FILIPINO 7 - Q3 - Wk2 - USLeM RTP

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
Misamis Street, Bago-Bantay, Quezon City

UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS


(USLeM)

FILIPINO GRADE 7
MANAGEMENT AND DEVELOPMENT TEAM
Pangkat sa Pagbuo ng Modyul:
Manunulat : Anita R. Tarinay, MT I :
Tagapaglapat : Alma N. Dimapilis, MT 1
Patnugot sa Nilalaman : Museta DR Dantes, PSDS
Liezl M. Evangelista, HT VI
Pangkat Tagapamahala:
Panrehiyong Direktor : Malcolm S. Garma, Director IV
Tagapamahalang ng mga Paaralang Sagay : Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Tagapamuno ng CLMD : Genia V. Santos
Tagapamuno ng CID : Aida H. Rondilla
Panrehiyong Suprebisor (EPS- Learning Area) : Gloria Tamayo, EPS
Panrehiyong Superbisor sa EPS-LR : Dennis M. Mendoza
Pandibisyong Superbisor (EPS- Learning Area) : Edwin Remo Mabilin
Pandibisyong Superbisor sa EPS-LR : Lucky S. Carpio
Panrehiyong Biblyotekaryo : Nancy M. Mabunga
PDO II : Albert James P. Macaraeg
SDO, Pandibisyong Bibliyotekaryo II : Lady Hannah C. Gillo

__________________________________________________________________________________________
1
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 7 Filipino
__________________________________________________________________________________

Aralin Tula/Awiting-Panudyo,Tugmang de
1 Gulong at Palaisipan

Mayaman ang Panitikang Pilipino. Kitang-kita ito sa mga akdang naisalin sa iba’t
ibang henerasyon. Hindi lahat ay naisulat ngunit nalalaman at napag-aaralan natin
ngayon dahil sa pasalin-dilang paraan. Ito ang salamin ng ating pagka-Pilipino. Ilan
sa mga ito ay tatalakayin natin sa ating modyul. Sa pag-aaral sa mga ito, makikita
natin kung gaano kayaman ang ating panitikan.

Inaasahan
Sa pagtatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

1. Naihahambing ang mga katangian ng tulang panudyo, tugmang de


gulong, palaisipan at bugtong.

Unang Pagsubok
Panuto: Basahin at unawain ang nasasaad sa bawat bilang. Piliin ang TITIK
na tinutukoy ng bawat pahayag at isulat ito sa kwaderno.

a. Bulong C. Palaisipan
b. Awiting-panudyo D. Tugmang de Gulong

1.Tukuyin ang pahayag. “Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa pinto, sambitin ang
para at ako’y hihinto”.
2.Bakit binubuksan ang bintana tuwing umaga? Ito ay isang ______
3.Anong uri ng karunungang-bayan ang pahayag na nasa ibaba?
Si Maria kong dende, Nagtinda sa gabi
Nang hindi mabili, umupo sa tabi
4.Anong uri ng karunungang-bayan ang pahayag na, “Isang butil ng palay, sakop
ang buong bahay.”
5. Ang pahayag na ito ay laging nakikita sa mga jeep, “Ang di magbayad ay walang
problema, sa karma pa lang ay bayad ka na.” Anong uri ito ng karunungang-
bayan?

Balik-tanaw
Ngayon ay subukan naman natin ang natutuhan ninyo sa nakaraang
talakayan tungkol sa paksang ponemang suprasegmental.

2
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 7 Filipino
__________________________________________________________________________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng usapan ng magkaibigan.

Sakay ng isang dyip, masayang nagkukuwentuhan ang magkaibigang sina


Athena Ysabella at Alliyah Jane.

Alliyah Jane: Uy, ayusin mo pag-upo mo, hindi ito ang sala ninyo
na maaari kang magdekuwatro. Baka masita ka ng
drayber

Athena Ysabella: Ate basahin mo ang nakasulat na iyon.Andaming


nakasabit.

Alliyah Jane: Nasaan? Ah, ayun ba? Barya lang po sa umaga nang
hindi ka maabala.

Athena Ysabella: Opo, iyon mayroon pa. Hindi makasasakay ang


barat.

Alliyah Jane: Hindi, makakasakay pa rin ang barat. Hindi naman


malalaman agad kung barat ang pasahero eh.

