Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16
Pangatnig- ang tawag sa salitang
nasa kahon na ginamit sa usapan.
Ang mga pangatnig ay kataga, salita o grupo ng mga salitang nagpapakita ng pagkakaugnay ng isang salita sa isa pang salita o isang kaisipan. Ito ang bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng mga salita, parirala, sugnay at pangungusap. May mga iba’t-iba tayong uri ng pangatnig. 1. Pamuklod- ginagamit upang itangi ang isa sa ibang bagay o kaisipan • Ikaw o siya ang dadalo sa binyagan. 2. Paninsay- ginagamit sa mga tambalang pangungusap kung ang unang parte ay salungat sa ikalawa -datapwat -sukdang -gayonman -bago -bagaman -habang -bagkus -kung sa bagay -subalit -samantala -maliban -kahit 3. Panubali- ginagamit sa kaisipang nagsasaad ng pasubali o pasakali -Kung -kung -di -sana -pag -kapag -sakali -saka-sakali • Maliligo kami sa dagat sa Linggo sana hindi uulan. 4. Pananhi- tumutugon sa tanong na bakit, nagsasaad ng kadahilanan dahil -sapagkat -dangan -kasi -gawa ng -kung kaya -mangyari •Umiiyak si Annie mangyari nawala ang bago niyang payong. 5. Panlinaw- ginagamit upang linawin ang nasabi na anupat -samakatuwid -sa biglang sabi kaya -kung gayon -kung baga • Ibinagsak niya ang dalawang basket anupat sinabihan siyang ahas ang laman nito. 6. Panulad- ginagamit sa pagtutulad sa gawa at pangyayari -kung ano, -siya rin -kung alin, -iyon rin -kung paano - ganondin -kung saan -doon din -kung gagano -gayon din Kung gaano mo minahal ang iyong kapwa, gayon din ang isusukling pagmamahal sa iyo. 7. Panapos- ginagamit sa pagsasaad ng wakas ng pagsasalita -at sa wakas -sa bagay na ito -para -upang -sa lahat ng ito -nang • At sa wakas, lumigaya rin ang magkapatid matapos ang mga pagsubok sa buhay. Ipaliwanag ang gagawin mo sa mga sumusunod na sitwasyon. Ibase ito sa iyong sariling karanasan. 1.Nakapulot si Allan ng wallet habang naglilinis ng sild-aralan. Binuksan niya at nakita ang perang nakasalid dito pati na ang pangalan ng may-ari. 2.Sumama si Arturo sa kanyang mga kamag-aaral sa pamimitas ng mangga pagkagaling sa paaralan. Ginabi sila ng uwi sa bahay at nadatnan niya ang kanyang ama. Tinanong siya kung saan galing. 3. Ianbutan ng halagang Php. 50.00 si Lucia ng babae sa pagsasauli niya sa nahulog nitong pitaka. 4. Ang pagiging mataapt o pagsasauli ng mga bagay na napulot ay dapat bang gawin ng bawat tao? Bigyang katwiran. 5.Magbabalik lang ba tayo ng mga bagay na napulot sa pag-asang bibigyan tayo ng pabuya o kabayaran? Pangatwiranan.