Banghay Aralin Sa Mother Tongue Edited Week 5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

BANGHAY ARALIN SA MOTHER TONGUE-BASED

MULTILINGUAL EDUCATION III


UNANG MARKAHAN

IKALIMANG LINGGO
Unang Araw

I. Layunin

Talks about famous people, places, events, etc. using expanding vocabulary in
complete sentences/ paragraphs. (MT3OL – If-g-1.3)
Correctly spells the words in the list of vocabulary words and the words in the
selections read. (MT3F-IVa-i-1.6)

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Napag-uusapan ang mga kilalang tao, lugar, pangyayari


atbp.
Pagbabaybay nang wasto sa mga salitang napakinggan o
nabasang teksto.
B. Sanggunian : Mother Tongue- Based Multilingual Education (Kagamitan ng
mag-aaral) mga pah. 42- 43,
Mother Tongue- Based Multilingual Education (Kagamitan ng
Guro) mga pah.
Curriculum Guide
https://prezi.com/ndkzdnzerec3/rehiyon-iii-gitnang-luzon/
C. Kagamitan: larawan ng iba’t ibang kilalang tao, lugar at pangyayari sa
Rehiyon III

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pagbabaybay
pamayanan
pagdiriwang
kilala
rehiyon
lugar

2. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng mga kilalang tao, lugar at pangyayari.
Sino ang unang kilalang tao ang ipinakita sa larawan?
Saang lugar makikita ang nasa ikalawang larawan?
Anong pagdiriwang ang inyong nakita?

B. Pagtalakay

Mga Kilalang Tao, Lugar at Pangyayari sa


Rehiyon III

(Ang guro ay magbibigay ng mga tanong)


Pampanga
Diosdado Macapagal – ikasiyam napangulo ng Republika ng Pilipinas
Gloria Macapagal Arroyo – panglabing-apat na pangulo ng Republika
ng Pilipinas
Giant Lantern in Pampanga
Bulacan
Tarlac
Zambales
Bataan
Nueva Ecija

C. Paglalahat

1. Sino sino ang kilalang tao sa Rehiyon III?


2. Ano ano ang kilalang lugar o pook dito?
3. Ano anong pagdiriwang ang ginaganap sa bawat lalawigan?

D. Pagtataya

Gamitin ang graphic organizer upang ipakita ang mga kilalang tao,
luagr, at pagdiriwang sa inyong lugar. Isulat sa ulo ang mga sikat na tao,
sa kamay ang mga kilalang pagdiriwang at sa paa ang mga kilalang lugar.
BANGHAY ARALIN SA MOTHER TONGUE-BASED
MULTILINGUAL EDUCATION III
UNANG MARKAHAN

IKALIMANG LINGGO
Ikalawang Araw

I. Layunin

Differentiate concrete nouns (person, place, animal, and thing) from abstract
nouns (MT3G-If-g-4.2.1)
Read grade level text with appropriate speed (MT3F-Id-g-1.5)

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Napaghahambing ang pagkakaiba ng konkretong
pangngalan at di- konkretong pangngalan
Nababasa ang mga teksto ayon sa kanilang antas na may
angkop na bilis
B. Sanggunian: Mother Tongue- Based Multilingual Education
(Kagamitan ng mag-aaral) mga pah. 44- 45
MTB – MLE TG pah.
Curriculum Guide
C. Kagamitan: tsart ng aralin, power point presentation

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Pagbabaybay
pamayanan
pagdiriwang
kilala
rehiyon
lugar

2. Balik-aral
a. Sino sino ang kilalang tao sa Rehiyon III?
b. Ano ano ang kilalang lugar dito?
c. Ano anong pagdiriwang ang ginaganap dito?

