Tekstong Prosidyural

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

TEKSTONG PROSIDYURAL:

MGA DETALYENG SUNOD-


SUNOD AT MAY KAISAHAN
TEKSTONG PROSIDYURAL

Mahalaga ang pagkakaroon ng maayos


na pagkakasunod-sunod ng paglalahad
ng mga pangyayari upang hindi
makalikha ng anomang kalituhan.
Ginagamit ang teksto prosidyural sa
pagpapaliwanag ng isang proseso na
maingat na ipinapakita ang bawat
hakbang habang tinitiyak na walang
nakaligtaang hakbang sa kabuuan ng
proseso
SEKWENSIYAL

Ang pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari sa isang
salaysay na ginagamitan ng
salitang una,
pangalawa, pangatlo,
susunod, at iba pa.
KRONOLOHIKAL

Sa kronolohikal naman ay
pinagususunod-sunod ang
mahahalagang detalye ayon sa
pagkaganap ito. Karaniwang
gumagamit ng mga tiyak na
araw or petsa upang ipabatid
sa mga mambabasa o mga
nakikinig kung kailan naganap
ang mga naturang pangyayari
PROSIDYURAL

Samantala sa prosidyural
naman,pinagsusunod-sunod
ang mga hakbang o
prosesong isasagawa.
Katulad nito ay ang mga
resipi sa pagluluto,proseso
sa pagkukumpuni ng mga
kagamitang elektrikal, at iba
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT
NG TEKSTONG PROSIDYURAL

1. Layunin- Ano ang gusto mo matamo sa


iyong sulatin? Magbigay ng malinaw na
panuto upang buong tiwalang
maisagawa ng mga mambabasa o mga
nakikinig ang isang gawain.
2. Tagatanggap- Para kanino ka
nagsulat? Sa guro ba, mga kapuwa
mag-aaral, grupo ba?
3. Pagkakakilanlan- Sumusulat ka ba
bilang awtoridad o eksperto sa paksa?
MGA KATANGIANG NG MABISANG
TEKSTONG PROSIDYURAL
Layunin ng tekstong prosidyural na ipabatid sa
mga mambabasa o mga nakikinig kung paano
gawin ang isang bagay. Kadalasang binubuo ng
apat na bahagi ang isang proseso

1. Layunin. Ano ang dapat gawin?


2. Mga kagamitan. Nakatala ito ayon sa
pagkakasunod-sunod ng gamit nito sa proseso.
3. Metodo. Ito ang pamamaraan o serye ng mga
hakbang.
4. Ebalwasyon. Paano masusukat ang tagumpay
ng isang pamamaraan o paraan?
MGA GABAY SA PAGSULAT NG
TEKSTONG PROSIDYURAL
1. Karaniwang nang isinusulat ang teksto sa simple at
pangkasulukuyang panahon.
2. Tumuon sa pangkalahatan sa halip na sa sarili
(una,kunin mo sa halip na una,kukunin ko)
3. Ang tinutukoy na pangkalahatan ay ang mambabasa.
4. Gumagamit ng mga salitang nagsasaad ng kilos
(putulin,hatiin,tupiin,hawakan, at iba pa.)
5. Gumagamit ng cohesive devices upang mapagdugtong
ang mga teksto.
6. Isulat ang pamamaraan sa detalyadong pagkakaayos
7. Magdagdag ng detalyadong paglalarawan ng mga
bagay.
Makakatutulong din ang sumusunod na
Cohesive Devices sa paguslat ng
teksong prosidyural.
Layon Mga Cohesive Devices
1. Pagdaragdag - Ganoon din/Gayundin
- At/at saka
- Bilang karagdagan/dagdag
parito/riyan/roon

2. Kabawasan sa Kabuuan - Malibang sa/sa mga/kay/kina


- Bukod sa/sa mga/kay/kina

3. Halimbawa - Bilang halimbawa


- Ilan sa mga halimbawa

4. Pag-uugnayan ng mga - Kaugnay nito/niyan


Pangungusap o Talata - Ilang sa mga halimbawa

5. Pagsusunuran ng Kalagayan - Kasunod nito


o Pangyayari - Kasunod niyan

You might also like