Kabanata 14: Si Pilosopo Tasyo
Kabanata 14: Si Pilosopo Tasyo
Kabanata 14: Si Pilosopo Tasyo
SI PILOSOPO TASYO
Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Siya ay laging laman ng lansangan, walang tiyak na
direksyon ang kanyang paglalakad. Nang araw na iyon ay dumalaw din siya sa libingan upang hanapin ang
puntod ng nasirang asawa. Ang pagkakilala kay Tasyo ng mga mangmang ay isang taong may toyo sa ulo o
baliw.
Anak siya ng mayaman. Pero, dahil sa katalinuhan niya ay pinahinto sa pag-aaral mula sa dalubhasaan
ng San Jose. Natatakot kasi ang kanyang ina, na dahil sa pagtatamo niya ng higit na mataas na kaalaman, baka
makalimutan niya ang Diyos. Isa pa, gusto ng kanyang ina na siya ay magpare. Pero, hindi niya ito sinunod at
sa halip ay nag-asawa na lamang siya. Gayunman, pagkaraan ng isang taon, namatay ang kanyang asawa.
Inukol na lamang ni Tasyo ang sarili sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan niya ang kanyang
mga minanang kayamanan.
Bagamat nang hapong iyon mayroong babala na darating ang unos sapagkat matatalim na kidlat ang
gumuguhit sa nagdidilim na langit, masaya pa rin ang hitsura ni Pilosopo Tasyo. Ito ang ipinagtaka ng mga
taong nakakausap niya. Tinanong siya kung bakit, diretso ang sagot niya:
Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagka’t ito ang magdadala ng mga lintik na siyang
papatay sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Sana magkaroon din ng delubyo sapagkat may sampung
taon na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili nila ng tagahuli ng kidlat o pararayos ngunit
ako’y pinagtawanan lamang ng lahat.
Ayon pa sa kanya, hindi binili ng mga kapitan ang kanyang pinabibili at sa halip ay mga paputok at
kuwitis ang kanilang binili at binayaran ang bawat dupikal ng kampana, gayong sa agham ay mapanganib ang
tugtog ng mga batingaw kapag kumukulog. Iniwanan ni Tasyo ang kausap at nagtuloy ito sa simbahan.
Inabutan niya ang dalawang bata sa pagsasabing ipinaghanda sila ng kanilang ina ng hapunang pangkura.
Tumango ang mga bata.
Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may kabayanan. Nagtuloy siya sa bahay ng mag-asawang
Don Filipo at Aling Doray. Masayang sinalubong ng mag-asawa at itinanong kung nakita niya si Ibarra na
nagtungo sa libingan. Sumagot siya ng oo sa pagsasabing nakita niya itong bumaba sa karwahe. Naramdaman
niya, anya, ang naramdaman ni Ibarra nang hindi makita ang libing ng ama. Ayon kay Tasyo isa siya sa anim
na kataong nakipaglibing kay Don Rafael.
Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatoryo sapagkat nuon ay Undas
nga. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naniniwala sa purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay mabuti, banal at
maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at dalisay na pamumuhay.
Binigyang diin pa niya na ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng namatay sa nabubuhay.
Pagkuwa’y nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Ito ay sinasalitan ng matatalim
na kidlat at kulog. Siyang-siya si Pilosopo Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat nakataas pa ang kanyang
dalawang kamay at nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa mag-asawa.
KABANATA 15:
ANG MGA SAKRISTAN
Parang plegarya ang tunog ng kampanang binabatak ng magkapatid na sakristan na sina Crispin at
Basilio. Sila ang kausap kanina ni Pilosopo Tasyo at sinabihan na sila ay hinihintay ng kanilang inang si Sisa
para sa isang hapunang pangkura. Sa anyo ng hitsura ng magkapatid mapagsisino na sila ay hilahod sa hirap.
Sinabi ni Crispin kay Basilio na kung kasama sila ni Sisa. Disin sana, siya ay hindi mapagbibintangang
isang magnanakaw. At kung malalaman ni Sisa na siya ay pinapalo, tiyak hindi papayag ang kanilang ina. Ang
anyo ng pangamba sa mukha ni Crispin ay nababakas. Idinadalangin na sana wag magkasakit silang lahat.
