Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 48
Ang Lakbay Sanaysay
• Arnel Largo • Love Lee Cyrill Pableo • Jay Brian Tabasa MGA NILALAMAN:
• Kahulugan ng lakbay sanaysay
• Dahilan ng pagsulat ng lakbay sanaysay • Dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay sanaysay ANO NGA BA ANG LAKBAY-SANAYSAY?
•Ang lakbay-sanaysay ay tinatawag ding
travel essay o travelogue. Ito ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga naging karansan sa paglalakbay. •Ayon kay Nonon Carandang, ito aytinatawag niyang sanaylakbay kung saan ang terminolohiyang ito, ayon sa kanya, ay binubuo ng tatlong konsepto: sanaysay, sanay, at lakbay. Naniniwala siyang ang lakbay salaysay ang pinkaepektibong pormat ng sulatin upang maitala ang mga naranasan sa paglakbay. Aniya, nanghihinayang siya sa mga nakalipas niyang paglalakbay sa iba’t ibang lugar sa Europa at sa marami pang bansa sa mundo dahil nakaligtaan niya o sadyang nabalewala niya ang pagtatala. Maaaring naikuwento niya ang kanyang mga karanasan sa ilan niyang mga kaibigan, mag-aaral, at kamag-anak ngunit kalaunan ang mga ito ay nalilimutan din. Tanging sa mga larawang di naman nakapagsasalita niya iniasa ang pagababalik- tanaw sa kanyang mga ginagawang paglalakbay. Kaya naman, sa kanyang panayam sa naganap sa UP Writers Workshop noong ika-10 ng Abril 2014 ay kaniyang winika sa kanyang mga tagapakinig na sisikapin niyang isulat ang mga nangyari at kanyang naranasan sa kanyang mga paglalakbay sa pamamagitan ng paglalahad gamit ang sanaysay. Mga Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay- Sanaysay
•Ayon kay Dr. Lilia Antonio, et al.
sa kanilang aklat na Malikhaing Sanaysay (2013), may apat na pangunahing dahilan ng pagsusulat ng lakbay-sanaysay. 1. Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat.
-isang halimbawa nito ay paggawa ng
travel blog kung saan ito ay maituturing na isang libangan at gayundin naman ay maaring pagkakakitaan. 2. Layunin nitong makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay.
-marami ang nakikinabang sa travelogue lalo
na sa mga taong nais magkaroon ng paunang kaalaman sa lugar na kanilang bibisitahin bago nila ito puntahan. 3. Itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad, pagpapahilom, o kaya’y pagtuklas sa sarili.
-kadalasang naisasagawa ito sa
pamamagitan ng paggamit ng daily journal o diary. -ginagawa ito upang maitala ang mga bagong bagay na kanyang nakita, narinig, naranasan, at iba pa sa kanyang ginawang paglalakbay. -madalas itinatala rin sa journal ang mga realisasyon o mga natutuhan sa proseso ng paglalakbay 4. Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan.
-tipikal na halimbawa nito ang ginawa ni
Antonio Pigafetta na isang Venetian iskolar na tumungo sa Pilipinas kasama ni Ferdinand Magellan. Siya ang nagtala ng mahahalagang datos na kanilang nakita sa Pilipinas na may kinalaman sa mga halaman, hayop, klima, heograpiya, at kultura ng mga sinaunang Pilipino bilangbahagi ng kanilang ulat sa hari at reyna ng Espanya sa kanilang pagbabalik sa kanilang bansa. Gayundin si Marco Polo, isa namang mangangalakal na Venetian na sumulat ng librong pinamagatang “The Travels of Marco” bunga ng kanyang pagtungo sa Asya at resulta na rin ng kanyang paninirahan sa loob ng labimpitong taon. Anuman ang dahilan ng paglalakbay, ang lakbay-sanaysay ay kadalasang naglalaman ng mga tala ng karanasan ng awtor o sumulat sa paglalakbay. Ang pagtatalang ito ay isang paraan ng manunulat na maibahagi ang karanasan at kasiyahan sa paglalakbay. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Lakbay- Sanaysay 1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista.
