WEEK3

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 55

Edukasyon sa

Pagpapakatao 5
Ikalawang Markahan, Ikalawang Linggo
Paksa:

Mayamang Kultura,
Kabilang Ako
MELC:
Nakapagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan
sa pamamagitan ng:
a. mabuting pagtanggap/pagtrato sa mga
katutubo at mga dayuhan
b. paggalang sa natatanging kaugalian/
paniniwala ng mga katutubo at dayuhang
kakaiba sa kinagisnan (EsP5P –IIc – 24)
Layunin:
mailalarawan ang isang batang may
paggalang sa mga katutubo at dayuhan
maiisa-isa ang mga paraan ng
paggalang sa mga katutubo at dayuhan.
Balikan:
Basahin ang sumusunod na
pangungusap. Tukuyin kung ito
ay Tama o Mali. Maging
matapat sa iyong pagsagot.
Balikan:
1. Ang Persons with Disability (PWD) ay
kailangan ding bigyan ng tulong.

TAMA
Balikan:
2. Kambal ang pagmamalasakit
at pagkamatulungin.

TAMA
Balikan:
3. Ang pagbibigay-alam sa kinauukulan
tungkol sa mga sinasaktan ay gawain ng
mga tao.

TAMA
Balikan:
4. Ang pagtulong sa kapwa ay
naghihintay ng kapalit.

MALI
Balikan:
5. Ang tunay na pagmamalasakit ay
mula sa puso.

TAMA
Patnubay na Tanong:

Paano mo maipakikita ang


paggalang sa mga katutubo at
dayuhan?
Iba-iba Man, May
Pagkakatulad Din
Zenaida R. Ylarde
Siya, ako, at sila
Kami ay magkakaiba
Bansa nami’y iba-iba
Kaniya-kaniya ng kultura.
Iba-iba man ang aming pinanggalingan,
Tunay naman ang aming pagsasamahan
Iba-iba man ang aming katauhan
Lumikha sa amin ay iisa lamang
Amig aming Diyos na kinikilala
Dakila Siya, tayo’y Kaniyang nilika.
Tungkol saan ang tula?

Sagot: Ang tula ay tungkol sa


pagkakaiba ng mga bata.
Sa paanong paraan
nagkakatulad ang mga batang
magkakaiba ng bansang
sinilangan?
Sagot: Iisa ang lumikha sa
kanila at sa atin.
Ano ang pangkaraniwang
ipinagkakaiba ng iba’t ibang
kututubo o pangkat etniko sa
ating bansa?
Sagot: Tayo ay may kaniya-
kaniyang kultura at paniniwala
Maging magiliw
tayo sa mga
taong kaiba sa
atin ang pisikal
na anyo
Igalang ang
pagpapahayag
nila ng salita
ng Diyos
Ang kapwa
natin,katutubo
man at dayuhan ay
dapat nating
igalang anuman
ang kanilang anyo
at suot.
Pagsasanay:

Basahin ang mga


susunod na sitwasyon
at sagutin ito ng buong
husay.
Pagsasanay:
Ang iyong ama ang gobernador sa inyong lalawigan.
Nakaranas ng hagupit ng bagyo ang inyong lalawigan,
maraming nasalanta, nawalan ng tirahan, at napinsalang
mga pananim. Ang mga donasyon na mula sa iba’t ibang
dako ay sa inyo bumabagsak. Biglang may dumating na
mga dayuhang katutubo na naninirahan din sa inyong
lalawigan, humihingi sila ng tulong dahil sa kanilang
sinapit. Ano ang gagawin mo? Bibigyan mo ba sila kahit
hindi mo sila kakilala?
Sagot:
Kakausapin ko ang aking
ama na bigyan din sila ng
tulong sapagkat pare-pareho
lamang kami ng sinapit
anuman ang grupong
kanilang kinabibilangan.
Pagsasanay:
Nagdiriwang ng kapistahan sa inyong barangay.
Napakaraming namamalimos na mga Ita at
Mangyan upang sila ay may makain. Hindi malinis
ang kanilang pangangatawan, madudumi ang
kanilang mga damit at marurungis ang kanilang
mga mukha. Ano ang gagawin mo? Ipagtatabuyan
mo ba sila? Bakit?
Sagot:

