EPP 5 Industrial
EPP 5 Industrial
EPP 5 Industrial
NG PRODUKTONG
IPAGBIBILI AT
PAGBEBENTA
Tignan ang sumusunod
na larawan.
Nakakita ka na ba
sa mga pamilihan ng
ganitong uri ng mga
produkto?
Napuna mo ba kung
paano ito iniayos at
inilagay sa tamang
lalagyan bago ito
idisplay sa tindahan?
Mga Paraan sa Pag-
aayos ng
Produktong
Ipagbibili
1. Ihanda ang lahat
ng kailangan sa pag-
aayos ng mga
poduktong ipagbibili.
2.Tiyaking
malinis ang mga
produktong
3. Ilagay sa tamang
lalagyan ang mga
produktong ipagbibili
tulad ng plastic, kahon
at iba pa.
Maaring lagyan ng
disenyo ang mga lalagyan
upang mas makaakit ng
mamimili at makita ang
kalidad nito.
4. Isalansan ng
maayos sa lalagyan
ang mga produktong
ipagbibili.
5. Lagyan ng etiketa ang
mga produktong ipagbibili.
Tiyakin na medaling mabasa
ang presyo ng produkto
upang hindi mag-aksaya ng
oras sa pagtatanong.
6.Kailangan makasining,
makulay, at maktawag
pansin ang pagkakaayos
ng mga produkto upang
makaganyak ng mamimili .
Mga Paraan sa
Pagbebenta ng
Produkto
1. Planuhin ang
lugar kung saan
ibebenta ang mga
produkto.
2. Ilagay ng maayos
an gang mga
produktong
ipagbibili.
3. Lagyan ng
palatandaan ang
bawat uri ng
produkto.
4.Sikaping maging
malinis at maayos
upang maipakitang
maayos din ang
produktong ipagbibili.
5. Maging magiliw at
masayahin sa pakikipagusap
at paglilingkod sa mga
mamimili ng iyong
produkto.
TANDAAN
NATIN
Sa pagsasapamilihan ng
mga produkto, dapat
isaalang-alang ang lugar
na paglalagyan at ang
pagsasaayos nito.
Ang pagsasaayos ng paninda
ay isang paraan upang
maakit ang mamimili na
bilihin ang produkto.
Upang maibenta ang mga
produktong ginawa kinakailangan
nakalagay ito sa maayos na
lalagyan upang maipakita ang
kalidad nito.
Maging maayos sa
pakikitungo sa mga
mamimili. Magsuot ng
malinis na damit at hitsura
kung ikaw ay magtitinda.
GAWIN NATIN
Lagyan ng ng / ang kolum
kung ito ay nagpapakita
ng wastong pag-aayos ng
paninda at X kung hindi.
____1. Ilagay sa
lalagyan ang
produktong
ipagbibili.
________2. Maliit lang
ang pagkakasulat ng
preyo upang di mabasa
kaagad.
________3.
Makulay at
makatawag pansin
ang mga produkto
.
__________4.
Tama ang presyo
at malinis tignan
ang mga paninda.
______5.Halu-
halo ang mga
produktong
ititinda.
PAGTUTUOS NG
GINASTOS AT
KINITA
Alamin Natin
Bago gawin ang anumang
proyekto kakailanganin
gumawa muna ng plano. Sa
pamamagitan nito malalaman
natin ang halaga ng gagawing
proyekto.
Upang matiyak na ikaw ay
may kikitain sa mga
produktong ginawa, dapat ay
alam mo ang wastong paraan
ng pagtutuos ng puhunan,
ginastos, at tubo nito.
Ang mga dapat isaalang-
alng ay ang mga
materyales na ginamit sa
sa pagbuo ng proyekto at
iba pang pangangailangan
sa proyektong gagawin.
LINANGIN NATIN
Ang mga mag-aaral sa ikalimang
baitang ay nakagawa ng 5 saw along
extension Cords. Ang Puhunan nila
sa bawat isa ay 114. 75. Ibebenta
nila ang mga ito na may tubong 20%
ng kanilang puhunan.
1. Magkano ang
halaga ng pagbibili
ng bawat isa?
2.Magkano ang
kabuuang
puhunan sa
proyekto?
3. Magkano
ang tubo ng
bawat isa?
4. Magkano
ang kabuuang
tubo?
Narito ang pormula sa
pagkha ng kinita sa
proyekto
Pormula: Puhunan (Php)
+ 15% = Kabuuang Presyo
TANDAAN NATIN
Mahalaga na alam mo ang
tamang paraan ng
pagtutuos ng puhunan,
ginastos at kinita sa mga
proyektong ibebenta.
Ito ay nakakatulong
upang malaman mo kung
magkano ang kinita mo sa
lahat ng mga proyektong
ginawa.
GAWIN NATIN
Tuusin mo ang mga
ginastos at kikitain sa
proyekto kung ikaw ay
tatahi ng 3 punda ng
unan.
Gawain B
Tuusin ang kinita
Proyekto: Extension
Cord
Bilang Yunit Pangalan ng Kagamitan Halaga sa Kabuuang
Piraso Halaga
5 Yarda Kawad ng kuryente Php 10.00 ?
1 Piraso Saket # 20 Php 20.00 ?
1 piraso plag Php 15.00 ?
