Ang Tekstong Impormatibo Pinal

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

AURORA SENIOR HIGH SCHOOL

Ang Tekstong Impormatibo


Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di piksyon. Ito ay naglalayong
magvbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkikiling tungkol sa iba’t
ibang paksa tulad ng hayop, isports, agham at iba pa.
Di tulad ng ibang uri ng teksto, ang mga impormasyon o kabatirang inilahad ng may-akda ay
hindi nakabase sa kanyang sariling opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi ito
masasalamin ang kanyanfg pagpabor o pagkontra sa paksa. Karaniwang may malawak na paksain
ito. Ang tekstong impormatibo ay kadalasang makikita sa isang pahayagan at magasin, textbook at
iba pa.
Elemento ng Tekstong Impormatibo
Layunin ng may-akda: Maaring magkakaiba-iba ang layunin ng ng may-akda sa pagsulat
niya ng isang tekstong impormatibo. Maaring layunin niyang mapayaman at mapalawak ang
kaalaman ukol sa iasng paksa.; nauunawaan ang mga pangyayaring mahirap maipaliwanag;
matututo ng maraming bagay ukol sa ating mundo; magsaliksik; at mailahad ang mga yugto
sa buhay.

Pangunahing Ideya: Di tulad ng tekstong naratibo na hindi agad inihahayag ng manunulat


ang mga mangyayari upang mapaabot ang interes ng mambabasa sa kasukdulan ng akda, sa
tekstong impormatibo naman ay dagliang inihahayag ang mga pangunahing ideya sa
mambabasa. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bilang—
tinatawag din itong organizational marker na nakatutulong upang agad Makita at malaman
ng tmambabasa ang pangunahing ideyang babasahin.

Pantulong na Kaisipan: Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga pantulong na


kaisipan o mga detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing
ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.

Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na


binibigyang-diin: makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malawak na pang-
unawa sa binabasang tekstong impormatibo ang paggamit ng mga estilo o kagamitan sa
mahahalagang bahagi tulad ng sumusunod:

o Paggamit ng nakalarawang representasyon


o Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
o Pagsulat ng mga talasalitaan

Mga Uri ng Tekstong Impormatibo


Ang pangunahing layunin ng tekstong impormatibo ay makapaghatid ng impormasyong hindi
nababahiran ng personal na pananaw o opinyon ng may-akda. Makikita ang mga layuning ito sa
ilang mga tekstong impormatibo tulad ng mga sumusunod:
1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan: Sa uri ng tekstong ito inilalahad ang mga
totoong panyayaring naganap sa iang panahon o pagkakata on. Maaring ang mga
pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng balitang

1 – PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBAT-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


AURORA SENIOR HIGH SCHOOL
isinusulat ng mga reporter ng mga pahayagan o maari ring hindi direktang nasaksihan ng mga
manunulat.

2. Pag-uulat Pang-impormasyon: Sa uri ng tekstong ito. Nakalahad ang mga mahahalagang


kaalaman o impormasyon patungkol sa hayop, tao at iba pang bagay na nabubuihay sa
mundo. Ang pagsulat ng ganitong teksto ay nangangailangan ng masusing pananaliksik
sapagkat ang mga impormasyon at detalye ay dapat magtaglay ng katotohanan.