Athena Ysabella: Hindi naman ganoon ang mga Pinoy. Kasi iniisip
naman nila ang tubo ng drayber sa maghapong
pagmamaneho.

Alliyah Jane: Talaga! Kung hindi ilalabas ni Manong drayber ang


armas niyang tubo.

Athena Ysabella: Nakupo, masakit iyon. Bakit kung ikaw ang


pasahero, gusto mo bang matawag na
Hudas not pay?
Alliyah Jane: Naku , ayaw ko. Nakakahiya naman yun.

Athena Ysabella: Talaga, malakas ang pakiramdam ng drayber,


alam niya kung sino ang hindi nagbabayad gamit
ang kanyang dalawang bolang itim na malayo ang
nararating.

Alliyah Jane: Totoo kaya dapat maging matapat na pasahero

Panuto: Ibigay ang pagpapakahulugang hinihingi sa bawat bilang ayon sa


binasang usapan sa itaas. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

I. Ilahad ang isinasaad na kahulugan ng dalawang pangungusap ayon sa


hinto o tigil ng pagbigkas.

3
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 7 Filipino
__________________________________________________________________________________
1. Hindi makasasakay ang barat
Kahulugan: __________________________________________________________

2. Hindi, makasasakay ang barat.


Kahulugan:__________________________________________________________

II. Ibigay ang kahulugan ng mga salita sa ibaba ayon sa diin nito.

• TUbo
Kahulugan: _____________________________________________

• tuBO
Kahulugan: _____________________________________________

III. Itala sa ibaba ang iba pang mga pahayag na laging nakikita sa loob
ng mga pampublikong sasakyan.

A. _________________________________________________________.

B. _________________________________________________________.

C. _________________________________________________________.

D. _________________________________________________________.

Mahusay, nasagot mo nang tama ang mga


katanungan tungkol sa nakaraang
talakayan. Alam kong handa ka na sa
susunod na aralin.

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Mayaman ang panitikang Pilipino. Sa katunayan, bago pa man dumating ang


mga Kastila na sumakop sa ating bansa, ay may sarili na tayong panitikan katulad
ng mga karunungang-bayan na bagamat hindi naisulat ang ilan ay naisalin naman
sa pasalin dilang paraan. Halika, pag-aralan natin ang ilan sa mga ito.
Ang karunungang-bayan ay isang sangay ng panitikan kung saan nagiging
daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nabibilang sa bawat kultura ng mga
tao. Nakatutulong ito sa pag-angkin ng kamalayang tradisyunal, na nagpapatibay
ng pagpapahalagang kultural. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

4
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 7 Filipino
__________________________________________________________________________________

1. Tulang Panudyo – ang kayarian nito ay may sukat at tugma at


karaniwang ginagamit upang mang-asar o mambuska
Halimbawa: a. Bata- batuta
Isang perang muta
b. Tutubi-tutubi
Wag kang pahuhuli
Sa batang mapanghi
c. Tatay mong bulutong, pwede nang igatong
Nanay mong maganda, pwede mong ibenta.

2. Tugmang de Gulong- maaaring nasa anyo ito ng salawikain, maikling tula o


kasabihan na nakikita sa mga pampasaherong sasakyan na kalimitan ay
mga jeepney, bus at traysikel.
Halimbawa:
a. Miss na sexy, kung gusto mo ay libre, sa drayber tumabi
b. Aanhin pa ang gasolina kung ang dyip ay sira na.
c. Huwag kang magde-kuwatro, ang dyip ay di mo kuwarto.

3. Palaisipan – ito ay mga pahayag na kalimitang gumigising sa isipan ng tao


na lutasin ang isang suliranin.
Halimbawa: a May isang bola sa mesa.Tinakpan ito ng sombrero.
Paano ito makukuha nang hindi nagagalaw ang bola?
b. Ako ay nasa gitna ng dagat,nasa huli ng daigdig at
nasa unahan ng globo.

c. Ano ang mas mabigat, isang litrong tubig o isang


litrong yelo?
d. Ano ang makikita mo sa gitna ng DAGAT?

4. Bugtong – ito ay binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli at may


sukat at tugma na ginagawang pahulaan.
Halimbawa: a. Dala mo dala ka,dala ka ng iyong dala.
b. Sinakal ko muna bago ko nilagari
c. Pinilit na mabili, saka ipinambigti.

