ang
dapat mong gawin upang maipakita sa Diyos ang pagpapasalamat dito?
A. ibahagi B. ikahiya C. ipagdamot D. ipagyabang

19. Oras ng klase, sinabi ng inyong guro na si Gng. Santos na magpapakita kayo
ng inyong kakayahan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi ako tatayo kahit tawagin ako ng aming guro.
B. Ipapakita at ibabahagi ang aking kakayahan sa klase.
C. Hindi ako magpapakita ng kakayahan dahil nahihiya ako.
D. Hindi ko ipapakita ang aking kakayahan dahil baka gayahin ng kaklase
ko.
20. Ano ang dapat gawin ng mga tao upang mapahalagahan at maingatan
ang mga isda na biyaya ng Diyos sa dagat?
A. gumamit ng dinamita C. gumamit ng lason
B. gumamit ng lambat D. magtapon ng basura sa dagat
21. Namunga ang halamang gulay ni Essang sa kanilang bakuran. Ano ang
dapat niyang gawin sa mga biyayang gulay?
A. Ibabahagi sa kapitbahay. C. Hahayaang mabulok.
B. Itatago upang walang humingi D. Paglalaruan at puputulin.
22. Sobra ang pagkaing baon ni Juan sa kanilang paaralan. Paano niya
maipapakita ang pagpapahalaga at pagpapasalamat sa biyaya niyang
natatanggap?
A. Ibabahagi ang biyayang pagkain sa iba.
B. Itatago ang pagkain para walang makahingi.
C. Itatapon sa basurahan ang sobrang pagkain.
D. Iiwanan sa upuan ang sobrang pagkain.
23. Ano ang dapat gawin ni Janjan bago matulog at pagkagising sa umaga?
A. Makipaglaro sa mga kaibigan. C. Magdasal at magpasalamat sa Diyos.
B. Mag-ingay at makipaglaro D. Tumakas sa mga gawaing bahay.
24. Ang mga sumusunod ay nilikha ng Diyos na may buhay maliban sa isa ano
ito?
A. mga hayop B. mga tao C. mga halaman D. mga bato
25. Maraming nilikha ang Diyos na nakatutulong sa tao upang mabuhay. Bilang
isang bata, paano mo maipakikita ang pagpapasalamat at
pagpapahalaga sa Kanyang nilikha?
A. Gagamitin ang mga ito sa maayos na pamamaraan at pauunlarin.
B. Gagamitin ang mga ito upang makalamang sa kapwa bata.
C. Gagamitin ang mga ito upang makapanakit ng kapwa bata.
D. Gagamitin ang mga ito upang manloko ng kapwa bata.

26. Paano mo iingatan ang mga nilikha ng Diyos?


A. Aabusuhin at sisirain C. Paglalaruan at puputulin
B. Babalewalain at hahayaan D. Pagyayamanin at aalagaan

27. Si Kiel ay mahusay magpinta. Paano niya maibabahagi ang kanyang


kakayahan sa iba?
A. Tuturuan ang kaklase na nais matutong magpinta.
B. Pipintahan ng kung ano ano ang pader ng paaralan.
C. Pipintahan ang mukha ng mga kaklase sa silid-aralan.
D. Ikakahiya at itatago ang natatanging kakayahan sa pagpipinta.

28. Ang pagtulong sa kapwa ay isang halimbawa ng anong klaseng gawain?


A. masama B. mabuti C. walang kwenta D. di mahalaga

29. Bilang isang bata, paano mo pahahalagahan ang iyong pamilya na


maituturing na isang biyaya ng Diyos?
A. Igagalang ko ang aking mga magulang at mga nakatatandang kapatid.
B. Tatakasan at hindi susundin sina nanay kapag ako ay kanilang inuutusan.
C. Hindi papansinin at babalewalain ang mga magulang at mga
nakatatandang kapatid.
D. Sasagutin at hindi pakakailaman ang aking magulang at mga kapatid
dahil matatanda na sila.

30. Sa iyong paglalakad papuntang paaralan, nakita mo ang iyong kaklase na


si Aldwin na nakaupo sa isang tabi at nakahawak sa kanyang tiyan. Ano ang
dapat mong gawin upang maipakita ang kakayahan mong
pagmamalasakit?
A. Titingnan ko lang siya at di pakikialaman.
B. Lalapitan ko siya at bibigyan ng pagkain.
C. Hindi ko siya papansinin at itutuloy ang paglalakad.
D. Lolokohin ko siya at pagtatawanan sa kanyang sitwasyon.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
GRADE 2
KEY TO CORRECTION

1. A 17. A
2. B 18. A
3. D 19. B
4. C 20. B
5. D 21. A
6. B 22. A
7. B 23. C
8. A 24. D
9. B 25. A
10. B 26. D
11. D 27. A
12. D 28. B
13. B 29. A
14. D 30. B
15. B
16. D

ENGLISH 2
TH
4 QUARTER REVIEWER
Directions: Read the questions and write the letter of the correct answer in the blanks provided.

____1. I will cook fish in the _______. What is the correct word to use?
A. pin B. pen C. fan D. pan

____2. The _______ took a bath in the _______. What are the missing words that will
complete the sentence?
A. cat, mat C. ham, man
B. lad, tub D. cop, cup

____3. Which of the following is a three-letter word that begins with a consonant, followed by a short vowel
sound, and ends with a consonant?
A. CVV B. VCV C. CVC D. CVV

____4. What is the medial sound of the words hut, sun, bun, tub, and mug?
A. Short A sound C. Short U sound
B. Short E sound D. Short I sound

_____5. The following words have a medial short sound of /o/. Which one has not?
A. top B. pot C. dog D. box

_____6. Which of the following are considered high-frequency words that are not easily represented by
pictures and do not follow the usual spelling words?
A. CVC words C. Two syllable words
B. Sight words D. Vocabulary words

_____7. Which of the following is the appropriate word for the picture?
A. thread C. bread
B. ahead D. plead

_____8. Which of the following is the most appropriate word that can describe the
picture?
A. huge C. tiny
B. round D. dry
_____9. The children _________ their milk every day to have a healthy body. What is
the appropriate sight word that will complete the sentence?
A. give B. drink C. eat D. keep

