SIM 3 - A1-Pagtutukoy Sa Paniniwala NG NG MAy-akda NG Teksto Sa Isang Isyu

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

Pagtutukoy sa Paniniwala ng

May - akda ng Teksto sa


Isang Isyu
Kahulugan ng mga mahalagang
salita.

1. natukoy - nabanggit, nasabi, nasambit


2. paniniwala - reaksyon, opinyon,
paninindigan
3. may-akda - manunulat, makata
4. teksto - mga babasahin
5. isyu - ang paksa o ang pinag-usapan
Alam natin na bawat isa sa atin ay
mayroong paniniwala tungkol sa isang bagay,
gawain, o pangyayari. Ito ay maari nating
maipahayag sa iba’t ibang pamamaraan gaya
sa pagsulat, pagsasalita, pagguhit, pag-awit
at iba pa. Igalang natin at irespeto ang
paniniwala ng iba gaya ng nais nating
mairespeto ang mga sariling paniniwala.
Halimbawa:

Noong ika-12 ng Hunyo,1898, idineklara ni


Hen. Emilio F. Aguinaldo sa pagitan ng ika-4
hanggang ika-5 ng hapon, sa balkonahe ng
kaniyang tahanan sa Calle Real sa Kawit,
Cavite ang kalayaan ng Republika ng
Pilipinas. Sa panahon ding ito unang
iwinagayway ang pambansang bandila ng
Pilipinas na ginawa sa Hongkong nina
Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo at
Delfina Herbosa de Natividad. Itinugtog
naman ang Marcha Nacional Filipino
na kilala ngayon bilang Lupang Hinirang na
isinulat ni Julian Felipe. Ang bandang San
Francisco de Malabon ang tumugtog nito.
Mga dapat tandaan sa pagtukoy sa mga
paniniwala ng may-akda ng teksto sa isang
isyu:
1. Basahin at unawaing mabuti ang isang
teksto.
2. Alamin kung sino ang nagsasabi at ang
pinag-usapan nito.
3. Kilatisin ang kanilang paniniwala at
paninindigan tungkol sa isang isyu sa
nabasang teksto.
1. Batay sa inyong nabasa sino ang
nagdeklara sa kalayaan ng Republika ng
Pilipinas?

Sagot: Ang nagdeklara sa ating kalayaan


ay si Hen. Emilio F. Aguinaldo.
2. Saan at kailan inihayag ni Hen. Emilio
Aguinaldo ang ating
kalayaan?

Sagot: Inihayag ni Emilio Aguinaldo ang


kalayaan noong ika-12 ng Hunyo, 1898 sa
Kawit, Cavite.
3. Sino-sino ang gumawa sa ating bandila?

Sagot: Ang gumawa ng ating bandila ay


sina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo
at Delfina Herbosa de Natividad.
4. Sino ang sumulat ng ating pambansang
awit?

Sagot: Ang sumulat sa ating pambansang


awit na ngayon ay “Lupang Hinirang” ay si
Julian Felipe.
5. Ano ang paniniwala ng mga Pilipino
noon?

Sagot: Naniniwala sila na tayo ay ganap


na malaya sa mga
pang-aabuso at pang-aapi laban sa mga
Kastila.
Panuto:Sagutin ang mga sumusunod na tanong at piliin ang titik
ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel o notbuk.

Taon ng Diwang Pilipino Ipinagdiwang ng KWF

Panauhing tagapagsalita si G. Archie Organo,


Pangkalahatang Tagapamahala ng Bonifacio
Centennial Year at iba pang mga bayani. Sa
programang idinaos noong Marso 10, 1997 sa
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) kaugnay ng
pagdiriwang ng Taon ng Diwang Pilipino 1997.
“Pakikiisa sa Tagumpay” ang paksa ng
pagdiriwang. Binigyang diin ni G. Organo na ang
kasaysayan ang pinakamagandang paraan ng
pagtuturo ng mga pagpapahalagang Pilipino na
katulad ng ginawa nina Bonifacio at iba pang mga
bayani. Ang tagumpay ni Bonifacio sa pagtatag ng
Katipunan ay nakamit niya dahil sa wikang
Filipino. Filipino ang naging wika ng rebolusyon,
ang wikang ginamit sa pakikipaglaban.
1. Sino si G. Archie Organo?
a. Ang mananaliksik
b. Ang tagapamahala
c. Ang panauhing tagapagsalita
d. Ang tagapamahala ng programa
2. Ano ang kahulugan ng KWF?
a. Komisyon sa Wikang Filipino
b. Kapisanan ng Wikang Filipino
c. Komisyon sa Wikaing ng mga
Filipino
d. Kapisanan ng mga Broadcaster na
Filipino
3. Ayon sa paniniwala ni G. Organo, ano
ang pinakamagandang
paraan sa pagtuturo ng mga
pagpapahalagang Pilipino?
a. Kautusan
b. Kasaysayan
c. Pamantayan
d. Mga Pamana
Ako ay Pilipino

Ang dugo’y maharlika


Likas sa aking puso
Adhikaing kayganda

Sa Pilipinas na aking bayan


Lantay na Perlas ng Silanganan
Wari’y natipon ang kayamanan
ng Maykapal
Bigay sa ‘king talino
Sa mabuti lang laan
Sa aki’y katutubo
Ang maging mapagmahal

Ako ay Pilipino
Ako ay Pilipino
Isang bansa, isang diwa
Ang minimithi ko
Sa bayan ko’t bandila
Laan buhay ko’t diwa
Ako ay Pilipino,
Pilipinong totoo

