Fil7 Q2 Week5 Version1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

7

Filipino
Ikalawang Markahan-Ikalimang Linggo

MGA PILYEGO NG GAWAING


PAMPAGKATUTO
(Learning Activity Sheets - LAS)

Ang Mga Paghahambing at Pagsulat


ng Editoryal na Nanghihikayat

Mga Manunulat:
GELBERT SMAN E. TARTAR/ROSANNA E. ANTIPASADO
Mataas na Paaralang Pambansa ng Consolacion
Sangay ng Siargao
Panimula
Ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto (Learning Activity Sheets –
LAS) ay disenyo at sinulat para sa batang katulad mo na nasa Ika-7 baitang upang
Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing (higit/mas, di-
gaano, di-gasino, at iba pa). Ang mga gawaing matatagpuan dito ay inaasahang
makatulong sa iyo upang ito ay magagamit mo sa iyong pang araw-araw na
pamumuhay.

PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO ( MELC)

1. Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing (higit/mas, di-


gaano, di-gasino, at iba pa)

2. Naisusulat ang isang editoryal na nanghihikayat kaugnay ng paksa

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:

1. Natutukoy ang mga sangkap ng isang editoryal na nanghihikayat.


2. Nakikilala ang mga salita/pahayag na nagsasaad ng panghihikayat.
3. Nagagamit ng wasto ang mga pahayag na naghahambing gaya ng mas higit,
di-gaano, at iba pa.
4. Nakasusulat ng isang editoryal na nagbibigay puri sa isa sa mga lugar sa
Kabisayaan

Ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto ay naglalaman tungkol sa:


Aralin 1: Ang Mga Paghahambing
Aralin 2: Pagsulat ng Editoryal na Nanghihikayat
Pag-aralan ( Key Concepts)

Aralin 1 Paghahambing

Ang Mga Paghahambing


Ang paglalarawan ay isang uri ng pagpapahayag. Naipakikita sa paglalarawan ang
mensaheng inihahatid ng kaisipan at mga pandama.

Ang pang-uri ay bahagi ng pananalitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa


pangngalan o panghalip. Maari din itong maglalarawan sa hugis sukat, at kulay ng
bagay.

Mayroong tatlong kaantasan ang pang-uri lantay, pahambing at pasukdol.


Ngunit sa araling ito ay naka pokus lamang tayo sa pang-uring pahambing.

1. Pahambing – ang kaantasan ng pang-uri kung ito ay naghahambing o


nagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip. May dalawang uri ng
pang-uring pahambing.
a. Pahambing na Pasahol o palamang – Nagsasaad ng nakahihigit o
nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip
na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga katagang higit, mas, lalong,
di-gaano, di-gasino at iba pa.
Halimbawa:
1. Mas mabuti ang pagbabasa ng aklat kaysa pagbababad sa social
media.
2. Mas mahirap ang buhay ngayon kaysa noon.
3. Di-gasino nakilala ang telepono noon kaysa ngayon.
b. Pahambing na Patulad – Nagsasaad ng magkatulad o magkapantay
na katangian ng dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing.
Gumagamit ito ng mga panlaping tulad ng sing/sin/sim, magsing, kasing,
o ng mga salitang kapwa, pareho.
Halimbawa:

1. Simbango ng rosas ang amoy ng mga damit na bagong laba ni Inay.


Pagsulat ng Editoryal na Nanghihikayat
Aralin 2

Ang Editoryal o pangulong tudling ay bahagi ng pahayagan na nagsasaad


ng mapanuring pananaw o kuru-kuru ng isang pahayagan hinggil sa
napapanahong isyu. Tinatawag ito na tinig ng pahayagan dahil mababasa rito ang
paninindigan nila ukol sa napapanahong isyu. Layunin nito ang magbigay-
kaalaman, magpakahulugan, humikayat, at kung minsa’y lumibang sa
mambabasa.

Tatlong Bahagi ng Editoryal o Pangulong-Tudling

Ang tatlong bahagi ng Editoryal o Pangulong-Tudling:


1. Panimula – Binabanggit dito ang isyu, paksa, o balitang tatalakayin.
2. Katawan – Dito ipinahahayag ang opinyon o kuru-kuro ng patnugot. Maaaring
ilahad ito sa pamamagitan ng paglalarawan, gayundin ang pro (pagpanig) o
con (pagsalungat) sa isyung tinatalakay.
3. Wakas – Dito ipinahahayag ang bahaging panghihikayat o paglagom upang
mabuo ang isipan ng mambabasa ang pananaw na nais ikintal ng editoryal.