Gawain 1: Puno ng Kaalaman


Panuto: Mula sa tinalakay na uri at halimbawa ng karunungang-bayan sa itaas,
Ibigay ang iyong naunawaan tungkol sa estruktura, nilalaman at katangian
ng mga ito. Gumuhit o lumikha sa iyong kwaderno ng tree chart tulad nang
nakikita sa ibaba. Punuan ng hinihinging sagot ang bawat bahagi nito

5
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 7 Filipino
__________________________________________________________________________________

Gawain 2: Ihanay Mo!


Panuto: Basahin ang mga nakatala sa bawat bilang. Isulat ang sumusunod na
mga karunungang-bayan sa loob ng kahong kinabibilangan nito. Isulat
ang sagot sa iyong kwaderno.
A. Si Mario ay isa sa limang magkapatid. Ang mga pangalan nila, umpisa sa
panganay ay sina Enero, Pebrero, Marso, Abril at ___________. Ano ang
pangalan ng bunso sa magkakapatid?
B. Upong nuwebe lamang nang lahat ay magkasya.
C. No discount Sabado-Linggo/ Holidays
D. Ako’y tutula, mahabang-mahaba, ako’y uupo tapos na po.
E. Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna sagot niyog
F. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao
G. Nang ihulog ko ay buto, nang hanguin ko ay trumpo
H. Kung ang gumagapang sa aso ay pulgas, sa damo ay ahas, sa ulo ng tao
ay kuto, ano naman ang gumagapang sa kabayo?
I. Hindi mo mapipili ang makakatabi mo sa jeep, parang mamahalin mong
tao
J. Pedro panduko, Matakaw sa tuyo
Nang ayaw maligo , Pinupok ng Tabo

6
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 7 Filipino
__________________________________________________________________________________

1. Tugmang de Gulong B. Tulang Panudyo

C. D.

https://www.slideshare.net/MichelleMuoz18/tugmaang-de-gulong-tulang-panudyobugtongpalaisipan
Gawain 3: Ihambing Mo!
Panuto: Ihambing ang mga natutuhang karunungang bayan bilang bahagi ng
libangan o pampatalas isipan noon at ngayon.

Pagkakatulad

Tandaan
▪ Ang bugtong, palaisipan at tulang panudyo ay mga karunungang-bayan na
dati pa umusbong sa ating panitikan. Ginagamit ang mga ito, lalo na ang
palaisipan at bugtong upang masubukan ang talas at bilis mag –isip ng isang
tao. Samantalang ang tulang panudyo ay ginagamit upang mang-asar o
mambuska.Malimit marinig ito sa mga bata.
▪ Ang tugmang de gulong ay namayani noong dekada ’70. Kalimitang katawa-
tawa at maikli ang mga ito ngunit may patama sa mga sumasakay lalo na sa
mga pasahero ng jeepney.
▪ Karaniwang may tugma ang mga bugtong, palaisipan, tugmang de gulong at
tulang panudyo ngunit hindi laging may sukat. Simple lamang ang mga paksa
ng mga ganitong karunungang-bayan. Ginagamit ang mga ito sa mga
kuwentuhan ng mga sinaunag henerasyon bagamat dahil sa teknolohiya ay
hindi na kinahihiligan sa ngayon.
7
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 7 Filipino
__________________________________________________________________________________

Sa yugtong ito ng ating aralin, nalaman na ninyo ang mga karunungang-bayan


at mga halimbawa nito. Kaya naman, upang higit ninyo itong maunawaan, kayo
naman ang magbigay ng halimbawa ng mga tinalakay natin. Maaari kayong
magtanong sa inyong mga magulang o magsaliksik ng mga halimbawa. Isulat ang
sagot sa inyong kwaderno.

Bumuo ng sariling tugmang de gulong na maaaring iugnay sa


pag-iingat ng mga tao sa pagsakay sa mga pampublikong
sasakyan lalo na sa panahon ng pandemya

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag o pangungusap. Piliin ang


TITIK ng tamang sagot at isulat ito sa iyong kwaderno.

Para sa bilang 1- 3

A. Tugmang Panudyo C. Bugtong


B. Tugmang de Gulong D. Palaisipan

1. Karaniwang makikita ang mga pahayag na ito sa mga pampublikong


sasakyan gaya ng jeepney.