Ako ay Pilipino
Ako ay Pilipino
Taas-noo kahit kanino
Ang Pilipino ay ako.
1. Ikalawang saknong
a. Ang Pilipinas ay Perlas sa Kanluran.
b. Ang Pilipinas ay Mutya sa Kanluran.
c. Ang Pilipinas ay Mutya ng Silanganan.
d. Ang Pilipinas ay Perlas ng Silanganan.
2. Ikaapat na saknong
a. Ang mga Pilipino ay makabayan lamang.
b. Ang mga Pilipino ay makakalikasan
lamang.
c. Ang mga Pilipino ay makabansa at
makadiwa.
d. Ang mga Pilipino ay makasarili at maka-
Diyos.
3. Ikalimang saknong
a. Ang buhay ng mga Pilipino ay inilaan sa
sarili.
b. Ang buhay ng mga Pilipino ay inilaan sa
bayan.
c. Ang buhay ng mga Pilipino ay inilaan sa
pamilya
d. Ang buhay ng mga Pilipino ay inilaan sa
mga kaibigan.
Panuto: Basahin at unawain mo ang teksto na nasa kahon.

Si Marcela Agoncillo

Isa sa mga babaeng bayani ng


Himagsikang Pilipino si Marcela Agoncillo.
Siya ay nagsilbing mensahera, kusinera,
nars, tagahanap ng mga sugatan sa labanan,
tagapagtago ng lihim, at tagatanod sa
imbakan ng pagkain.
Anak siya ng isang kilala at mayamang
angkan sa Taal, Batangas. Pinag-aral siya sa
Colegio de Santa Rosa sa Intramuros. Natuto
siya ng pagluluto, pananahi, pagbuburda,
musika, at pagguhit. Naging kabiyak siya ni
Felipe Agoncillo, isang manananggol na taga-
Taal din,
Nang ipatapon sa Hongkong ng mga
Espanyol ang mga rebolusyonaryong Pilipino,
kasama nila ang kani-kanilang asawa mga
anak, at iba pang kamag-anak. Kabilang sa
kanila si Marcela Agoncillo at ang asawang si
Don Felipe na naging diplomatiko at
tagapamahayag ni Heneral Aguinaldo.
Si Marcela ang natakdang gumawa ng
unang watawat ng Republika. Katulong niya
ang kaniyang anak na si Lorenza at ang
pamangkin ni Dr. Jose Rizal na si Delfina
Herbosa de Natividad sa pananahi ng
watawat.
Umaga ng Hunyo 12, 1898 nang
maiwagayway ito sa pasinaya ng Unang
Republika sa Kawit, Cavite. Iwinagayway rin
ito sa Kongreso ng Malolos noong Setyembre
15, 1898 nang ang pamahalaang
manghihimagsik ay lumagda ng mga unang
batas ng bansa.
Panuto: Tukuyin ang sagot sa mga sumusunod
na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ito sa sagutang papel.

1. Sino ang babaeng bayani ng Himagsikang


Pilipino?

a. Corazon Aquino b. Delfina Herbosa


c. Teodora Alonzo d. Marcela Agoncillo
2. Saan ipinatapon ang mga rebolusyonaryong
Pilipino ng mga Espanyol?
a. Tsina b. Hapon
c. Taiwan d. Hongkong

3. Kailan unang naiwagayway ang ating bandila?


a. Hunyo 12,1898 b. Hulyo 12, 1898
c. Hunyo 24,1889 d. Hulyo 24, 1889
2. Saan ipinatapon ang mga rebolusyonaryong
Pilipino ng mga Espanyol?

a. Tsina b. Hapon
c. Taiwan d. Hongkong

3. Kailan unang naiwagayway ang ating bandila?

a. Hunyo 12,1898 b. Hulyo 12, 1898


c. Hunyo 24,1889 d. Hulyo 24, 1889
Panuto: Tukuyin ang sagot sa mga sumusunod na
mga tanong tungkol sa babasahing teksto sa ibaba.
Isulat ito sa sagutang papel.

Ramon Magsaysay

Si Ramon Magsaysay ang tinatawag na “Ama ng


Programang Lupa para sa mga Walang Lupa”.
Pinasimulan niya ang programang ito upang
akitin ang mga Huk na magsisuko at
magpanibagong buhay.
Sa hanay ng ating mga naging Pangulo,
masasabing si Magsaysay ay may taglay na
karunungang dapat taglayin ng isang namumuno.
Isa siyang mekaniko lamang subalit natakpan ito
ng kanyang ipinamalas na pagmamahal,
pagmamalasakit at katapatan sa paglilingkod sa
higit na nakararaming maliliit na mamamayang
Pilipino. Napamahal siya at dinadakila lalo ng
mahihirap.
Siya ang kauna-unahang Pangulong nagsuot ng
barong Pilipino sa panunumpa sa katungkulan.
Sa pagtanggap sa mga diplomatiko, basi (alak ng
mga Ilokano) ang kanilang iniinom.
Nagluksa ang bayan nang mamatay si Magsaysay
sa pagbagsak ng sinakyan niyang eroplanong
Pinatubo, sa bundok Manunggal, Cebu noong ika-
17 ng Marso,1957.
1. Anong taguring tawag ni Pangulong
Magsaysay?
Sagot:
________________________________________________.
2. Ano ang isinuot niya nang manumpa sa
tungkulin?
Sagot:
________________________________________________.

You might also like