ARALIN 5 - Nagagamit Ang Cohesive Devices Sa Pagsulat NG Sariling

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

NAGAGAMIT ANG COHESIVE

DEVICES SA PAGSULAT NG
SARILING HALIMBAWANG
TEKSTO
PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK
KASANAYAN SA PAMPAGKATUTO 
NAGAGAMIT ANG COHESIVE DEVICE SA PAGSULAT NG SARILING
HALIMBAWANG TEKSTO F11WG-IIIC-90

LAYUNIN:
PAGKATAPOS NG MODYUL NA ITO, ANG MAG-AARAL AY INAASAHANG:
1. NATUTUKOY ANG GAMPANIN NG COHESIVE DEVICES SA PAGSULAT:
2. NAGAGAMIT SA PAGBUO NG SARILING TEKSTO: AT
3. NAKASUSULAT NG TEKTONG DESKRIPTIBO GAMIT ANG MGA
COHESIVE DEVICES.
ARALIN 5

PAGSULAT: COHESIVE
DEVICES
TUKLASIN:

PANUTO: BASAHIN AT SURIIN ANG


KONTEKSTO. SAGUTAN SA HIWALAY NA
PAPEL ANG MGA KATANUNGANG NASA IBABA
NG KONTEKSTO.
Pumunta ako sa maynila na kung saan ang maynila ang
kabisera ng pilipinas. Nadatnan ko si diego sa quiapo church.
Pagkatapos magdasal si diego ay nakita na ako sa labas ni
diego.Nilibot namin ang luneta. Ang luneta ay lugar na kung
saan naganap ang pagkamartir ni rizal. Nilibot namin ang
intramuros gamit ang kabayo. Pero ang kabayo ay napagod
kaya pinainom muna ang kabayo. Higit sa lahat, nakita na
namin ang fort santiago. Ang fort santigo ay isang
makasaysayang pook sa maynila.
ANALISIS:

1. MALINAW AT MAAYOS BA ANG DALOY NG


KONTEKSTO? IPALIWANAG.
2. ANO ANO ANG NAPANSIN MO SA
PAGKAKABUO NG KONTEKSTO?
3. KUNG IKAW ANG SUMULAT NG
KONTEKSTONG ITO, PAANO MO ITO ISUSULAT
NG MALINAW AT MAAYOS ANG KAISIPAN?
SURIIN

Gamit ng cohesive devices


Kung ang mga pangungusap, idea, at detalye ay malinaw na
nagkakaugnay sa isang konteksto, madali na itong maunawaan ng
mambabasa. Malaking tulong ang tamang paggamit ng mga cohesive
devices para makabuo ng makabuluhang teksto. Kung ang isinulat ng
awtor ay malinaw na naunawaan at naisabuhay ng mambabasa,
nangangahulugang nagtagumpay ang awtor sa kaniyang isinulat.
1. Reperensiya (reference)
Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy O
maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa
pangungusap.Tinutukoy nito ang anapora at katapora.
Anapora- tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang
pananda sa pinalitang pangalan na binanggit sa pangungusap o talata.
Katapora- tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang
pananda sa pinalitang pangalan na binanggit sa hulihan ng
pangungusap o talata.
2. Substitusyon- paggamit ng ibang salitang ipinapalit sa halip na
muling ulitin ang salita.
3. Elipsis- may ibinabawas na bahagi ng pangungusap subalit
inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa
ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para
matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
4. Pang-ugnay- nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng “at” sa pag-uugnay ng
sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa
pamamagitan nito, higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon
sa pagitan ng mga pinag-uugnay.
5. Kohesyong leksikal- mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang
magkaroon ito ng kohesyon. May dalawang uri ito.
1. Reiterasyon kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang
beses.
2. Kolokasyon- mga salitang magkapareha o magkasalungat.
Pagyamanin
Pagsasanay 1.

Natutukoy ang cohesive devices na ginamit sa teksto. Isulat sa


patlang kung anapora o katapora ang tinutukoy ng mga
panghalip na nakasulat nang madiin (bold). Isulat ang sagot sa
hiwalay na sagutang papel.
__________1. “Dalhin natin siya sa ospital dali!” Ang sigaw ng
maliksing si doris habang pangko ang matandang lupaypay at tila
wala ng buhay. Isinakay siya sa huling bahagi ng kotse at saka
mabilis nitong pinaandar ang sasakyan patungo sa pinakamalapit
na ospital. Subalit hindi na umabot nang buhay si lolo jose sa
pagamutan.
Sagot: katapora
__________2. Bayani ang mga taong handang tumulong
sa nangangailangan kahit walang hinihintay na kapalit o
magbuwis ng buhay para sa bayan kung kinakailangan.
Sila ay mga karaniwang taong nakagagawa ng hindi
pangkaraniwang kabutihan para sa iba.
Sagot: Anapora
__________3. Matamis na maasim ito. Ang may katigasan at
kulay lilang balat ay nagtataglay ng mapuputing hilis na
paborito ng marami hindi lang dahil sa lasa nito kundi maging
sa taglay na sustansiya. Hindi pangkaraniwang prutas ang
mangosteen.
Sagot: Anapora
__________4. Grab taxi na nga ba ang solusyong dala ng
makabagong teknolohiya para mapadali ang paghahanap ng
masasakyan? Ito ay alternatibo sa nakasanayang de-metrong
taxi.
Sagot: Anapora
__________5. Malinis at sariwang hangin, isa na nga lang ba
itong alaala sa ating malalaking lungsod?
Sagot: Anapora

You might also like