Ang Tekstong Deskriptibo o Deskriptiv

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang Tekstong Deskriptibo o Deskriptiv

Ang tekstong deskriptibo ay nagtataglay ng mga kaukulang detalye sa katangian ng isang


tao, lugar, bagay, o pangyayari. Ang tekstong ito ay laging sumasagot sa tanong na
“Ano“. Sa Tekstong Deskriptibo, kahit hindi ka pintor ay makakabuo ka ng isang
larawan gamit ang mga salitang magmamarka sa damdamin at isipan ng mambabasa.
Upang mailarawan at mabigyang buhay sa imahinasyon ng mambabasa ang isang tauhan,
tagpuan, bagay, galaw o kilos,karaniwang gumagamit ang may akda ng pang-uri at pang
abay. Gumagamit din ng manunulat ng iba pang paglalarawan tulad ng panggalan,
pandiwa, tayutay, pagwawangis, pagsasatao at iba pa. Ang tekstong deskriptibo ay laging
kabahagi ng iba pang uri ng teksto, partikular sa tekstong naratibo.

Dalawang uri ng paglalarawan sa Tekstong Deskriptibo


 Subhetibo
Nakabatay sa mayamang imahinasyon.

 Obhetibo
Ito ay may pinagbatayang katotohanan

Cohesive Devices sa Tekstong Deskriptibo


Ito ang ginagamit ng manunulat o naglalarawan upang magkaroon ng mas maayos at mas
malinaw na daloy ng kaisipan sa isang teksto. Ang cohesive devices ay kailangan upang
mas higit na makita at maunawaan ang kahulugan o kabuluhan ng bawat bahagi ng
teksto.

Limang pangunahing Cohesive Device


1.REPERENSIYA (REFERENCE)
Ang cohesive device na ito ay ang paggamit ng mga salitang maaring tumukoy sa
paksang pinag-uusapan.

Dalawang uri ng reperensiya


 Anapora
Kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung sino o ano ang tinutukoy.

 Katapora
Nauna ang panghalip at malalaman lamang kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa
2. SUBTITUSYON
Ito ay ang paggamit ng ibang salita na ipapalit aa halip na maulit ang salita.
Halimbawa:
Sa halip na “Nawala ko ang iyong ballpen. Palitan ko nalang ang iyong ballpen.” ay
gagawing “Nawala ko ang iyong ballpen, papalitan ko nalang ng bago.”

3. ELLIPSIS
Ito ay ang pagbabawas ng ibang parte ng pangungusap pero hindi mababawasan ang diwa
at sapagkat makakatulong na ang naunang pahayag upang matukoy ang nais iparating o
ipahiwatig.
Halimbawa:
Bumili si Gina ng limang aklat at si Rina nama’y dalwa.

4. PANG-UGNAY
Ang paggamit ng pag-ugnay na “at” para pag-ugnayin ang mga pangungusap, parirala o
sugnay.

5. KOHESYONG LEKSIKAL
Ito ay mabibisang salita na ginagamit sa teksto para magkaroon ito ng koheson.

DALAWANG URI NG KOHESYONG LEKSIKAL


A. Reiterasyon
Kapag ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang beses. Ang reiterasyon ay may tatlong
uri:
Pag-uulit o repetisyon
Pag-iisa-isa
Pagbibigay-kahulugan
B. Kolokasyon
Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan aa isa’t isa
kaya pag nabangit ang ang isa ay maari din maisip ang isa.
Halimbawa
tatay – nanay
guro – mag-aaral
maliit – malaki
Mga Uri ng tekstong deskriptibo
 Paglalarawan sa Tauhan
Ang paglalarawan sa tauhan ay ang paglalarawan sa pisikal na anyo at katangian ng
bibigyang buhay na tauhan, ngunit hindi sapat na mailarawan lang ang itsura at mga
detalye ng tauhan, sa halip dapat maging makatotohanan din ang paglalarawan dito.
Halimbawa, hindi sapat na sabihing “Ang aking kaibigan ay maputi, matangkad, at may
matangos na ilong”. Bagamat tama ang mga detalye sa paglalarawang ito ay hindi ito
magmamarka sa isipan at damdamin ng mambabasa. Ang mga salitang tulad ng maliit,
matangkad, maganda, bata, matanda at iba pa ay ang mga halimbawa ng pangkalahatang
paglalarawan, kung saan ito ay hindi nakakapagbigay ng mas malinaw o mabisang imahe
sa imahinasyon ng mambabasa. Sa paglalarawan ng tauhan dapat mabubuo sa isipan ng
mambabasa ang anyo, gayak, amoy, kulay at iba pang mga katangian sa pamamagitan ng
paggamit ng pinaka angkop na mga pang-uri. Mahalaga ding mabigyan ng paglalarawan
ang mga kilos ng tauhan para mas lalong magmarka sa mambabasa ang mga katangiang
taglay niya, halimbawa ay kung paano sya maglakad, tumawa, makipag-usap at iba pa.
Ang pinaka mahusay na paglalarawan sa tauhan ay yaong nabubuhay hindi lang sa
pahina ng akda kundi sa puso at isipan ng mambabasa. Kahit na ang tauhan ay produkto
lamang ng mayamang imahinasyon ng akda, hindi sila basta makakalimutan.

 Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon


Ito ay bahagi rin ng paglalarawan sa tauhan subalit ito ay nakatuon lamang sa damdamin
o emosyong taglay ng tauhan. Sa pamamagitan ng paglalarawang ito, madadama ng
mambabasa ang mga emosyon ng tauhan.

 Paglalarawan sa Tagpuan
Ang paglalarawan sa tagpuan ay ang paglalarawan sa tamang lugar at panahon kung saan
at kailan naganap ang akda.

 Paglalarawan sa mahahalagang bagay


Ito ay ang paglalarawan sa isang napaka-halagang bagay sa akda. Sa maraming
pagkakataon, sa isang mahalagang bagay umiikot ang mga kaganapan sa akda at ito rin
ay nagbibigay ng mas malalim na kahulugan.

Ang tekstong deskriptibo ay maari mo din magamit


sa tekstong persuasive sa pamamagitan ng maayos
na paglalarawan ay mas makakahikayat ka ng tao.
1.PAANO MO MASASABI NA TEKSTONG DESKRIPTIV ANG
IYONG NABASA? MAGBIGAY NG MGA SALITANG
NAGPAPATUNAY SA IYONG SAGOT AT IPALIWANAG.

2.ANO ANG DALAWANG URI NG DESKRIPTIV NA


TEKSTO?IPALIWANAG.

3.PAANO MAKAKATULONG ANG MGA COHESIVE DEVICES SA


TEKSTONG DESKRIPTIV?

4.SANG-AYON KABA SA MAY AKDA SA KANYANG PANIG O


HINDI? BAKIT?

5.NANINIWALA KA PARIN BA NA ANG KABATAAN PARIN


ANG PAG-ASA NG BAYAN KAHIT NA MARAMI NA NGANG
BATA NGAYON ANG KATULAD SA TEKSTONG NABASA.?
IPALIWANAG.

You might also like