_____10. My mother put the mangoes in the basket. How many two-syllable words
are there in the sentence?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

_____11. The following are words with two syllables, which one is not?
A. button B. cactus C. muffin D. potato

_____12. Which of the following is correctly syllabicated?


A. napk-in B. sa-la-d C. doct-or D. bas-ket
_____13. This is my mother. _____ cooks delicious food. What is the correct pronoun to
complete the sentence?
A. We B. She C. They D. He

_____14. Jay and I will go to the beach next week. What is the appropriate pronoun that may replace the
underlined words?
A. We B. She C. They D. He
_____15. “Is _______ bag yours?” asked Jonna. What is the appropriate demonstrative pronoun that will
complete the sentence?
A. that B. this C. these D. those

_____16.
John: Hello, Ray! Are _______ your books?
Ray: Hi John! Yes, _____ are my books.
What appropriate demonstrative pronouns will complete the
dialogue?
A. that, this C. this, that
B. these, those D. those, that

_____17. “Did you look for your shoes _______ the table?” asked Mom.
What is the correct preposition that will complete the sentence?
A. In B. on C. under D. above

_____18. Your brother is asking if you saw his pet cat. How will you
respond to him based on the picture?
A. The cat is on the box.’
B. The cat is in the box.
C. The cat is under the box.
D. The cat is beside the box.

_____19. Toby and Alex are hiding inside the cabinet. Which of the
following words is the preposition?
A. cabinet B. are C. hiding D. inside

_____20. Tina and Cha are sitting above the tree while eating their snacks.
Which of the following words made the sentence incorrect to the
picture?
A. are sitting C. Tina and Cha
B. above the tree D. their snacks

____21. Luna gave the floor one last swipe with the mop before going home.
What is the appropriate picture in the underlined word in the sentence?
A. B. C. D.

____22. We need to use to hold the clothes while they dry. What is the appropriate name of
the picture?
A. pig B. pug C. peg D. pog

____23. Which of the following picture is the most appropriate if the medial sound /o/ of the word “not” will
be replaced with a short sound of /u/?
A. B. C. D.

____24. My father drinks a cap of tea every morning. Which phrase made the sentence incorrect?
A. My father C. cap of tea
B. drinks a D. every morning

_____25. Ted has a pet. His pet is a hen. His hen is red. It has ten eggs in its den.
What is the story all about?
A. Red’s Hen B. Ted’s Hen C. The Ten Eggs D. The Red Pet

_____26. My mom runs to our hut. She brings us a bun and a cup of nuts. Mom hums a song and hugs us
all.
Which of the following statements from the story shows that the mom loves her children?
A. Mom hums a song.
B. Mom hugs us all.
C. Mom runs to the hut.
D. Mom brings a bun.

______27.
Bob has a top. He puts it in the pot. Tom gets it in the pot and puts it in his bag. Bob cannot find
the top. He is sad.

Do you think Tom is a good boy? Why?


A. Yes, because he keeps Bob’s top.
B. Yes, because he puts it in the pot.
C. No, because he should not take the top from Bob.
D. No, because Bob is sad.
______28. Which of the following is the appropriate word for the picture?
A. cop B. cup C. cap D. cape

______29. We rode in a ______ going to our family outing yesterday. What is the appropriate word that will
complete the sentence?
A. van B. ban C. bun D. bone

______30. My mother would like to plant some flowers in our small garden. Which of the following objects
will help my mother in planting?
A. pat B. put C. pet D. pot

ENGLISH 2
KEY TO CORRECTION

1 D 11 D 21 A
2 B 12 D 22 C
3 C 13 B 23 B
4 C 14 A 24 C
5 C 15 B 25 B
6 B 16 B 26 B
7 C 17 C 27 C
8 B 18 B 28 C
9 B 19 D 29 A
10 C 20 B 30 D
FILIPINO 2
TH
4 QUARTER REVIEWER

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang letra nang wastong sagot sa
patlang.

______1. Alin sa sumusunod ang wasto ang pagkakapantig sa salitang “matanda”?


A. ma-tan-da B. mat-an-da C. mat-and-a D. ma-ta-nda

______2. Alin sa sumusunod ang wasto ang pagkakapantig sa salitang “telebisyon”?


A. te-leb-is-yon B. tel-bis-yon C. te-le-bis-yon D. te-le-bi-syon

______3. Alin sa sumusunod ang wasto ang pagkakapantig sa salitang “sinamahan”?


A. si-nam-ahan B. si-na-ma-han C. si-nam-a-han D. sin-ama-han

______4. Kung ikaw ay inatasang gumawa ng isang babalang “Bawal manigarilyo”, paano
mo iguguhit ang babalang ito?
A. B. C. D.

______5. Ano ang ibig sabihin ng karatulang nasa larawan?


A. Tindahan ng mga lutong ulam.
B. Tindahan o pook na pinaghahandaan ng mga gamot.
C. Tindahan ng iba’t ibang produkto na ipinagbibili ng tingi sa abot kayang presyo.
D. Tindahan ng mga materyales sa paggawa ng bahay o pagtatayo ng mga gusali.

______6. Alin sa sumusunod ang gumamit ng wastong salitang kilos sa pangungusap?


A. Si Nita ay naglalaba sa isang araw.
B. Magwawalis ng bakuran si Mang Ben kanina.
C. Si JM ay nagbabasa ng kanyang aralin araw-araw.
D. Bukas ay nagtanim ng halaman si Madison sa kanilang barangay.

______7. Alin sa mga salitang kilos sa ibaba ang HINDI maaring gawin sa paaralan?
A. magbasa B. magsulat C. magwalis D. mangisda

______8. Ang sumusunod ay salitang kilos na kayang gawin ng batang tulad mo sa inyong
tahanan MALIBAN sa _______.
A. magwalis B. magpunas C. maglampaso D. magsibak ng kahoy

______9. Ipinanganak si Ana na isang maralita. Alin sa sumusunod ang kasingkahulugan ng


salitang may salungguhit?
A. matalino B. mayaman C. mahirap D. Maganda

______10. Ang sumusunod ay halimbawa ng magkasalungat na salita MALIBAN sa ______.


A. mayaman-mahirap C. malamig-mainit
B. maganda-marikit D. mabango-mabaho

______11. Ano ang kahulugang ng context clue?


A. Ito ay ginagamit upang malaman ang kahulugan ng salita.
B. Ito ay salita na magkaiba at magkabaligtad ang kahulugan.
C. Ito ay salita na magkapareho o magkatulad ang kahulugan at ibig sabihin.
D. Ito ay ang paggamit ng mga palatandaang nagbibigay kahulugan sa mga salita.