Hindi ko sila ipagtatabuyan. Sila ay


aking tutulungan sa abot ng aking
makakaya. Maari ko silang bigyan ng
damit na maari nila maisuot.
Isaisip:
Ang paggalang sa isang tao ay isang mabuting
ugali na karaniwang taglay nating mga Pilipino.
Kabilang na rito ang pagiging magalang na
ipibakikita rin natin samga dayuhan sa ting bansa.
Itinuturing natin sila na kahalintulad din natin sa
maraming bagay tulad ng kilos, gawi, paninila ,
opinion at iba pa.
Paglalahat:
Paano mo maipakikita ang paggalang sa mga
katutubo at dayuhan?
 ang taos-pusong pakikinig sa kanilang mga
sinasabi
 paggalang sa kanilang opinion
 hindi pang-iinsulto sa kanila, sa kanilang
kultura at paniniwala.
Gawain 1:
Iguhit sa patlang ang puso ( )
kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng paggalang sa mga
katutubo at mga dayuhan at bituin
( ) kung hindi.
Gawain 1:

1. Ipaghanda ng miryenda ang mga


dayuhan o katutubo sa inyong tahanan.
Gawain 1:
2. Pakitunguhan o tratuhin ng maayos
ang mga panauhing katutubo at mga
dayuhan sa ating paaralan.
Gawain 1:
3. Pagtawanan ang mga katutubong
nakikita sa lansangan.
Gawain 1:
4.Huwag pansinin ang mga anak ng
inyong bisita dahil hindi mo
maintindihan ang kanilang lingguwahe.
Gawain 1:

5. Igalang ang karapatan ng bawat tao .


Gawain 2:

Basahin ang sumusunod na


pangungusap. Lagyan ng tsek ( )
ang patlang kung nagpapakita ng
paggalang sa mga dayuhan at
kultura, ekis ( ) naman kung
hindi.
Gawain 2:
1.Habang naglalakad, nakasalubong ni Aira
ang isang dayuhang nagtatanong ng
direksyon. Tinakbuhan niya ito.
Gawain 2:
2. Mayroong dayuhang naghahanap sa ama ni
Girlie. Pinapasok niya ito at pinaupo.
Dinalhan din niya ito ng inumin.
Gawain 2:
3. Dumating ang mga dayuhan na nagbigay ng
malaking donasyon sa paaralan nina Mia. Kaagad
nagbigay ang paaralan ng bulaklak para sa mga
ito bilang pasasalamat.
Gawain 2:
4. Mayroong restawran ang ama ni Jenny sa Ozamiz.
Maraming turista ang dumarayo sa kanilang restawran
mula sa iba’t-ibang bansa. Inabisuhan ng ama ni Jenny ang
kanilang mga tauhan na asikasuhing mabuti ang mga
dayuhan upang hindi magsisi sa pagpunta sa kanilang
lugar.
Gawain 2:
5. Dumating ang mga investors galing sa Singapore sa
kumpanya nina Ginoong Reyes. Malaking tulong ang mga
ito sa pagpapalago ng kanilang kumpanya. Di nagdalawang
isip si Ginoong Reyes na kumuha ng mga kwarto para sa
pagpapahingahan ng kanilang bisita.
Ang paggalang sa mga katutubo at
dayuhan ay isang pagpapatunay ng
ating pagiging mabuting mamayang
Pilipino. Taglayin natin ito at lahing
isapuso.
Talasanggunian:

Ylarde, Zenaida R. 2016. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5. Quezon


City: Vibal Publishing Incorporated.

K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corressponding CG Codes


page 81.
https://www.slideshare.net/rayjason/mga-lahi-ng-tao
http://balita.net.ph/2019/08/01/buhayin-pahalagahan-ang-katutubong-wika/
https://nickelasia.com/bulletin/mga-katutubo-sa-dinapigue-pinayabong-ang-tradisyon-kultura
https://www.subicbaynews.com/sm-operation-tulong-express-for-earthquake-affected-
communities
https://www.katutubo.org/tag/drawing/
https://ph.lovepik.com/image-401417599/laughing-boy.html

You might also like