Takot, Galit at Pagkabigo 2

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

PAGHARAP SA TAKOT, GALIT AT PAGKABIGO

Session Guide Blg. 2

I. MGA LAYUNIN

1. Nakagagawa ng sariling pamamaraan sa pag-aangkop ng sarili sa


mga negatibong damdamin sa pang-araw-araw na gawain
2. Naipakikita ang kamalayan sa sarili at paggawa ng desisyon

II. PAKSA

A. Aralin 2 : Gumawa ng Sariling Pamamaraan ng Pag-aangkop sa


Negatibong Damdamin sa Pang-araw-araw na Gawain,
pp.14-30
Pangunahing kasanayan sa pakikipamuhay: Kamalayan sa
sarili, paggawa ng desisyon

B. Kagamitan: Manila paper, pentel pen, strips of paper, balita mula sa


pahayagan

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Balik-Aral

Alin sa mga pahayag na sumusunod ang nagpapahayag ng


negatibong damdamin?

• Pakikipag-away, hindi dahil sa hirap ng trabaho kundi dahil sa


pagkainggit.
• Hindi komportable sa trabaho
• Paninibago sa tirahan

Bakit tayo nagkakaroon ng mga negatibong damdamin?

2. Pagganyak

Bumasa ng isang balita mula sa isang pahayagan.

Halimbawa:

Ang pagkamatay ng maraming tao sa pagguho ng lupa sa St.


Bernard, Leyte

6
Magpakita ng mga larawan ng pagkamatay, pagkalungkot at
pagkabigo ng mga tao sa pangyayaring ito.
Ipakita sa mga ito kung papaano maiaangkop ng mga tao ang
kanilang sarili sa mga pangyayari.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Pagpapabasa ng isang kuwento.
Isang magaling na atleta ng isang paaralan si Tommy. Siya ang
laging pangunahing panlaban at ipinagmamalaki ng kanyang mga
kamag-aaral. Nagkaroon ng paligsahan sa kanilang dibisyon. Isa
siya sa naging pambato. Dumating ang kampeonato at biglang
ninerbiyos si Tommy. Natalo ang kanilang koponan na naging
sanhi ng pagkainis at pagkamuhi niya sa sarili. Nahihiya siya sa
kanyang mga kamag-aaral. Ganoon pa man, binati siya ng mga ito
at sinabing ipinagmamalaki nila ang ginawa nitong laban. Natuwa
si Tommy at naramdaman niya na unti-unting nagbago ang
kanyang pakiramdam.
2. Pagtatalakayan
Itanong sa mga mag-aaral:

 Anu-ano ang dahilan ng pagkakaroon ng negatibong damdamin


ni Tommy?
 Paano tinulungan si Tommy ng mga kamag-aaral para mawala
ang negatibong damdamin niya?

Ipasulat sa loob ng ang dahilan ng pagkakaroon ng


negatibong damdamin ni Tommy at sa kung papaano niya
naiangkop ang sarili.

7
3. Paglalahat

Papiliin ang mga mag-aaral ng mga pamamaraan upang


maiangkop ang mga suliranin sa negatibong damdamin.
Pagbuuin ang mga mag-aaral ng mga pangungusap sa tulong ng
mga pahayag o pariralang sumusunod:

Kaya ko Relaks k Magagaw


a
ito lang a mo ‘ya
n

Marami
may buka
pang s ngumiti k
pagkaka pa a
ta naman
on

subukin tanggalin
mo uli mo ang
kaba

4 Paglalapat

Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Ipagawa ang mga


sumusunod:

a. Dugtungang Pagkukuwento

 Pasimulan ang pagkukuwento sa pamamagitan ng unang


mag-aaral.

Halimbawa: May isang pamilya na ubod saya.

 Ipaulit sa susunod na bata ang sinabi ng unang bata at


dagdagan na rin ito ng iba pang detalye.

Halimbawa: May isang pamilya na ubod ng saya. Napag-


kasunduan ng ama at ina na mangibang
bansa.

 Susundan ito ng iba pang kapangkat. Kailangang


matandaan ng bawat mag-aaral ang mga nalinang na
pangungusap na binanggit ng mga mag-aaral.

8
 Ang huling mag-aaral ang siyang magbibigay ng wakas sa
kuwento at ng pamamaraan na ginamit para mapaglabanan
ang kalungkutang nararamdaman sa paglisan ng magulang.

b. Tatlong Hakbang na Pakikipanayan

 Mula sa kanilang pangkat ay magbubuo ng dyads ang mga


mag-aaral.

 Magtatanong ang unang mag-aaral sa kanyang kapareha


tungkol sa nalalaman niya sa aralin o kung ano ang gusto
niyang malaman pa tungkol dito.

 Pag nasagot ng kapareha ay siya naman ang magtatanong.

 Ibabahagi ng magkapareha ang mga kasagutan sa kanilang


pangkat.

c. Story Frame

Pagbubuo ng mga detalye upang makabuo ng isang kuwento.

Mga Tauhan: _________________


_________________
_________________

Pinangyarihan ng kuwento: ____________________________


___________________________________________________

Suliranin sa kuwento: _________________________________


___________________________________________________

Solusyon sa suliranin: ________________________________


___________________________________________________

Wakas ng kuwento: __________________________________


___________________________________________________

d. Fan Organizer

Pasulatin ng isang maikling kuwento sa pamamagitan ng


paglikha ng wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
rito.(Tingnan ang dayagram sa susunod na pahina)

9
4. Pagpapahalaga
Ipakumpleto sa mga mag-aaral ang mga sitwasyong sumusunod.
Papiliin sa mga pangungusap na nasa loob ng kahon.

 Bumagsak sa pagsusulat si Tintin, ngunit _____________.


 Kakanta si Sheena sa isang paligsahan, kaya ____________.
 Namatay ang ina at ama ni Joe, subalit ____________.
 Galit sa sobrang taba ng katawan niya si Nene, kaya
__________.
 Walang mapagsabihan ng mga suliranin si Ana, dahil dito
________.
 Nababagot si Tina sa dami ng ginagawa, kaya ___________.

manonood naman ng sine nag-eehersisyo siya at nagbabawas ng sobrang


pagkain araw-araw

tinanggap niya nang maluwag sa naisip niya na may ibang plano


kalooban at nangako na mag- ang Diyos para sa kanya
aaral mabuti

naghanda siyang mabuti upang makipagkaibigan siya at dito


manalo magsabi ng suliranin

IV. PAGTATAYA
Isulat ang mga pamamaraan ng pang-aangkop sa mga negatibong
damdamin sa pamamagitan ng Stairways to Heaven

Tagump
ay

6
5
4
3
2
1

Negatibong Damdamin

10
V. KARAGDAGANG GAWAIN

Interbyuhin o kapanayamin ang mga kasambahay at itanong kung


papaano sila naka-angkop sa mga negatibong damdamin na kanilang
naramdaman.

11

You might also like