Word Modyul-3.Tekstong Naratibo

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Pagbasa at Pagsusuri

ng Iba’t Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik
Unang Markahan – Modyul 3:
Tekstong Naratibo
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Tekstong Naratibo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim:


Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Tagbilaran City Schools Division


Office Address:

Telefax:
E-mail Address:
Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Unang Markahan – Modyul 3:
Tekstong Naratibo

Note :
This material is locally developed by selected writers for educational
purposes only. Although, the writer and the division office have made every
effort to ensure that the information and content in this module are accurate,
the materials still subject for continuous quality assurance for DepEd
Learning Resources Standards compliance. The circulation of the learning
material shall be limited to public schools within the jurisdiction of the
Division of Tagbilaran City. Reproduction for commercial purposes is
prohibited. Feedback, comments and suggestions are welcome for the
improvement of this learning material.
cid-lrmds
nss-7.18.20
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik sa Ikalabin-Isang Baitang ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling Tekstong Naratibo.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

4
Malugod na pagtanggap sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik sa Ikalabin-Isang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
ukol sa (Tekstong Naratibo).
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
Balika
n kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
Pagyamanin
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
Isagawa
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.
Susi sa
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid
o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at nilikha para sa inyo. Makakatulong ito upang
malaman ang tekstong naratibo na naglalayong magsalaysay o magkwento ng mga
pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa
isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod.
Saklaw ng modyul na ito ang katuturan ng tekstong naratibo at ang elemento nito.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa ikatlong aralin:

● Aralin 3 – Tekstong Naratibo


Inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. Nabibigyang-katuturan ang tekstong naratibo
2. Nakabubuo ng sariling maikling kwento
3. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig.

Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.


1. Sumakay ka ng Traysikel papuntang eskwelahan. Nagkaaberya ito na
naging dahilan upang mahuli ka sa klase. Kung isusulat mo ang salaysay ng
nangyari sa iyo sa sinakyan mong traysikel, ano ang maari mong gawing
paksa?
a. Senaryo sa pagpasok
b. Suliranin sa klase
c. Trapik sa lansangan
d. Daan tungo sa paaralan

2. Ano ang tawag sa tekstong tila nagkukuwento patungkol sa tiyak at


pagkasusunod-sunod ng pangyayari?
a. Deskriptibo
b. Impormatibo
c. Naratibo
d. Prosidyural

3. Ito ay ang maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari. Ano ang tawag dito?
a. Banghay
b. Tagpuan
c. Tauhan
d. Tema

4. Alin sa mga sumusunod ang napapabilang sa mga halimbawa ng tekstong


naratibo?
a. Dyaryo
b. Magasin
c. Resipe book
d. Talambuhay

5. Habang ikaw ay naglalakad pauwi ng bahay galing sa eskwelahan, may


nakita kang babae na nakahandusay sa kalsada at humihingi ng
makakain, ibinili mo siya ng makakain at maiinom. Ano ang angkop na
paksa na gagamitin mo?
a. Magagandang tanawin sa lansangan
b. Kahirapan, suliranin ng lipunan
c. Babaeng nagugutom
d. Kalyeng lubak lubak

TEKSTONG NARATIBO

Balikan

Mahilig ka bang magbasa? Sagutin ang ilang katanungan sa ibaba kaugnay


ng mga akdang nabasa mo.
1. Ano ang paborito mong Maikling kwento?
Isulat ang maikling buod nito.
2. Ano ang paborito mong Pabula?
Isulat ang maikling buod nito.

3. Ano ang paborito mong Alamat?


Isulat ang maikling buod nito.

4. Ano ang paborito mong Nobela?


Isulat ang maikling buod nito.

Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang teksto sa ibaba.

