Manindigan 2

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MANINDIGAN AT IPAGLABAN MO

Session Guide Blg. 2

I. MGA LAYUNIN

1. Natutukoy ang mga dahilan at kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling


opinyon at paninindigan
2. Naipaliliwanag at naipakikita ang mga dahilan nang nabuong sariling
paninindigan sa isyu
3. Naipakikita ang pangunahing kasanayan sa pakikipamuhay sa
mabisang pakikipagtalastasan, malikhaing pag-iisip at magpasiya

II. PAKSA

A. Aralin : Bakit Kailangan Mong Ipaglaban ang Iyong Paniniwala


at Prinsipyo, pp 21-31

Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay :


Mabisang pakikipagtalastasan, malikhaing pag-iisip at
kasanayang magpasiya

B. Kagamitan : Comic strip, mga larawan, talahanayan, radio cassette,


tape (masayang tugtugin)

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

Pagganyak

• Magpatugtog ng masayang tugtugin


• Ipaikot ang isang kumpol ng bulaklak habang may tugtog
• Patigilin ang tugtog. Kung sino ang may hawak ng bulaklak ang
siyang magpapahayag ng kanyang sarili.

Tapusin ang sumusunod ng mga pahayag:

1. Ako ay masaya sapagkat _______________


2. Nalulungkot ako sapagkat ______________
3. Nais ko sana na ______________________

• Ipagpatuloy ang Gawain hanggang ang karamihan ay


makatapos magpahayag.

4
B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

A. Pagsasadula

• Ipasadula ang comic strip sa pahina 22.


• Pag-usapan ang ipinakitang pagsasadula.

- Anong panig ang inyong kinikilingan?


- Dapat bang maging legal ang sugal? Bakit?

• Ipabasa ang Pag-usapan Natin Ito sa pahina 22-24 at


gamitin itong batayan sa panig na tutukuyin nila.
• Ipatukoy ang mabubuting puntos at masasamang puntos
at ipasulat ito sa Manila Paper. Sabihin na ipadikit sa
dingding.
• Bigyang-diin ang pangunahing kasanayan sa
pakikipamuhay tulad ng pansariling kamalayan,
mabisang pakikipagtalastasan, paglutas ng suliranin at
kasanayang magpasiya o magdesisyon.

Learning Station

- Maghanda ng Manila Paper at isulat ang mga


isyu tulad ng nasa ibaba.
- Ipaskil ang Manila paper sa dingding ng
Learning Center
- Sabihin sa mga mag-aaral na lumibot sa mga
learning station at isulat kung sila ay sang-
ayon o salungat sa isyu.

Halimbawa: Isyu – Illegal Gambling

Pangalan Sang-ayon Hindi sang-ayon Dahilan

5
2. Pagtatalakayan

 Ipalabas ang talahanayan na inyong isinasagawa


bilang karagdagang gawain sa nakaraang pag-aaral.
 Ipaulat ang kinalabasan ng pagsasaliksik tungkol sa
ilang isyu na kinakaharap ng bansa ngayon.
 Tingnan ang halimbawa sa Subukan Natin Ito pahina
25-26 ng modyul.
 Pag-usapan ang naging resulta ng pag-uulat sa
kanilang pasasaliksik at naging sagot nila sa mga
tanong sa pahina 26-27 ng modyul.
 Ipabasa ang Basahin Natin Ito sa pahina 27-28 ng
modyul.
 Pag-usapan ang tungkol sa mga dapat gawin habang
naninindigan sa tama at makatotohanan.
 Bigyang- diin ang pangunahing kasanayan sa
pakikipamuhay tulad ng mabisang pakikipagtalastasan,
pansariling kamalayan, paglutas ng suliranin at
kasanayang magpasiya o magdesisyon.

3. Paglalahat

 Ano ang pinakamahalagang natutuhan ninyo sa mga


natapos na aralin?
 Ipabasa ang Tandaan Natin sa pahina 29 at isulat ito sa
journal.
 Ipabasa din ang Anu-ano Ang Natutuhan Mo sa pahina
30.
 Ano pa ang hindi malinaw sa iyo sa araling ito?
 Ano pa ang gusto mong malaman tungkol sa paksa?

4. Paglalapat

 Ipakita sa isang salaysay ang hakbang na iyong gagawin


para maipaalam sa mga kinauukulan ang inyong sariling
posisyon o paninindigan tungkol sa (illegal logging, death
penalty, paglilibing kay yumaong Pangulong Marcos sa
Libingan ng mga Bayani, pagiging legal ng jueteng at iba
pa.

5. Pagpapahalaga

 Ipabigay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling


paninindigan.

6
 Ipapaliwanag kung bakit binigyan ng pagpapahalaga ang
sariling damdamin at konsensiya kaysa idinidikta ng mga
nakagisnang nakaugalian tulad ng hiya, pakikisama at
utang na loob?

IV. PAGTATAYA

 Ipabasa ang mga kuwento o sitwasyon sa Anu- ano ang mga


Natutuhan Mo? sa pahina 30-31 ng modyul.
 Pasagutan ang mga tanong.
 Ihambing ang sagot sa pahina 34-35 ng modyul

V. KARAGDAGANG GAWAIN

 Magtala ng mga isyu na naririnig sa radyo at telebisyong mga nag-


uusap at nababasa sa diyaryo.
 Ibigay ang inyong kuru-kuro at paninindigan.

You might also like