_______12. Nagpadala ng liham ang aking ate sa kaniyang kaibigan. Ano ang angkop na
depinisyon sa salitang “liham” ?
A. Ito ay isang paraan ng pagpapadala ng isang mensahe sa isang tao sa
malayong lugar.
B. Ito ay nakapagpapahayag ng mahahalagang detalye sa araw-araw sa
pamamagitan ng pagtatala nito.
C. Ito ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap na
naglalahad ng isang bahagi ng isang buong pagkukuro, palagay, o
paksang-diwa.
D. Ito ay isang akdang pampanitikan na likha ng guni-guni at bungang-isip na
hango sa isang tunay na karanasan o pangyayari sa buhay.

13-15 Panuto: Basahin ang maikling talata. Piliin ang letra ng tamang sagot.

Si Jeff ay isang batang masunurin. Sa loob ng tahanan siya ang mabilis utusan. Madaling araw
pa lamang ay gising na siya upang umigib ng tubig at magwalis ng kanilang bakuran.
Sa paaralan naman ay natutuwa din ang kaniyang guro dahil maaasahan siya sa lahat ng gawain
sa paaralan. Dahan-dahan nitong inaayos ang mga bangkuan. Bago umuwi ay binabalik muna niya ang
mga hiniram nilang aklat sa silid-aklatan.
_______13. Kailan gumugising si Jeff para simulan ang kanyang mga gawain?
A. madaling araw B. tanghali C. hapon D. gabi

_______14. Paano inaayos ni Jeff ang mga bangkuan?


A. dahan-dahan B. mabilis C. masinop D. padabog

_______15. Saan dinadala ni Jeff ang mga ginamit nilang aklat bago siya umuwi?
A. silid-aralan B. silid-aklatan C. silid-tulugan D. silid-tanggapan

16-18 Panuto: Basahin at unawain ang maikling talata. Piliin ang angkop na pamagat sa
bawat talata.

_______16. Ang Pasayahan sa Lucena ay pinakamalaking pagdiriwang sa Lungsod ng


Lucena. May mga tiangge, mga bandang tumutugtog at makukulay na Flores
de Mayo. Pinakapaborito ko sa lahat ay ang Mardi-Gras kung saan iba’t ibang
malalaki at makukulay na float ang pumaparada kasama ang street dancing
at pangkat ng mga manunugtog. Yan ang ipinagmamalaki ng Lucena kaya
halina at makisaya.
A. Ang Kapistahan sa Amin C. Ang Paborito kong Pagdiriwang
B. Pasayahan sa Lucena D. Ang Ipinagmamalaki ng Lucena

_______17. Sabado ng madaling-araw ay maagang gumising sina Aling Nita at Mang Ben.
Sila ay pupunta sa bukid para mag-ani ng palay. Pagdating sa bukid at
masayang nag-ani ang mag-asawa.
A. Ang Palay C. Anihan ng Palay
B. Sa bukid D. Sina Aling Nita at Mang Ben

_______18. Ang edukasyon ang pinakamahalagang pamana ng isang magulang sa isang


anak na hindi mananakaw sino man.Ito ang magbubukas ng pinto tungo sa
napakaraming pangarap ng bawat kabataan.
A. Ang Pangarap
B. Ang Pamana ng Magulang
C. Pangarap ng Bawat Kabataan
D. Ang Kahalagahan ng Edukasyon

_______19. Ano ang kahulugan ng pang-ukol?


A. Ito ay naglalarawan sa katangian ng pangngalan o panghalip.
B. Ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, pook o pangyayari.
C. Ito ay mga salitang nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-
abay.
D. Ito ay salitang nag-uugnay sa pangngalan, pandiwa, panghalip, o pang-abay
At sa iba pang mga salita sa loob ng pangungusap.

_______20. Kinausap _______ Tatay ang tindero. Piliin ang wastong pang-ukol upang mabuo
ang pangungusap.
A. ni B. nina C. kay D. kina

_______21. Ang regalo na ito ay _______ Pilar at Nino. Piliin ang wastong pang-ukol upang
mabuo ang pangungusap.
A. ni B. nina C. kay D. kina

_______22. Ang mangga ay __________ anak ni Aling Rosa. Piliin ang wastong pang-ukol
upang mabuo ang pangungusap.
A. ayon sa B. para sa C. ukol sa D. para kay

_______23. _______ mga bayani ang kanilang pinag-uusapan. Piliin ang wastong pang-ukol
upang mabuo ang pangungusap.
A. Ayon sa B. Para sa C. Ukol sa D. Para kay

_______24. Ang sumusunod ay mga kailangang tandaan sa pagsulat ng idiniktang salita


MALIBAN sa_______.
A. Ulitin sa sarili ang salitang idinikta.
B. Isipin ang mga letra o pantig na bumubuo rito.
C. Isulat nang maayos ang salita nang may wastong baybay.
D. Isulat ang mga salitang pantangi gamit ang maliit na letra.

25-26 Panuto: Isulat ang salitang angkop para sa larawan.

_____________________________________25.

______________________________________26.

_______27. Ang mga mga-aaral ay_________. Alin sa mga panag-uri ang angkop gamitin
upang mabuo ang pangungusap.
A. masayang nag-aaral sa paaralan. C. taimtim na nananalangin sa simbahan
B. masayang naglalaro sa parke D. namimili sa pamilihan

_______28. Si Ana ay masipag na bata. Alin sa pangungusap ang simuno?


A. Ana B. ay C. masipag D. bata

_______29. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI totoo tungkol sa simuno at


panag-uri?
A. Ang simuno at panag-uri ay bahagi ng pangungusap.
B. Ang simuno ay ang pinag-uusapan sa isang pangungusap.
C. Maaring makabuo ng pangungusap ng walang panag-uri.
D. Ang tawag sa bahagi ng pangungusap na naglalarawan sa simuno ay panag-
uri.