“Ang Mahiwagang Singsing ni Reyna Marikit”


Ni SANDY CHAZ

Matagal ng patay ang hari ng Calvar na si Haring Damian. Ang


kanyang kaharian ay makikita sa pinaka-dakong silangan ng mundo.
Naiwan ito sa kanyang kabiyak na si Reyna Marikit. May apat na
anak na lalake ang hari at reyna. Sila ay sina Prinsipe Diego, Prinsipe
Faustino, Prinsipe Tales, at ang bunso, si Prinsipe Marfino. Marami
ang nagtataka kung sino sa apat na pinsipe ang magiging
tagapagmana ng kaharian. Isa lang ang pwedeng magmana ng
kaharian. Subalit, lingid sa alam ng marami, hindi ang kaharian ang
nais manahin ng apat na prinsipe kung hindi ay ang mahiwagang
singsing ng kanilang ina. Tanging ang Haring Damian at ang kanilang
mga anak ang nakakaalam na ang singsing ni Reyna Marikit ang
dahilan kung bakit hindi maubos-ubos ang kayamanan ng kanilang
kaharian. Isang araw, naramdaman ng reyna na talagang humihina
na siya at kailangan na niyang makapagpasya kung kanino ibibigay
ang singsing. Tanggap na niya na anumang oras ay pwede siyang
mawala. Upang malaman ng reyna kung kanino niya dapat ibigay ang
singsing, tinawag niya ang apat na anak na lalake at binigyan sila ng
maraming ginto.“Pumunta kayo sa kabilang kaharian. Sa kaharian ng
Tipora. Bawat isa sa inyo ay magdala ng tig-dalawang sako ng ginto.
Nasa sa inyo kung anong gagawin ninyo sa gintong dala ninyo
doon,” sabi ng reyna sa apat niyang anak.
Dali-daling kumuha ng tig-dadalawang sako ng ginto ang
magkakapatid. Sumakay sila sa kanilang mga kabayo at umalis na
patungong kaharian ng Tipora. Pagdating nila doon, nakita ni Prinsipe
Diego ang prinsesa ng Tipora. “O magandang prinsesa,
ipagpaumanhin mo po pero naririto kami ng aking mga kapatid upang
tignan kung maayos lang ba ang kalagayan ninyo dito?” sambit ng
prinsipe na siya namang ikinagulat ng kanyang mga kapatid. Lumakad
na ang tatlong prinsipe at naiwan si Prinsipe Diego na sadyang gandang-ganda
sa prinsesa. Buong maghapon silang nag-usap ngunit halatang ayaw ng
prinsesa sa kanya hanggang sa nakarinig ito ng masasarap na salita. “May
dala akong dalawang sako ng ginto. Nais ko sanang ibigay ito sa kaharian
ninyo bilang regalo,” sabi ni Prinsipe Diego na siyang nagpa-iba ng pakikitungo
ng prinsesa sa kanya. Dahil dito, nakuha niya ang loob ng prinsesa.

Habang naglalakbay sa Tipora, biglang huminto si Prinsipe Faustino sa


isang lugar kung saan maraming nagbebenta ng magagandang kasuotan at
alahas. Nagpaiwan siya doon at doon niya ginamit ang dala niyang mga
ginto. “Bagay ang mga ito sa akin, sa susunod na hari ng Calvar,” sabi ng prinsipe
habang namimili ng mga kasuotan na bibilhin.
Habang naglalakbay sina Prinsipe Tales at Prinsipe Marfino, nakarating sila
sa isang parte ng kaharian na maraming magsasaka, alipin, at pulubi na
nakatira. Doon, ipinamigay ni Prinsipe Tales ang isang sako ng ginto na dala
niya.“Mukhang hindi yata mabuti ang pakiramdam nitong kapatid ko.
Ipinamigay lang niya ang isang sako ng ginto,” sabi ni Prinsipe Marfino sa sarili
habang ipinapanood ang ginagawa ni Prinsipe Tales.