Ang Tekstong Deskriptibo


Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung
saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan.
Subalit, sa halip na pintura o pangkulay, mga salita ang ginagamit ng manunulat upang mabuo sa
isipan ng mambabasa ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo. Mga pang-uri at pang-abay ang
karaniwang ginagamit ng manunulat upang mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o
galaw, o anumang bagay na nais niyang mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa.
Mula sa epektibong paglalarawan ay halos makikita, maaamoy, maririnig, malalasahan, o
mahahawakan na ng mambabasa ang mga bagay na inilalarawan kahit pa sa isipan lamang niya
nabubuo ang mga imaheng ito.
Bagama’t mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit na mga salita sa pagbuo ng
tekstong deskriptibo, madalas ding ginagamit ang iba pang paraan ng paglalarawan tulad ng
paggamit ng mga pangngalan at pandiwang ginagawa ng mga ito gayundin ng mga tayutay tulad ng
pagtutulad, pagwawangis , pagsasatao, at iba pa.
Karaniwang Bahagi lang ng Ibang Teksto ang Tekstong Deskriptibo
Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng tekstong deskriptibo ay ang relasyon nito sa iba
pang uri ng teksto. Ang paglalarawan kasing ginagawa sa tekstong deskriptibo ay lagging kabahagi
ng iba pang uri ng teksto particular ang tekstong naratibo kung saan kinakailangang ilarawan ang
mga tauhan, ang tagpuan, ang damdamin, ang tono ng pagsasalaysay, at iba pa. Nagagamit din ito sa
paglalarawan sa panig na pinaniniwalaan at ipinaglalaban para sa tekstong argumentatibo, gayundin
sa mas epektibong pangungumbinsi para sa tekstong persuweysib, o paglalahad kung paano mas
magagawa o mabubuo nang maayos ang isang bagay para sa tekstong prosidyural. Bibihirang
magamit ang tekstong deskriptibo nang hindi kabahagi ng iba pang uri ng teksto.
Gamit ng Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal sa Pagsulat mg Tekstong Deskriptibo
Upang maging mas mahusay ang pagkakahabi ng tekstong deskriptibo bilang bahagi ng iba
pang uri ng teksto o kaya’y maging mas malinaw ang anumang uri ng tekstong susulatin,
kinakailangan ang paggamit ng mga cohesive device o kohesyong gramatikal. Ang mga ito kasi ay
mahalaga sa pagbibigay ng mas malinaw at maayos na daloy ng mga kaisipan sa isang teksto. Ang
mga teksto ay hindi lang basta binubuo ng magkakahiwalay na pangungusap, parirala, o sugnay,
bagkus ang mga ito ay binubuo ng magkakaugnay na mga kaisipan kaya’t kinakailangan ang mga
salitang magbibigay ng kohesyon upang higit na lumitaw ang kabuluhan at kahulugan ng bawat
bahagi nito.
Ang limang pangunahing cohesive device o kohesyong gramatikal ay ang sumusunod:
reperensiya (reference), substitusyon (substitution), ellipsis, pang-ugnay, at leksikal

2 – PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBAT-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


AURORA SENIOR HIGH SCHOOL
1. Reperensiya (Reference) – Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging
reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaari itong maging anapora (kung
kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy) o kaya’y katapora
(kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag
ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto.

Halimbawa:

Anapora

` Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaring maging mabuting kaibigan.

(Ang ito sa ikalawang pangungusap ay tumutukoy sa aso na nasa unang


pangungusap. Kailangang balikan ang unang pangungusap upang malaman ang
tinutukoy ang panghalip na ito.)

Katapora
Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang
umuwi sa gabi. Ang matatamis niyang ngiti at mainit na yakap sa aking pagdating ay
sapat para makapawi sa kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi ang aking puso
at damdamin. Siya si Bella, ang bunso kong kapatid na mag-iisang taon pa lámang.

(Ang siya sa unang pangungusap ay tumutukoy kay Bella, ang bunsong


kapatid. Malalaman lamang kung sino ang tinutukoy ng siya o niya kapag
ipinagpatuloy ang pagbabasa.)

2. Substitusyon (Substitution) – Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang
salita.
Halimbawa:
Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kitá ng bago.
(ang salitang aklat sa unang pangungusap ay napalitan ng salitang bago sa
ikalawang pangungusap. Ang dalawang salita’y parehong tumutukoy sa iisang
bagay, ang aklat.)

3. Ellipsis – May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o


magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang
pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
Halimbawa:
Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.
(Nawala ang salitang bumili gayundin ang salitang aklat para sa bahagi ni
Rina subalit naiintidihan pa rin ng mambabasa na tulad ni Gina, siya’y bumili
rin ng tatlong aklat dahil nakalahad na ito sa unang bahagi.)

4. Pang-ugnay – Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay,


parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay higit na
mauunawaanng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pamamagitan ng mga pinag-uugnay.
Halimbawa:

3 – PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBAT-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


AURORA SENIOR HIGH SCHOOL
Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang
mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga
magulang.

5. Kohesyong Leksikal – mabibisang mga salita na ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng
kohesyon. Maari itong mauri sa dalawa: ang reiterasyon at ang kolokasyon.
a. Reiterasyon – kung ang sinasabi ay nauulit ng ilang beses. Maari itong mauri sa tatlo:
repetisyon, pag-iisa-isa at pagbibigay-kahulugan.
(1) Repetisyon
(2) Pag-iisa-isa
(3) Pagbibigay-kahulugan

b. Kolokasyon – mga salitang karaniwang nagagamit ng magkakapareha o may kaugnayan sa isat-


isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaring magkakapareha o maari
ring magkakaugnay.
Halimbawa;
nanay-tatay ; guro-mag-aaral ; hilaga-timog ; doctor-pasyente
puti-itim ; malaki-maliit ; mayaman-mahirap

Ilang Tekstong Deskriptibong Bahagi ng Iba Pang Teksto

Paglalarawan sa Tauhan

Sa paglalarawan ng tauhan, hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at mga detalye
patungkol sa tauhan kundi kailangang maging makatotohanan din ang paglalarawan ditto. Hindi
sapat na sabihing “Ang aking kaibigan any maliit, maikli at unat ang buhok, at mahilig magsuot ng
pantalong maong at puting kamiseta.”