_______30. Dapat bang malaman natin kung ano ang sumusuportang kaisipan sa
pangunahing kaisipan kapag tayo ay nagbabasa ng isang teksto? Bakit?
A. Opo, dahil para mas tumagal ang pagbabasa ng kuwento.
B. Hindi po, dahil magdudulot lamang ito ng pagkalito sa bumabasa ng teksto.
C. Opo, dahil ito ay nagbibigay sa pangunahing kaisipan ng karagdagang detalye
upang lubusang maunawaan ang teksto.
D. Hindi po, dahil mas mahalagang malaman natin ang pangunahing kaisipan sa
pagbabasa ng teksto.

FILIPINO 2

SUSI SA PAGWAWASTO

1 A 11 D 21 D
2 C 12 A 22 B
3 B 13 A 23 C
4 A 14 A 24 D
5 C 15 B 25 elepante
6 C 16 B 26 saging
7 D 17 C 27 A
8 D 18 D 28 A
9 C 19 D 29 C
10 B 20 A 30 C

MTB 2
4TH QUARTER REVIEWER

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa guhit bago ang bawat bilang.
_____1. Ang sumusunod ay mga bahagi ng liham maliban sa isa, ano ito?
A. pamuhatan C. bating panimula
B. bating pangwakas D. saknong

_____2. Sa ______________ makikita ang petsa kung kailan isinulat ang liham.
A. pamuhatan C. bating panimula
B. bating pangwakas D. saknong

Basahin ang liham at sagutan ang mga tanong tungkol dito.


_____3. Anong bating pangwakas ang ginamit sa liham?
A. Mahal na Gng. Aranas C. Gng. Logmao
B. Gumagalang D. Mayo 31, 2023

_____4. Sino ang sumulat ng liham?


A. Gng. Aranas C. Gng. Logmao
B. ang guro D. Timmy

_____5. Tungkol saan ang liham?


A. tungkol sa kaarawan ni Timmy
B. tungkol sa nalalapit na paligsahan
C. tungkol sa pagliban sa klase ni Timmy
D. tungkol sa paparating na bagyo
_____6. Ang ______________ay pagsulat ng sariling karanasan ng isang tao.
A. tula C. liham
B. kuwento D. talaarawan

_____7. Alin sa sumusunod ang pamantayan sa pagsulat ng liham at talaarawan?


A. Gumamit ng bating panimula
B. Isulat sa kanang bahagi ang lagda
C. Ipasok ang unang linya ng bawat talata.
D. Simulan sa maliit na letra ang bawat pangungusap

_____8. Ibinili ako ni Nanay ng pulang sapatos. Ano ang pang-uri sa pangungusap?

A. ibinili C. pula
B. Nanay D. sapatos
_____9. Umakyat sa mataas na puno si Angelo. Ano ang pang-uri sa pangungusap?
A. umakyat C. puno
B. mataas D. Angelo
_____10. Paboritong pagkain ni Emiel ang malinamnam na adobo ng kanyang ina. Ano
ang pang-uri sa pangungusap?
A. adobo C. malinamnam
B. ina D. pagkain
_____11. Alin sa sumusunod na pangungusap ang gumagamit ng pang-uri?
A. Naglilinis ng maruming kwarto si Erza.
B. Hinabol ni Tatay ang nakawalang itik.
C. Ipinasa ni Kerrol ang bola kay Joshua.
D. Naglalaro ang magkakaibigang Sam, Rhian at Amara sa parke.
_____12. Ang sumusunod na salita ay halimbawa ng pang-uri maliban sa isa, ano ito?
A. mabigat C. asul
B. labing-isa D. bintana
_____13. Alin sa sumusunod na pangungusap ang hindi gumagamit ng pang-uri na
hugis.
A. Ang buhat na balde ni Kyla ay mabigat.
B. Kuhain mo sa lamesa ang parihabang aklat.
C. Hugis tatsulok ang tsokolate na bigay ni Tiya.
D. Binabasa ni Jack ang oras sa bilog na orasan.
_____14. Ang mga salitang matamis, maalat at mapait ay pang-uri na tumutukoy sa
__________.
A. kulay C. lasa
B. bilang D. bigat

_____15. Ano sa mga sumusunod ang kasingkahulugan ng tanyag?


A. kilala C. magaan
B. laos D. mahusay
_____16. Ano sa mga sumusunod ang kasingkahulugan ng marami?
A. masagana C. malakas
B. kaunti D. mayabong
_____17. Si Aling Merly ay mayroong matayog na puno ng mangga sa kanilang bakuran.
Madalas akyatin ito ng kanyang anak dahil madaming bunga ang mataas na puno.
Ano ang salitang magkasingkahulugan sa mga pangungusap.
A. matayog – puno C. mataas - madami
B. matayog – mataas D. matayog – madami
_____18. Alin sa sumusunod na salita ang magkasingkahulugan?
A. madilim-maliwanag C. hitik–marami
B. malawak–makitid D. matamis–mapait
_____19. Alin sa sumusunod na salita ang magkasalungat?
A. mataas-matayog C. mabilis-matulin
B. mahirap-dukha D. malambot-matigas
_____20. Ano ang kasalungat ng salitang mga salungguhit sa pangungusap?
Si Ate Susan ay may dalang manipis na libro.
A. maunti C. madami
B. makapal D. malinis
_____21. Ano sa sumusunod na salita ang kasalungat ng itim?
A. malinis C. puti
B. malakas D. masaya
_____22. Alin sa sumusunod na pangungusap ang gumagamit ng magkasalungat na
salita?
A. Parehong mahaba ang buhok ni nanay at ate.
B. Malinis ang kuko ni Anton gayundin si Kian.
C. Malakas ang tunog ng fire alarm sa aming paaralan.
D. Mainit ang klima sa Lucena samantalang sa Tagaytay ay malamig.
_____23. Alin sa sumusunod na pang-abay ang sumasagot sa tanong na kailan?
A. pang-abay na pamaraan C. salitang kilos
B. pang-abay na pamanahon D. pang-abay na panlunan
_____24. Alin sa sumusunod na pang-abay ang sumasagot sa tanong na paano?
A. pang-abay na pamaraan C. salitang kilos
B. pang-abay na pamanahon D. pang-abay na panlunan

