Module 4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

John Benedick Lagasca

11- Stem Alpha

Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba't Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Kaisipang Nakapaloob sa Teksto
Pagbasa at Pagsususuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik –
Ikalabing-isang Baitang Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan-Modyul 4: Kaisipang Nakapaloob sa
Teksto Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City,
Bataan Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: [email protected]
Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Kaisipang Nakapaloob sa Teksto
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito
ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa


Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o
estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan

Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang


maipaliwanag ang kaisipang nakapaloob sa teksto. Ang kahirapan mo
bilang mag-aaral sa aralin na ito ay mawawakasan sa tulong ng modyul
na ito.
Subukin

Alamin natin ang lalim ng iyong kaalaman sa asignaturang ito sa pamamagitan


ng panimulang pagsusulit.

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa modyul


na ito. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

A. Basahing mabuti ang teksto at tukuyin kung saan maiuugnay ang mga
kaisipang nakapaloob dito. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon.
Isulat ito sa sagutang papel.

a. sarili
b. pamilya
c. komunidad
d. bansa
e. daigdig

B 1. Abala na naman ang lahat sa paghahanda para sa isang bagong umaga na


magkakasama ngunit nagimbal ang lahat sa isang napakagandang balita. Ang
ilaw ng tahanan ay lumabas bitbit ang pregnancy test na may dalawang guhit
na pula tanda ng pagdating ng panibagong anghel sa kanilang tahanan.

D 2. Pinayagan nanng magbukas ang arcade at sinehan sa mga lugar na nasa


General Community Quarantine aminado ang pamahalaan ng Pilipinas na
nagluluwag na sa mga lugar na nasa GCQ pero hindi ibig sabihin na
magluluwag din sila sa mga Health Protocols.

A 3. Napakahalaga na kilalanin ang iyong kamalian, ang pagtanggap dito ay hindi


nangangahulugang kabawasan ng iyong pagkatao bagkus ay isang yugto ng
malalim na pagkatuto sa bawat karanasan.

C 4. Ang bayan ng Dinalupihan ay binubuo ng 46 na barangay. Ang populasyon


nito ayon sa census noong nakaraang 2015 ay nasa 106,371 na katao. Ang
kanilang katutubong wika na ginagamit dito ay Tagalog.

B 5. Dahil sa nauusong Tiktok, napagpasyahan ng pamilya Vasquez na mag-upload


nito at isinali sa palabas na Will Time Bigtime. Ang nais lamang nila ay
magkasama-sama sa isang bidyo na puno ng kasiyahan at pagmamahalan
hindi nila akalain na sila ang napiling nagwagi ni Kuya Will.
D 6. Pinahintulutan ng bansang Cambodia ang agarang paggamit ng China Sinovac
Covid-19 Vaccine.

E 7. Halos lahat ng tao ay nabulabog at nagimbal sa mga kaganapang may


kinalaman sa pandemyang Covid-19. Marami ang nabuhay sa takot at pag-
aalala ngunit sa kabila ng mga dinanas ang bawat tao patuloy silang lumalaban
dahil alam nilang kapanalig nila ang Diyos sa bawat suliranin.

D
8. Perlas ng Silanganan ang taguri sa ating bansang minamahal kung saan
ang mga bayani ay nabuhay sa pakikibaka makamit lamang ang kalayaang
kanilang hinahangad para sa ating bansa.

D 9. Hindi lahat ng nanunungkulan ay nabibigyang pagkakataong maglingkod sa


ikalawang pagkakataon tulad ng nangyari kay Donald Trump, Ang kanyang
panunungkulan bilang Presidente ng Amerika ay natapos nang ang kanyang
katunggaling si Joe Biden ay nagwagi laban sa kanya.
D
10. Ang kakayahan ng mga pinoy ay hindi matatawaran tulad na lamang noong
ipinamalas ng Groove Unlimited Philippines nang sila ay lumahok at naging
ikalawang kampeon sa United Dance Organization-UDO World Street Dance
Competition na ginanap sa Blackpool United Kingdom

B. Tukuyin ang kaisipang nakapaloob sa bawat talata. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa hiwalay na papel.