3. Paghawan ng Balakid
Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng mga salitang may
salungguhit.

Naktingin katuwaa kagustuhan


Nagdesisyon nagulat

a. Nakatanaw siya sa malayo na tila may hinihintay.


b. Bakas sa kanyang mukha ang pagkasabik at kagalakan ng
makita niya ang kanyang mga apo.
c. Nagpasya na lamang siyang bumalik sa kanyang kwarto upang
magpahinga.
d. Simple lang ang kanyang kahilingan para sa kanyang kaarawan.
e. Nagulantang siya sa boses na kanyang narinig.

4. Pagganyak

Awit: “Kumusta Ka?”


Kumusta ka?
Ikaw ba ay masaya?
Pumalakpak, pumalakpak
Ituro ang paa
Padyak sa kanan, padyak sa kaliwa
Umikot ng umikot at humanap ng iba.

5. Pangganyak na Tanong

Ano ang kahilingang tinutukoy sa kwento?

B. Paglalahad

Pagbasa sa Kuwento
Isang Kahilingan
Araw ng Sabado, maagang nagising si Lola Ensang, nakaupo siya sa
kanyang paboritong upuan na nakalagay malapit sa pinto ng bahay.
Nakatanaw siya sa malayo na tila may hinihintay. Bakas sa kanyang mukha
ang pagkasabik at kagalakan ng makita niya ang kanyang mga apo.
Nagmano sila sa kanilang lola, hinihintay niya ang sasabihin ng kanyang
mga apo ngunit pumasok lang ang mga ito sa loob ng bahay pagkatapos
magmano sa kanya. Nakaramdam siya ng kalungkutan at nawala ang
kasigasigan sa kanyang mukha dahil akala niya ay mayroong sorpresa ang
mga ito para sa kanyang kaarawan. Nagpasya na lamang siyang bumalik
sa kanyang kwarto upang magpahinga. Naisip niya na kaarawan niya
ngayon ngunit wala man lang nakaalalang bumati sa kanya. “Ako ay 89 na
taong gulang na, sana naman ay makasama at makita ko ang aking mga
kapatid at mga kamag- anak” ani ni Lola Ensang.

Sino ang may kaarawan?


Ilan taon na si Lolo Ensang?
Sino sino ang kanyang bisita?
Bakit siya malungkot nung una?

Nagulantang siya sa boses na kanyang narinig. Ito pala ay nagmula


sa nakababata niyang kapatid. Inaya siya nito na pumunta sa hapag-
kainan, laking gulat niya ng makita ang mga kapatid at ilang kamag- anak
na sabay- sabay bumati sa kanya ng maligayang kaarawan. Nagkaroon sila
ng salo- salo at ng tanungin siya kung ano ang kahilingan niya sa kanyang
kaarawan, “ang makasama ko lang kayong lahat ay sapat na.” Sagot ni Lola
Ensang. Nagtawanan ang lahat at nagsimula na silang kumain.

Ano ang naramdaman niya ng makita niya ang kanyang mga kapatid
at kamag-anak?
Ano ang kahilingan ni Lola Ensang para sa kanyang kaarawan?
C. Pagtalakay
Basahin ang sumusunod na salitang ginamit sa kwentong “Isang
Kahilingan”. Paghambingin ang mga salita sa hanay A at B. Sagutin ang
mga tanong kaugnay nito.

A B
kagalakan ngiti
pagkagulat regalo
kalungkutan luha
kasigasigan handaan
pagkasabik mag-anak

1. Aling hanay ng mga salita ang ginagamitan ng limang pandama?


2. Anong uri ng pangalan ito?
3. Alin namang hanay ang hindi nakikita, naririnig, nahahawakan,
nalalasahan o naamoy?
4. Ano ang tawag sa uri ng pangngalang ito?

D. Paglalahat
1. Ano ang konkretong pangngalan?
2. Ano ang di-konkretong pangngalan?

E. Paglalapat
Naranasan ninyo na bang bigyan ng sorpresa ang inyong kamag- anak na
may kaarawan? Ano ang kanyang naramdaman?

