Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1
Alamat ng lawa ng Sampaloc
Sinabing noong unang panahon, may mag-asawang nagmamay-ari ng puno ng
sampalok na ang bunga`y walang makadaraig sa tamis. Maramot ang mag-asawang ito.Walang makain ng libre ng bunga ng kanilang sampalok. Kailangang magbayad ng mahal may gustong makatikim nito.Isang araw, isang pulubing nakatutop sa tiya`n dahil sa matinding gutom ang kumatok sa pinto ng tahanan ng mag-asawa. Ano ang kailangan mo? pabulaw na tanong ng lalaki sa matanda. Mahihingi lang po ako ng ilang sampalok para maibsan ang aking gutom, anang matandang babae. Ha! Walang maaaring manghingi ng aming sampalok. Kakain ka kung may pera ka, galit pa ring wika ng lalaki. Wala akong pera. Parang awa na ninyo. Masakit na masakit po ang aking tiyan, ulit ng matanda. Ang asawang babae naman ang nag salita. Hindi ho namin talaga ipinamimigay ang bunga ng aming sampalok. Layas! At itinaboy ng lalaki ang pulubi. Subalit anong gulat ng mag bago ang anyo ng matandang pulubi. Naging isa itong engkantada. Labis na ang inyong kasakiman, anang engkantada. Hinampas ng engkantada ng kanyang baston ang puno ng sampalok. Kumidlat at bumagyo. Biglang bumukal ang tubig at lumubog ang puno ng sampalok pati na ang mag asawang may-ari nito. Naging isang lawa ang lugar ng puno ng sampalok. Ito ang tinatawag na Lawa ng Sampalok, pagtatapos ng guro.