_____25. Alin sa sumusunod na pang-abay ang sumasagot sa tanong na saan?


A. pang-abay na pamaraan C. salitang kilos
B. pang-abay na pamanahon D. pang-abay na panlunan
Isulat sa patlang ang anyo ng pang-abay na may salungguhit.
PL – pang-abay na panlunan
PH - pang-abay na pamanahon
PR - pang-abay na pamaraan

_____26. Araw-araw pumupunta sa palengke si Nanay Ness.


_____27. Dumulog sa Brgy. Hall si Manong Kanor dahil sa pagtama ng kidlat sa poste ng
kuryente.
_____28. Malakas na tumatawa ang mga tao dahil sa payaso.
_____29. Si Latifa ay matiyagang nag-aaral bumasa.
_____30. Binisita ni Tiya Elsa ang kanyang kaibigan sa ospital.
MTB 2
Susi sa Pagwawasto
1. D 30. PL
2. A
3. B
4. C
5. C
6. D
7. C
8. C
9. B
10. C
11. A
12. D
13. A
14. C
15. A
16. A
17. B
18. C
19. D
20. B
21. C
22. D
23. B
24. A
25. D
26. PH
27. PL
28. PR
29. PR
AP 2
4TH QUARTER REVIEWER

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Isulat sa guhit na nasa tabi ng bilang ang letra ng tamang sagot.
_____ 1. Si Carlo ay ay tumutulong sa pagsugpo ng apoy sa mga nasusunog na bahayan,
gusali at iba pa. Anong uri siya na tagalingkod sa komunidad?
A. Kaminero B. Karpintero C. Tubero D. Bumbero
_____ 2. Nasira ang tubong dinadaluyan ng tubig at nagdudulot ito ng madulas na daan sa
Merchan Street. Sinong tagalingkod sa komunidad ang dapat tawagin?
A. Kaminero B. Bumbero C. Tubero D. Pulis
______ 3. Tuwing gabi, romoronda ang grupo ng Tatay ni Katleya sa barangay. Nagkakaroon
kasi ng nakawan sa kanilang lugar. Ano ang tungkuling ginagampanan ng Tatay
niya?
A. Pulis B. Nars C. Barangay Tanod D. Kartero
_______4. Sino ang nagtuturo sa mga mag-aaral upang matuto sa ibat-ibang asignatura at
kagandang asal
A. Basurero B. Guro C. Nars D.Doktor
_______5. Sino ang umiikot sa komunidad upang ipaalam ang mga impormasyong
Pangkalusugan?
A. Pulis B. Barangay Health Worker C. Guro D. Nars
_______6. Kung mawawala ang lider ng komunidad tulad ng Meyor at Barangay Chairman,
anong mangyayari rito?
A. Hindi matutugunan ang pangangailangan C. Walang katahimikan
B. Magkakawatak-watak ang mga kasapi D. Lahat ng nabanggit
_______7. Kung walang doktor sa komunidad, ano ang maaaring mangyari?
A. Mawawala ang kaayusan C. Darami ang maysakit
B. Sasama ang mga daan D. Lulungkot ang lugar
Panuto: Kilalanin ang karapatan na tinatalakay sa bawat kalagayan. Piliin ang sagot sa
kahon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa guhit katabi ng bilang.
A. makapag-aral E. medikal
B. magkaroon ng sariling tahanan F. makapag-aral
C. makapaglaro at makapaglibang G. makakain ng masutansiyang pagkain
D. maisilang at mabigyan ng pangalan H. magkaroon ng sariling pamilya
D. makapamuhay sa malinis, maayos at tahimik na lugar

_______8. Ang Don Victor Ville ay libreng pabahay sa Lungsod ng Lucena na ibinibigay
upang may masilungan at maging ligtas sa anumang kapahamakan ang mga
Lucenahin.

_______9. Ang Perez Park ay lugar upang makapaglaro ka. Dahil dito, natututunan mo ang
tamang pakikisama at nagiging malusog at malakas ang iyong pangangatawan.

_______10. Libre ang pag-aaral ng bawat bata sa pampublikong paaralan upang malinang
ang kakayahan, talino, at talento anuman ang katayuan nito sa buhay.

_______11. Malaya ang bawat isa na magkaroon ng sapat na kita upang matugunan ang
pagkain ng pamilya at manatiling malusog ang bawat miyembro nito.

_______12. Masaya si Kael sa pagkakaroon ng pamilya na nagmamahal sa kanya at


nagbibigay ng kanyang pangangailangan.

_______13. Sa City Health Office, dinala si Ruben upang maturukan ng anti-rabbies noong
siya ay makagat ng aso.
_______14. Tuwing bakasyon, nagkakaroon ng paligsahan sa basketball at pagsayaw sa
barangay 7 Si Kapitana Paris para sa mga kabataan.
_______15. Ang mga batang apat na taong gulang ay dinadala sa Day Care Center upang
maturuan ng gurong mag-aral at makihalubilo sa kapwa.

Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Piliin at isulat sa guhit na nasa tabi ng bilang ang
letra ng tamang sagot sa bawat tanong.
______ 16. Nang magkasakit si Carlo, ipinagamot siya ng kanyang mga magulang sa ospital.
Ano ang katumbas na tungkulin ni Carlo sa karapatang mabigyan ng
pangangalagang medikal?
A. Bilangin ang mga gamot.
B. Ngumiti sa mga doctor at nars.
C. Kumain ng bawal na pagkain paminsa-minsan.
D. Sumunod sa bilin ng doktor ukol sa pag-inom ng gamot.

______ 17. Tuwing magpapasko, palaging isinasama si Leah ng kanyang nanay para ibili ng
bagong damit. Siya ang pinapipili nito ng estilo at kulay na nais sa damit. Anong
tungkulin ni Leah sa karapatang tinatamasa niya?
A. Magpasalamat at ipahayag nang mahinahon ang kanyang nais at saloobin.
B. Piliin ang damit na hindi kayang bilihin ng Nanay niya.
C. Matampo kapag hindi nasunod ang gusto.
D. Manahimik kahit may gusting bilihin.