11. Hindi lamang mag-aaral ang dumaranas ng kahirapan sa bagong sistema ng


pag-aaral, may mga magulang na hindi maiiwasang magsalita at magkaroon
ng hinaing kaugnay nito, may ilang bilang din ng guro na nahihirapan sa
makabagong sistema, Ang kinakailangan lang sa ganitong pagkakataon ay
ang pagtutulungan ng bawat isa upang hindi mapilayan ang edukasyon.

a. Hinaing sa pandemya.
b. Hirap na dinanas sa pandemya.
c. Magtulungan sa panahon ng makabagong sistema ng edukasyon
d. Hindi lamang masusurang pangyayari ang ating naranasan sa panahon
ng pandemya

12. Naging bahagi ng malaking usapin ang Child Protection Policy kung saan ang
bawat mag-aaral sa Face to face Education noon ay alam ang kanilang
karapatan at ipinaglalaban. Ang kanilang hinaing ay narinig ngunit may ilang
bilang din ng guro ang nakaranas ng hindi maganda sa kamay ng kanilang
mag-aaral, Hindi ba dapat kung mayroong Child Protection Policy ay
magkaroon din ng Teacher Protection Policy bilang proteksiyon ng mga guro
sa ilang bilang ng mag-aaral na walang pagpapahalaga at respeto sa kanilang
guro.
a. Dapat magkaroon ng Teacher Protection Policy
b. Hindi magandang magkaroon ng Teacher Protection Policy
c. Hindi lamang mag-aaral ang nangangailangan ng polisiyang
pamproteksiyon maging ang guro ay nangangailangan din nito.
d. Mas maraming bilang ng mga mag-aaral ang nakaranas ng pagmamalupit
sa kamay ng kanilang pinagkakatiwalaang mga guro.

13. Ang aralin mo sa matematika o sipnayan ay lubhang napakahirap. Hindi


ka matulungan ng iyong magulang sa asignaturang ito, ang ibang miyembro
rin ng iyong pamilya ay walang ideya sa pagkuha ng tunay na sagot `sa mga
tanong, Ano ang nararapat mong gawin sa ganitong pagkakataon?

a. Hindi sasagutan ang mga tanong na lubhang mahirap unawain


b. Makipag-uugnayan sa guro na tulungan sa araling nagdadala ng kahirapan.
c. Makiusap sa kamag-aral na sagutan ang mga katanungang hindi
kayang sagutin
d. Nakatutuwa na hindi na kailangang maghirap ng mga mag-aaral
dahil may pagkukuhanan na ng sagot sa modyul.

14. Bilang mag-aaral gaano kahalaga ang mga kaisipang


nakapaloob sa teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at
daigdig.
a. Anomang uri ng teksto ay dapat kapulutan ng aral na maaaring
magamit sa buhay
b. Napakahalaga sapagkat ang tekstong binasa ay mag-iiwan ng tatak sa
isip ng mambabasa.
c. Mahalaga ang kaisipan sa teksto dahil ito ay batayan ng magiging
tagatangkilik ng akdang isinulat.
d. Napakahalaga sapagkat ang kaisipang nakapaloob sa teksto ay
makatutulong upang magkaroon ng malawak na kaalaman mula rito.

15. Paano makatutulong ang kaisipang nakapaloob sa teksto


sa damdaminng mga mambabasa?
a. Ang kaisipang nasa teksto ay isang paraan para malito ang isipan ng mga
mambabasa
b. Napakainam na ang kaisipang nakapaloob sa teksto ay
mapapakinabangan ng manunulat.
c. Ang kaisipan ay nakadepende sa pananaw ng bumabasa ng akda na
makakakuha ng simpatiya sa iba.
d.. Ito ay maaaring makapagpabago ng ideya o konsepto ng babasa ng teksto
para sa mas mabuting pagpapasiya at kaalamang makukuha

8
A. Teksto # 1

Halimbawang Teksto:

Pag-aaral sa Panahon ng Pandemya


Ni: Sylvia D. Gatus

Isang makabagong sistema ng edukasyon ngayon ay ang modyular


na pag-aaral, Ito ay isang paraan upang patuloy na matugunan ang
pangangailangan ng mag-aaral sa pagtatamo ng mataas na antas
ng karunungan.