2. Tiririt ng maya, tiririt ng ibon, ibig mag-asawa walang ipalamon. Anong


karunungang-bayan ito?

3. Ang karunungang-bayan na ito ay kalimitang ginagamit bilang pang-asar sa


mga kalarong bata. Ano ito?

4. Sa isang kulungan ay may 10 alagang baka si Mang Renato, lumundag ang


lima. Ilan na lamang ang natira sa alaga niya?
A. 10 C. 5
B. Wala D.3

5. Heto na si Kaka bubuka-bukaka. Ang sagot ay ----


A. zipper C. gunting
B. tsinelas D. suklay

6. Si Pedro ay ipinanganak sa Espanya. Ang kanyang ama ay isang Amerikano


at ang kanyang ina ay isang Intsik. Bininyagan siya sa Pransiya nang lumaki ay

8
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 7 Filipino
__________________________________________________________________________________
nakapag-asawa ng Haponesa at nanirahan sila sa Hongkong. Sa oras ng
kamatayan, siya ay inabot sa Saudi Arabia. Ano ang tawag kay Pedro?
A. bangkay C. Hapon
B. Pranses D. Amerikano

7. Anong meron sa aso na meron din sa pusa na wala sa ibon ngunit meron sa
manok, dalawa sa buwaya at kabayo, at tatlo naman sa palaka?
A. mga hayop C. letrang A
B. may mata D. mga palaisipan

8. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi. Ano ito?


A. galloon C. timba
B. basket D. plastik

9. Itim nang binili ko, naging pula nang ginamit ko. Ano ito?
A. uling C. paminta
B. toyo D. ballpen

10. Pedro Penduko, matakaw sa tuyo


Nang ayaw maligo, pinukpok ng tabo
A. bugtong C. tugmang de gulong
B. tulang panudyo D. palaisipan

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Dahil sa pandemya, ipinagbawal ang pagbiyahe ng mga tao. Wala tayong


makitang dyipni o bus na bumibiyahe, ang mga tulad mo ay nanatili na lamang
sa loob ng bahay. Sa iyong palagay, makatutulong kaya ang pagbabahaginan ng
mga tulang panudyo, tugmang de gulong, bugtong at palaisipan sa inyong
pamilya at sa iyong mga kaibigan bilang bahagi ng libangan? Kung gayon,
magbahagi ka ng mga naidudulot sa iyo at sa iyong pamilya ng ating naging
talakayan.

__________________________________________________________

___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
______

9
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 7 Filipino
__________________________________________________________________________________

Sanggunian

https://philnews.ph/2020/02/17/palaisipan-halimbawa-10-mga-halimbawa-ng-
palaisipan/
https://www.google.com/search?q=tugmang+de+gulong+halimbawa&tbm
http://brainly.ph
https://philnews.ph/2019/07/23/halimbawa-ng-tulang-panudyo-kahulugan-
halimbawa/
https://takdangaralin.ph/tugmang-de-gulong/
https://philnews.ph/2018/12/20/bugtong-bugtong-20-halimbawa-ng-bugtong-
palaisipan/
https://pinoycollection.com/mga-bugtong/
https://www.google.com/search?q=ilaw+image&tbm
https://pinoycollection.com/mga-bugtong/
https://www.slideshare.net/CharissaLongkiao/mga-karunungang-bayan-at-
kantahing-bayan

Susi sa Pagwawasto
5. C
4. C c. Hudas not pay 10.tulang panudyo
3. B maabala 9.tugmang de gulong
2. A b. Barya lang po sa umaga nang hindi ka 8.bugtong
1. A kang magdekuwatro 7. bugtong
Pagsubok: 6.bugtong
3. a.Hindi iito ang sala ninyo na pwede
Unang 5.bugtong
b. tuBO- halamang ginagawang asukal
2. a. TUbo- kita sa isang Negosyo 4. tulang panudyo
b. Kahit barat ay makasasakay sad yip 3.tugmang de gulong
5. C 10. B 2.Tugmang de gulong
4. A 9. A ng pamasahe ay hindi makasasakay
1.palaisipan
3. C 8. B 1. A. Ang barat o taong ayaw magbayad
2. A 7. C Panimulang Gawain Gawain2
1. A 6. A
Pagsusulit:
Pangwakas na

10
Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.

You might also like