Hand-Outs FIL 104 (Finals)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Kahulugan at Kalikasan

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan


ng mga nabuong salita, simbolo, ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang o
kanilang kaisipan. (Bernales et al, 2001)

Ito ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. Ito ay pisikal na
aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay at mata. Mental na aktibiti rin ito sapagkat hindi maaaring hindi
gamitin ang utak sa pagsusulat. (Bernales et al, 2002)

Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng
wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga element.

Sinabi ni Badayos (2000), na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap
para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.

Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang
kaligayahan ng nagsasagawa nito.

Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasan natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig,
pagsasalita at pagbabasa. (Peck at Buckingham, sa aklat ni Radillo, 1998)

MGA LAYUNIN SA PAGSULAT


EKSPRESIB TRANSAKSYUNAL
 Isa itong impormal na paraan ng pagsulat.  Ito ay isanga pormal na paraan ng pagsulat na
 Gumagamit ito ng unang panauhan na ako, ko, may tiyak na target na mambabasa, tiyak na
akin at iba pa sa pagsasalaysay. layunin at tiyak na paksa.
 Sarili ng manunulat ang target nitong  Karaniwang ginagamit dito ang ikatlong
mambabasa. panauhan na siya, sila, niya, nila at iba pa sa
 Naglalarawan ito ng personal na damdamin, paglalahad ng teksto.
saloobin, ideya at paniniwala.  Ibang tao ang target nitong mambabasa.
 Nakapaloob din dito ang sariling karanasan ng  Hindi ito masining o malikhaing pagsulat
manunulat at pala-palagay sa mga bagay-bagay bagkus ito’y naglalahad ng katotohanan na
na nagyari sa paligid. sumusuporta sa pangunahing ideya.
 Malaya ang paraan ng pagsulat dito at walang  Nagbibigay ito ng interpretasyon sa panitikan,
sensura. Hindi gaanong mahalaga rin ang nasusuri, nagbibigay ng impormasyon,
gramatika at pagbaybay ng mga salita bagkus nanghihikayat, nangangatwiran, nagtuturo o
mahalaga rito na mailabas kung ano ang kaya’y nagbibigay ng mensahe sa iba.
talagang naiisip at nararamdaman ng isang tao.  Kontrolado ang paraan ng pagsulat dahil may
 Layunin nito na maipahayag ang sariling pormat o istilo ng pagsulat na kailangang
pananaw, kaisipan, at damdamin sa sundin.
pangyayari.  Halimbawa nito ay balita, artikulo,
 Halimbawa nito ay dyornal, talaarawan, talambuhay, patalastas, liham na
personal na liham at pagtugon sa ilang isyu. pangangalakay, papel na pananaliksik, ulat,
rebyu, kritikal na sanaysay (nanghihikayat,
nangangatwiran), interbyu, editorial,
dokumentaryo

Mga Layunin sa Pagsulat


(Bernales et al,2001)

A. Impormatib na Pagsulat (expository writing) – naghahangad na makapagbigay impormasyon at


mga paliwanag. Ang mismong pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto. Ang
pagsulat ng report ng obserbasyon, mga istatistiks na makikita sa mga libro at ensayklopidya, balita
at teknikal o bisnes report ay may layuning impormatib.

B. Mapanghikayat na Pagsulat (persuasive writing) – naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa


tungkol sa isang opinion, katwiran o paniniwala. Ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na
nais maimpluwensiyahan ng isang awtor nito. Ang pagsulat ng mga proposal at konseptong papel
ay may layuning ganito. Ang isang editoryal, sanaysay, talumpati ay maaari ring may layuning
mapanghikayat.

C. Malikhaing Pagsulat (creative writing) – ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang


pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na akda.
Kadalasan, ang pangunahing layunin ng awtor dito ay pagpapahayag lamang ng kathang-isip,
imahinasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon ng mga ito. Ang pokus dito ay ang manunulat
mismo. Wika nga ni Arrogante (2000), ang malikhaing pagsulat ay isang pagtuklas sa kakayahang
pasulat ng sarili (o ng manunulat) tungo sa pakikipag-ugnayang sosyal.

