Ang Pagbabalik NG Death Penalty Bilang Parusa Sa Mga Mabibigat Na Krimen Sa Ating Bansa

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

JAYSON IVAN TORREON ISKOR:

10-ST. FRANCIS XAVIER PETSA:


FILIPINO
LAYUNIN:
1. Naisususulat ang isang talumpating nakapanghihikayat, nakapagpapaganap
o nakapagtutupad kaugnay sa isang kontrobersiyal na isyung panlipunan.
2. Naipapahayag nang may katalinuhan ang sariling kaalaman at opinyon
tungkol sa isyu.
3. Nailalahad ang nabuong talumpati alinsunod sa patnubay sa wasto,mabisa
at madamdaming pagbigkas.

ANG PAGBABALIK NG DEATH PENALTY BILANG PARUSA SA MGA MABIBIGAT


NA KRIMEN SA ATING BANSA
PAKSA
Magandang umaga sa inyong lahat. Malugod ko kayong

inaanyayahan na pakinggan ang aking pananaw tungkol sa pagbabalik ng DEATH

PENALTY bilang parusa sa mga mabibigat na krimen sa ating bansa. Kung kayo ang

tatanungin sang-ayongba kayo o tutol sa pagbabalik nito? Makatutulong kaya ito

sa pagbaba ng krimen sa ating bansa? Makabubuti ba ito o makasasama?

Drugs, gun-for-hire killings, murder, rape, child prostitution,

kidnapping, robbery at acts of terrorism – ito ang mga lumalalang krimen sa

lipunan natin. Ito rin ang mga problemang ipapamana natin sa mga anak natin.

Subalit sa lahat ng mga krimeng ito ay may isang (para sa karamihan at kay

Presidente Duterte) ay mabisang solusyon para mabawasan at matigil ito.Ang

pagbabalik ng death penalty sa Pilipinas. Nakakatakot mang isipin ang ideyang ito

pero hindi naman lahat ng mga krimen ang parurusahan ng death penalty. Ang
mga mabibigat na krimen lang gaya ng drug trafficking, kidnapping, plunder,

murder, rape ang sinusumiting dapat parusahan ng death penalty kung

aaprubahan man ito ng Kongreso. Maraming dahilan kung bakit dapat ibalik ang

Death Penalty at ilang sa mga ito ay :

1. Dahil hindi natatakot sa batas ang mga kriminal

2. Dahil dumadami ang mga kriminal at nagkukulang ang mga pasilidad para i-
contain sila at nagiging headquarters lang ng mga kriminal ang kulungan

3. Dahil hindi naman lahat ng kriminal ay nagdudusa kahit nahatulan na

4. Dahil lumilikha ng mga bagong kriminal ang mga kriminal

5. Dahil mapipigilan ng death penalty ang pagdami ng mga vigilante na


inilalagay ang batas sa kamay nila.

Sa kasamaang palad, hindi magiging epektibo ang death penalty sa

panahon natin ngayon dahil sa korupsiyon sa PNP, sa loob ng kulungan,

government officials at sa judiciary system. Oo, may mga mabubuting epekto ang

madadala ng pagbabalik ng death penalty sa ating bansa ngunit para sa’kin ay

hindi pa tayo handa para rito ngayon o kailanman. Tutol ako dito hindi lang bilang

isang Kristiyano ngunit bilang isang mamamayan ng Pilipinas na naniniwala sa

pagbibigay sa lahat ng pagkakataong magbago. Marami pa naman sigurong

paraan para mabawasan ang paglaganap ng maraming krimen sa ating bansa ang

kailangan lang ay ang kooperasyon ng mga mamamayan at tamang mga taong

mag-aasikaso sa mga krimeng ito. Minsan ang problema ay hindi ang pamahalaan

natin kundi mismong tayong mga tao.Mawawala lang ang mga krimeng ito kung

magtutulungan tayong lahat na sugpuin ito.

You might also like