Kabuuang Halaga
Magkano ang kikitain
mo sa ginawang
proyekto kung ito ay
papatawan ng tubong
20% ?
PAGYAMANIN NATIN
A. Gamitin ang pormula
sa pagkukuwenta ng tubo
ng mga sumusunod na
proyekto.
Aytem Puhunan kinita Tubo
Napkin Holder Php 55.25 Php 56.80 ?
Pamaypay Php 16.00 Php 18.90 ?
Dust pan Php 45.00 Php 51.75 ?
Papel na basket Php 56.00 Php 64.40 ?
Pencil Holder Php 38.75 Php 44.60 ?
KINITA- PUHUNAN= TUBO
56.80
-55.25
1.55
B. Itala ang mga proyektong
nais gawin. Magsaliksik ng
mga kailangan materyales
at alamin ang wastong
hakbang nito.
PAGPAPLANO NG
PROYEKTO GAMIT
ANG NAUNANG
KINITA
ALAMIN NATIN
Bago pa lamang
umpisahan ang isang
proyekto o gawain ay
kailangan mo muna itong
pagplanuhang mabuti.
Napapadali ng plano ang anumang
gawain. Ang plano ng proyekto ay
batayan ng matalinong
manggagawa upang makatipid sa
panahon, pera at mapanatiling
matatag at matibay ang gagawing
proyekto.
LINANGIN NATIN
Ang pagpaplano ng gawain
ay maituturing na
pinakamahalagang hakbang
sa kahit anong gawain.
May katiyakang
matatapos sa takdang
oras ang gawaing
napagplanuhang mabuti.
Dapat Isaalang-alang at
batayan para sa mabilis
at maayos na Paggawa
1. Piliin ang simple at payak
na proyekto. Mas mainam at
higit na kawili-wiling gawin
ang proyektong magagamit
sa bahay, paaraln at
pansarili.
2. Piliin ang proyektong
binubuo ng mga
materyales. na madaling
makita at mabili sa
pamayanan.
Ang paggamit ng
recycled at mga
katutubong materyales
ay mainam.
3. Pag-aralan ang mga hakbang na
napapaloob sa paggawa. Ang
pagkakaroon ng sapat na
karanasan sa paggamit ng mg
akasangkapan at iba pang
kagamitan ay makatutulong.
4. Ibilang din ang mga
materyales, kagamitan, at
hakbang na gagamitin sa
pagpapaganda ng
proyektong gagawin tulad
ng pagpipintura at
pagbabarnis.
Narito ang mga hakbang sa
pagbuo ng proyekto. Kailangan
mong matutuhan ang mga
paraang ito upang maging
maayosang paggamit sa panahon
gugugulin mo sa paggawa at sa
mga materyales na gagamitin.
Mga bahagi sa
pagbuo ng plano
ng proyekto
A. Pangalan ng Proyekto:
Hal. Pamaypay
B. Layunin
Makabuo at maipakita ang
wastong paggawa ng Pamaypay
C. Larawan ng Proyekto/Krokis
D. Talaan
ng
Kagamitan
Bilang Yunit Pangalan ng Kagamitan Halaga sa Piraso
¼ yarda tela Php 10.00
5 Piraso Frame na kawayan Php 12.00
1 piraso Pandikit Php 5.00
Kabuuang Halaga Php 27.00
E. Mga Kasangkapan
Hal. Tela, Frame na
kawaya, Pandikit
F. Hakbang sa Paggawa – Sunod-
sunod na hakbang sa paggawa ng
proyekto.
Mga hakbang sa Paggawa ng
pamaypay
1. Ihanda ang mga kagamitan sa
paggawa ng proyekto.
2.Ihanay ang
frame na
kawayan ayos sa
3. Idikit ito at
patuyuin.
4. Ilagay ang tela
ayon sa hugis nito na
magsilbing desenyo
ng proyektong
ginawa.
TANDAAN NATIN
Ang anumang gawain ay
kailangan pagplanuhang
mabuti upang makatiyak na
wasto ang mga isasagawang
hakbang at maihanda ang
mga kaukulang materyales
at kasangkapang gagamitin
Ang isang mahusay na
plano ay nagdudulot
ng magandang resulta
sa anumang gawain.
Ang wastong kaalaman sa
paggawa ng proyekto ay
nagpapaunlad ng
kasanayan at nakatitipid
ng oras at lakas.
GAWIN NATIN
Kompletuhin ang mga sumusunod na bahagi ng plano ng
proyekto.
Nakabatay ang plano sa kinita
Pangalan ng proyekto ___________________________
Layunin _______________________________________
Sketch/krokis ng proyekto ________________________
Talaan ng Materyales____________________________
Hakbang sa paggawa____________________________
Talaan ng mga Kasangkapan _____________________
PAGYAMANIN
NATIN
Basahin ang mga tanong isulat ang
sagot sa iyong sagutang kuwaderno.
1. Anu-ano ang mga bahagi ng isang
plano?
2. Anu-ano ang mga dapat sundin sa
paggawa ng plano?
3. Bakit mahalagang gumawa ng
plano bago simulan ang isang gawain?
Salamat sa pakikinig!!!