F. Pagtataya
Punan ang patlang ng konkretong pangngalan na kakatawan sa nakasaad
na di- konkretong pangngalan. Piliin ang mga sagot sa loob ng kahon.

Halimbawa:
Pagmamahal- bulaklak, tsokolate

1. pananampalataya -__________, __________


2. katarungan - __________, __________
3. karunungan- __________, __________
4. kalinangan- __________, __________
5. kaunlaran- __________, __________

pamilihan silid-dalanginan
pulis paaralan
sayaw gawang-kamay
aklat kulungan
daan Bibliya
BANGHAY ARALIN SA MOTHER TONGUE-BASED
MULTILINGUAL EDUCATION III
UNANG MARKAHAN

IKALIMANG LINGGO
Ikatlong Araw

I. Layunin

Identifies and uses personification, hyperbole and idiomatic expressions in


sentences. (MT3VCD-If-h-3.6)

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Nakikilala at nagagamit ang simile sa pangungusap.
B. Sanggunian: Mother Tongue-Based Multilingual Education (Kagamitan ng
mag- aaral) mga pah. 46- 50 CG
MTB – MLE TG pah.
Curriculum Guide
C. Kagamitan: tsart ng aralin

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Pagbabaybay
pamayanan
pagdiriwang
kilala
rehiyon
lugar

2. Balik – aral
1) Ano ang konkretong pangngalan?
2) Ano ang di-konkretong pangngalan?

3. Talasalitaan

Tukuyin sa hanay B ang kahulugan ng mga salita sa hanay A.


A B
matibay mananatili
naliligaw matatag
nakaagapay makinang
maningning iiwan
bibitawan kasama

4. Pagganyak
a. May mga kaibigan ka ba?
b. Paano mo ilalarawan ang iyong mga kaibigan?
c. Maihahambing mo ba ang iyong mga kaibigan sa mga bagay sa
iyong paligid?
d. Sa anong bagay mo ihahambing ang iyong kaibigan? Bakit?

5. Pangganyak na Tanong
Bakit niya inihalintulad sa brilyante ang kanyang kaibigan
B. Paglalahad

Basahin ang tula


“Ang Kaibigan ay Tulad ng Brilyante”
ni Florita R. Matic
Ikaw at ako’y kailangan ng kaibigan
Tunay na taong mapagkakatiwalaan
Tulad ng bato, matatag at matibay
May lakas at tibay na walang kapantay.

Sa sandaling tayo ay naliligaw


Mga kaibiga’y nakaagapay
Tulad ng isang matuwid na daan
Tunay na kaibiga’y di ka bibitawan

Totoong kaibiga’y tulad ng kayamanan


Gaya ng gintong may kinang na taglay
Walang katumbas, di kayang bayaran
Kabutihan ng kaibigang panghabang- buhay.

Kahalagahan ng kaibiga’y di kayang sukatin


Ang halaga nito’y hindi sukat akalain
Pagmamahal ng kaibiga’y brilyanteng maningning
Magpakailanma’y mananatili ang kinang na angkin.

C. Pagtalakay
1. Ano anong bagay ang ginamit sa tula upang ilarawan ang isang
kaibigan?
2. Magkapareho ba ang katangian ng tao at bagay?
3. Ano ang tawag sa paraan ng paghahambing ng dalawang magkaibang
bagay?
4. Anong mga salita ang ginagamit sa paghahambing?

D. Paglalahat
1. Ano ang simile?
2. Ano anong kataga ang ginagamit sa paghahambing?

Ang simile o pagtutulad ay anyo ng pananalita na nagpapahayag ng


paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng katagang
sing-, tulad ng- at gaya ng-.

Halimbawa:
sintamis ng kendi tulad ng rosas

E. Paglalapat

Sino ang iyong guro? Saan mo maihahalintulad ang iyong guro? Bakit?

F. Pagtataya

Salungguhitan ang simile o pagtutulad na ginamit sa bawat pangungusap.