Bago dumilim, naglakbay na pabalik ng Calvar ang magkakapatid. Wala


nang ginto na dala sina Prinsipe Diego at Prinsipe Faustino. Isang
sako ng ginto naman ang dala ni Prinsipe Tales pabalik at si Prinsipe
Marfino naman ay dalawang sako pa rin. Pagdating nila sa Calvar, agad
na nagpahinga ang tatlong prinsipe samantalang si Prinsipe Tales ay tumungo
ng Eukagereya, ang lugar sa kanilang kaharian kung saan nakatira ang mga
ordinaryong manggagawa.

Doon, pumasok ang prinsipe sa mga bahay-bahay at ipinamigay ang mga ginto
na dala niya. Labis naman itong ikinagalak ng mga tao.

Kinabukasan, ipinatawag ni Reyna Marikit ang apat na prinsipe. Doon niya


sinabi sa kanyang mga anak ang pasya niya tungkol sa kaharian at sa
mahiwagang singsing. “Mga mahal kong prinsipe, nakapagpasya na ako kung
kanino mapupunta ang pamamahala sa kaharian at ang mahiwagang singsing.
Masakit man sa akin ang mamili sa inyo pero kailangan kong gawin ito at
sana’y maintindihan ninyo.
Prinsipe Diego, hindi ko maaaring ibigay sa iyo ang singsing sapagkat hindi ito
pwedeng gamitin sa pansariling mga intensyon. Ito ay hindi mo pag-aari
tulad ng ginto na ibinigay mo sa prinsesa upang makuha siya. Kaharian ang
may-ari nito.
Prinsipe Faustino, hindi sa damit nasusukat ang pagiging hari o reyna. Ito ay
nasusukat kung paano mo pangalagaan ang iyong kaharian kabilang na ang
yaman nito.
Prinsipe Marfino, tanging ikaw ang hindi gumamit ng ginto na dala mo sa Tipora.

Maging sa pag-uwi mo dito ay walang bawas iyon. Subalit, sana’y


maintindihan mo na ang yaman na tinatago ay hindi naglalago.
Maraming tao ang nangangailangan nito. Kaya, ako’y nakapagpasya na ang
susunod na magiging hari ng Calvar ay si Prinsipe Tales. Sa kanya rin
mapupunta ang mahiwagang singsing. Katulad siya ng ama ninyo na nais
tumulong sa mga pinakamaliliit na tao sa kaharian.
Hindi rin nagdalawang-isip si Prinsipe Tales na tumulong sa mga dukha sa
kabilang kaharian. Alam ninyo na hindi kailanman mauubos ang yaman na
ibinibigay ng mahiwagang singsing kung kaya’t tutulongan ang dapat
tulungan,” sabi ng reyna.
Lubos na naintindihan ng magkakapatid ang pasya ni Reyna Marikit. Labis
rin nilang isina-isip ang mga sinabi niya. Ang apat na prinsipe ay
nagkasundo na magsumikap sa pagpapatakbo ng kaharian at pagtulong sa
mga nangangailangan.

Suriin

Tekstong Naratibo

▪ Tekstong Naratibo ang tawag sa isang teksto kung ito ay nasa


anyong nagsalaysay. Ang tekstong ito ay tila nagkukuwento
patungkol sa tiyak at pagkasusunod-sunod ng pangyayari.
▪ Nilalayon din ng tekstong naratibo na magbigay-kabatiran, o
magbigay ng kawilihan sa mambabasa.
▪ Ang tekstong Naratibo ay nagpapakita at nagbibigay ng mga
impormasyon tungkol sa isang tiyak na tagpo, panahon, sitwasyon
at mga tauhan.
▪ Ito ay maaaring pasulat o pasalita at nag-iiwan ng isang matibay na
kongklusyon.
Tekstong Naratibong Di-Piksiyon at Piksiyon

▪ Ang tekstong Naratibo ay maaaring piksyon o di-piksyon.