Uri ng Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina


1. Akademik
 Halos lahat ng pagsusulat sa paaralan mula antas primary hanggang sa doktoradong pag-
aaral. Itinuturing din itong isang intelektuwal na pagsusulat dahil layunin nitong pataasin ang
antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
 Ito ay sumasaklaw sa mga sulating inihahanda ng isang mag-aaral kaugnay sa kanyang pag-
aaral.
 HAL. Kritikal na sanaysay, lab reports, eksperimento, term paper o pamanahong papel, tisis
o disertasyon, pagsulat ng report, reaksyong papel, konseptong papel, journal.

A. Pagsulat ng Report – isang paglalahad ng mga paktuwal na impormasyon o


katotohanan: kung anong nasaksihan, narinig, nabasa, naranasan o natuklasan at napag-
alaman ng isang nilalang.
B. Reaksyong Papel o Panunuring Papel – tumutukoy sa paglalahad ng makatarungan,
patas o balanseng paghuhusga o assessment sa mga sitwasyong may kinalaman sa mga
tao, bagay, pook at mga pangyayari. Sumasaklaw din ito sa matalinong pagtataya sa
kalidad, kakayahan, pamamaraan, katotohanan at kagandahan ng obra maestro ng isang
nilalang.
C. Pagbuo ng Konseptong Papel – inihahanda upang magpaliwanag, magbigay-linaw at
bigyang-kahulugan ang isang konsepto, ideya o pormula sa isang malinaw na paraan.
Binabanggit nito ang kahalagahan, katangian, at kaugnayan ng isang bagay (abstrak o
konkreto man) sa paraang madaling maunawaan. Halimbawa nito, ano ang konsepto ng
pag-ibig, kabiguan, pagtutulungan, kabayanihan, ekonomiya, kalayaan, tagumpay,
edukasyon, pagmamahal sa bayan, kaunlaran, kagandahang-asal, pamilya at iba pa.

2. Teknikal
 Tumutugon sa kognitib at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa at minsan
maging ng manunulat mismo.
 Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang
komplikadong suliranin.

 Karaniwan nang katangian nito ang paggamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang
particular na paksa tulad ng Science and Technology.
 Ang pagsulat na ito ay nakatuon sa isang espesipik na audience o pang kat ng mga
mambabasa.
 Ang larangang ito ng pagsulat ay sumasaklaw sa paghahanda ng mga sulating may
kinalaman sa komersyo o empleyo.
 HAL. Feasibility study, korespondensyang pampangangalakal, pagsulat ng mga manwal at
gabay sa pag-aayos.

Pagsulat ng Liham Pangangalakal


A. Mga Katangian ng Liham
a. Malinaw
b. Wasto
c. Buo
d. Magalang
e. Maikli
f. Kumbensyonal
g. Mapitagan
B. Mga Bahagi ng Liham
a. Pamuhatan – binubuo ito ng pangalan at tirahan ng sumusulat ng liham at petsa kung
kailan ito sinulat.
b. Patunguhan – ang bahaging ito ay naglalaman ng pangalan, katungkulan at
tanggapan ng taong tatanggap ng liham.
c. Bating Pambungad – dito inilalahad ang paksa o mensahe ng isang liham.
d. Pamitagang pangwakas – ito ang pangwakas na pagbati.
e. Lagda – ito ang nagpapakilala kung sino ang sumulat.
C. Uri ng Liham
a. Liham-kahilingan – inihahanda ng lumiham kung siya’y nangangailangan ng isang
bagay, paglilingkod, pagpapatupad at pagpapatibay ng anumang nilalaman ng
korespondensya.
b. Liham Pag-uulat – inihahanda dito ang katayuan o estado ng isang proyekto o
gawain, kung ito’y naisagawa na o hindi pa o kasalukuyan pang isinasagawa.
c. Liham Pagbibitiw – inihahanda ng isang sumusulat na nagpasya nang tumigil sa
pagtatrabaho sa isang tanggapan bunga ng isa o higit pang kadahilanan. Inilalahad ito
nang maayos at mabisa sapagkat dito nakasalalay ang pagkatao ng sumusulat. Dapat
iwasan sa pagsulat nito ang pagpuna sa tanggapan o sa mga pinuno at tauhan ng
lilisaning pook gawaan.
d. Liham Kahilingan ng Mapapasukan / Aplikasyon – inihahanda ito ng isang nais
makapagtrabaho sa isang tanggapan.
3. Jornalistik
 Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag
o journalist.
 Ito ay tumutukoy sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag.
 Ang isang balitang pamperyodiko ay sumasagot sa lahat ng mga tanong na pang-journalistic
na sino, ano, saan, kailan, paano at bakit.
 HAL. Pagsulat ng balita, editorial, kolum, lathalain.

