Komprehensipong Pagbabasa
Komprehensipong Pagbabasa
Komprehensipong Pagbabasa
INTRODUKSYON
Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na matukoy ang antas ng pag-unawa ng mga
estudyante sa kanilang binabasang mga akda na alinsunod sa kurikulum ng K to 12.
Bawat baitang ng mga estudyante ay may iba’t ibang babasahin na angkop na kanilang
basahin. Nariyan ang mga maikling kwento, nobela, alamat, pabula at iba pa.
Sa pag-usbong ng modernong teknolohiya ay siya ring paglawak ng ilang mga
babasahin. Iba’t ibang genre ang makikita sa ilang mga babasahin. At dahil dito, ang
kurikulum ng K to 12 ay sumabay sa modernong estilo ng mga babasahin. Makikita ang
modernong babasahin na ito sa ikatlong markahan alinsunod sa Curriculum Guide na
ginawa ng Departamento ng Edukasyon. Ang mga estudyante ay hinihimok na basahin
ang iba’t ibang kwento na ito upang malaman ang lawak ng kanilang pagka-unawa sa
binasa.
Ang pagkatuto sa pagbabasa’y pinakapangunahing layunin ng edukasyon. Ngunit
sa paglipas ng panahon, ang pagbabasa ng mga estudyante na may kasamang pag-unawa
ay unti-unti ng humihina. Ayon sa Philippine Reading Inventory (2010), 97.5 % ng
literacy rate ay tunay ng nakamamangha ngunit kung titignan ang naging resulta ng
National Achievement Test noong 2012, ang mga estudyante sa ikatlong baiting ay may
Mean Percentage Score ng 54.42% sa komprehensibong pagbabasa sa Ingles at 58.61%
naman sa Filipino. At batay sa mga nakuhang datos, ang mga mag-aaral ay nasa
katamtaman mambabasa lamang.
Karagdagan nito, ayon sa pahayag ni Dr. Yolanda Quijano (2010), Ulong- Guro
ng Departamento ng Edukasyon sa Elemtarya, “reading problems as the main culprit for
the poor performance of some students in the NAT.”
Kaugnay naman nito, sa pag-aaral ng National Assessment of Educational
Progress (2015), lumabas sa kanilang pag-aaral na ang porsyento ng pagbabasa noong
mga nakalipas na 20 taon ay naging 27 hanggang 34 porsyento lamang. Kung titignan
ang mga bilang na lumabas sa pag-aaral, masasabing maliit lamang ang iniangat na
pagtaas sa komprehensibong pagbabasa.
Ang pagtuturo sa pagbabasa na may kasamang pag-unawa ay kailangang bigyang
pansin ng Departamento ng Edukasyon. Sa makatwid, ang mga babasahin na kay haba-
haba sa lumang curriculum ay muli ng nirebisa at binago. Isa sa mga makikita na
babasahin sa binagong curriculum ay ang mga kontemporaryong mga babasahin na
katulad ng dagli na mas maikli sa anumang mga maikling kwentong kanilang nakagisnan.
1
Ang Dagli isang maikling- maikling akda na aabot lamang ng isa o dalawang
pahina ang haba. Bilang isang guro sa baiting 8 ng Filipino, kapansin-pansin ang tila
kahinaan ng mga mag-aaral sa pag-unawa ng binasang dagli sa mga nakaraan taon. Kung
kaya ang mananaliksik ay nagsumikap na malaman ang antas ng lebel ng
komprehensibong pagbasa ng mga dagli ni Eros Atalia, alinsunod sa Gabay na
Kurrikulum sa Filipino 8. Nilalayon din ng mananaliksik na matukoy ng mga mag-aaral
ang tema at kahalagahang pampanitikan sa mga babasahing dagli ni Eros Atalia.
TEORITIKAL NA BALANGKAS
2
KONSEPTWAL NA BALANGKAS
3
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
1.1. Edad
1.2 Kasarian