Di-Piksiyon

▪ Ang mga naratibong di-piksyon ay nakabatay sa personal na


karanasan ng manunulat o maaaring isang kuwento ng isang tao.
Halimbawa:

Anekdota, Talambuhay, Journal, Diyari

Piksiyon

▪ Ang mga naratibong piksiyon ay likha ng mayaman at malikhaing


pag-iisip ng may-akda.
Halimbawa:

Nobela, Alamat, Pabula, Maikling kwento, Dula

Pangunahing Kaisipan

Mga Dapat Tandaan

1. Tumutukoy sa nais sabihin at ipaunawa ng sumulat tungkol sa


paksa.
2. Karaniwang matatagpuan sa hulihan at sa unahan ng talata.
3. May pagkakataong hindi lantad sa talata ang pangunahing kaisipan.
4. Ang mga detalye ang gagabay sa mga mambabasa upang maunawaan
ang nilalaman ng talata.
5. Ang pantulong na kaisipan ay nagtataglay ng mahahalagang
impormasyon o mga detalye.
Pag-uuri ng mga Ideya o Detalye

▪ Ang isang teksto ay binubuo ng mga ideya, pangungusap at detalye.


Ito ay binubuo ng pangunahing ideya at mga pansuportang ideya o
detalye. Nagagawang malinaw ang isang masalimuot na paksa sa
pamamagitan ng mga pangungusap na tiyakang sumusuporta sa
pangunahing ideya.
▪ Ang pangunahing ideya ay paksang pangungusap na batayan ng mga
detalyeng inilahad sa teksto. Ito ay maaaring matagpuan sa
introduksyon, katawan o kongklusyong bahagi ng teksto. May mga
pagkakataon naman na ang pangunahing ideya ay hindi tuwirang
binanggit sa teksto.
▪ Samantala, ang pansuportang ideya ay mga detalyeng may
kaugnayan sa paksang pangungusap upang lubusang maunawaan
ang kaisipan ng teksto. Ang pagtukoy sa mga pansuportang detalye
ay malaking tulong upang matukoy ang paksa at pangunahing ideya
ng teksto.
Halimbawang Teksto:

Ang karapatang pantao ay karapatang nagbibigay kaganapan sa ating


pagkatao. Ang karapatang mabuhay ay pangunahing karapatan ng tao
sapagkat kung wala ito, wala na rin ang pagkakataon upang matamasa niya
ang iba pang karapatan. May karapatan din siyang maging mahalaga. At
tratuhin bilang isang indibidwal na may dignidad. Karapatan din ng tao ang
maging maunlad. Patuloy na sinisikap ng tao na maigapang ang kanyang
sarili at pamilya sa mabilis na pag-unlad tungo sa kaginhawaan.

Pangunahing Ideya:

▪ Ang karapatang pantao


Mga pansuportang Ideya:

▪ Karapatang mabuhay
▪ Karapatang maging mahalaga
▪ Karapatang maging maunlad
May mga Elemento ang mga Tekstong Naratibo
Ang isang katangiang taglay ng lahat ng tekstong naratibo ay ang
pagkukuwento Kaya naman taglay ng mga ito ang mahalagang elementong
lalong magbibigay daan sa nakalilibang, nakaaaliw, at nakapagbibigay-aral na
pagsasalayasay. Sa mga elementong ito makikita rin kung paano naihahabi o
pumapasok ang mga tekstong deskriptibo.
1. Tauhan
Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan. Ang dami o
bilang ng tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan. Mahirap
itakda ang bilang ng tauhanng magpapagalaw sa tekstong naratibo
ang pangangailangan lamang ang maaring magtakda nito. May
dalawang paraan sa pagpapakilala ng tauhan--- ang expository at
dramtiko. Expository kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o
maglalarawan sa pagkatao ng tauhan at dramatiko naman kung
kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o
pagpapahayag.
Ang karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo ay ang sumusunod:
● Pangunahing tauhan
Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa
kuwento mula simula hanggang sa katapusan. Karaniwang iisa
lamang ang pangunahing tauhan. Ang kanyang mga katangian ay
ibinabatay sa tungkulin o papel na kanayang gagampanan sa
kabuuan ng akda.
● Katunggaling tauhan
Ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang sumasalungat o
kalaban ng pangunahing tauhan. Mahalaga ang papel ng tauhang ito
sapakat sa maga tunggaliang mangyayari ay pagitan nila nabubuhay
ang mga pangyayari sa kuwento at higit na napatitingkad and mga
katangian ng pangunahing tauhan.
● Kasamang tauhan
Gaya ng ipinahihiwatig ng katawagan, ang kasamang tauhan ay
karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan. Ang
pangunahing papel o tungkulin niya ay sumuporta, hingahan, o
kapalagayang – loob ng pangunahing tauhan.
● Ang May- akda
Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may akda ay lagi nang
magkasama sa kabuooan ng akda. Bagama’t ang namamayani
lamang ay ang kilos at tinig nang tauhan, sa likod ay lagging
nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.