Hindi naging hadlang ang pandemya ng Covid-19 upang ang


sistema ng edukasyon ay mapilayan. Bagkus gumamit sila ng iba’t
ibang alternatibo upang hindi mahinto ang pagbibigay ng
karunungan sa mag-aaral, isa na rito ang modyular na pag-aaral
na ginagamit ngayon ng karamihan sa mga pampublikong paaralan
na walang kakayahan upang isagawa ang Online Classes sa internet,
Ito ay maisasakatuparan sa pakikipagtulungan ng bawat isa.
Kabilang sa mga ito ang magulang at iba pang miyembro ng pamilya
na walang sawang nakipag-uugnayan sa paaralan sa pagkalap ng
mga kakailanganing materyales ng mga bata, Siyempre ang mga guro
na hindi alintana ang nakatatakot na pwedeng kasapitan sa
pamamahagi at pagkalap

9
1. Sa pamamagitan ng Concept Map, Itala ang
pangunahin at mga pantulong na kaisipan sa teksto.

Pangunahing Kaisipan

Ang pandemya na
Covid-19 ay hindi
nagging hadlang upang
ang sistema ng
edukasyon ay
mapilayan.

Sa pakikipagtulungan ng bawat isa,


kabilang sa mga ito ang magulang at iba
pang miyembro ng pamilya na walang
sawang nakipag-uugnayan sa paaralan
sa pagkalap ng mga kakailanganing
materyales ng mga bata.

Siyempre ang mga guro na hindi alintana ang nakatatakot na


pwedeng kasapitan sa pamamahagi at pagkalap ng modyul.
2. Paano mo maiuugnay ang teksto sa iyong sarili at pamilya?

Sagot:

Maiuugnay ko ito sa aking sarili dahil ako ay isang studyante rin.


Hindi naging madali para sakin ang online class dahil malaki
talaga ang kaibahan nito sa face to face classes. Minsan hindi pa
madalas magturo ang ibang mga guro sa kadahilanan na hindi
rin madali para sa kanila ang online class, kaya naman ako ay
nanonood ng lesson sa internet para mas maintindihan ko ang
mga lesson. Maiuugnay ko rin ito sa aking pamilya lalo na sa
magulang ko na lagi pumupunta sa school para sa mga activities
ko, modules, tuwing retrieval. Ngunit sa kabila ng pandemya na
ito, nagagawa ko pa rin tama ang mga bagay na kailangan kong
gawin at mas nag-iingat kami ng pamilya ko.

3. Ang kaisipan sa teksto ay tumutukoy sa


pagpapatuloy ng edukasyon sa kabila ng pandemya,
Ipaliwanag?
Sagot:

-Sa tekstong ito ay malalaman mo ang mga patungkol sa mga problemang


kinakaharap ngayon sa bagong paraan ng pag-aaral. Sa kabila ng
pandemyang ito ay hindi pa rin ito nagiging hadlang para ipagpatuloy ang
edukasyon dito sa Pilipinas. madali mo lamang ito maiintindihan dahil sa
mga pansuportang kaisipan na nakapaloob sa tekstong ito.

TEKSTO 2

1. Tukuyin ang damdaming naghahari sa teksto? Bakit ito ang


tono ng teksto?
Sagot:

Wala pong Basahing teksto po kaya hindi po masasagutan ng mag aaral


2. Anong kaisipan ang nakapaloob sa tekstong binasa?

SAGOT:

Wala pong Basahing teksto po kaya hindi po masasagutan ng mag aaral

3. Bilang kabataan, Paano mo maipakikita ang


iyong pagmamahal kalikasan sa ating bansa
at buong daigdig?

SAGOT;

Maipakikita ko ang pangangalaga at pagmamahal sa


kalikasan sa pamamagitan ng pagtulong at pagsasagawa ng mga
pamamaraan na makapangangalaga rito.
Ang kapaligiran ang ating pinagkukunan ng pang-araw-araw na
pangangailangan kung kaya ay dapat natin itong alagaan at
pahalagahan.
Mapapakita ko ang pagpapahalaga at pagmamahal ko rito
sa pamamagitan ng pagtulong sa paglilinis sa aming pamayanan
upang maiwasan ang polusyon. Pagtatapon ng aking mga kalat o
basura para maiwasan ang suliranin na kalakip nito, pagtatanim
ng mga bagong puno bilang kapalit ng mga punongkahoy na
pinutol at inubos ng aking kapwa upang maiwasan ang
malawakang pagbaha, at ang pagsunod sa mga alituntuning
ipinatutupad ng aming pamayanan
3. Teksto # 3

Halimbawang Teksto:
Sa pamamagitan ng mga salitang nakasulat sa Graphic
Organizer sa ibaba, Tukuyin kung ano ang katotohanan at
opinyon sa teksto.