A. Balita – tumutukoy sa pasalita o pasulat na ulat na tungkol sa mga bagay na nangyari na,
nangyayari o mangyayari pa lamang.
B. Pangulong Tudling o Editoryal – tumutukoy sa mapanuring pagbibigay-kahulugan sa
esensya ng isang kasalukuyang kontrobersya upang manghikayat, manlibang at
magbigay-kaalaman sa mambabasa. Ito’y isa ring paraan ng paglalahad ng palagay,
opinion o komentaryo sa isang tunay na pangyayari.

Uri:
a. Nagbibigay-kaalaman – binibigyang diin nito ang kahalagahan ng isang pangyayari.
Hal. Nilalaman ng isang memorandum tungkol sa pagpatupad ng pagpaplano ng
pamilya
b. Nagbibigay-kahulugan – binibigyang-kahulugan ang isang pangyayari.
Hal. Kahulugan at bunga ng isang bagong memorandum o ang kabutihang
maidudulot ng pagpaplano ng pamilya
c. Nakikipagtalo – humihikayat sa mambabasa upang pumanig sa paniniwala ng
sumulat.
Hal. Nasa tamang panig ang taong nagpapalabas ng bagong memorandum,
kailangang magplano ng pamilya
d. Namumuna – inilalahad ang mabuti at masamang katangian ng isang kontrobersiya.
Binibigyang puwang ang pagtalakay sa magkabilang panig gayong may
kinikilingang isang panig ang sumulat.
Hal. Parusang Bitay: Dapat bang Ipatupad?
e. Nangangaral o pumupuri – pagbibigay-pugay sa kahanga-hangang ginawa ng isang
tao, pagpapahalaga sa isang namayapa na may nagawang kabutihan o isang bayani sa
araw ng kapanganakan o kamatayan.
Hal. Hidilyn Diaz, Dangal ng Zamboanga
f. Nanghihikayat – mabisang nanghihikayat.
Hal. Ipagpatuloy ang mabuting nasimulan ng Pangulo
g. Pagpapahayag ng Natatanging Araw – nagpapahayag ng kahalagahan ng isang
tanging okasyon.
Hal. Buwan ng Pag-iwas sa Kanser
h. Panlibang – may layuning makapanlibang.
Hal. Linggo ng mga Bakla o Tomboy
i. Batay sa Tahasang Sabi – ito’y batay sa isang pahayag ng isang tao o ng isang
dakilang tao na inilalagay sa katapusan ng tudling pang-editoryal.
Hal. Mahalagang pangungusap ng Pangulo ng bansa.

C. Tanging Lathalain – ito’y tumutukoy sa isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na


isinusulat upang manlibang, magpabatid o makipagtalo. Ito’y nagtataglay ng
maramdamin, personal o mapagpatawang pangyayari at isinusulat sa paraang kawili-wili
at Malaya.

