Mga Bahagi NG Teksto
Mga Bahagi NG Teksto
Mga Bahagi NG Teksto
A. Panimula
- napakahalagang bahagi ng isang teksto sapagkat nagsisilbi itong pang-akit sa mga mambabasa upang basahin
ang teksto. Kung hindi epektib ang paraan ng pagsisimula ng teksto, hindi magiging interesado ang mga
mambabasa sa mga susunod na mga bahagi niyon.
- bahagi ng teksto na nagpapakilala sa paksa. Sa bahaging ito, iniintrodyus ang topic na iikutan ng teksto at
inilalatag ang kaligiran ng paksa na maaaring buuin ng proposisyon, pahayag o asersyon hinggil sa tatalakaying
paksa o mga katwirang papatunayan o papasinungalingan.
- ang panimula ay nagbibigay-ideya sa mga mambabasa kung tungkol sa aling paksa ang teksto at kung no ang
paniniwala, asersyon o proposisyon ng may-akda sa paksang iyon bukod pa sa nagsisilbi itong pang-akit at
panawag-pansin.
- Kung epektib ang pagkakasulat ng panimula, makabubuo agad ng hinuha ang mambabasa tungkol sa teksto at
hindi sila malilihis sa tunay na nilalaman niyon. Kung magkakagayon, magsisilbi itong isang malakas na pwersa
upang ipagpatuloy nila ang pagbabasa sa teksto.
- May mga teksto kasing ganda ng simula, ngunit walang nilalaman o hindi maayos ang paglalahad ng nilalaman.
Samakatuwid, sa pagsulat ng katawan ng isang teksto, mahalagang maisaalang-alang ang istruktura, nilalaman at
kaayusan nito. Tandaang ang katawan ay hindi lamang ang kalakhan at pinakamahabang bahagi ng isang teksto.
Ito rin ang pinakamahalagang bahagi ng anumang teksto.
- Nilalaman ang pinakaluluwa ng isang teksto. Samakatuwid, sa pagsulat ng katawan, kailangang matukoy muna
ang mahahalagang impormasyong dapat ipaloob doon. Samantala, ang istruktura at order ang pinakakalansay
ng isang teksto. Kung wala ito, hindi makatatayo sa kanyang sarili ang isang teksto. Kailangan, kung gayon, na
mapili ang wasto at angkop na istruktura ng teksto depende sa paksa at sa mga detalyeng kaugnay nito.
Kailangan ding maisaayos ang nilalaman sa isang lohikal na order.
- Tulad ng panimula, kailangan din itong maging makatawag-pansin sapagkat ang pangunahing layunin sa
pagbubuo nito ay ang pag-iiwan ng isa o ilang mahahalagang kakintalan sa mga mambabasa. Ito kasi ang
nagsisilbing huling impresyon na mananatili sa isipan ng mambabasa na maaaring makaimpluwensya sa
pagbabago ng kanyang pananaw ukol sa paksang tinalakay o impormasyong natutunan.
- Ang lagom ang pinakabuod ng kabuuan ng teksto. Dito inilalahad ang kabuuan ng teksto sa pinakamaikling
paraan. Samantala, inilalahad naman sa kongklusyon ang inferences, proposisyon o deductions na mahahango
sa pagtalakay sa teksto.
a.1. Pagtatala
a.1.1. Tuwirang Sipi
- pinakamadaling pagtatala ang pagkuha ng tuwirang sipi. Walang ibang gagawin dito kundi ang
kopyahin ang ideya sa kard. Mangyaring ipaloob sa panipi ang sipi upang matandaan na ito ay
tuwirang sipi. Tiyakin lamang na wasto ang pagkokopya ng mga datos at hindi nababago sa
proseso ng pagkopya. Tulad ng nabanggit kanina, lalagyan ng tala kung pang-ilang ideya na ito
mula sa sangguniang ginagamit.
a.1.2. Buod, Presi at Hawig
- Ang buod o sinopsis ay isang uri ng pinakaikling bersyon ng isang panulat. Taglay nito ang mga
pangunahing ideya ng panulat nang may bahagyang pagdedetalye upang mabigyan ng
pangkalahatang ideya ang nagbabasa sa tinatalakay na paksa.
- Ang presi ay galling sa salitang Prannses na ang ibig sabihin ay “pruned or cut-down statement.
Ibig sabihin, ito ay isang tiyak na paglalahad ng mga mahahalagang ideya ng isang mahabang
prosa o berso, gamit ang sariling salita ng nagbabasa. Inilalahad ang mga ideya ng akda sa
paraang walang komentaryo o interpretasyon at sa parehong mood o tono at punto de vista ng
orihinal na akda sa pinakamaikling paraan.
- Ang hawig o paraphrase ay isang hustong paglalahad ng mga ideyang gamit ang higit na payak
na salita ng nagbabasa.