______ 18. Pangarap ni John na maging matagumpay na pulis pagdating ng araw kaya
pinapapasok siya ng kanyang mga magulang sa paaralan. Ano ang katumbas ng
karapatang tinatamasa ni John?
A. Magsuot ng uniporme palagi. C. Mag-aral mabuti at sumunod sa guro
B. Huwag kalimutan ang ID. D. Pumasok nang maagap.

_______ 19. Upang maging malusog at malakas ang katawan, palaging naghahanda si
Nanay ng masarap at masustansyang mga pagkain araw-araw. Ano ang
katumbas ng karapatang ito?
A. Kainin ang inihandang pagkain C. Kumain nang konti kapag di gusto
B. Patagong kumain ng mga sitseriya. D. Lumabas at kumain sa fastfood.

_______ 20. Matapos na maisilang, agad binigyan ng pangalang “Rico” ang sanggol at
nagtungo sa Municipal Registrar si Mang Ramon upang iparehistro ang anak.
Ano ang katumbas ng karapatang ito?
A. Gumawa nang mabuti upang maingatan ang pangalan
B. Linangin ang sarili upang maging matagumpay.
C. Lumayo sa mga kaibigang magdadala sa masama.
D. Lahat ng nabanggit

_______ 21. Masdan ang larawan. Anong tungkulin ang ipinapakita nito?
A. Tungkuling tumawid sa tamang tawiran at sumunod sa batas trapiko.
B. Tumulong sa mga nangangailangan lalo na sa panahon ng kalamidad.
C. Makilahok sa mga programang pangkalinisan at pangkalusugan ng
D. Magtapon ng basura sa tamang lalagyan

_______ 22. Anong tungkulin ang ipinapakita sa larawan?

A. Tumawid sa tamang tawiran at sumunod sa batas trapiko.


B. Maging masunurin sa mga pulis at may kapangyarihan.
C. Magsuot ng uniporme pagpasok sa paaralan.
D. Pumasok nang maagap sa klase.

________ 23. Ano ang tungkulin ang ipinapakita sa larawan?

A. Gamiting muli ang mga basurang maari pang iresaykel.


B. Tumulong sa pagtatapon ng basura upang maiwasan ang sakit.
C. Makilahok sa mga programang pangkalinisan at pangkalusugan ng
komunidad.
D. Ihiwalay ang nabubulok sa hindi nabubulok na basura

_______ 24. Nagkaroon ng pagpupulong sa Brgy.Dalahican dahil sa suliranin sa droga.


Bakit mahalaga ang pagtutulungan sa paglutas ng mga suliranin sa
komunidad?
A. Magaang nalulutas ang mga suliranin
B. Nagbubuklod ito sa mga tao
C. Nagiging maayos ang samahan at nagkakaroon ng pagkakaisa.
D. Lahat ng nabanggit
_______ 25. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagtutulungan sa komunidad?
A. Nagkakabit ng parol at banderetas ang Barangay Health Worker.
B. Naglilinis ang mga pulis sa paaralan tuwing may Brigada Eskwela.
C. Sa paaralan, nagluluto si nanay para sa mga batang kulang sa timbang.
D. Lahat ng nabanggit.

________ 26. Nagpapatupad ng “No Plastic Policy” ang Lungsod ng Lucena. Bakit dapat
makiisa sa pagsunod nito?
A. Makatutulong sa kalinisan ng pamayanan C. Maipapakita ang pagsuporta
B. Makababawas sa problema ng Lungsod D. Lahat ng nabanggit

________ 27. Kung hindi tayo sumunod sa kautusan ng Punong Lungsod na magpabakuna
at magsuot ng face mask, ano kaya ang mangyayari?
A. Hindi masusugpo ang COVID 19 C. Mawawala ang kaayusan
B. Darami ang krimen D. Mawawalan ng mga doktor

Panuto: Basahin ang mga pahayag. Gumuhit ng sa patlang kung ang pangungusap
ay nagpapakita ng pagtutulungan at pagkakaisa ng mga kasapi ng komunidad at
kung hindi.

_________28. Ang pagtutulungan ay mahalaga sa panahon ng sakuna, kalamidad at


pandemya.
_________29. Nagsasagawa ng bayanihan ang mga tao sa pamamahagi ng pagkain sa
naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Mayon.
_________30. Ang Mayor at Vice Mayor ay laging magkakontra sa pamamahala.

ARALING PANLIPUNAN 2
ANSWER KEYS

1 D 11 G 21 C
2 B 12 H 22 A
3 C 13 E 23 B
4 B 14 C 24 D
5 B 15 F 25 D
6 D 16 D 26 D
7 C 17 A 27 A
8 B 18 C 28
9 C 19 A 29
10 A 20 D 30

MATH 2
TH
4 QUARTER REVIEWER

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na analog clock ang nagpapakita ng oras na 8:30?

A. B. C. D.
2. Gumuhit ng digital clock na nagpapakita ng ika-5 ng hapon.

3. Tingnan ang dalawang digital clocks sa ibaba. Ano ang elapsed time o haba ng oras na
nakalipas?

A. 6 na oras B. 5 oras C. 5 oras at 30 minuto D. 4 na oras

4. Nagbakasyon ang pamilya Garcia sa bayan ng Lucban. Umalis sila ng Lucena araw ng
Martes at bumalik ng Sabado. Ilang araw silang nagbakasyon?
A. 2 B. 3 C. 4 D. 5

5. Araw ng Lunes, umalis si Bitoy ng 5:45 am papunta sa paaralan. Umuwi siya ng 11:15 am.
Gaano siya katagal namalagi sa paaralan?
A. 7 oras C. 5 oras at 30 minuto
B. 6 oras at 30 minuto D. 5 oras

6. Gamit ang relation symbol, paghambingin ang sumusunod:

1 kg na saging _____ 200 g na ubas

A. > B. < C. = D. ≠

7. Alin sa mga sumusunod ang wasto ang pagkakahambing?


A. 50 cm > 10 m C. 6m > 600cm
B. 100 cm = 1 m D. 45 cm < 25 cm

8. Alin sa mga sumusunod ang hindi mo maaaring gamitin kung susukatin mo ang haba ng
iyong aklat?
A. ruler B. meter stick C. tape measure D. timbangan

9. Ano ang angkop na gamiting unit sa pagsukat ng taas ng poste?


A. cm B. m C. L D. kg

10. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na sukat ng Php 20 bill?