 Ang budget sa pagbili ng mga pangunahing


pangangailangan ay hindi na makasapat sa mga
Katotohanan presyong nakahain sa pamilihan.
 Ang dating presyo ng karne ng baboy na 240 kada
kilo at karne ng manok na 160 kada kilo ay lubhang
napakataas na sa bagong presyo nito. Gayundin ang
presyo ng mga gulay, isda, delata, at iba pang
pangunahing pangangailangan ng tao.

Opinyon  Hindi lahat ng nagmamahal ay ginugusto.


Mayroong nagmamahal na inaayawan tulad ng
mataas na presyo ng bilhin. Lubhang
nakakabahala ito sa maraming Pilipino ngayon.
2. Kapanayamin ang miyembro ng pamilya na siyang nagba-budget
ng pangunahing pangangailangan ninyo, Alamin ang mga
pamamaraan na ginagawa niya upang mapagkasya ang budget ng
pamilya.
Sagot:

Ayon sa aking mga magulang ang mga pamamaraan nila upang


mapagkasya ang budget ng pamilya naming ay inuuna munang bilhin
ang mga pangunahing pangangailangan bago bumili o sundin ang
mga luho at nilalaan ang mga natirang pera para sa susunod na
pangangailngan.

3. Anong kaisipan ang nakapaloob sa akdang binasa?

Sagot;

Ang tekstong nakapaloob sa aking binasa ay ang pagtaas ng mga


presyong bilhiin o inflation sa ingles .
Isaisip

Magaling ang iyong naging Gawain sa binasang teksto,


ngayon naman ay dadako tayo sa bahaging maghahasa ng
iyong kaalaman sa ating aralin.

Panuto: Basahin nang malakas ang teksto sa harap ng


miyembro ng pamilya, Unawain ang nilalaman nito at
sagutin ang mga katanungan na nasa ibabang bahagi.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

17
Mga Tanong:

a. Mula sa tekstong binasa, Ipaliwanag ang pangunahing


kaisipan ng akda at tukuyin ang mga pantulong na
kaisipang nakapaloob dito.
Sagot;

Pangunahing Kaisipan: Hindi madali ang laban ng buhay kaya dapat


ibigay ang lahat ng makakaya, laban lang.
Pantulong na kaisipan: Naalala ko ang tagubilin lagi ni Inay at Itay
na, “Huwag titigil. Huwag kang susuko. Laban lang.”

b. Isa-isahin ang mga damdaming nakapaloob sa


teksto? Ilarawan ang tono ng tekstong inilahad sa
akda.
Sagot:

Ang Damdamin sa teksto ay ang paghihirap at


pagsusumikap, dahil sa mga napagdaanan at
naranasaan nito, Ngunit kakikitaan din ito ng
pag asa na sa huli sa kabilang ng mga
paghihirap ay may tinatanaw siyang biyayang
nakalaan sa kanila.

c. Tukuyin ang mga bahagi ng teksto na naglalahad ng


opinyon at katotohanan.

Sagot;

KATOTOHANAN: Hindi lamang sa pamamagitan ng armas na


de sabong nagkakaroon ng labanan.
OPINYON: Makabagong bayani ako ng bayan dahil alam
Ko ang halaga ng buhay at mahirap
ng pakikipagsapalaran.

18
d. Paano mo maiuugnay sa sarili, pamilya, bayan,
komunidad at bansa ang tekstong binasa?

Sagot:

- Maiuugnay ko ang tekstong ito sa aking sarili dahil lahat ay gagawin natin para
lamang tayo ay makapagtapos ng pag-aaral, kahit gaano ito kahirap ay makakaya
natin para sa pamilya basta lagi tayong manalig sa ating panginoon. Pwede natin
maibahagi sa ating komunidad at kababayan kung ano ating natagumpayan at
ang napagtapusan upang magkaroon sila ng pag-asa na hindi pa huli ang lahat
para sa ating mga pangarap at para mabigyan sila ng malawak na kaalaman para
magawa ito. Sa ating bansa naman makakatulong tayo sa iba’t ibang paraan
katulad nalang sa pagtatrabaho natin sa pamamagitan ng pag bayad ng buwis ay
makakatulong tayo sa mga tao.

