Wastong Gamit NG Mga Salita

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 63

Aralin sa Wikang Filipino para sa : SMP 2

Inihanda ni :

Evelyn S. Makadados, MBA


Guro sa Wikang Filipino (Bahasa Tagalog

WASTONG GAMIT NG MGA SALITA

Ang kawastuang pambalarila ay kaalaman sa wastong gamit ng mga salita gaya ng mga katha,pasulat man o pasalita.Upang maging malinaw at tama ang isang pagpapahayag ito ay ginagamitan ng wastong gamit ng mga salita

Sa pakikipagtalastasan,di mapapasubalian na madalas na nagkakamali ang maraming tao sa paggamit ng mga salita.

MGA SINUSUNOD NA TUNTUNIN SA PAGGAMIT NG WASTONG SALITA

1. NANG AT NG

Nang Ang NANG ay siyang ginagamit sa panimula ng sugnay na di makapagiisa at pangatnig sa hugnayang pangungusap na katumbas ng salitang when sa ingles. Halimbawa: Nang akoy dumating sa bahay,nagising ang mga bata.

Ang nang na nagbuhat sa inangkupan ng ng ang siyang ginagamit na pang-abay na pamanahon.Itoy katumbas ng salitang already sa Ingles. Halimbawa: Marami nang (na+ang) panauhin sa bulwagan.

NG
Ang NG ay isang bahagi ng pananalita na gumaganap bilang pantukoy at pang-ukol ayon sa gamit sa loob ng pangungusap. Halimbawa: Ang magsasaka ay nagbubungkal ng lupa.

Bilang pantukoy na palayon ng mga tagaganap ng pandiwang balintiyak.Itoy katumbas ng by sa Ingles. Halimbawa: Ang silid-aralan ay nililinis ng mga mag-aaral.

2.KUNG at KONG KUNG Ang KUNG ay pangatnig na panubali at ginagamit sa karaniwan sa hugnayang pangungusap,kung kayat itoy matatawag ding pangatnig na panghugnayan.

Halimbawa: Kung tayong lahat ay magmamahal sa wikang Filipino ay lalong uunlad ang Pilipinas. KONG Ang kong ay nanggaling sa panghalip na panaong ko at inaangkupan lamang ng ng.

Halimbawa: Ibig kong makatulong sa pagunlad ng Pilipinas. 3.MAY AT MAYROON Ito ay mga pandiwang walang banghay.Ang mga itoy may kahulugan ngunit ang dalawa ay may pagkakaiba ng paggamit sa mga pangungusap.

MAYKapag itoy sinusundan ng pangngalan,panguri,pandiwa,pang-abay at katagang mga. Halimbawa: May inaasaaahang bukas ang mga taong masipag.

MAYROONKapag itoy sinusundan ng kataga o panghalip na panao sa kaukulang palagyo. Halimbawa: Mayroon pa sanang ibig sabihin si Andrew kay Lolo Tomas.

4.SUBUKIN/SUBUKAN Ang subukin ay nangangahuluganng isang pagsasagawa ng isang bagay sa ayos na kalagayan At ito ay inuuri sa tao,anyo,at bagay.

Halimbawa: Subukin nating mamili sa bagong bukas na Department Store. Ang subukan ay nangangahulugan ng pag-espiya sa isang tao kung ano ba ang kinikilos nito.

Halimbawa: Subukan mong sumunod sa kanila at tingnan mo kung ano ang kanilang ginagawa doon.

5.PAHIRIN/PAHIRAN Ang pahirin ay nangangahulugan ng pagbubura o paglilinis sa isang bagay ng nakapahid,samantalang ang pahiran ay paglalapat o pagpapairal sa isang bagay sa tamang lugar.

Halimbawa: Pahirin mo nga ng basang basahan ang pisara.

Pahiran mo ng alcohol ang sugat ni Elvie.

6.SUNDIN/SUNDAN Ang sundin ay nagsasaad ng pagsunod o pag-unawa sa isang utos o kagustuhan at maaaring batas o panuto. Halimbawa: Sundin mo ng maluwag sa puso ang mga panuntunan ng paaralan.