Uri:
a. Nagpapabatid – naghahatid ng kapaki-pakinabang na kaalaman
Hal. Mga tips sa pagpapanatili ng masayang relasyon
b. Pabalita – batay sa balitang nakapupukaw damdamin.
Hal. Ang sunog sa India
c. Pangkatauhang Dagli – naglalarawan ng mga selebriti: buhay, karanasan, gawain,
prinsipyo at dahilan ng tagumpay o kabiguan.
Hal. Sikreto ni Manny Pacquio
d. Pangkasaysayan – tungkol sa kasaysayan ng tao, bagay, lugar o pangyayari.
Hal. Ang EDSA Rebolusyon
e. Pansariling karanasan – ‘di-pangkaraniwang karanasan ng may-akda o ng ibang
tao.
Hal. Ang pagbabagong buhay ni Dinky Doo
f. Pakikipanayam – kuro-kuro at kaisipan ng isang kilalang tao na nakalap mula sa
panayam.
Hal. Ang buhay ni Imelda Marcos
g. Panlibang – layuning manlibang kayat pinakapipili ang paksa upang magsilbing
gamut sa mga taong dumaranas ng kapighatian o pagkabagot sa buhay.
Hal. Ang kahulugan ng Halik

4. Reperensyal
 Naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sors hinggil sa isang paksa. Madalas,
binubuod o pinaiikli ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang
pinaghanguan niyon na maaring sa paraang parentetikal, talababa o endnotes para sa
sinumang mambabasa na nagnanais na mag-refer sa reperens na tinukoy.
 Madalas itong Makita sa mga teksbuk na tumatalakay sa isang paksang ganap na ang saliksik
at literature mula sa mga awtoridad.
Hal. Bibliograpi, indeks, pagtatala ng mga impormasyon sa note cards
5. Propesyonal
 Eksklusib sa isang tiyak na propesyon. Bagama’t propesyon nga, itinuturo na rin ito sa mga
paaralan bilang paghahanda sa isang tiyak na propesyon na napili ng mga mag-aaral.
Hal. Police report, investigative report, legal forms, brief and pleadings ng mga abugado,
legal researchers, medical report, patient’s journal ng mga doctor at narses, lesson plan,
silabus at curriculum guide ng mga guro
6. Malikhain
 Masining ang uri ito ng pagsulat. Ang pokus dito ay ang imahinasyon ng manunulat, bagamat
maaaring piksyonal at di-piksyonal ang akdang isinusulat.
 Layunin nitong paganahin ang imahinasyon, bukod pa sa pukawin ang damdamin ng mga
mambabasa. Ito ang uri ng pagsulat sa larangan ng literature. Karaniwan nang mayaman sa
mga idyoma, tayutay, simbolismo, pahiwatig at iba pang creative devices ng mga akda sa
uring ito.
Hal. Tula, nobela, maikling katha, dula at maikling sanaysay

Mga Bahagi ng Teksto

A. Panimula: Paksa at Tisis

Ang panimula ay napakahalagang bahagi ng isang teksto sapagkat nagsisilbi itong pang-akit sa mga
mambabasa upang basahin ang teksto.
Ito rin ang bahagi ng teksto na nagpapakilala sa paksa at tisis ng teksto. Wika nga ni Bernales, et al.
(2001), maihahalintulad ito sa “display window ng mga tindahan na hindi lamang nagsisilbing pang-
akit sa mga mamimili kundi nagpapakita rin ng ilang mga available na paninda o highlight na
paninda.
Ang panimula ay nagbibigay-ideya sa mga mambabasa kung tungkol sa aling paksa ang teksto at
kung ano ang paniniwala, asersyon o proposisiyon ng may-akda sa paksang iyon, bukod pa sa
nagsisilbi itong pang-akit at panawag-pansin.

