Mga Yugto NG Pagbasa

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 30

PAGBASA

Basahin nang pabigkas ang mga sumusunod:


1. Ang susi ni Susie ay nilagay ni Siso sa seesaw.

2. Nagbaging ang mga matsing at nahulog sa


bangin ng itoy bumahin.

3. Nagbigay ang dakilang alalay ng isang kabang


palay.

4. Isang piling ng saging dala-dala ni Saling para


kay Lola Laling.

5. Matingkad ang dahlia ni Dahlia samantalang


mapupula ang rosas ni Rosa.
Panimula

Sa pagtuklas ng karunungan,
napakahalaga ng magiging tungkulin
ng pagbasa sa isang indibidwal upang
lumawak ang pananaw at magbukas
ng kaalaman upang matuto sa takbo
ng buhay sa ginagalawang daigdig ng
isang tao.
Ang kakayahan sa pagbasa ay isa sa
pinakamahalagang kasanayang dapat matamo
ng isang mag-aaral sa mga unang taon pa
lamang ng kanyang pag-aaral sa paaralan. Dito
nakasalalay ang tagumpay niya at kaunlaran sa
hinaharap.
Ang makabagong daigdig ay isang daigdig
na nagbabasa. Sa makabagong daigdig ding ito,
ang pagbasa ay isang likas na bahagi ng pag-
unlad.
Kailangan ang kapaligirang magkakaroon ng
interaksyon ang mag-aaral sa kapwa mag-aaral,
mag-aaral sa guro at mag-aaral sa ibat ibang
uri ng kagamitang panturo.

Isang malaking hamon ang


pagtuturo ng pagbasa

Mahalaga ang pagtuturong


interaktibo sa pagbasa
MGA
Dapat ang gabay sa unti-unting pagkatuto tungo
PANANAW sa pagbasa; tungo sa pagkatuto.

SA Ang pag-aaral ng pagbasa


ay hindi isang pakikipag-unahan.
PAGBASA Malaking kontribusyon sa pagkatuto ng pagbasa
ang mga gawaing nararanasan
sa buhay araw-araw.

Isaalang-alang din ang literasi


sa media at literasi sa kompyuter.

Higit sa lahat ang mahalagang papel ng guro


sa pagkatutong mga mag-aaral sa pagbabasa.
MGA YUGTO NG PAGBASA

Ikatlong Yugto Ikalimang


Ikalawang
Ikaapat Yugto
Unang Yugto Yugto
Pagpapaunlad na Yugto
ng Kakayahan Pagpapapino
Kahandaan Panimulang
o Mabilis Malawakang at
sa Pagbasa Pagbasa
na Pag-unlad Pagbasa Pagpapaunlad
pa ng mga
(Reading (Beginning
(Expanding (Extensive kasanayang
Readiness) Or Initial
Power or Reading) natamo sa
Reading)
Rapid Growth) pagbasa
Kahandaan sa
Pagbasa

Ang yugtong ito sa pagbabasa


ay nararanasan ng mga bata sa
iba- ibang edad. May mga batang
maagang nalilinang ang
kahandaan sa pagbasa.
Ilang Salik na Kailangan sa Paglinang
ng Kahandaan sa Pagbasa
Pisikal

Salik na Emosyonal
Mental
at Sosyal

Mga
Salik

Personalidad at
Wika
Karanasan
Palatandaan ng
Kahandaan sa
Pagbasa

Ayon kay Belvez (2002), mahalagang


tiyakin muna ang kahandaan sa pagbasa ng
mag-aaral bago turuan ito ng pormal na
pagbasa. Kahit na anong sipag, sikap at
tiyaga ng guro sa pagtuturo na matutong
bumasa ang mag-aaral kung hindi naman
siya handa sa ay balewala rin.
Palatandaan ng
Kahandaan sa
Pagbasa
1. Nakikita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng hugis,
anyo at laki.

Halimbawa:

iba ang sa

iba ang sa

iba ang sa
2. Nakikilala na iba ang:
n sa h
b sa d
m sa n
M sa W
O sa Q
R sa B at iba pa.
3. Nakakahawak na ng aklat na wasto at
maayos. Marunong magbukas ng aklat
at magbuklat ng mga pahina.
Nahahawakan ang dyaryo o magasin
nang hindi patuwad o pabaliktad.
4. Nakikita, napapansing mabilis ang
pagkukulang ng bahagi ng isang
bagay o larawan sa isang tingin.