Ang suweldo lang kasi nila ay dalawang piso sa isang buwan. Minultahan pa siya ng tatlong beses. Pero, hindi
pumayag si Basilio sapagkat walang kakainin ang kanilang ina. Isa pa ang katumbas ng dalawang onsa ay
P32.00. lubhang mabigat ito para kay Basilio.
Ipinakiusap ni Crispin na bayaran na lamang ni Basilio ang ibinibintang sa kanya. Pero, kulang pa ang
sasahurin ni Basilio kahit magbayad sila. Dahil dito, nasabi ni Crispin na mabuti pa ngang magnanakaw na
siya sapagkat maililitaw niya ito. At kung papatayin man siya sa palo ng Kura at siya’y mamamatay
magkakaroon naman ng mga damit si Sisa at ang kapatid na si Basilio. Nasindak ang huli sa binanggit ng
kapatid.
Nag-aalala pa si Basilio na kapag nalaman ng kanilang ina napagbintangang nagnakaw si Crispin, tiyak
na magagalit ito. Pero, sinabi ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina sapagkat ipakikita niya ang
maraming latay na likha ng pagpalo ng Kura at ang bulsa niyang butas-butas na walang laman kundi isang
kuwalta na aginaldo pa niya noong Pasko, na kinuha pa sa kanya ng hidhid na Kura.
Gulo ang isip ni Crispin dahil mahirap na gusot na napasukan nilang magkapatid. Gusto niyang
makauwi silang magkapatid upang makakain ng masarap na hapunan. Magmula ng mapagbintangan siyang
nagnakaw, hindi pa siya pinapakain hangga’t hindi niya naisauli ang dalawang onsa. Maliwanag sa mga
pahayag ni Crispin na kaya siya napagbintangang magnanakaw sapagkat ang kanilang ama ay mabisyo,
lasenggero at sabungero.
Habang nag-uusap ang magkapatid, ang Sakristan Mayor ay walang kilatis na nakapanhik sa palapag
na kinaroonan nila. Antimano, puyos ito sa galit. Sinabi niya kay Basilio na ito ay kanyang minumultahan
dahil sa hindi tamang pagtugtog ng kampana. Kapagdaka, si Crispin naman ang hinarap at sinabing hindi ito
makakauwi hanggang hindi niya inilalabas ang dalawang onsa na binibintang sa kanya. Tinangkang
mangatwiran ni Basilio, pero sinansala siya ng sakristan mayor sa pagsasabing kahit na siya ay hindi
makakauwi hanggang hindi sumasapit ang eksaktong ika-10 ng gabi. Gimbal si Basilio sapagkat ika-9 pa
lamang ng gabi ay wala ng puwedeng maglakad sa lansangan kung gabi. Makikiusap pa sana si Basilio, pero
biglang sinambilat ng sakristan mayor si Crispin sa bisig at kinaladkad na papanaog sa hagdanan hanggang sa
sila ay lamunin sa dilim. Dinig ni Basilio ang pagpapalahaw ng kapatid. Pero, wala siyang magawa, naiwan
itong parang tulala. Ang bawat pagsampal ng sakristan kay Crispin ay sinusundan ng masakit na pagdaing.
Nanlaki ang mata at nakuyom ni Basilio ang kanyang palad sa sinapit ng kapatid. Pumasok sa isip na kung
kailan siya maaaring mag-araro sa bukid habang naririning niya ang paghingi ng saklolo ni Crispin. Mabilis na
pumanhik siya sa ikalawang palapag ng kampanaryo. Mabilis na kinalag niya ang lubid na nakatali sa
kampana at nagpatihulog na padausdos sa bintana ng kampanaryo. Nuon ang langit ay unti-unti ng
nagliliwanag sapagkat humihinto na ang ulan.
KABANATA 16:
SI SISA
Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga taga-San
Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag-anak. Pero, si Sisa ay
gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras din bago narating ang
kanyang tirahan mula sa kabayanan.
Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay,
sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang kumakalinga
kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong
hiyas o alahas nito nuong sila siya ay dalaga pa. Sobra ang kanyang pagkamartir at hina ng loob. Sa madalang
na pag-uwi ng kanyang asawa, nakakatikim pa siya ng sakit ng katawan. Nananakit ang lalaki. Gayunman,
para kay Sisa ang lalaki ay ang kanyang bathala at ang kanyang mga anak ay anghel.
Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong Tawilis at namitas
ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin. Tapang baboy-damo at isang hita ng
patong bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio. Higit sa lahat,
nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na
gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa simbahan.
Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat dumating ang
kanilang ama. Nilantakang lahat ang mga pagkaing nakasadya sa kanila. Itinanong pa niya kung nasaan ang
dalawa niyang anak. Nang mabundat ang asawa ni Sisa ito ay muling umalis dala ang sasabunging manok at
nagbilin pa siya na tirahan siya ng perang sasahudin ng anak.
Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat dumating ang
kanilang ama. Nilantakang lahat ang mga pagkaing nakasadya sa kanila. Itinanong pa niya kung nasaan ang
dalawa niyang anak. Nang mabundat ang asawa ni Sisa ito ay muling umalis dala ang sasabunging manok at
nagbilin pa siya na tirahan siya ng perang sasahudin ng anak.
Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang kanyang dalawang
anghel. Ngayon lamang siya nagluto, tapos uubusin lamang ng kanyang walang pusong asawa.
Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala niyang darating
na gutom ang kanyang mga anak. Hindi na siya napakali sa paghihintay. Upang maaliw sa sarili, di lang iisang
beses siya umawit nang mahina. Saglit na tinigil niya ang pagaawit ng kundiman at pinukulan niya ng tingin
ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran. Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan siyang
dumadalangin sa Mahal na Birhen, nang gulantangin siya ng malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng
bahay.
KABANATA 17:
SI BASILIO
Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang dugo.
Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kanyang pagkakasugat. Siya ay hinabol ng mga guwardiya sibil at
pinahihinto sa paglakad. Pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat nangangamba siyang kapag nahuli siya ay
parurusahan siya at paglilinisin sa kuwartel. Dahil sa hindi niya paghinto siya ay binaril. Dinaplisan siya ng
punglo sa ulo. Sinabi din niya sa ina na naiwan niya sa kumbento si Crispin. Nakahinga ng maluwag si Sisa.
Ipinakiusap ni Basilio sa ina, na huwag sabihin kanino man ang dahilan ng kanyang pagkakasugat sa ulo. At sa
halip ay sabihin na lamang na nahulog siya sa puno.
Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng
dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng Sakristan Mayor.
Napaluha si Sisa dahil sa awa sa anak. Sinabing ang mga dukhang katulad lamang nila ang nagpapasan ng
maraming hirap sa buhay. Hindi nakatikim ng pagkain si Basilio. Kaagad na sinayasat ng ang ina nang
malaman na dumating ang ama. Alam niyang pagdumarating ang ama tumitikim ng bugbog ang ina nito.
Nabanggit ni Basilio na higit na magiging mabuti ang kanilang kalagayan, kung silang tatlo na lamang. Hitsa
puwera ang ama. Ito ay pinagdamdam ni Sisa.
Sa pagtulog ni Basilio siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niya ang kapatid na si Crispin ay
pinalo ng yantok ng kura at sakristan major hangang sa ito ay panawan ng malay tao. Dahil sa kanyang
malakas na pag-ungol, siya ay ginising ni Sisa. Tinanong ni Sisa kung ano ang napanaginipan nito. Hindi
sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip , kanyang sinabi kung ano ang balak nito sa kanilang pamumuhay. Ang
kaniyang balak ay (1) ihihinto na silang magkakapatid sa pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin
kinabukasan din, (2) hihilingin niya kay Ibarra na kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw at (3) kung
malaki-laki na siya, hihilingin niya kay Ibarra na bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka.