B. Katawan: Istruktura, Nilalaman at Order

Ang nilalaman ang pinakakaluluwa ng isang teksto. Samakatuwid, sa pagsulat ng katawan,


kailangang matukoy muna ang mahahalagang impormasyon dapat ipaloob doon.
Ang istruktura at order ang pinakakalansay ng isang teksto. Kung wala ito, hindi makatatayo sa
kanyang sarili ang isang teksto. Kailangan, kung gayon, na mapili ang wasto at angkop na istruktura
ng teksto depende sa paksa at sa mga detalyeng kaugnay nito. Kailangan ding maisaayos ang
nilalaman sa isang lohikal na order.
Gabay na katanungan:
1. Ano-ano ang mga mahahalagang impormasyon o detalyeng kailangang ilahad at talakayin sa
katawan?
2. Bakit iyon mahalaga at kailangan?
3. Paano dapat ilahad ang mga impormasyon o detalyeng iyon?

C. Wakas: Paglalagom at Kongklusyon


Ang wakas ang panghuling bahagi ng isang teksto. Tulad ng panimula, kailangan din itong maging
makatawag-pansin sapagkat ang pangunahing layunin sa pagbubuo nito ay ang pag-iiwan ng isao
ilang mahahalagang kakintalan sa mga mambabasa. Ito kasi ang nagsisilbing huling impresyon na
mananatili sa isipan ng mambabasa na maaaring makaimpluwensiya sa pagbabago ng kanyang
pananaw ukol sa paksang tinatalakay o impormasyong natutunan.
Ang lagom ang pinakabuod ng kabuuan ng teksto. Dito inilalahad ang kabuuan ng teksto sa
pinakamaikling paraan.
Inilalahad naman ng Kongklusyon ang inferences, proposisyon o deductions na mahahango sa
pagtalakay sa teksto.
Hindi dapat maging mahaba ang maligoy ang pagwawakas ng teksto. Ito ay nakababawas sa bisa ng
teksto.

Proseso ng Pagsulat

A. Bago Magsulat (Pre-writing)

Sa hakbang na ito, nagaganap ang paghahanda sa pagsulat. Ginagawa rito ang pagpili ng paksang
isusulat at ang pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat. Ang pagpili ng
tono at perspektib na gagamitin ay nagaganap din sa hakbang na ito.
Mungkahing pre-writing activities: pagsulat ng journal, brainstorming, questioning, pagbabasa at
pananaliksik, sounding-out friends, pag-iinterbyu, pagsasarbey, obserbasyon, imersyon at
eksperimentasyon.

a. Brainstorming – ang paglilista ng mga paksang kaugnay sa interes ng manunulat. Kaugnay ng


kanyang paglilista ay ang pagkokonsidera ng kanyang kaalaman at kakayahang linangin ang paksang
nabanggit.

b. Clustering – pagkatapos ng brainstorming, maaaring pumili ang manunulat, maaari na niya itong
iklaster upang makabuo ng mga sub-topics. Ang mga sub-topics ay iuugnay sa punong paksa. Sa
ganitong paraan, malalaman ng manunulat kung ano ang mga paksang kaugnay at ‘di-kaugnay sa
paksang susulatin.

c. Outlining – Pagkatapos makabuo ng klaster o idea web, susubukin ng manunulat na isaayos ang
mga ideyang kaugnay ng paksa sa pamamagitan ng paggawa ng balangkas o outline. Iaayos ng
manunulat ang mga paksa sa lohikal na pagkakasunod-sunod. Sa paggawa ng balangkas, ang mga
mahahalagang bahagi ng susulating paksa ay dapat na maipaloob sa balangkas: ang simula, katawan
at ang pangwakas.

Pagbabalangkas – ang sistema ng isang maayos na paghahati-hati muna ng mga kaisipan ayon sa
tuntuning lohikal na pagkakasunod-sunod bago ganapin ang pag-unlad na pagsusulat. (Arrogante,
1992)
Kategorya:
1. Dibisyon – sa bahaging ito, inilalagay ang mga pangunahing ideya. Pinananandaan ng mga
bilang –romano (I, II, III, IV, V……)
2. Seksyon – ginagamit na pananda ang mga malalaking titik ng alpabeto. (A,B,C,D,E…..)
3. Sab-dibisyon – panandang ginagamit ang mga bilang-arabiko. (1,2,3,4,5…..)
Uri:
1. Papaksang balangkas – binubuo ng parirala o isang salita, na ang bawat bahagi ay nahahati sa
mga pangunahing ideya na sinusuportahan ng mga subordineyt na ideya o kaugnay na detalye.
Ang mga subordineyt na ideya ay dapat na magkakaugnay at nakapailalim s pangunahing ideya.
2. Papangungusap na Balangkas – binubuo ng mahahalagang pangungusap na sadyang bahagi ng
sulatin. Kinakailangan na may konsistensi sa paggamit ng anyo.