Ang sundan naman ay panggagaya sa ginawa o kinikilos ng isa o maraming tao.

Halimbawa: Sundan mo ang mga tamang gawa upang ikaw ay hindi mapariwara.

7.NAMATAY/NAPATAY Ang namatay ay nangangahulugan ng paglisan sa mundo alinsunod sa natural na pagkawala ng buhay dahilan gaya ng sakit,bangungot,atake,atb.Samanta lang ang napatayay ang pagkawala ng buhay na hindi inaasahan na may kadahilanan tulad ng aksidente.

Halimbawa: Si Mario ay namatay noong isang linggo dahil sa sakit sa puso.

Ang mag-ina na naglalakad sa kalsada ay napatay ng salaring di nakikilala.

8.WALISIN/WALISAN Ang walisan ay uri ng pandiwang ginagamit sa pag-alis ng kalat o dumi sa maluwang o malawak na lugar.Habang ang walisin ay tumutukoy naman sa iisang bahagi lamang ng isang malaking lugar.

Halimbawa: Walisan mo nga ang kalat sa ating bakuran. Walisin mo nga ang kalat sa paligid ng halaman.

9.KATA/KITA Ang kata at kita ay mga panghalip na panao na kadalasang pinagpapalit ang gamit kahit na may sari-sariling wastong gamit.

Ang kita ay ginagamit kung ang isa sa dalawang nag-uusap ang siyang gagawa ng gawain para sa kausap. Halimbawa: Ibibili kita ng paborito mong pabango.

Ang kata naman ang ginagamit kung ang dalawang nag-uusap ay parehong gagawang gawain. Halimbawa: Kata ay pupunta sa pamilihang bayan.

10.DAW at DIN/RAW at RIN Ginagamit ang salitang raw/rin kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa patinig.Ang W at Y ay malapatinig kaya raw at rin ang ginagamit kung nagtatapos sa alin man sa dalawang titik na ito.

Ang daw at din ang ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa W at Y.

Halimbawa: Wala rin mangyayari kung tatakasaan mo ang problema. Takot daw siya sa multo.

POP QUIZ

1.Kahit na madilim ay basa pa rin ____ basa ang masipag na si Anna. a. nang b. ng

Tama kaGaling mo!!!

Ay sori.mali ka!!!!!

2.

Ang bayan ____ tutulungan natin ay talagang magtatagumpay. a. kong b. kung

Oooopssulitin mo..

Tumpak..!!! Nakuha mo ang tamang sagot..!!!

3.___ mga taong laki sa layaw.

a. mayroon b. may

Mali ka!!!!

Tumpak!

4. ____ mo ngang tingnan ang ginagawa ni Melissa sa loob ng kwarto. a. subukan b. subukin

Nakuha mo..!!!!

Ay,mali..!!!

5. ___ mo ng gaas ang haligi ng bahay upang huwag bukbukin. a. pahirin b. pahiran

Magaling!!!!

Mali ang sagot mo..!!!!

6.Walang masama kung susundan mo ang ang yapak ng iyong ama. a. susundin b. susundan

Oooopsss.Mali na naman!!!

Wowgrabe,gali ng mo..!!!!!

7. ___ ni Narding ang kanyang alagang aso dahil sa pagkagat nito sa kanya. a. namatay b. napatay

Hay naku!! Mali na naman!!!!

Hanep! Nakuha mo!!!!

8. ____ mo nga ang mga punit-punit na papel diyan. a. walisin b. walisan

Magaling!!! Nakuha mo..!!

Subukan mo ulit..

9.Sasamahan ____ sa pagpunta mo sa Maynila. a. kata b. kita

Sori! Hindi mo nakuha.

Grabe! Ang galing mo!!!

10.Malakas ___ ang buhos ng ulan kagabi. a. rin b. din

Mali ang iyong sagot.!!!

May tama ka..!!!

Inihanda ni:
Evelyn Sanchez Makadados, MBA
Guro sa Wikang Filipino (Bahasa Tagalog) Sekolah Indonesia Davao

You might also like