Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21
ALAM MO BA?
Ang DoItYourself.com ay isa sa mga
nangungunang web site na tumutulong sa mga nais magkumpuni at magpaganda ng sariling bahay. Ang mga taong sumasangguni rito ay hindi na kumukuha ng mga ekspertong susuwelduhan at sa halip, sila na mismo ang gumagawa. Pinarangalan ang web site na ito ng Time Magazine bilang “ One of the Top 50 Sites in the World.” ALAM MO BA? Maliban sa napakarami at napakalawak na paksa at iba’t ibang bagay na matututuhan mula sa site na ito, ay mayroon din itong mga forum na nagbibigay-daan upang makipag-ugnayan ang mga bumubisita sa web site sa kapwa nilang nagnanais ding gamitin ang web site upang matutong magkumpuni at magpaganda ng sariling bahay. Binibigyan din sila ng pagkakataong humingi ng payo sa mga eksperto. ALAM MO BA? Ang site na ito ay sinimulan noong 1995 na naglalayong tumulong sa mga mamimili na makakuha ng mga impormasyon sa pagkukumpuni ng bahay. Sa kasalukuyan, ang DoItYourself site ay binibisita bawat buwan ng limang milyong tao mula sa iba’t iban bansa. Dito, nakapupulot sila ng mga prosidyur kung paano gawin ang mga bagay na kailangan nilang malaman sa pagkukumpuni. Pinadadali nito ang kanilang gawain sa buhay dahil sa isang klik lang ay mababasa at kung minsa’y mapapanood pa ang mga paraan kung paano gawin ang isang bagay. TEKSTONG PROSIDYURAL TEKSTONG PROSIDYURAL/PARAAN
Mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na
pagkakasunod –sunod ng paglalahad ng mga pangyayari upang hindi makalikha ng anumang kalituhan. Ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang mula sa una hanggang sa huling detalye ay makatutulong upang higit nating maunawaan ang mga napakikinggan o nababasa. TEKSTONG PROSIDYURAL/PARAAN Tumutukoy ang prosidyural sa pagsusunod-sunod ng mga hakbang o prosesong isasagawa. Halimbawa ng tekstong prosidyural ang pagbuo ng isang proseso o laro, resipi sa pagluluto, proseso sa pagkukumpuni ng mga kagamitang elektrikal, ang mga hakbang sa laboratory habang nagsasagawa ng eksperimento upang makakuha ng magandang resulta, ang pagbibigay ng direksiyon o tuntunin, at pagbibigay ng direksiyon o panuto. TEKSTONG PROSIDYURAL/PARAAN Ginagamit ang teksto ng mga paraan sa pagpapaliwanag ng isang proseso na maingat na ipinapakita ang bawat hakbang habang tinitiyak na walang nakaligtaang hakbang sa kabuuan ng proseso. Karaniwan nang anyo ng teksto ng mga paraan ang pagbibigay ng mga panuto kung paano gagawin ang isang bagay, Kadalasan itong nakikita ng mga mag-aaral sa mga asignatura tulad ng Home Economics (resipi), Agham ( eksperiminto), Teknolohiya ( kung paano…), Art ( paggawa ng proyekto) , at PE ( pagsagawa ng ehersisyo, sayaw, o isports). TEKSTONG PROSIDYURAL/PARAAN Layunin ng teksto ng mga paraan na magbigay ng mga impormasyon at direksiyon upang matagumpay upang matagumpay na matapos ng mga tao ang mga gawain nang ligtas, epektibo, at tama. Maraming mag-aaral ang nagtratrabaho sa mga lugar kung saan gumagamit ng mga manwal hinggil sa paraan ng paggamit ng makina. Ang mga pagsasanay sa pamamagitan ng teksto ng mga paraan ay makatutulong upang maging matagumpay sila sa pagsusunod-sunod ng mga panuto at maging epektibo sa paggawa ng kanilang mga gawain. TEKSTONG PROSIDYURAL/PARAAN
Sa hulwarang pagsusunod-sunod, natataya naman