a. Deklaratibo – dapat hanggang dulo ng balangkas ay deklaratibo.


b. Interrogatibo – dapat hanggang dulo ng balangkas ay interrogatibo.
3. Patalatang Balangkas – binubuo ng mga pangungusap na nagsasabuod sa mga gagawing talata.
Pinagsunod-sunod lamang ang mga talata at hindi nangangailangan ng detalye.
d. Focused freewriting – ang pagsubok na linangin ang mga paksa sa nasabing working outline mula
sa ideya tungo sa pagbuo ng mga pangungusap at talata. Sa paggawa nito, ang manunulat ay susubok
gumawa ng burador o rough draft.

B. Ang Aktuwal na Pagsulat o Drafting (Actual Writing)


Ito ang ikalawang hakbang sa pagsulat. Dito isinasagawa ang aktuwal na pagsulat. Nakapaloob dito
ang pagsulat ng burador o draft. Para sa mga akdang tuluyan o prosa, kinapapalooban ito ng mga
hakbang sa pagtatalata.

a. Panimulang talata – binubuo ng epektibong pagganyak o motivation. Sa isang papel ng


pananaliksik, ito ay malimit na overview o isang oryentasyon sa mambabasa tungkol sa
tatalakaying paksa.
b. Pangkatawang Talata – naglalaman ng paglalahad, pagbibigay ebidensya, paglalarawan,
pangangatwiran, paghahambing, pagbibigay halimbawa, pagpapaliwanag ng proseso, sanhi at
bunga at iba pa.
c. Pampinid na talata – naglalayon na magbigay ng kongklusyon at paglalahat batay sa mga
puntos na nailahad sa katawan ng papel na pananaliksik. Dito binibigyang-diin ng manunulat ang
kanyang nais na patunayan kaugnay ng kanyang tesis.

C. Pag-eedit ng Naisulat na Diskurso (Rewriting)


Dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong grammar, bokabulari, at
pagkakasunod-sunod ng mga ideya o lohika. Ang isang sulatin ay hindi magiging kompleto at
epektib kung hindi ito dadaan sa editing at rebisyon. Mahalagang Makita ang mataas na uri ng
pagkakasulat sa isang obra upang maging kapani-paniwala ito sa mga mambabasa at maging
mahusay na batayan ng iba pang impormasyon.
a. Panlabas na kaanyuan – natutungkol sa wastong gamit ng ispeling at bantas. Kailangang
rebyuhin ng manunulat ang mga pamantayan at tuntunin sa paggamit ng mga bantas.
b. Pag-aayos ng Gramatiko – pag-aayos ng mga salita sa isang pangungusap at pag-aayos ng mga
pangungusap sa kabuuan ng talata.
c. Pag-aayos ng Semantikong katangian ng bawat talata – ang kaisipang inihayag sa bawat
talata ay dapat na makabuluhan at angkop sa bawat paksang nililinang. Kung may mga dapat
alising pangungusap, o palitang mga salita dahil hindi akma ang ideya sa nais na iparating,
kailangang magawa ang mainam na pag-eedit.