A. 25 m B. 1 m C. 100 cm D. 16 cm
11. Piliin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na sukat ng taas ng isang puno ng niyog.
A. 27 m B. 2 m C. 50 cm D. 3 cm

12. Kailangan ni Lina ng 25 m na ribbon para sa kanyang proyekto. Naalala niya na may natira
pa siyang 5 m na ribbon noong isang taon. Ilang m na ribbon ang kailangan pa niya?
A. 30 m B. 20 m C. 15 m D. 5 m

13. Mula Lunes hanggang Biyernes, nakagawian ng pamilya Santos na mag-ehersisyo sa


pamamagitan ng pagtakbo sa parke na may habang 110m. Ilang metro ang natatakbo nila sa
loob ng limang araw?
A. 550 m B. 115 m C. 105 m D. 22 m

14. Tingnan ang larawan. Ano ang angkop na gamiting unit para dito?

A. kg B. g C. gg D. lg

15. Bumili si Nanay ng kalabasa sa palengke. Tiningnan niya ang timbangan at ito ang nakita
niya. Ano ang timbang ng binili niyang kalabasa?

A. 40 kg B. 4 kg C. 40 g D. 4 g

16. Piliin ang angkop na bigat ng larawan:


A. 10 kg B. 1 kg C. 150 g D. 1 g

17. Alin sa mga sumusunod ang hindi posibleng timbang ng isang pandesal?
A. 30 g B. 40 g C. 50 g D. 60 kg

Panuto: Para sa bilang 18-19, basahin ang sitwasyon sa kahon. Ibigay ang hinihinging
kasagutan sa bawat katanungan.

Araw ng Sabado, sumama si Nika sa kanyang nanay sa Pamilihang Panlungsod ng


Bayan ng Lucena. Ito ang kanilang mga pinamili: 200 g na kamatis, 170 g na bawang, 120
g na sibuyas, at 110 g na luya. Ilang grams lahat ang pinamili nila?

18. Anu-ano ang mga datos na nabanggit sa sitwasyon?


A. 200 g na kamatis, 170 g na sibuyas, 120 g na bawang, at 110 g na luya
B. 200 g na kamatis, 170 g na bawang, 120 g na luya, at 110 g na sibuyas
C. 200 g na bawang, 170 g na luya, 120 g na kamatis, at 110 g na sibuyas
D. 200 g na kamatis, 170 g na bawang, 120 g na sibuyas, at 110 g na luya

19. Ano ang wastong sagot sa katanungan sa sitwasyon?


A. 700 g B. 670 g C. 600 g D. 550 g

20. Ano ang wastong unit para sa:


A. mL B. L C. m D. km

21. Pag-aralan ang grid sa ibaba. Ano ang area ng letter I?

A. 4 square-tile units C. 12 square-tile units


B. 8 square-tile units D. 16 square-tile units

22. Gumuhit ng parisukat na may 16 square-tile units.

23. Gamitin ang maliit na hugis sa ibaba sa pag-estimate ng area ng kahon.


Ano ang area nito?

A. 20 units C. 12 units

B. 15 units D. 6 units
Panuto: Para sa bilang 24-25, basahin ang sitwasyon sa kahon. Ibigay ang hinihinging
kasagutan sa bawat katanungan.

Naghanda ang mga mag-aaral sa ikalawang baitang ng lupang pagtataniman. Ito ay


may lawak na 5 square-tiles at haba na 10 square-tiles. Ilang square-tiles ang lupang
kanilang pagtataniman?

24. Anong operasyon ang iyong gagamitin upang malaman ang sagot sa sitwasyon sa kahon?
A. pagdadagdag C. pagpaparami
B. pagbabawas D. paghahati

25. Ano ang sagot sa sitwasyon sa itaas?


A. 2 sq. tiles B. 5 sq. tiles C. 15 sq. tiles D. 50 sq. tiles

26. Inalam ni Gng. Abad ang paboritong prutas ng kanyang mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng
pagtataas ng kamay, nalaman niya na 11 ang may paborito sa mansanas, 10 sa saging, at 14 sa
manga. Alin sa mga sumusunod na graph ang angkop sa sitwasyon?

A. Paboritong
C. Prutas Paboritong Prutas
|||| - |||| - | |||| - ||||
|||| - |||| |||| - |||| - |
|||| - |||| - |||| |||| - |||| - ||||

B. Paboritong
D. Prutas Paboritong Prutas
|||| - |||| - |||| |||| - |||| - ||
|||| - |||| - | |||| - |||| - |
|||| - |||| |||| - |||| - ||||

Panuto: Pag-aralan ang pictograph sa ibaba upang masagot ang tanong sa bilang na 27-30.
Mga Naibentang Mangga ni Milo
Mga Araw Bilang ng Nabentang Mangga
Lunes
Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Batayan: = 5 mangga
27. Anong araw nakapagbenta ng pinakamaraming manga si Milo?
A. Lunes B. Miyerkules C. Huwebes d. Biyernes
28. Anong araw siya nakapagbenta ng 20 mangga?
A. Lunes B. Martes C. Huwebes d. Biyernes
29. Ilan lahat ang bilang ng nabenta niyang manga sa loob ng limang araw?
A. 20 B. 40 C. 100 D. 1000
30. Ilan ang lamang ng nabenta niyang manga noong Biyernes sa nabenta niyang manga noong
Martes?
A. 4 B. 8 C. 20 D. 40
MATH 2
KEY TO CORRECTION

1. B 11. A 21. B
12. B

2.