Halimbawa: Kulang ng isang tainga,


kamay o paa ang isang bata.
5. Napapangkat-pangkat ang
magkakatulad, naibubukod ang
naiiba.

Halimbawa:
Pinagsasama-sama ang magkakahugis.
Nilalagyan ng X o bilog ang bagay na hindi
kapangkat.
6. Nakauulit ng buong pangungusap na narinig. Nauulit ang
naririnig na pahayag.

7. Naihahagod ang paningin sa larawan o limbag nang


mula kaliwa pakanan.

8. Naisasaayon sa wastong pagsunud-sunod ang tatlo


hanggang apat na larawan.

9. Nakakapagsalaysay ngpayak na kwento,payak na


pangyayari.

10. Nakapag-uugnay ng kawilihan sa aklat, sa pagbuklat


ng aklat, pagkilala ng aklat, pagkilala ng mga larawan at
simbolong naroon.
Panimulang Pagbasa
(Reading Readiness)

Sa yugtong ito, inihahanda ang mga


mag-aaral sa mundo ng pagbasa.
Ilang mahahalagang bagay na dapat isaalang
alang ng guro sa panimulang pagbasa.

1. Unti-unting bilang ng salita lamang ang dapat


ipasok sa mga araling babasahin.
2. Ilang paraan ang magagamit sa pagkilala sa
bagong salita.
2.1 kombinasyon ng pantig na kilala na
2.2 sa tulong ng larawan
2.3 sa pamamagitan ng konteksto o gamit
sa pangungusap
2.4 maaari rin ang configuration cues,
bagaman hindi gaanong gamit ito sa
Filipino tulad ng Ingles.
3. Gawing lubhang kawili-wiling gawain o
karanasan ang unang gawain sa pagbasa
upang kagiliwan ang pagbabasa.
Samakatuwid, ipabasa ang kwento, tula na
maikli lamang, kawili-wili at humahamon sa
angking kakayahan sa pagbasa.

4. Sikaping mapalawak ang nababasa at


maunawan ang mga salita, parirala at
pangungusap.
5. Magkaroon ng maraming gawaing pasalita
at pasulat kaugnay ng binasang aralin.
Maaaring:
pag-uugnay ng salita sa larawan
pagbubuo ng bagong salita mula sa dati nang alam
na pantig at salita
pagkuha ng maliliit na salita mula sa mahabang salita
pagsagot sa tanong tungkol sa binasa
pagsunod sa panuto
pagsulat sa nawawalang salita
pagpili sa angkop na salita
pagsasadula sa binasang kwento
pagkukwentong muli
pagsusunud-sunod sa mga pangyayari
pagbibigay ng angkop na pamagat
pagbabago sa wakas ng kwento
Pagpapaunlad ng Kakayahan /
Mabilis na Pag-unlad
(Expanding Power / Rapid
Growth)

Sa yugtong ito, nalilinang ang


kasanayan sa mabilis na pagkilala sa
salita, parirala at pangungusap at ang
mabilis na pag-unawa o
komprehensyon sa binasa.
Sa ikakatagumpay ng paglinang ng mabilis na
pagbasa nang may pag-unawa at may kawilihan at
kasiglahan sa gawain, narito ang ilang dapat isaalang-
alang:

2. Tiyaking naialis na ang


1.Simulan ang aralin tuwina
mga balakid sa maayos,
sa maayos, angkop at kawili-
angkop at kawili-wiling
wiling pagganyak o panggi-
pagbasa gaya ng pagkilala
sing ng kawilihan.
sa mga bagong salita at iba
pang paghawan ng sagabal.