Pagsasaayos ng Datos

Tatlong Paraan sa Pangangalap ng Datos


1. Pagbubuod (Summarizing) – o synopsis ay isang uri ng pinaiksing bersyon ng isang panulat nang
hindi nababawasan ang orihinal sapagkat naroon din ang pangunahing ideya at mga detalyeng
sumusuporta.
2. Paghahawig (Paraphrasing) – malayang ipinahahayag ang mga tala batay sa paliwanag sa orihinal. Sa
ganitong paraan, napipilitang mag-isip at umunawang mabuti sa kabuuang ideya ang kumukuha ng tala
na hindi nangyayari kapag kinokopya lamang ang mga tala sa pinagkukunan.
3. Direktang Sipi (Quoting) – kumpletong kinopya ang mga salita o pangungusap mula sa sanggunian at
ikinukulong iyon sa panipi.

Pananaliksik
A. Kahulugan
Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa
pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na
suliranin tungo sa klaripikasyon at/o solusyon.
Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon
hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. (Aquino, 1974)
Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas
ang isang particular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan (Manuel at Medel, 1976)
Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. (E.
Trece at J.W. Trece, 1973)

B. Layunin
a. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang phenomena.
b. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na
metodo at impormasyon.
c. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o produkto.
d. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements.
e. Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements.
f. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan, at iba
pang larangan.
g. Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.
h. Mapalawak o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman.

C. Katangian ng Mabuting Pananaliksik


a. Sistematik. g. Orihinal na akda.
b. Kontrolado. h. Akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon
c. Empirikal. at deskripsyon.
d. Mapanuri i. Matiyaga at hindi minamadali.
e. Obhektibo, lohikal at walang pagkiling. j. Pinagsisikapan.
f. Gumagamit ng kwantitatibo o istatistikal k. Nangangailangan ng tapang.
na metodo. l. Maingat na pagtatala at pag-uulat.

D. Katangiang Dapat taglayin ng Isang Mananaliksik


a. Masipag
b. Matiyaga
c. Maingat
d. Sistematik
e. Kritikal o mapanuri

E. Mga Pananagutan ng Isang Mananaliksik


Katapatan ang pinakapangunahing pananagutan ng isang mananaliksik.
a. Kinikilala ng mananaliksik ang lahat ng pinagkunan niya ng datos.
b. Bawat hiram na termino at ideya ay kanyang ginagawan ng karampatang tala.
c. Hindi siya nagnanakaw ng mga salita ng iba kundi sinisipi ito at binibigyan ng karampatang
pagkilala, at
d. Hindi siya nagkukubli ng datos para lamang palakasin o pagtibayin ang kanyang argument o para
ikiling ang kanyang pag-aaral sa isang particular na pananaw. (Atienza, et al. 1996)

Ang Pamanahong Papel

Ang pamanahong papel ay isang uri ng papel-pananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga


estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang akademiko.
A. Mga Pahinang Preliminari o Front Matters

a. Fly Leaf 1 ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat na kahit ano sa pahinang
ito. Sa medaling sabi, blangko ito.
b. Pamagating Pahina ang tawag sa pahinang nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel. Nakasaad
din dito kung kanino iniharap o ipinasa ang papel, kung saang asignatura ito pangangailangan, kung sino
ang gumawa at panahon ng kumplesyon. Kung titingnan sa malayuan, kailangang magmukhang
inverted pyramid ang pagkakaayos ng mga impormasyong nasa pahinang ito.
c. Dahon ng Pagpapatibay ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at
pagkakatanggap ng guro ng pamanahong papel.
d. Sa pahina ng Pasasalamat o Pagkilala tinutukoy ng mananaliksik ang mga indibidwal, pangkat,
tanggapan o institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat ng pamanahong-papel at kung gayo’y
nararapat pasalamatan o kilalanin.
e. Talaan ng Nilalaman nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong-papel
at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
f. Sa Talaan ng mga talahanayan at Grap nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o grap na nasa
loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
g. Ang Fly Leaf 2 ay isa na namang blangkong pahina bago ang katawan ng pamanahong papel.

Hindi nilalagyan ng bilang ng pahina o pagination ang mga pahinang preliminary. May mga
pamanahong papel din ang kakikitaan ng Pag-aalay o Dedikasyon na isang opsyonal na pahina.