Ayon kay E.M. Firster (year), may dalawang uri ng tauhan ang
maaring makita sa isang tekstong naratibo tulad ng:
● Tauhan bilog (round character) Isang tauhang may
multidimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad.
Tulad ng isang tunay na katauhan, nagbabago ang kanyang
pananaw, katangian, at damdamin ayon sa
pangangailangan. Ang isang tahimik at mapagtimping
tauhan halimbawa ay maaring magalit at sumambulat kapag
hinihingi ng sitwasyon o pangyayari sa kuwento at
pangangailangan magbago ang taglay niyang katangian at
lumutang ang nararapat na emosyon o damdamin.
● Tauhang labad (flat character) Ito ang tauhang nagtataglay
ng iisa o dadalawang katangian madaling matukoy o
predictable. Madaling mahulaan at maiugnay sa kanyang
katauhan ang kanyang mga ikinikilos at maituturing na
stereotype tulad ng mapang-aping madrasta, mapagmahal
na ina, tinedyer na hindi sumusunod sa magulang, at iba
pa. Karaniwang hindi nagbabago o nag- iiba ang katangian
ng tauhang lapad sa kabuuan ng kuwento.

Sinasabi rin ni Froster(year) na kinakailangan Makita ang dalawang uring


tauhan sa tekstong naratibo. Bagama’t madaling matukoy o predictable ang
tauhang lapad ay hindi niya iminumungkahi ang pagtatangal sa ganitong
uri ng tauhan sa pagsulat ng akda upang masalamin pa rin nito ang tunay
na kalakaran ng mga tauhan sa ating mundo.
2. Tagpuan at panahon
Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang ang lugar kung saan
naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin ang
panahon (oras, petsa, taon) at maging ang damdaming imiiral sa
kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari tulad ng
kasayahang dala ng pagdiriwang sa isang kaarawang takot na
umiiral dahil sa lakas nang hampas ng hangin at ulang dala ng
bagyo, romantikong paligid sanhi ng maliwanag buwang
nakatunghay sa magkasintahang nanghahapunan sa isang hardin,
matinding pagod ng magsasakang nag –aararo sa ilalim ng tirik na
tirik na sikat ng araw, kalungkutan ng pamilyang nakatunghay
habang ibinababa sa kanyang huling hantungan ang isang
minamahal, at iba pa.

3. Banghay
Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang
temang taglay ng akda.

Makikita sa ibaba ang karaniwang banghay o balangkas ng isang


naratibo:
▪ Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan
maipakikilala ang mga tauhan, tagpuan, at tema (
Orientation or introduction)
▪ Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga
tauhan particular ang pangunahing tauhan (problem)
▪ Pagkakaroon ng saglit kasiglahang hahantong sa
pagpapakita ng aksyong gagawin ng tauhan tungo sa
paglutas sa suliranin (rising action)
▪ Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa
kasukdulan (climax)
▪ Pababang pangyayari na humahantong sa isang resolusyon
o kakalasan (falling action)
▪ Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas(ending)

Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensiyonal na


simula-gitna-wakas. May mga akdang hindi sumusunod sa ganitong
kalakaran at tinatawag na anachrony o mga pagsasalaysay na hindi
nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod.
Mauuri ito sa tatlo;
▪ Analepsis (Flashback) dito ipinapasok ang mga
pangyayaring naganap sa nakalipas.
▪ Prolepsis (flash-forward) dito nama’y pinapasok ang mga
pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.
▪ Ellipsis- may mga puwang o patlang sa pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari na nagpapakitang may bahagi
sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.
4. Paksa o tema
Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa
kuwento. Mahalagang malinang ito ng husto sa kabuuan ng akda
upang mapalutang na may-akda ang pinakamahalagang
mensaheng nais niyang maparating sa kanyang mambabasa.

Pagyamanin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.

1. Ano ang Paksang tinalakay sa kwento?


_______________________________
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento at tukuyin kung sino ang mga
tauhang lapad at tauhang bilog.
_______________________________
3. Pagkabasa mo sa teksto, ano ang layunin ng awtor o may-akda sa
pagbabahagi niya sa sitwasyon ng mga prinsipe?
_______________________________
4. Sa paanong paraan ang reyna ay nakapagpasya kung sino ang pipiliin
niyang tagapagmana ng kanilang kaharian at sa mahiwagang singsing?
_________________________________
5. Ano-ano ang aral na nakuha sa pagbasa mo ng nasabing kwento?
Isaisip

1. Ang maikling kwento, pabula, alamat, at nobela ay ilan sa mga


halimbawa ng tekstong Naratibo. Batay sa nalalaman mo tungkol sa
mga akdang ito, Anong pagpapakahulugan ang maibibigay mo para sa
tekstong Naratibo? Isulat sa ibaba.
_________________________________________________________________________

2. Paano mo maiuugnay ang natutunan mo sa tekstong deskriptibo sa


paggawa ng tekstong naratibo?
_________________________________________________________________________

3. Bakit maituturing na naratibo ang mga akdang di piksyon katulad


ng talambuhay?
________________________________________________________________________

4. Bakit sinasabing bahagi ng pang-araw-araw na buhay ang naratibong


pagsasalaysay?
________________________________________________________________________

5. Bakit may mga sumusulat ng akda na sinasadyang hindi


pagsunod-sunurin ang mga pangyayari?
________________________________________________________________________

Isagawa

Panuto: Pumili ng isa sa mga larawan na maiuugnay sa iyong karanasan


at bumuo ng sariling maikling kuwento. Gawing gabay ang rubrik sa
ibaba.

Ilustrasyon: Mga larawan ng mga kaganapan sa komunidad tulad ng


Medical
mission, Pagtutulungan sa paglilinis ng kapaligiran, pagtatanim, paglilinis
ng ilog at pagtulong sa nakatatanda o kapwa.
https://bit.ly/2WpLnJT

Pamagat
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_______________________________.

Puntos Pamantayan
100-95 Napakahusay ng pagkakasulat, lubhang nakaaaliw at nakapag-iiwan din ng
mahahalagang aral sa mambabasa
94-90 Mahusay ang pagkakasulat, nakaaaliw at nagtataglay ng mahahalagang aral para sa
mambabasa
89-85 Hindi gaanong mahusay ang pagkakasulat kaya naman hindi naakit ang mambabasa
at hindi malinaw na naipabatid ang taglay na aral
84-80 Maraming kakulangan sa pagkakasulat, hindi nakaakit at hindi malinaw ang taglay na
aral.
Tayahin

Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag.


1. Tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
2. Tekstong tila nagkukuwento patungkol sa tiyak at pagkasusunod-sunod ng
pangyayari.
3. Dito naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin ang panahon.
4. Sa kanya umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula simula hanggang sa
katapusan.
5. Isang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang
personalidad.
6. Dito nama’y pinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa
hinaharap.
7. Siya ang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan.
8. May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi
isinama.
9. Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
10. Pagtaas ng pangyayaring humahantong sa kasukdulan.
19

You might also like