KABANATA 18:
MGA KALULUWANG NAGHIHIRAP
Napuna ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Pari Salvi ng magmisa kinabukasan. Naruon
sa kumbento ang mga manang at manong upang isangguni sa kura kung sino ang pipiliin niyang magsermon
sa kapistahan ng bayan. Si Pari Damaso ba? Pari Martin o ang coordinator? Sa kanilang paghihintay, naging
paksa sa kanilang usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng ‘indulhensiya plenarya,’ na siyang tanging kailangan
ng mga kaluluwang nagdurusa sa purgatoryo upang mahango roon. Ang isang karaniwang indulhensiya sa
kanilang pagkaalam ay katumbas na ng mahigit na 1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo. Ang mga manang na
nag-uusap ay pinangungunahan ng isang batang-batang balo, Manang Rufa at Manang Juana. Dahil sa
kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang pagdating ni Sisa.
Siya ay mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa kanyang halamanan.
Mayroon din siyang halamang dagat na katulad ng pako, na paboritong gawing salad ng Kura. Suot niya ang
kanyang pinakamagandang damit. Tulog pa si Basilio ng umalis siya sa kanilang dampa.
Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento. Inaasahan niya na marinig ang tinig ni Crispin. Ngunit hindi
niya ito marinig. Binati niya ang mga sakristan at kawasi sa kumbento. Hindi siya napansin ng mga ito. Kung
kaya’t siya na mismo ang nag-ayos sa mga dala niyang gulay sa isang hapag.
Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang Pari. Pero, sinabi sa kanyang hindi
sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, kung nasaan si Crispin.
Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si Crispin ay nagtanan
din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at ng pagkawala ng makapatid. Naipagbigay alam na ng
alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kwartel. Ang mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa
upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng alila.
Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang dalawang tainga nang paratangan
siya ng alila na isang inang walang turong mabuti sa mga anak dahil nagmana ito sa ama.
KABANATA 19:
MGA SULIRANIN NG ISANG GURO
Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay
napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng guro
kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang –ayon sa kanya, kasama si
Tenyente Gueverra nuong itinapon ang bangkay. Wala siyang tanging magawa nuon kundi makipaglibing.
Malaki ang utang na loob nito kay Don Rafael. Nuong bagong salta ito sa San Diego, ang Don ang
tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo. Sinabi ng guro kay Ibarra na ang malaking suliranin
niya at ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng magagastos.
Malaki ring problema anya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga magulang at mga taong nasa
pamahalaan. Lumilitaw na hindi ang lahat ng mga pangangailangan ng mga batang nag-aaral na katulad ng
mga libro na karaniwang nasusulat sa wikang Kastila at ang pagmememorya ng mga bata sa mga nilalaman
nito. Dahil din sa kakulangan ng mga bahay-paaralan, ang klase ay ginaganap sa silong ng kumbento sa tabi ng
karwahe ng Kura. Nasanay ang mga bata na bumasa ng malakas. Ito ay nakakabulabog sa kura, kaya
nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga bata at guro.
Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kanyang ginawa, madaling natutuhan ng
mga mag-aaral ang wikang Kastila. Pero siya ay nilait ni Pari Damaso sa pagsasabing ang wikang Kastila ay
hindi nababagay sa katulad niyang mangmang. Ang kailangan lamang niyang matutuhan ay Tagalog.
Ipinaris pa siya ni Pari Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di marunong bumasa ngunit
nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa sa kanyang mga estudyante. Labag man sa kanyang kalooban, wala
siyang magawa kundi sumunod kay Pari Damaso. Pero, nag-aral din ang guro ng wikang kastila para sa
kanyang pansariling interes.
Sobra ang pakialam ni Pari Damaso sa guro. Nang huminto ang guro sa paggamit ng pamalo sa
pagtuturo, siya ay ipinatawag ng kura upang ipabalik sa kanya ang pagagmit ng pamalo saspagkat mabisa ito sa
pagtuturo. Tumututol man sa kanyang kalooban, sumunod din siya saspagkat mismong mga magulang ay
napahinuhod ni Pari Damaso na ibalik ang pamalo sa pagtuturo. Dahil sa naging sukal sa kalooban ang
pagtuturo, nagkasakit ang guro. Nang ito ay gumaling at bumalik sa serbisyo, kakarampot na lamang ang
kanyang tinuturuan. Sa kanyang pagbabalik, nagkaroon ng bagong Kura. Hindi na si Pari Damaso.