B. Kabanata 1: Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Ang kabanatang ito ay nahahati sa mga sumusunod na bahagi:


a. Ang panimula o Intriduksyon ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang
pagtalakay ng paksa ng pananaliksik.
b. Sa layunin ng pag-aaral, inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang
pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang mga ispesipik na suliranin na nasa anyong patanong.
c. Sa kahalagahan ng pag-aaral, inilalahad ang signipikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng
pag-aaral. Tinutukoy rito ang maaaring maging kapakinabangan o halaga ng pag-aaral sa iba’t ibang
indibidwal, pangkat, tanggapan, institusyon, propesyon, disiplina o larangan.
d. Sa saklaw at delimitasyon tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Dito itinatakda ang
parameter ng pananaliksik dahil tinutukoy rito kung ano-ano ang baryabol na sakop at hindi sakop ng
pag-aaral.
e. Itinatala naman sa Depinisyon ng mga Terminolohiya ang mga katawagang makailang ginamit sa
pananaliksik at ang bawat isa’y binigyan ng kahulugan. Ang pagpapakahulugan ay maaaring
konseptuwal (ibinibigay ang istandard na depinisyon ng mga katawagan) o operasyonal (kung paani
iyon ginamit sa pamanahong papel).

May mga pamanahong papel na kakikitaan ninyo ng Conceptual o Theoretical Framework, Hypotheses
at Assumptions sa Kabanata 1.

C. Kabanat II: Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Sa kabanatang ito, tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng
pananaliksik. Kailangan ding matukoy ng mananaliksik kung sino-sino ang mga may-akda ng naunang pag-
aaral o literature, disenyo ng pananaliksik na ginamit, mga layunin at mga resulta ng pag-aaral.
Hanggat maaari, ang mga pag-aaral at literaturang tutukuyin at tatalakayin dito ay iyong mga bago o
nalimbag sa loob ng huling sampung taon.
Katangian:
1. Obhetibo o walang pagkiling
2. Nauugnay o relevant sa pag-aaral
3. Sapat ang dami o hindi napakakaunti o napakarami.

D. Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

a. Sa disenyo ng pananaliksik nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral.
b. Sa bahaging ito, tinutukoy ang mga Respondents ng sarbey, kung ilan sila at paano at bakit sila napili.
c. Sa instrumento ng Pananaliksik, inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap ng
mga datos at impormasyon. Iniisa-isa rito ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung maaari, kung
paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang. Sa bahaging ito, maaaring mabanggit ang interbyu o
pakikipanayam, pagko-conduct ng sarbey at pagpapasagot ng survey questionnaires sa mga respondent
bilang pinakakaraniwan at pinakamadaling paraang aplikabol sa isang descriptive-analitik na disenyo.
d. Sa treatment ng mga datos inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga
numerical na datos ay mailarawan. Dahil ito’y isang pamanahong papel lamang, hindi kailangan
gumamit ng mga kompleks na istatistikal treatment. Sapat na ang pagkuha ng porsyento o bahagdan
matapos mai-tally ang mga kasagutan sa questionnaire ng mga respondent.

E. Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstuwal at
tabular o grapik na presentasyon. Sa teksto, inilalahad ng mananaliksik ang kanyang analisis o pagsusuri.

F. Kabanata V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

a. Sa Lagom, binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensibong


tinalakay sa Kabanata III.
b. Ang kongklusiyon ay mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkalahatang
pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik.
c. Ang Rekomendasyon ay mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa
pananaliksik.

G. Mga Panghuling Pahina

A. Ang Listahan ng Sanggunian ay isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng
mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong papel.
B. Ang apendiks ay tinatawag ding dahong-dagdag. Maaaring ilagay o ipaloob dito ang mga liham,
pormularyo ng ebalwasyon, transkripsyon ng interbyu, sampol ng survey questionnaire, bio-data ng
mananaliksik, mga larawan, kliping at kung ano-ano pa.

You might also like