Mga Uri ng Editoryal o Pangulong-Tudling

May iba’t-ibang uri ang editorial o pangulong tudling. Bawat layunin ay nakabase sa
uri ng pangulong-tudling na isusulat ng editor. Mga halimbawa ng uri ng editorial o pangulong-
tudling:

1. Nagpapabatid – Nililinaw ditto ang isang isyu sa hangaring higit na


maunawaan ang balita o pangyayari.
2. Nagpapakahulugan – Binibigyang kahulugan ang isang pangyayari o
kasalukuyang kalagyan sang-ayon sa paningin o pananaw ng pahayagan.
3. Namumuna – Ito ay hayagang panunuri ngunit di naman pagbatikos tungkol
sa isang mainit na isyu. Ang layunin nito ay magmumungkahi sang-ayon sa
paninindigan ng pahayagan.
4. Nanghihikayat – mabisang nanghihikayat sa mga mambabasa upang
sumang-ayon sa isyung pinapanigan o pinaninindigan ng pahayagan.
5. Nagpaparangal o Nagbibigay-puri – Nag-uukol ng papuri o karangalan sa
isang tao o kapisanang nakagawa ng kahanga-hanga.
6. Nanlilibang – Nahahawig ito sa sanaysay na impormal. Tumatalakay ito sa
anumang panig ng buhay, kaya’t madalas na nakakawili ang paksa,
nakalilibang sa mambabasa o nakakapagbabalik ng masasaya o maging
sentimental na ala-ala.
7. Nagpapahalaga sa natatanging araw – Tinatalakay nito ang mga
pambansang pagdiriwang gaya ng pasko, Mahal na Araw, Todos Los Santos,
Bagong Taon, at iba pa.
Mga Tuntuning Dapat Sundin sa Pagsusulat ng Editoryal o Pangulong Tudling

1. Magkaroon ng kawili-wiling panimulang maikli lamang upang maakit ang


atensiyon ng mambabasa.
2. Buoin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan sa
paraang maayos at malinaw.
3. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran. Sa halip,
a. Gumamit ng mga halimbawa at paglalarawan upang pagtibayin ang simula;
b. Gumamit ng paghahambing at pag-iiba-iba.
c. Gumamit ng makakatulad na kalagyan; at
d. Banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na kalagyan.
4. Tapusin nang naaangkop. Bigyan nang mahusay na pagwawakas.
5. Tandaang ang pinakamahalagan bahagi ay ang panimula at ang wakas.
6. Huwag mangaral o magsermon (No Preaching). Ilahad lamang ang mga
patunay at katwiran at hayaan ang mambabasang gumawa ng sariling
pagpapasiya.
7. Sundin ang lahat ng simulain sa mabisang pagsulat-kaisahan (unity), linaw
(clarity), pagkakaugnay-ugnay (coherence), at diin (emphasis).
Mga Pahayag na Ginagamit sa Panghihikayat

Ang pagnanais na mahikayat o makumbinsi ang iyong mga mambabasa sa iyong


pananaw o paninindigan ay isang hamon sa isang manunulat. Makatutulong ang paggamit ng
mga angkop na pahayag sa iyong panghihikayat.

Ilang Halimbawa ng mga Pahayag at Salitang Nanghihikayat

* Totoo/Tama * Kaya natin ito

* Tunay * Siguradong…

* Sama na… * Talaga

* Ngayon na! * Tara

*Tumpak * Siyempre

*Kitang-kita mong… * Pero / subalit

*Naniniwala akong… * Ito na…

*Kaya mong maging bahagi ng…


Mga Gawaing Pampagkatuto
( Learning Activities)
Pangkalahatang Panuto: Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel

Gawain 1 Panuto: Bumuo ng pangungusap gamit ang mga pahayag sa


paghahambing. Gawing paksa sa mga bubuong pangungusap ang pagiging
mabuting anak, kapatid, o kapamilya.

1. higit na Mabuti

__________________________________________________________
2. di-gaanong malakas

__________________________________________________________

3. mas masaya

__________________________________________________________
4. lalong mahirap

__________________________________________________________
5. di-gasinong mabilis

__________________________________________________________
Gawain 2 Panuto: Kilalanin kung ang paghahambing na sinalungguhitan sa
bawat pangungusap ay pasahol o patulad.

