Linggo 11 - Pagsulat NG Pictorial o Larawang Sanaysay

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Pagsulat ng

Pictorial Essay o
Larawang-Sanaysay
Panuto: Suriing mabuti ang mga larawang ipapakita. Iugnay ang
unang larawan sa mga susunod pang mga larawan. Bumuo ng
caption sa bawat larawan.

• Ano-ano ang nakikita ninyo sa larawan?


• May kaugnayan ba ang unang larawan sa mga susunod pang larawan?
• Magbigay ng ilang pangungusap na mailalagay natin sa bawat larawan.
Interaktibong Talakayan
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mahalagang
konsepto tungkol sa larawang-sanaysay.
Ang larawang-sanaysay ay tinatawag ding pictorial essay o kaya’y photo
essay na para sa iba ay mga tinipong larawan na isinaayos nang may
wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang maglahad ng
isang konsepto.
Ayon kay Amit Kalantri, isang nobelistang Indian, “A photograph shouldn’t
be just a picture, it should be a philosophy.” May katotohanan nga naman,
ang litrato ay isang larawan sa pisikal na anyo. Subalit, ito ay may
katumbas na sanlibong salita na maaaring magpahayag ng mga
natatagong kaisipan.

Ang mahalagang katangian ng larawang-sanaysay ay ang mismong


paggamit ng larawan sa pagsasalaysay. Layunin nitong magbigay ng
kasiyahan o aliw sa taong gumagawa ng salaysay, magbigay ng
mahalagang impormasyon, at malinang ang pagiging malikhain.
Interaktibong Talakayan
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mahalagang
konsepto tungkol sa larawang-sanaysay.
Narito ang mga dapat mong isaalang-alang sa
pagsulat ng larawang-sanaysay:
• Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
• Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang
gagawin.
• Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong
mambabasa.
• Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa
mga pagpapahalaga.
Interaktibong Talakayan
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mahalagang
konsepto tungkol sa larawang-sanaysay.
• Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng
pangyayari gamit ang larawan, mabuting
sumulat ka mua ng kuwento at ibatay rito ang
mga larawan.
• Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit
ang mga larawan. Tandaan na higit na dapat
mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita.
Interaktibong Talakayan
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mahalagang
konsepto tungkol sa larawang-sanaysay.
• Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay
nagpapahayag ng kronolohikal na salaysay,
isang ideya, at isang panig ng isyu.
• Sigurihin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa
framing, komposisyon, kulay, at pag-iilaw. Kung
minsan, mas matingkad ang kulay at matindi
ang contrast ng ilang larawan kompara sa iba
dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad
nito.
Mga Gabay na Tanong:
• Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng larawang-
sanaysay?

• Bakit kailangang ang paksa ng inyong pipiliin ay nakabatay


sa inyong interes at nakatuon sa mga pagpapahalaga?

• Nakatutulong ba ang ganitong uri ng sulatin sa pagiging


malikhain ng mga mag-aaral? Sa anong paraan?
Magbasa Tayo!
Hindi na Ako Banyaga
Ang sarap sigurong makilala mo ang
iyong inang bayan. Iyong tipong bawat
pasilyo ay kabisado mo? Lalo na iyong
mabalik ka sa nakaraan para makilala
mo ang iyong pinagmulan.
#1
#2
#3
#4
#5
#6
#7
#8
Panapos na Gawain/Pagninilay
• Ang buhay ng tao ay punumpuno ng kulay tulad din ng
isang larawan, may matingkad at may Black and white
na larawan. Maglahad ng sitwasyon sa inyong buhay na
inyong naranasan na nagpapakita ng saya at lungkot.

You might also like