19
Isagawa

Sa pagkakataong ito, mas higit nating palalawakin ang


iyong kaisipan sa pamamagitan ng pagsulat.

Muling balikan at basahin ang tekstong matatagpuan sa


pahina 15. Pagkatapos nito, sumulat ng tekstong naglalaman ng
mga karanasan sa paglabang ginawa sa mga hamon ng buhay

Pamantayan sa pagbuo ng teksto:

1. Binubuo ng tatlong talata na may tiglilimang pangungusap


2. May kaugnayan sa paksang Laban Lang!
3. Magkakaugnay ang mga ideya at kaisipan
4. Naglalaman ng mga kasanayan sa pagtatamo ng mga
kaisipang nakapaloob sa teksto

Sagot:

Sa hamon ng buhay ay natututo tayong lumaban sa iba’t ibang paraan


at maging malakas. Ang buhay ay sadyang naisasakatuparan, naglalaro at
hinamon. Anuman ang pumutok sa iyo? Gaano man kabigat ang suntok,
gaano man kabigat ang apoy na kailangan mong ihayag ang iyong mga
nagawa at plano. Tumayo sa pagkamakatarungan at maging interesado sa
iyong larangan kahit gaano man ito kapahamak, gaano man kapanganib
ang iyong pagkatao dahil ito ay ang katotohanan ng pagbabago ng
kapalaran. Dito ang kailangan lang natin ay tibay at lakas ng loob para
matagumpayan natin ang hamon.

Laging pag-isipan ang mga aral na itinuro sa atin ng ating mga


magulang sa nakalipas na panahon, samantalang maingat na isinasaalang-
alang ang mga bagay ng murang isipan. Palawakin ang isip at ating espiritu
dahil ito ay magsisilbing kalasag upang parangalan tayo sa biglaang
paghihirap. Huwag hayaang mapanglaw ang ating sarili at ang takot ay
nagmumula sa paglubog ng araw at pabalat. Huwag natin hayaan ang ating
sarili na maging ganito lang, kailangan natin lumaban hindi lang para sa
sarili, para rin sa ating pamilya. Laging isipin na kaya natin ito kahit gaano
pa ito kabigat.
Anumang kaganapan at mithiin sa kaguluhan sa buhay, ay may
kapanatagan sa ating espiritu. Sa lahat ng pagsubok, pagpapaimbabaw at
basag na pangarap na lagi nating isaisip kundi para manatili rin sa ating
puso na maganda pa rin itong mundo. Ikaw at huwag mangungutya.
Maaari kang magkaroon ng kalmado at hugis ng iyong pananaw sa isang
positibong daan. Basta huwag lang tayo panghinaan ng loob dahil kasama
natin ang panginoon sa kahit na anong laban, tayo ay magtatagumpay
basta, LABAN LANG!

Narito ang mga pamantayan sa Pagmamarka ng sulatin

10 7 3

Ang
Nilalama Ng Mabisang Medyo mabisa
n teksto naipakita an ang kaisipan
kaisipang
kaisipang
nakapaloob
nakapaloo g na
sa b teksto. nakapaloob sa
teksto ay
s teksto.
napakabisan
g naipakita. a

Pagkamalikhain Napakamalikhai Malikhain a Medyo


n at kaiga-igaya maayos t malikhain at
ang pagkakasula an hindi maayos
pagkakasulat t akda g ang akda
ng
ng akda

Kaangkupan May May Medyo may


napakalaking kaugnaya sa
kaugnayan malaking n paksa
kaugnayan
sa paksa sa
paksa

Kalinisan Malinis na Malinis an Medyo malinis


malinis ang pagkakabuo g at medyo
pagkakabuo pagkakasula a
pagkakasulat t t may
kaayusan

ang isinulat.
Tayahin

Nagagalak akong nagpamalas ka ng kahusayan sa pagsagot ng mga


Gawain sa modyul na ito, ngayon naman ay sagutin mo ang maikling
pagsusulit na inilaan para sa iyo.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa
hiwalay na papel.