1. Ang pagiging mabait ay di-hamak na ipinagmamalaki kaysa sa isang


masungit.
2. Ang guro at magulang ay parehong tagasubaybay para sa mabuting buhay ng
mga mag-aaral.
3. Mas mainam mag-aral sa isang tahimik na lugar kaysa sa maingay.
4. Kasinliwanag ng buwan ang buhay ng anak na lagging nakikinig sa payo ng
magulang kaysa sa isang batang nagbibingihan.
5. Higit na sariwa ang simoy ng hangin sa probinsiya kaysa sa siyudad.
Gawain 3
Panuto: Tukuyin at Lagyan ng tsek ( / ) ang kahon kung ang mga pahayag ay
nagsasaad ng tamang panuntunan sa pagsulat ng editorial.

 Bigyang-pansin ang panimula at wakas ng editorial dahil ito ay mahalagang


bahagi nito.
 Dapat ito ay may kawili-wiling simula upang makaakit ng mga mambabasa.
 Gumamit ng mga salitang makasasakit sa damdamin ng tinutuligsa upang
matuto sila.
 Gumamit ng mga paghahambing at pag-iiba-iba ng mga kalagayan sa pagsulat.
 Ibigay ang panlahat na pinagmulan ng isang kalagayan.
 Ibitin ang wakas ng editorial.
 Ipahayag ang personal mong galit na nararamdaman sa sitwasyon o
kalagayang isinusulat.
 Gawing malinaw at magkakaugnay ang mga pahayag.
 Ito ay dapat na may katibayan.
 Mangaral o magsermon sa mga mambabasa upang matuto sila.

Gawain 4
Panuto: Kilalanin at salungguhitan ang mga pahayag o salitang nanghihikayat sa
sumumusunod na pangungusap.

1. Naniniwala akong may magagawa ang bawat isa sa atin upang matulungan
ang mga kapatid nating katutubo.
2. Tama! Lahat tayo’y puwedeng tumulong kung gugustuhin natin.
3. Tara, tulong na!
4. Ngayon na. Kung ipagpapabukas pa natin ang pagtulong ay baka huli na.
5. Kaya natin ito basta tayo’y sama-sama.
Gawain 5 Panuto:

Pumili ng isang lugar sa Mindanao at bumuo ka ng isang editoryal na


nanghihikayat.Hikayatin mo ang mga mambabasa na puntahan ang lugar na napili
mo.Kailangang binuo ito ng 3-5 talata at mayroong 150-200 na mga salita.

Salungguhitan ang mga salita o panandang ginamit sa panghihikayat.

Mga Pamantayan 5 4 3 2 1

Makaagaw-pansin ang simula at wakas ng editorial

Ang katawan ay nakapaglahad ng mga katibayan sa paraang


maayos at malinaw kaya’t tunay itong nakapanghihikayat sa
mambabasa.

Nakagamit ng lima o higit pang salitang nagpapahayag ng


panghihikayat

Malinaw na makikita ang mensaheng nais ipahayag ng


editoryal

Kabuoang Puntos

5 – Napakahusay 2 – Di-mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang Di-mahusay
3 - Katamtaman
Aralin 2 Pinagyamang PLUMA 7 pahina 183-209
Aralin 1 Pinagyamang PLUMA 7 pahina 178-181
Sanggunian
ARALIN 1 ARALIN 2
Gawain 1 Gawain 3
1. Nasa guro ang pagpapasya 1. /
2. Nasa guro ang pagpapasya 2. /
3. Nasa guro ang pagpapasya 3. X
4. Nasa guro ang pagpapasya 4. /
5. Nasa guro ang pagpapasya 5. /
6. X
Gawain 2 7. X
8. /
1. Pasahol 9. /
2. Patulad 10. X
3. Pasahol
4. Patulad Gawain 4
5. Pasahol
1. Naniniwala akong
2. Tama
3. Tara
4. Ngayon na
5. Kaya natin ito
Gawain 5
1. Nasa guro ang pagpapasya
Susi sa Pagwawasto
___________________________________________ 3.
___________________________________________ 2.
___________________________________________ 1.
A. Natutuhan ko sa araling ito ang mga sumusunod:
Paglalahat / Repleksyon

You might also like