4. Ang komprehensyon sa
3. Magbigay ng mga tanong binasa ay pag-uugnay ng dati
pangganyak na siyang ng alam o prior knowledge at
sasagutin matapos ang ng hindi pa alam. Iniuugnay
pagbasa. ang bagong ideya o
impormasyon sa dati ng
nakaimbak na kaalaman sa
kanilang isipan.
Malawakang Pagbasa
(Extensive Reading)
Sa yugtong ito, pinipino at
pinauunlad ang pagbasa. Ang
pagbasa na isang kasanayang
angkin ng mag-aaral ay isang
instrumento rin sa pagtuklas ng
lalong marami at malawak na
impormasyon, mga kaisipan,
pagpapakahulugan o
interpretasyon.
Sa yugtong ito, patuloy na nalilinang ang
iba-ibang kasanayan gaya ng komprehensyon,
organisasyon, bokabularyo, interpretasyon gaya
ng:
pag-aaral at interpretasyon ng talaan, tsart,
grap, dayagram atb.

kasanayan sa paggamit ng Talaan ng


Nilalaman at Indeks

kasanayan sa paggamit ng diksyunaryo,


ensayklopedya, almanac atb.
Pagpapapino ng Kasanayang
Natamo sa Pagbasa
Patuloy na pinipino at pinauunlad ang pagbasa sa yugtong
ito. Mula sekondarya hanggang tersyarya nagaganap ang yugtong
ito. Dito rin malalaman ng mag-aaral ang ibinubunga ng ibat
ibang kasanayan sa pagbasa sa kanya tulad:
marunong gumamit ng aklatan at mga
sangguniang aklat
natututong gumamit ng grap, tsart, mapa

maliwanag na pagbasang pasalita

nakapagsusuri ng mga materyal upang makuha ang


mga pangunahing kaisipan at layunin sa pagbasa.
sanay bumasa sa pagitan ng mga linya

nagiging mapanuri sa pagbasa at pagpapahalaga

yumayaman ang talasalitaan

bilis sa pagbasa nang tahimik

pag-unawa sa salita

pagkilala ng salita
Sa patuloy na pagpapapino at pagpapaunlad ng
pagbasa, maaaring gamitin ang pormulang SM3B sa
pagbasa.

S Nangangahulugan ng SARBEY na binubuo ng


tatlong gawain.

S1 Balik-gunita sa ating nalalaman


kaugnay ng paksang babasahin.

S2 Pagkilala sa mensaheng ibig


ipahatid ng awtor.

S3 Pagpapasya sa layunin sa
pagbasa.
M Magtanong: ng mga nais malaman sa teksto
sino, ano, kailan, paano, bakit

B1 Unang PAGBASA. Simulang basahin ang teksto


pagkatapos na mapili ang pamamaraang
angkop sa layunin. Masaklaw bang pagbasa ang
gagawin o masinsinang pagbasa? Sagutin na ang
mga tanong na ginawa at nais masagutan sa pagbasa.

B2 BALIK-BASA. Basahing muli ang teksto upang matiyak


kung nakuha ang kasagutan sa mga tanong. Tingnan kung
walang nakaligtaang sagot sa tanong. Tingnan kung walang
nakaligtaang sagot sa tanong. Ang pagtiyak at paggunita sa
mga natutuhan ay nakatutulong upang mabasa ang inyong
pantanda o memorya.

B3 BUOD. Ayusin ang mga ideyang napili upang magamit sa


maayos na pag-uulat. Ang paggawa ng buod sa binasa ay
katiyakan na nauunawaaan ang binasa. Nakatutulong sa
paggawa ng buod o lagom ang paggawa ng balangkas ng
binasa.
KAPIT-KAMAY
I
Huwag maligaw
Sa bawat araw
Ang narating
Huwag mong sayangin
Magtiwala sa iyong pangarap
Umasang magaganap
Isabuhay, katotohanan
Matatamoy tagumpay
REFRAIN:
Kapit-kamay ang dapat
Upang pangarap matupad
Sa adhika magsamasama
Habang buhay walang hanggan
III
Ang pagyuko ay di pagsuko
Magsimula sa iyong adhika
Kung may luha ay may ligaya
Na iyong madarama
Pananalig, laging isipin
Minimithiy darating
REFRAIN:
Kapit-kamay ang dapat
Upang pangarap matupad
Sa adhika magsamasama
Habang buhay walang hanggan
IV
Kung tayo ay nasa dilim
Mithiin ay ningning
Ang pusoy pag-alabin
Tagumpay mararating
(ulitin ang Refrain)
Resipe ng Magandang Buhay
GAWIN:
Isama (+) ang Panginoon sa iyong buhay
Alisin (-) ang lahat ng takot
Paramihin (x) ang mabuting gawi
Ipamahagi () sa iba ang mga biyayang
natatanggap

KALALABASAN: (=)

You might also like