1. Nang tanungin mo ako padamdam kong sinabi sa iyo na ang panaklong ng


iyong pagmamahal ay huwad sapagkat ang puso ko ay kinuwit mo ng sakit na
nagmarka ng malalim na sugat, Panahon na upang maglagay ako ng gitling sa
pagitan nating dalawa dahil ang lahat ng tayo ay isang malaking tuldok na
lamang. Anong konsepto ang nabuo mo mula sa akda?
a. Ito ay gumamit ng malalalim na salita
b. Inilarawan ang damdamin ng sumulat.
c. Bigo ang may akda sa larangan ng pag-ibig.
d. Gumamit ang akda ng mga bantas upang mas mapaganda ang teksto.
2. Naging bahagi ng malaking usapin ang Child Protection Policy kung saan ang
bawat mag-aaral sa Face to face Education noon ay alam ang kanilang
karapatan at ipinaglalaban. Ang kanilang hinaing ay narinig ngunit may ilang
bilang din ng guro ang nakaranas ng hindi maganda sa kamay ng kanilang
mag-aaral, Hindi ba dapat kung mayroong Child Protection Policy ay
magkaroon din ng Teacher Protection Policy bilang proteksiyon sa mga guro
laban sa mga mag-aaral na walang pagpapahalaga at respeto sa kanilang guro.
Tukuyin ang bahagi ng pahayag na naglalahad ng katotohanan?
a. Maraming bilang ng mga mag-aaral ang walang respeto sa kanilang guro.
b. Kung may Child Protection Policy mayroon din namang Teacher Protection
Policy
c. Alam ng mga mag-aaral ang kanilang karapatan dahil sa Child Protection
Policy
d. Ang mga mag-aaral ay nakukulangan lamang sa atensyon ng guro at
kasama sa bahay.
3. Mula sa tekstong nasa bilang 2, Ano ang kaisipang nakapaloob dito?
a. Maraming mag-aaral ang nakararanas ng hindi magandang karanasan sa kamay
ng kanilang mga guro.
b. Ang mga mag-aaral ang mas higit na nangangailangan ng proteksiyon at
seguridad sa paaralan.
c. Tama lamang na maparusahan ang mga guro na gumawa ng hindi maganda
sa kanilang mga mag-aaral.
d. Hindi lamang mag-aaral ang nangangailangan ng proteksiyon maging ang
kanilang guro na hindi inirerespeto at ginagalang ng ibang mag-aaral.
4. Sino ang makapagsasabi na ako si Kirara? Ang dati kong kulot at itim
na buhok ay kulay ginto at unat na ngayon, Ang dati kong sarat na
ilong ay maihahalintulad sa ilong ni Pinochio ngayun. Ang makapal
kong labi ay singnipis na lamang ng labi ng baso. Ang maitim kong
balat ay singputi na ng labanos ngayun. Salamat doktor! Iba na talaga
ang nagagawa ng pera at ng siyensiya. Sino ang nagsasalita sa
teksto?
a. lalaking naging babae
b. babaeng naging lalaki
c. babaeng nagbago ang hitsura dahil sa siyensya
d. balaki na litong-lito sa kasariang hindi niya rin mapagtanto kung ano.
5. Anong damdamin ang naghahari sa nagsasalita sa akda sa bilang 4?
a. Nag-aalala dahil isa na siyang bagong tao.
b. Nanghihinayang dahil gumastos siya ng malaki sa kaniyang ipinagawa.
c. Ramdam ang tagumpay dahil nakamit niya ang kaniyang kagustuhan.
d. Malungkot dahil hindi siya masaya sa kabila ng kaniyang mga pagbabago
6. Mula sa tekstong nasa bilang 4, Ano ang inilalahad na pangunahing
kaisipan nito?
a. Ang pera at siyensiya ay may malaking puwang sa lipunan.
b. Magpasalamat sa doktor na nakapagpabago ng kaanyuang panloob.
c. Ang pagbabago ng hitsura ng tao ang nakapagpapabago rin ng kaniyang
ugali.
d. Ang pera at siyensiya ay kayang makapagpabago ng panlabas na kaanyuan
ng tao.
7. Ang pagbabago ba ng pisikal na kagandahan ay makapagpapabago rin