Halimbawa:
Ang dalaga ay tulad ng isang bulaklak.
1. Nagningning tulad ng araw ang kaniyang mga mata nang makita si
Leah.
2. Nagsasalita siyang simbanayad ng hangin.
3. Singgaan ng balahibo ang papel.
4. Lumangoy siyang simbilis ng isda.
5. Tulad ng bituin ang kislap ng kaniyang mga mata.
BANGHAY ARALIN SA MOTHER TONGUE-BASED
MULTILINGUAL EDUCATION III
UNANG MARKAHAN

IKALIMANG LINGGO
Ikaapat na Araw

I. Layunin

Give the meaning of a poem (MT3LC-If-2.3)


Expresses love for stories and other texts by browsing the books read to them
and asking to read more stories and texts. (MT3-AIa-i-5.2)

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Pagbibigay ng kahulugan sa tula
Naipahahayag ang pagmamahal sa pagbabasa ng kuwento
at ibang teksto sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga
pahina ng aklat na binasa
B. Sanggunian: Mother Tongue-Based Multilingual Education (Kagamitan ng
mag- aaral) mga pah. 46- 50 CG
MTB – MLE TG pah.
Curriculum Guide
C. Kagamitan: tsart, larawan ni Manuel L. Quezon

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbabaybay
pamayanan
pagdiriwang
kilala
rehiyon
lugar

2. Balik – Aral
1. Ano ang simile?
2. Ano ang mga katagang ginagamit sa paghahambing?

3. Paghahawan ng Balakid
Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng mga salita na nasa hanay A.

A B
pnararangalan matapang
magigiting dapat tularan
huwaran binigyan ng parangal
masikap mangalaga
lumingap masipag

4. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ni Manuel L. Quezon
Sino ang nasa larawan?
Bakit siya tinawag na bayani?

5. Pangganyak na Tanong
Ano anong kabayanihan ang nabanggit sa tula?
B. Paglalahad
Kabayanihan
Iba’t ibang uri ng kabayanihan,
Tulad ng bulaklak, iba’t ibang kulay,
May mga bayaning pinararangalan,
Mayroong di-kilala’y bayani ring tunay.

Mga kababayang nabuwal sa laban,


Mga magigiting, mga matatapang,
Nag- alay ng dugo at saka ng buhay,
Upang mapalaya lupang minamahal.

May mga bayani sa mga tahanan,


Bayani sapagkat ulirang magulang,
Ang turo sa anak, kabutihang-asal,
Upang sa paglaki ay maging huwaran.

May mga bayaning nasa paaralan,


Batang masunurin, masikap, magalang,
Batang malulusog, isip at katawan,
Mga mamamayan ng kinabukasan.

May mga bayaning utusan ng bayan,


Hindi pinipili ang sinisilbihan,
Sa mga sakuna ay maaasahan,
Kapag may panganib ay matatawagan.

Ang maging bayani ay hindi mahirap,


Kung puso’y malinis, marunong lumingap,
Kagalinga’t buti siyang tinatahak
Saan mang tungkulin ay karapatdapat.

C. Pagtalakay
1. Tungkol saan ang tula?
2. Ano anong kabayanihan ang nabanggit sa tula?
3. Tungkol saan ang unang saknong?
4. Tungkol saan ang ikalawang saknong?
5. Pang ilang saknong matatagpuan ang mga bayani sa tahanan?
6. Sino sino ang bayaning nasa paaralan?
7. Sino sino ang bayaning hindi pinipili ang mga pinag-sisilbihan?
8. Paano mo maipakikita ang iyong kabayanihan?

D. Paglalahat

Paano nabigyan ng kahulugan ang tula?

E. Paglalapat

Bilang isang mag- aaral, paano mo maipakikita ang iyong kabayanihan?

F. Pagsasanay

Basahin muli ang tula ng may tamang intonasyon at diin.


