Mga Kasanayan: Naisasagawa ang napakinggang hakbang ng isang gawain. Code: F6PN-IIIa-1.2 Nagagamit ang pariralang pang-abay sa paglalarawan ng paraan, pamanahon , F6WG-IIIa-c-6 lugar ng kilos at damdamin.. Susi ng Pag-unawa na Pariralang Pang-abay ay mga salitang naglalarawan kung paano, saan at kailan ginanap ang kilos. Lilinangin: Pariralang Pang-abay na Pamanahon - nagsasaad kung kailan naganap ang kilos..ang kilos.Maaari din itong magsaad kung gaano kadalas ginagawa ang kilos. Pariralang Pang-abay na Panlunan – tumutukoy sa lugar o pook kung saan naganap,nagaganap o magaganap ang kilos na sinasabi ng pandiwa. Pariralang Pang-abay na Pamaraan – ay mga salitang sumasagot sa tanong na paano. Sinasabi nito kung paano isasagawa ang kilos na isinasaad ng pandiwa. 1. Mga Layunin: Kaalaman Nakikilala ang mga pariralang pang-abay na pamanahon sa pangungusap. Kasanayan Nagagamit ang pariralang pang-abay sa paglalarawan ng panahon ng kilos at damdamin. Kaasalan Naipapakita ang paggalang sa nakatatanda sa pamamagitan ng pagsunod nang maayos sa mga ibinigay na gawain. Kahalagahan Naipapakita ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa sa panahon ng sakuna. 2. Nilalaman: Paggamit ng pariralang pang-abay. 3. Mga Kagamitang Tsart /projector, ½ size Manila paper, pentel pen Pampagtuturo 4. Pamamaraan 4.1 Panimulang Gawain Pagbabalik-aral: (4 na minuto) 1. Ano ang pang-uri? 2. Ano ang pandiwa? 3. Sa inyong natutunan na aralin sa ikalimang baiting, ano ang pang-abay? 4.2 Mga Gawain/ Basahin ang sumusunod na balita at habang nakikinig ang mga bata ipasulat sa kanilang papel ang mga Stratehiya salita na nagsasaad kung kailan ginanap ang kilos.. (5 minuto) Noong isang araw nagkaroon ng malaking baha sa Barangay Subangdaku. Sa bandang hapon maraming mga bahay ang inanod. Kaya napilitan silang lumikas sa kolesiyum. Maraming mga bata at matatanda ang hindi pa kumakain mula pa sa tanghalian.Ang mga mag-aaral sa Subangdaku ay nangalap ng mga pagkain, nagbigay ng mga damit at ibinigay nila kaninang umaga sa mga naapektuhan ng baha..Laking pasalamat ng mga naapektuhan ng matanggap nila ang mga pagkain at mga damit. 4.3 Pagsusuri Tanungin: (5 minuto) 1. Ano tungkol ang balitang inyong narinig? 2. Anong aral ang natutnan ninyo sa balitang narinig? 3. Kung kayo ang mga bata sa Barangay Subangdaku, gagawin ninyo rin ba ang kanilang ginawa? Bakit? 4. Anong tanong ang sinasagot ng inyong mga isinulat na mga salita? 5. Ano kaya ang tawag sa mga salitang ito? 4.4 Pagtatalakay Talakayin kung ano ang pariralang pang-abay na pamanahon at kung paano ito gamitin sa paglalarawan ng (12 minuto) kilos at damdamin. Magbigay rin ng mga halimbawa ng pariralang pang-abay na pamanahon. 4.5 Paglalapat Pangkatin ang klase sa tatlo. ( 12 minuto ) Panuto sa paggawa.Babasahin ng guro bago magpangkat-pangkat ang mga bata. 1. Gawin ang nakasaad na gawain sa inyong pangkat. 2. Isulat ang inyong sagot sa ½ Manila paper. 3. Kung tapos na,paskil ang inyong ginawa. 4. Magtalaga ng taga-ulat na siyang mag-ulat ng inyong gawa. Pangkat I ( Pagkilala sa mga pariralang pang-abay sa pangungusap) Salungguhitan ang mga pariralang pang-abay na nagsasaad ng panahon sa bawat pangungusap. 1. Ang nanay ay nagluto kaninang umaga ng masarap na dinuguan.. 2. Sabay-sabay kaming kumain pagkatapos naming maligo. 3. Ngayong alas tres ng hapon magluluto daw siya ng ginataang mais. Pangkat II ( Paggamit ng pariralang pang-abay na naglalarawan ng panahon ) Gamitan ng angkop na pariralang pang-abay upang mabuo ang diwa ng pangungusap. 1. Ang nanay ay nagluluto ng hapunan ___________ . 2. Namili pa kasi siya ng gulay ____________ . 3. ___________ magluluto daw sya ng ginataang monggo. Pangkat III ( Paggamit ng mga pariralang pang-abay sa pangungusap) Gamitin ang mga pariralang pang-abay na nasa ibaba sa pangungusap ng inyong sariling karanasan. malapit ng gumabi tuwing gabi isang umaga 4. 6 Pagtataya A. Salungguhitan ang mga pariralang pang-abay na pamanahon. ( 10 na minuto ) 1. Isang araw nagpulong ang kabataan ng baranggay. 2. Nakita kasi nila kaninang umaga ang mga basurang nagkalat sa gilid ng daan. 3. Buong araw nilang nilinis ang mga basurang nakakalat sa gilid ng daan. 4. Malapit na ang alas sais ng hapon ng magsiuwian ang mga kabataan . B. Lagyan ng angkop na pariralang pang-abay ang bawat patlang sa pangungusap sa ibaba. Pumili ng inyong sagot sa mga salita na nasa loob ng kahon. bandang hapon tuwing umaga sa darating na Sabado tuwing Linggo ngayong gabi 1. ___________ ay nagdidilig ng mga halaman si Nena. 2. Pagkatapos ay ipinasyal niya ang kanyang aso ___________ sa parke. 3. Maliligo sila sa dagat kasama ang kanyang kaibigan ____________ . 4. __________ nagsisimba silang buong .mag-anak. 4.7 Takdang-Aralin Sumulat ng limang pangungusap. Gamitan ng mga pariralang pang-abay na pamanahon. (2 minuto) 4.8 Paglalagom/ Panapos na Gawain