-mahalagang malinaw sa kanyang isip
ang kanyang pakay o layunin. -karaniwang may nakatakda nang itinerary o talaan ng magagandang lugar na pupuntahan. Samantala, para sa isang manlalakbay ay pangalawa na lamang ang mga bagay na ito. Kasabay ng kanyang paglalakbay sa iba’t ibang lugar ay sinisikap niyang maunawaan ang kultura, kasaysayan, heograpiya, hanapbuhay, pagkain, at maging uri ng ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. -mahalaga ang mga ito upang sa kanyang pagsulat ng kanyang lakbay-sanaysay ay hindi lamang nakabatay sa mga kuhang larawan ang mga kaisipan o impormasyong itatala kundi malalim niyang maipaliliwanag o mailalarawan ang mga bagay o lugar na kanyang nakita o namalas. 2. Sumulat sa unang panauhang punto de-bista.
-ang karamihan sa nilalaman ng sanaysay
ay mula sa mga nakita, naunawaan, at naranasan ng manunulat. Kadalasang napakapersonal ng tinig ng lakbay- sanaysay. - Ayon kay Antonio (2013), ang susi sa mainam na pagsulat nito ay ang erudisyon o ang pagtataglay ng sapat na kaalaman at pagkatuto sa isang paglalakbay. - Tumutukoy rin ito sa pagkilala at pagpapakilala sa sarili at sa pagmumuni sa mga naranasan sa proseso ng paglalakbay. -mahalagang maranasan ng manlalakbay ang mga bagay- bagay upang lubos na maunawaan at mabigyang-kahulugan ang mga pangyayari. Sa pamamagitan ng pagsasagawa nito, magiging makatotohanan at may lalim ang gagawin mong paglalahad ng iyong mga karanasan. 3. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay- sanaysay.
- Tukuyin ang pokus ng lakbay-
sanaysay batay sa human interest. - Ibatay kung ano ang dahilan o layunin ng paglalakbay. - Ang pagtukoy sa tiyak na paksa ay nakakatulong upang matiyak ang sakop ng nilalaman ng lakbay- sanaysay. Tinatawag itong delimitasyon sa pagsulat ng akda. 4. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dokumentasyon habang naglalakbay.
-mga pangunahing gamit na dala ng taong
susulat ng lakbay-sanaysay ay ang panulat, kwaderno o dyornal, at kamera. -mahalagang maitala ang pangalan ng mahahalagang lugar, kalye, restoran, gusali, at iba pa. -makakatulong ng malaki ang pagkuha ng litrato o larawan sa mga lugar, tao, o pangyayari upang dagdag kredibilidad sa sanaysay. -para sa mga larawan, mahalagang maglagay ng mga impormasyon para sa mga mambabasa. Maglagay ng eksaktong lokasyon kung saan ito matatagpuan, maikling deskripsyon nito, o kaya naman maikling kasaysayan nito. Iwasang maglagay ng napakadetalyadong deskripsyon upang ito ay kawilihang basahin ng mga mambabasa. 5. Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay.
- mahalagang maisama sa nilalaman
ng sanaysay ang mga bagay na natutuhan habang isinasagawa ang paglalakbay. -magsisilbi itong pinakapuso ng sanaysay kung saan dito ibabahagi sa mga mambabasa ang mga gintong aral na nakuha bunga ng epekto ng paglalakbay. -maaring talakayin kung paano nagbago ang buhay o pananaw ng may-akda, kung paano umunlad ang kanyang pagkatao mula sa kanyang mga naging karanasan, at mga karagdagang kaalamang natuklasan mula sa ginawang paglalakbay. 6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.
-mahalaga na taglay ng isang may-akda ang
sapat na kaalaman sa paggamit ng wika. Sikaping ang susulating sanaysay ay maging malinaw, organisado, lohikal, at malaman. -gumamit ng akmang salita batay sa himig ng lakbay-sanaysay na bubuoin.
-maari ding gumamit ng mga tayutay, idyoma, o
matalinghagang salita para sa mas masining na pagkasulat.
-maging obhetibo sa paglalatag ng mga
impormasyon. -sikaping mailahad ang katotohanan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga positibo at negatibong karanasan at maging kondisyon ng lugar na pinuntahan. -maaring ipakita ang mga ito sa tulong ng photo essay. Sikaping hindi nakatuon sa sarili ang mga larawan sa photo essay kundi ang mga mahahalagang larawang kailangan para mapagtibay ang sanaysay. -lagging baunin sa isipan ang depenisyong ibinigay ni Nonon Carandang na ang lakbay-sanaysay ay laging kinapapalooban ng tatlong mahahalagang konsepto:
Sanaysay, sanay, at lakbay
Basahin natin ang dalawang lakbay- sanaysay na ginawa nina Gng. Teresita Buensuceso at G. Ariel Marasigan.