“Kabayanihan”
BANGHAY ARALIN SA MOTHER TONGUE-BASED
MULTILINGUAL EDUCATION III
UNANG MARKAHAN

IKALIMANG LINGGO
Ikalimang Araw

I. Layunin

Follows sequentially more than 5- step written directions in manuals, recipe, etc.
(MT3SS-Ie-f-1.4)
Observes the conventions of writing and composing a paragraph and journal
entries. (MT3C-If-i-3.2)

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Napagsusunod- sunod ng tama ang mga hakbang na
nakasulat sa mga manwal, recipe at iba pa.
Nagagamit ang wastong paraan ng pagsulat ng talata at
mga sulating journal
B. Sanggunian: Mother Tongue- Based Multilingual Education (Kagamitan ng
mag- aaral)mga pah. 51- 52 CG
MTB – MLE TG pah.
Curriculum Guide
C. Kagamitan: tsart, powerpoint presentation

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pagbabaybay
pamayanan
pagdiriwang
kilala
rehiyon
lugar

2. Balik- aral
Tungkol saan ang tulang ating napag-aralan kahapon?

3. Pagganyak
a. Sino sa inyo ang kumakain ng isda?
b. Bakit dapat tayong kumain ng isda?

B. Paglalahad
Talakayin ang paraan ng pagsunod sa mga hakbang at tamang pagsulat
ng talata.

Mga Hakbang sa Pagpiprito ng Isda

Una, linisin ang isda. Sunod ibalot ang isda sa harinang may asin at
paminta. Painitin ang kawaling may mantika. Ilagay ang isda sa
kumukulong mantika. Iprito ang isda hanggang sa maluto. Hanguin ang
isda at ilagay sa lalagyang may sapin upang tumulo ang mantika. Panghuli,
ilagay ang isda sa isang pinggan na may hiniwang kamatis.
Tandaan
Sa pagsulat ng talata dapat nating tandaan ang mga sumusunod:
Kailangan nakapasok ang unang pangungusap.
Ang bawat pangungusap ay nagsisimula sa malaking letra.
Lagyan ng tamang bantas ang bawat pangungusap.
Mayroon itong palugit sa kanan at kaliwa.

C. Pagtalakay
1. Ano ano ang hakbang sa pagpiprito ng isda?
2. Mahalaga ba na sundin natin ang mga hakbang na ito? Bakit?
3. Paano isinulat ang mga hakbang?
4. Maayos ba ang pagkakasulat ng talata?
5. Nakapasok ba ang unang pangungusap?
6. Nagsisimula ba sa malaking letra ang bawat pangungusap?
7. May tamang bantas ba ang bawat
8. Mayroon ba itong palugit?

D. Paglalahat
1. Bakit dapat sundin ang mga hakbang sa paggawa ng isang gawain?
2. Paano sumulat ng talata?

E. Paglalapat
Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang kahalagahan ng
pagsunod sa mga hakbang ng mga gawain?

F. Pagsasanay
Sipiin ng patalata ang paraan ng paggawa ng chocolate cake.
Sundin ang wastong paraan ng pagsulat ng talata.
Paraan ng Paggawa ng Chocolate Cake
1. Painitin muna ang oven sa temperaturang 350 degrees F
(175 degrees C).
2. Sa isang katamtamang laki ng lalagyan, paghaluin ang mga
sangkap ng tatlong minuto gamit ang de- kuryenteng panghalo.
3. Lagyan ng kumukulong tubig at haluin.
4. Ihurno ng mula 30 hanggang 35 minuto gamit ang pinainitang
oven.
5. Palamigin ng 10 minuto bago tanggalin sa lalagyan.
6. Sa paggawa ng icing, haluin ang mantikilya hanggang lumapot
at ilagay ang cocoa, asukal, gatas at vanilla nang salit- salit.
7. Hati-hatiin ang bawat patong ng cake nang pahalang at lagyan
ng icing bawat patong.

You might also like