Ang ganitong paglalarawan, bagamat tama ang mga detalye ay hindi nagmamarka sa isipan at
pandama ng mambabasa. Kailangang mahalagang maging mabisa ang paglalarawan sa tauhan.

Sinasabing ang pinakamahusay na tauhan ay yaong nabubuihay hindi lang sa pahina ng akda
kundi sa puso at isipan ng mambabasa kaya namankahit sila’y produkto lang ng mayamang
imahinasyon ng manunulat hindi sila basta makakalimutan.

Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon

Ang paglalarawan sa damdamin o emosyon ay bahagi pa rin sa paglalarawan ng tauhan


subalit sa halip na sa kanyang panlabas na anyo o katangian ito nakapokus, ang binibigyang-diin
ditto ay ang damdamin at emosyon ng tauhan. Mahalagang mailarawan ng mahusay at mabisa ang
tauhan sapagkat ito ang dahilan kung bakit nagagawa ng tauhan ang kanyang dapat gawin.

Mga paraan ng paglalarawan ng damdamin at emosyon:

1. Pagsasaad sa aktuwal na naranasan ng tao


2. Paggamit ng dayalogo o iniisip
3. Pagsasaad ng ginagawa mng tauhan
4. Paggamit ng tayutay o matatalinghagang salita
4 – PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBAT-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
AURORA SENIOR HIGH SCHOOL
Paglalarawan sa Tagpuan

Sa paglalarawan ng tagpuan ay mahalagang mailarawan nang tama ang lugar o panahon


kung saan at kailan nagana pang akda sa paraang nakagaganyak sa mga mambabasa. Sa
pamamagitan mng mahusay na pagkakalarawan sa tagpuan ay madarama ay mararamdaman ng
mambabasa ang diwa ng akda.

Ang Tekstong Naratibo

Sa bawat araw sa buhay ng isang tao ay laging may mga pangyayaring naibabahagi o
naikukuwento niya sa iba. Maaaring mga simpleng pangyayaring nasaksihan sa kanyang
pagpasok o kayâ nama’y ang mga ipinagpapalagay niyang pinakamahahalaga o
pinakamalalaking pangyayari sa kanyang maghapon. Ang pagasasalaysay o pagkukuwento ay
karaniwang nangyayari kapag nagkita-kita o nagsalo na ang mag-anak o maging ang
magkakaibigan subalit minsan, ang salaysay ay hindi lang basta naibabahagi ng pasalita. Sa
halip, naitatala rin sa mga pahina ng isang talaarawan. Hindi halos nararamdaman ng
nagsusulat na siya’y bumubuo na palá ng isang kuwento, ang kanyang sariling kuwentong
bahagi ng isang uri ng teksto, ang tekstong naratibo.

Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang


tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na
pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan. Pangunahing layunin ng ganitong uri
ng teksto ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o
sayá . Gayundin naman, ang naratibo ay nakapagtuturo ng kabutihang-asal, mahahalagang-aral,
at mga pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng kahalagahan ng pagiging mabuti at tapat, na
ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa kabutihan, ang kasipagan at pagtitiyaga ay
nagdudulot ng tagumpay, at iba pa.

Ang mga mambabasa ay direktang isinasama ng manunulat ng isang tekstong naratibo


at nagiging saksi sa mga pangyayaring kanyang isinasalaysay. May iba’t ibang uri ng naratibo
tulad ng maikling kuwento, nobela, kuwentong-bayan, mitolohiya, alamat, tulang pasalaysay
tulad ng epiko, dula, mga kuwento ng kababalaghan, anekdota, parabula, science fiction, at iba
pa. Iba’t ibang uri subalit may iisang pagkakapareho: ang bawat isa’y nagkukuwento.
TEKSTONG PROSIDYURAL
Uri ng tekstong kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyong kung
paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay.
Nakapaloob ditto ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin upang
makompleto ang isasagawang proyekto.Sa tekstong ito, layunin nito ang makapagbigay ng
sunod-sunod na direksyon.

TEKSTONG PERSUWEYSIB- pangungumbinsi batay sa datos o impormasyon na nakalap ang


mga pangunahing layunin ng tekstong ito.
TEKSTONG ARGUMETATIBO- tekstong ekspositori

5 – PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBAT-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


AURORA SENIOR HIGH SCHOOL

6 – PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBAT-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

You might also like