Kabanata 14 Ang Kabataan Ni Florante

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Kabanata 14:

“Ang Kabataan
ni Florante”
173  
Nupong nag-agapay sa puno ng kahoy
saka sinalitang luha'y bumabalong,
ang may dalang habag at lipos linggatong,
buong naging buhay hanggang naparool.

174   
Sa isang dukado ng Albanyang S'yudad,
doon ko nakita ang unang liwanag;
yaring katauha'y utang kong tinanggap
sa Duke Briseo. Ay, ama kong liyag!
 175   
Ngayo'y nariyan ka sa payapang bayan,
sa harap ng aking inang minamahal,
Prinsesa Florescang esposa mong hirang,
tanggap ang luha kong sa mata'y nunukal.
 176   

Bakit naging tao ako sa Albanya,


bayan ng ama ko, at 'di sa Krotona,
masayang Siyudad na lupa ni ina?
disin ang buhay ko'y 'di lubhang nagdusa.
 177   
Ang dukeng ama ko'y pribadong tanungan
ng Haring Linceo sa anumang bagay;
pangalawang puno sa sangkaharian,
hilagaan-tungo ng sugo ng bayan.
 178   

Kung sa kabaita'y uliran ng lahat


at sa katapanga'y pang-ulo sa s'yudad;
walang kasindunong magmahal sa anak,
umakay, magturo sa gagawing dapat.
 179   
Naririnig ko pa halos hanggang ngayon,
palayaw na tawag ng ama kong poon,
noong ako'y batang kinakandung-kandong,
taguring Floranteng bulaklak kong bugtong.
 180   

Ito ang ngalan ko mula ng pagkabata,


nagisnan sa ama't inang nag-andukha;
pamagat na ambil na lumuha-luha
at kayakap-yakap ng madlang dalita.
 181   
Buong kamusmusa'y 'di na sasalitin,
walang may halagang nangyari sa akin,
kundi nang sanggol pa'y kusang daragitin
ng isang Buwitreng ibong sakdal sakim.
 182   

Ang sabi ni ina ako'y natutulog


sa bahay na kintang malapit sa bundok;
pumasok ang ibong pang-amo'y ay abot
hanggang tatlong legwas sa patay na
hayop.
 183   
Sa sinigaw-sigaw ng ina kong mutya,
nasok ang pinsang kong sa Epiro mula;
ngala'y Menalipo , may taglay na pana 
tinudla ang ibo't namatay na bigla.
 184   

Isang araw namang bagong lumalakad,


noo'y naglalaro sa gitna ng salas,
may nasok na Arko't biglang sinambilat
Kupidong d'yamanteng sa dibdib ko'y
hiyas.
 185   
Nang tumuntong ako sa siyam na taon,
palaging gawa ko'y mag-aliw sa burol;
sakbat ang palaso't ang busog ay kalong,
pumatay ng hayop, mamana ng ibon.
 186   

Sa tuwing umagang bagong naglalatag


ang anak ng araw ng masayang sinag,
naglilibang ako sa tabi ng gubat,
madla ang kaakbay na mga alagad.
 187   
Hanggang sa tingal-in ng sandaigdigan
ang mukha ni Pebong hindi matitigan
ay sinasagap ko ang kaligayahang
handog niyong hindi maramot na parang.
 188   

Aking tinitipon ang ikinakalat


na masayang bango ng mga bulaklak,
inaaglahi ko ang laruang palad,
mahinhing amiha't ibong lumilipad.
 189   
Kung ako'y mayroong matanaw na hayop
sa tinitingalang malapit na bundok,
biglang ibibinit ang pana sa busog,
sa minsang tudla ko'y pilit matutuhog.
 190   

Tanang samang lingkod ay nag-aagawan,


unang makarampot ng aking napatay;
ang tinik sa dawag ay 'di dinaramdam,
palibhasa'y tuwa ang nakaaakay,
 191   
Sukat maingaya sinumang manood
sa sinuling-suling ng sama kong lingkod;
at kung masunduan ang bangkay ng hayop,
ingay ng hiyawan sa loob ng tumok.
 192   

Ang laruang busog ay kung pagsawaan,


uupo sa tabi ng matuling bukal;
at mananalamin sa linaw ng kristal,
sasagap ng lamig na iniaalay.
 193   
Dito'y mawiwili sa mahinhing tinig
ng nangagsasayang Nayadas sa batis;
taginting ng lira katono ng awit
mabisang pamawi sa lumbay ng dibdib.
 194   

Sa tamis ng tinig na kahalak-halak


ng nag-aawitang masasayang Ninfas,
naaanyayahan sampung lumilipad 
sari-saring ibong agawan ng dilag.
 195   
Kaya nga't sa sanga ng kahoy na duklay,
sa mahal na batis na iginagalang
ng bulag na hentil ay nagluluksuhan,
ibo'y nakikinig ng pag-aawitan.
 196   

Aanhin kong saysayin ang tinamong tuwa


ng kabataan ko'y malawig na lubha;
pag-ibig ni ama'y siyang naging mula,
lisanin ko yaong gubat na payapa.
 Isinalaysay ni Florante ang kanyang
buhay. Na sanggol pa lamang siya sa
bakasyunang malapit sa bundok ng
kanyang mga magulang na Duke Briseo
at Prinsesa Floresca (sa Albanya) ay
muntik sa siyang dagitin ng isang buwitre
na mabuti na lamang ay napana ng
pinsan niyang si Menalipo na taga-Epiro.
Ang kanyang ama ay tagapagpayo ni
Haring Linseo ng Albanya.
 Kaya’tkahit na siya ay anak ng prinsesa
sa Krotona, siya ay isinilang sa Albanya.
Sa bulwagan naman ng kanilang palasyo
ay sinambilat ng isang alkon ang kwintas
niyang may palawit na diyamante o
kupidong diyamante. Noo’y bago pa
lamang siyang lumalakad (ang alkon ay
isang uri ng ibon na nahahaling o naaakit
sa makikintab o kumikinang na mga
bagay). Nang siyam na taong gulang
siya’y pamana ng ibon at ibang mga
hayop ang kanyang libangan.
Mga
Tanong!!!
 Anoang di makakalimutang pangyayari
ang nangyari kay Florante ng ito’y
sanggol pa lamang?

 Sinoang nagligtas kay Florante mula sa


buwitreng ibon?

 Saang kaharian nanggaling ang ina ni


Florante?

 Paano
pinalaki si Florante ng kanyang
mga magulang?
 Anong katangian mayroon si Florante?

 Sino ang nililiyag ni Florante?

 Anoang naging libangan ni Florante


noong ito’y bata pa lamang?

You might also like