ng ugali ng isang tao? Bakit?
a. Kasabay ng pagbabago ng hitsura ng tao ang pagbabago ng kanyang ugali.
b. Ang taong napaganda ng siyensiya ay nagiging mayabang
c. Ang kaanyuang panlabas ay iba sa kaanyuang panloob na hindi kailanman
mapapalitan.
d. Ang kaanyuan ng tao ay nakadepende sa taong kanyang nakakasalamuha
at nakakaharap sa mundo.
8. Nakita ko siya nakalutang sa hangin! Nakasuot ng damit na puting
puti. Anong damdamin ang naghahari sa pahayag?
a. masaya
b. nagagalit
c. natatakot
d. malungkot
9. Walang sawa akong tinutulungan ng aking mga magulang sa pagsagot ng
aking modyul. Para ngang sila ang mga mag-aaral sa paghahanap ng
mga posibleng kaalaman na makatutulong sa amin upang masagot ang
mga mahihirap na tanong sa modyul at kapag nasagot na ang tanong
napapatalon pa sa tuwa si Itay at Inay. Mas excited pa nga yata sila sa
akin sa linggo-linggo naming pagsasagot sa modyul. Sino ang nagsasalita
sa teksto?
a. guro
b. kaibigan
c. magulang
d. mag-aaral
10. Paano inilarawan ng mag-aaral ang kanyang magulang sa teksto na
nasa bilang 9?
a. sapilitang nagsasagot ng modyul para sa anak
b. parang mag-aaral na may interes sa pagsagot ng aralin.
c. madaling magalit dahil hindi kayang sagutin ang tanong sa modyul
d. mainisin dahil hindi sila katulad ng ibang magulang na nakatuon sa
modyul ng anak.
11. Tukuyin ang pantulong na kaisipan na nakapaloob sa tekstong binasa.
a. paghahanap ng mga posibleng kaalaman
b. masagot ang mga mahihirap na tanong sa modyul
c. nasagot na ang tanong napapatalon pa sa tuwa si Itay at Inay.kapag
d. makuha ang loob ng guro upang mataasan ang marka ng anak kabilang na
sila.
12. Ano ang pangunahing kaisipang nakapaloob sa teksto na nasa bilang 9?
a. paghahanap ng mga posibleng kaalaman
b. masagot ang mga mahihirap na tanong sa modyul
c. pagtulong ng magulang sa pagsagot ng modyul ng anak.
d. kapag nasagot na ang tanong napapatalon pa sa tuwa si Itay at Inay.
13. Nakita ko sa iyong mukha ang malaking pag-aalala nang sabihin na ikaw
ang kukuha ng aking modyul, Nang tumapak ka sa aming paaralan takot
ang nabakas ko dito dahil salat ka sa edukasyon, ni ang pangalan mo nga
ay hindi mo kayang isulat buti na lang may modyular na pag-aaral,
akalain mo yon hindi lamang ako ang natuto sa modyular na pag-aaral
pati ang aking pinakamamahal na ina. Marunong na pong bumasa at
sumulat si Inay. Anong kaisipan ang nakapaloob sa akda?
a. Napakahalaga ng modyular na pag-aaral
b. Hindi lamang anak ang natuto sa modyul maging ang ina.
c. Pag-aalala ng magulang sa pagkuha ng modyul sa paaralan.
d. Obligasyon ng magulang ang kumuha ng modyul ng anak sa paaralan.
14. Saksakan ka nang kupad, alam mo ba na dahil sa kabagalan mo napag-
iwanan ako, Halos iyakan kita makisama ka lang, na makita mo ang
pangangailangan ko sa iyo. Pero, walang nangyari sa pakiusap ko ang
dapat sa iyo lagutin. Hanggang sa tuluyan kang mamatay. Mabuti pang
ipaputol ko na ang internet connection ko. Ano ang ipinahihiwatig ng
akda sa mga mambabasa?
a. Ipinaputol ng may-ari ang linya ng kanyang internet.
b. Nagagalit ang nagsasalita sa teksto dahil sa mabagal na koneksiyon sa
internet.
c. Nakikiusap ang may-ari na bigyan ng isa pang pagkakataon sa gawaing
isasagawa.
d. Naiinis ang may ari sa kanyang internet dahil napakabagal nito kumpara sa
bayad.

