Photo Essay

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

•Suriin ang mga larawan at sa

pamamagitan ng pagtatambal
nito, bumuo ng matalinghagang
pananalita. Pagkatapos gamitin
ito sa pagbuo ng isang
pangungusap.
•Nakabubuo ng isang
malikhaing sulatin.
(larawang-sanaysay)
ANO ANG PHOTO ESSAY?
• --Ito ay isang koleksyon ng mga larawang maingat na iniayos
Upang maglahad ng pagkasunod-sunod ng pangyayari.
• --Nagpapaliwanag ng partikular na konsepto at nagpapahayag
ng damdamin
• --Hindi limitado ang paksa
• --Maaring serye ng imahen
• --Maaaring patungkol sa isang tao o kakaibang pangyayari
ANO ANG PHOTO ESSAY?

• Katulad din ng iba pang uri ng sanaysay na gumagamit din


ng teknik ng pagsasalaysay
• Naiiba dahil larawan ang ginamit sa pagsasalaysay
MAY PHOTO ESSAY NA…

• Binubuo lamamg ng mga larawan


• Binubuo ng mga larawang may maikling kwento
• Binubuo ng kalakhang teksto at sinsamahan ng mga
larawan, Ang mga larawan ang lumulutang sa anyong
ito, hindi ang mga salita.
MGA KATANGIAN NG PHOTO ESSAY

• Nagpapahayag ng damdamin at kaisipan sa serye ng larawan


• Ang mga larawan ang pangunahing nagkukwento samantalang ang
teksto ay suporta lamang
• Gumagamit lamang ng salita kung may mga detalyeng mahirap
ipahayag
• Inaayos ayon sa kronolohkal na pagkakasunod-sunod o ayos sa
damdaming gustong ipahayag
MGA KATANGIAN NG PHOTO ESSAY

• Ngunit kadalasan ay nasasaayos ito ayon sa


pagkakaugnay ng mga larawan
• Ang mahalaga ay malinaw ang pahayag sa unang
tingin pa lamang
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG PHOTO ESSAY
• Maghanap ng isang paksa na ayon sa iyong interes
• Mag sagawa ng pananaliksik bago isagawa ang photo essay
• Hanapin ang tunay na kwento. Matapos ang
pananaliksik,maaari munang matukoy ang anggulo na gusto
mong dalhin sa iyong kwento kahit ang bawat ideya ng kwento
ay pareho. Ang pangunahing mga dahilan ng bawat larawan ay
nararapat lumikha ng isang kapani-paniwala at natatanging
kwento.
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG PHOTO ESSAY
• Ang kwento ay binuo upang gisingin ang damdamin ng mambabasa.
Pinakamahusay na paraan upang ikonekta ang iyong sanaysay larawan
sa madla ay ang mga damdaming nakapaloob sa kwento at gamitin ito
sa mga larawan.
• Pagpasyahan ang mga kukunang larawan. Magsimula sa paglikha ng
isang listahan ng kuha para sa kwento. Ang bawat shot ay tulad ng isang
pangungusap sa isang kwento. Maaari kang magsimula sa 10 shots. Ang
bawat shot ay dapat bigyang diin ng iba’t ibang konsepto at emosyon Na
maaring pinagtagpi kasama ng iba pang mga larawan
MGA DAPAT TANDAAN
• Siguraduhing pamilyar ka sa paksa
• Alamin kung magiging interesado sa paksa ang mga magbabasa nito
• Kilalanin kung sino ang mambabasa
• Malinaw ang patutunguhan ng photo essay
• Idepende ang haba at teksto sa paglalarawan
• Kailangang may kaisahan ang mga larawan
• Isaalang-alang ang consistency sa framing, komposisyon, anggulo, pag
iilaw o kulay.
Hindi malalayo ang photo essay sa iba pang uri ng mga
sanaysay. Gumagamit ito ng mga teknik sa epektibong
KONKLUSYON
paglalahad ng mga ideya at pagsasalaysay ng mga pangyayari.
Isinaalang-alang dito ang tema,organisasyon ng larawan,
tono,target na mambabasa atbp. Ang kaibahan lamang ay
ang paggamit ng mga larawan na siyang pangunahing
pinagkukunan Ng kahulugan sa isang photo essay. Madalas
na nating sabihin na sanlibong salita ang katumbas ng isang
larawan ngunit maaaring higit pa rito ang kapangyarihan ng
larawan.
•Aktibiti
• Paano mo ba ginagamit nang may kabuluhan ang iyong cell
phone?
• Gamit ang iyong cp,kumuha ka ng limang mahahalagang
larawan na bubuo sa mapipili mong paksa sa ibaba.
• Gumawa ka ng pictorial essay na isasaayos sa isang 1/8
illustration bord.
• Angkupan ng pamagat ang kwento nito.
• Iulat ito sa harap ng klase.
MGA PAKSANG MAAARING GAWAN NG PICTORIAL
ESSAY
• Buhay ng isang mag-aaral
• Trabaho ng isang guro
• Buhay ng isang tindera
• Buhay ng isang tambay
• Mga pook na napasyalan
• Mga karanasan
• Mga pagkain
Pamantayan Puntos
Pagkamalikhain 10
Nilalaman 30
Kaangkupan 10
Kabuuan 50

You might also like