ng mga mambabasa o mga nakikinig ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye. Nahahati ito sa tatlong uri: 1. Sekwensiyal 2. Kronolohikal 3. Prosidyural TEKSTONG PROSIDYURAL/PARAAN Sekwensiyal- Naiiba ang prosidyural dahil binabanggit sa sekwensiyal ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang salaysay na ginagamitan ng salitang “una,” “pangalawa,” pangatlo,” “susunod” at iba pa. Kronolohikal- Pinagsusunod-sunod ang mahahalagang detalye ayon sa pagkaganap nito.Karaniwang gumagamit ng mga tiyak na araw o petsa upang ipabatid sa mga mambabasa o mga tagapakinig kung kailan naganap ang mga naturang pangyayari. Malimit gamitin ang mga ito sa paggawa ng talaarawan o diary. TEKSTONG PROSIDYURAL/PARAAN
Prosidyural- Pinagsusunod-sunod ang mga
hakbang o prosesong isasagawa. Katulad nito ang mga resipi sa pagluluto, proseso sa pagkukumpuni ng mga kagamitang elektrikal, at iba pa. TEKSTONG PROSIDYURAL/PARAAN Ginagamit din sa teksto ng mga paraan ang pag-iisa-isa o enumerasyon ng mga hakbang at proseso upang maipaliwanag ang resipi sa pagluluto halimbawa o mga detalye ng anomang gawain. Dito ay kailangang matiyak kung ang mga kagamitan o aytem na kakailanganin ay magkakasunod-sunod. Pakaisiping sa isang proseso, dapat ay may maayos itong pagkakasunod-sunod samantalang kung sa detalye naman, maiisa-isa ito ayon sa pagkakatanda ng mga nagsasagawa nito. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG TEKSTO NG MGA PARAAN 1. Layunin - Ano ang gusto mong matamo sa iyong sulatin? Magbigay ng malinaw na panuto upang buong tiwalang maisasagawa ng mga mambabasa o mga nakikinig ang isang gawain. 2. Tagatanggap - Para kanino ka nagsusulat? Sa guro ba, mga kapwa-mag- aaral, grupo ba? 3. Pagkakakilanlan - Sumusulat ka ba bilang awtoridad o eksperto sa paksa? MGA KATANGIAN NG MABISANG TEKSTO NG MGA PARAAN Layunin ng teksto ng mga paraan na ipabatid sa mga mambabasa o mga nakikinig kung paano gawin ang isang bagay. Inilalahad ang mga impormasyon sa lohikal na pagkakaayos ng mga pangyayari at nahahati sa mas maliliit pang detalye. Kadalasang binubuo ng apat na bahagi ang isang proseso. 1. Layunin – Ano ang dapat gawin? 2. Mga kagamitan- Nakatala ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng gamit nito sa proseso. 3. Metodo- Ito ang mga pamamaraan o serye ng mga hakbang . 4. Ebalwasyon- Paano masusukatang tagumpay ng isang pamamaraan o paraan? MGA GABAY SA PAGSULAT NG TEKSTO NG MGA PARAAN 1. Karaniwan nang isinusulat ang teksto sa simple at pangkasulukuyang panahon. 2. Tumuon sa pangkalahatan sa halip na sa sarili (una, kunin mo” sa halip na “una, kukunin ko”. Ang tinutukoy sa pangkalahatan ay ang mambabasa. 3. Gumagamit ng mga salitang nagsasaad ng kilos ( putulin, hatiin, tupiin, hawakan, kunin, at iba pa.) 4. Gumamit ng cohesive devices upang mapagdugtong ang mga teksto. 5. Isulat ang pamamaraan sa detalyadong paglalarawan ng mga bagay ( hugis, laki, kulay, dami). LAYON MGA COHESIVE DEVICES 1. Pagdaragdag -ganoon din/Gayundin -At/ at saka - Bilang karagdagan/dagdag pa rito/riyan/roon 2. Kabawasan sa Kabuuan - Maliban sa/ sa mga/ kay/ kina - Bukod sa/ sa mga/ kay/ kina
3. Halimbawa -Bilang halimbawa
-Ilan sa mga halimbawa
4. Pag-uugnayan ng mga pangungusap -Kaugnayan nito/niyan
o talata -Ilan sa mga halimbawa
5. Pagsusunuran ng kalagayan o -Kasunod nito
pangyayari -Kasunod niyan • Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit. Maecenas porttitor congue massa. Fusce posuere, magna sed pulvinar ultricies, purus lectus malesuada libero, sit amet commodo magna eros quis urna. • Nunc viverra imperdiet enim. Fusce est. Vivamus a tellus. • Pellentesque habitant morbi tristique senectus et netus et malesuada fames ac turpis egestas. Proin pharetra nonummy pede. Mauris et orci.