15. Gaano kahalaga ang mga kaisipang nakapaloob sa teksto sa sarili,


pamilya, komunidad, bansa at daigdig?
a. Anumang uri ng teksto ay dapat kapulutan ng aral na maaaring magamit
sa buhay
b. Napakahalaga sapagkat ang tekstong binasa ay mag-iiwan ng kakintalan sa
isip at damdamin ng mga mambabasa.
c. Napakahalaga sapagkat ang kaisipang nakapaloob sa teksto ay
makatutulong upang magkaroon ng malawak na kaalaman mula rito.
d. lahat ng nabanggit ay posibleng sagot.

Karagdagang Gawain

Ganap na ang iyong husay at galing sa ating mga aralin. Magpatuloy ka lamang!

Panuto: A. Balikan ang pahina 17, Basahin nang malakas at may


damdamin sa harap ng mga kasama sa bahay ang iyong likhang teksto,
Matapos itong basahin sagutin ang Graphic Organizer na nasa ibaba.
Gamitin ang mga salitang nakapaloob dito upang masagot ng angkop ang
mga tanong. Ang kasagutan sa bahaging ito ay kuhanin sa iyong likhang
teksto.
Tiyaga at tibay ng loob ang
ginawa kong talim sa
pakikipagbuno sa aking mga
aralin.

Nang lumaban ako sa Nalala ko ang tagubilin


hamon ng buhay, lagi ni Inay at Itay,
kuwaderno at pluma ang “Huwag kang titigil.
Laban sa kabila ng hirap
aking naging sandata. Huwag kang susuko.
Laban lang.”

Nagpupumilit ako na ang bawat


galaw ko ay may kabuluhan at
magkakaroon ng saysay ang
adhikaing aking tinatanaw sa
dako pa roon.
B. Nakatulong ba ang mga pantulong na detalye sa pagtukoy ng
pangunahing kaisipang nakapaloob sa iyong isinulat na teksto.
Pangatwiranan ang sagot.

Sagot;

Opo, dahil mas pinapalawak nito ang paksa at kaisipan ng isang teksto
mas nagiging malinaw ang nais pinababatidd nito at nakatulong ito dahil
mas naging madaling maintindihan ang konsepto ng teksto. At mas nagging
madali ito dahil nagbibigay ito ng ideya kung ano ang tinutukoy nito.

C. Paano mo maiuugnay ang iyong isinulat sa iyong pamilya, komunidad,


bansa at daigdig?

Sagot:

Maiuugnay ko ito sa kanila sa pamamgitan ng pagbibigay sa kanila ng


kaalaman na aking napag-aralan para mas magkaroon ng tayong
lahat ng mas malawak na kaalaman. At ang lahat ng aking isinulat
ay maaring sumasalamin sa aking pamilya at sarili pati na rin sa
komunidad.
Makatulong sa
komunidad at sa
bayan

Pamilya ang Ito ay


nagpapalakas ng nakakatulong sa
loob, upang. Kaugnayan sa
akda pag- unlad ng
Mabigyan ng bansa
magandang buhay.

Makatulong at
magkaroon ng
kabuluhan sa
daigdig

D. Sa mga tekstong nabasa mo sa kabuuan ng modyul na ito, Ano ang


pinakanaibigan mo? Bakit?

Sagot;

Sa aking tekstong nabasa ang pinaka kinaibigan ko ay ang teksto na “Laban Lang”
dahil sa tekstong ito ay nanghihikayat ito ng mga mambabasa na huwag
sumuko sa kahit na anong laban na dumating sa ating buhay. Kahit gaano ito
kahirap at kabigat ay huwag pa rin mawawalan ng pag-asa dahil kung alam
natin na kaya natin ito, ay malalagpasan natin ito hanggang dulo kaya laban
lang. Manalig tayo sa panginoon dahil hindi tayo pababayaan ng panginoon,
palagi syang nasa tabi natin lalo na kapag tayo ay may laban.
Sanggunian

Alcaraz, C. V., Jocson, M. O., at Villafuerte, P. V., (2005) Filipino 2 Pagbasa


at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: LORIMAR Publishing Co.,
Inc.

DepEd (2016). K to 12 Curriculum Guide. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t


Ibang Teksto Tungo sa PAnanaliksik

De Laza, C. S., (2016) Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik. Caloocan City: REX Book Store.

ABS-CBN News/File, Na-access 09 Pebrero 2021, https://news.abs-cbn.com

26

You might also like