22.
3. B 13. A 23. D
4. C 14. B 24. C
5. B 15. B 25. D
6. A 16. C 26. A
7. B 17. D 27. D
8. D 18. D 28. C
9. B 19. C 29. C
10. D 20. A 30. C
MAPEH 2
4TH QUARTER REVIEWER
MUSIC
_________1. Mahilig makinig ng mga awitin si Peter at natutukoy niya ang bilis at bagal ng
awitin. Anong element ng musika ang tumutukoy sa bilis at bagal ng musika?
A. dynamiks C. melody
B. tempo D. timbre
_________2. Sa aming Flag Ceremony ay kumukumpas ng mabilis si Gng. Reyes habang
inaawit naming ang himno ng paaralan. Ang mabilis na pagkumpas ay
nagpapahayag ng _______na pag-awit.
A. mabilis C. katamtaman
B. mabagal D. tahimik
_________3. Ang tempo ay maihahambing sa galaw ng mga _______ at tao.
A. hayop C. bagay
B. lugar D. pangyayari
_________4. Ang isang musika ay may makapal na _______ kapag
maraming tunog at sabay – sabay na naririnig.
A. Unison C. Round
B. Texture D. Musical
_________5. Ito ay tinatawag na sabayang pag-awit.
A. Round C. Unison
B. Musical D. Texture
_________6. Ang isang_________ ay maaaring manipis o makapal ayon sa daloy ng musika at
sa paraan ng pagkaka-awit.
A. Musical line C. Rhythmic Pattern
B. Melody D. Ritmo
________7. Ito ay may iisang melody lamang na inaawit ng lahat.
A. Texture C. Multiple Musical Line
B. Single Musical Line D. Melodic Line
_________8. Ang __________ ay mga melody na inaawit nang sabay ng iba‘t ibang pangkat ng
mang-aawit.
A. Texture C. Multiple Musical Line
B. Single Musical Line D. Melodic Line

ARTS
_________9. Makakabuo ng free- standing balanced figure sa pamamagitan ng paggamit ng
mga kahon at iba pang mga bagay na makikita sa kapaligiran.
A. Oo C. Hindi
B. Siguro D. Minsan
_________10. Ito ay likhang sining na gawa mula sa mga papel at lumang diyaryo.
A. Paper Mache C. Paper Horse
B. Paper Boat D. Paper Robot
_________11. Kilala ang Paper Mache at Taka sa probinsya ng _______.
A. Batangas C. Cavite
B. Laguna D. Quezon

_________12. Sa paggawa ng saranggola lagging siguraduhin na______ang pagkakagawa


upang ito ay mapalipad nang maayos.
A. malaki C. balanse
B. malapad D. makulay

_________13. Ito ay malagkit na lupa, na maaaring gamitin upang makalikha


ng magandang bagay.
A. Three Dimensional C. Clay
B. Recycle objects D. Paper Mache

_________14. Kailangan gumamit ng mga bagay na magbibigay ng hugis at ______ upang


ang likhang sining ay makakatayo na mag-isa.
A. Balanse C. Lawak
B. Tekstura D. Laki

_________15. Ang mga bagay na iginuhit natin nang palapad ay tinatawag


na__________.
A. Three-dimensional C. Two dimensional
B. Recycle objects D. Clay

_________16. Ang hugis sa larawan ay halimbawa ng


Three-Dimensional ito ay tinatawag na__________?
A. Cylinder C. Cube
B. Cone D. Sphere

PHYSICAL EDUCATION

_________17. Gamit ang bola, ribon at ________ na may kasamang tunog ay makakabuo ng
isang galaw o kilos.
A. Hulahoop C. Kutsilyo
B. Gunting D. Cutter

_________18. Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na katutubong sayaw?


A. Paru-paro G C. Alitaptap
B. Cariñosa D. Tinikling

_________19. Ang pagsasayaw ay isang paraan upang maipakita ang pagmamahal sa


kapaligiran at pagkakaroon ng interes sa ating ______ sayaw.
A. kasiyahan C. moderno
B. katutubo D. makaluma

_________20. Ano ang ipinakikita ng larawan sa ibaba?

A. Over-head throw
B. Below-head throw
C. Parehas tama ang A at B
D. Wala sa nabanggit

_________21. Anong pisikal na laro ang tinutukoy sa larawan?


A. Sack race
B. Patintero
C. Tumbang preso
D. Luksong Tinik

_________22. Ang katutubong sayaw na Alitaptap ay nagmula sa _____?


A. Lucena
B. Batangas
C. Mauban
D. Laguna

_________23. Ang paggamit ng hulahoop, bola, laso at iba pang improvised na materyales
kasabay ng tunog o saliw ng musika ay nakapagdudulot ng _____?
A. kalungkutan
B. kasiyahan
C. kahinaan
D. katamlayan
HEALTH
_________24. Ang sumusunod ay hindi ligtas gamitin sa tahanan maliban sa_____.
A. shampoo C. muriatic acid
B. martilyo D. gasolina

_________25. Alin sa alintuntuning pampaaralan ang hindi mo dapat gawin?


A. Makipag agawan sa upuan.
B. Magpaalam sa guro kapag pupunta sa palikuran.
C. Magtapon ng basura sa tamang basurahan.
D. Tahimik na making sa guro.

___________26. Itinago ng nanay mo ang mga bote ng gamut at panlinis sa


kusina sa itaas ng cabinet. Nabasa mo ang babala sa mga bote na
“Keep away from children’s reach”. Ang ibig sabihin ng babala ay:
A. Mapanganib ito para sa mga bata.
B. Maipagbibili ito ng mga bata.
C. Masustansya ang laman nito.
D. Maaaring paglaruan ng mga bata.

__________27. Ano ang ibig sabihin ng babalang ipinakikita sa larawan?


A. Huwag lalapit sa lugar.
B. Madulas ang daan.
C. Mataas ang boltahe ng kuryente.
D. Mapanganib ang laman ng bote.

_________28. Ano ang dapat mong gawin kapag nakita mo ang bagay na ito?
A. Kunin at buksan ito.
B. Ibigay sa nakababatang kapatid upang mapaglaruan ito.
C. Huwag galawin o kunin ang bagay na hindi kilala.
D. Idilig sa mga halaman.

__________29. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaligtasan sa tahanan?


A. C.
B. D.

_________30. Ano ang kahulugan ng simbolong “Danger! High Voltage” ?


A. Madulas ang daan.
B. May malaking butas sa unahan.
C. Mataas ang boltahe ng kuryente.
D. May mga taong gumagawa sa lugar.

MAPEH
ANSWER KEYS
1 B 11 B 21 A
2 A 12 C 22 B
3 A 13 C 23 B
4 B 14 A 24 A
5 C 15 C 25 A
6 A 16 C 26 A
7 B 17 A 27 B
8 C 18 A 28 C
9 A 19 B 29 D
10 A 20 A 30 C

You might also like