Nabuhayan siay ng pag-asa. Sinikap niyang isalin sa wikang Tagalog ang mga aklat na nasusulat sa wikang
Kastila.
Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo,pagsasaka,kagandahang asal na hango sa
Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa Kasasysayan mg Pilipinas. Pero, sa lahat ng mga araling ito dapat
unahin ang pagtuturo ng relihiyon, ayon sa mga bagong kura nang ipatawag niya ang guro. Nagkomit si Ibarra
na tutulungan niya ang guro sa pamamagitan ng pulong sa tribunal na kanyang dadaluhan sa paanyaya ng
Tinyente Mayor.
KABANATA 20:
ANG PULONG SA TRIBUNAL
Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan ng mga may
kapangyarihang mga tao sa bayan. Nang dumating sina Ibarra at ang guro, nagsissimula na ang pagpupulong.
May dalawang pangkat na nakapaligid sa mesa. Ito ay binuo ng dalawang lapian sa bayan. Ang conserbador ay
pangkat ng mga matatanda. Ang isa naman ay pangkat ng mga liberal na binubuo ng mga kabataan. Ito ay
pinamumunuan ni Don Felipo. Pinagtatalunan nila ang tungkol sa pagdaraos ng pista ng San Diego. May
labing isang araw na lamang ang nalalabi at pista na. Tinuligsa ni Don Felipo ang Tinyente Mayor at Kapitan
dahil malabo pa ang mga paghahanda sa piyesta.
Kung saan-saan napunta ang kanilang pulong. Nagsalita pa si Kapitan Basilyo,isang mayaman na
nakalaban ni Don Rafael. Walang binesa at walang kawawaan ang talumpati niya. Dahil dito,isinahapag ni
Don Felipo ang isang mungkahi at talaan ng mga gastos. Ang mungkahi niya ay magtayo ng isang malaking
tanghalan sa liwasang bayan at magtanghal ng komedya sa loob ng isang linggong singkad. Ang dulaan ay
nagkakahalaga ng P160.00 samantalang ang komedya ay P1,400 na tig-P200 bawat gabi. Kailangan din ang
mga paputok na paglalaanan ng P1,000. Binatikos si Don Felipo sa kanyang mga mungkahi, kung kaya’t
iniatras niya ang mga ito.
Sumunod na nagpananukala naman ay ang Kabesa na siyang puno ng mga matatanda. Ang kanyang
mungkahi (1) tipirin ang pagdiriwang (2) walang paputok (3) ang magpapalabas ng komedya ay taga San Diego
at ang paksa ay sariling ugali upang maalis ang mga masamang ugali at kapintasan.
Nawalang saysay din ang panukala ng Kabesa sapagkat ipinahayag ng Kapitan na tapos na ang pasya ng
Kura na tungkol sa pista. Ang pasya ng Kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong
misa mayor at komedya sa Tundo. Ito ang gusto ng Kura, kaya sumang-ayon na lamang ang dalawang
pangkat.
Nagpaalam si Ibarra sa guro at ipinaalam na siya’y pupunta sa ulumbayan ng lalawigan upang lakarin
ang isang mahalagang bagay.
KABANATA 21:
MGA PAGDURUSA NI SISA
Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matindi ang bumabagabag sa kanyang isip, ang
katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng Kura. Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip kung
paano maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga Sibil. Tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib nang
papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw na niya nag dalawang Sibil na papaalis na. Saglit na nawala ang
kaba sa kanyang dibdib. Hindi kasama ng mga sibil ang isa man sa kanyang anak.
Muling nagsumamo si Sisa, pero mistulang bingi ang kanyang mga kausap. Ipinakiusap ni Sisa na
payagan siyang mauna ng ilang hakbang sa nga Sibil habang sila ay naglalakad patungong kuwartel kapag sila
ay nasa kabayanan na.
Pagdating nila sa bayan, tiyempong katatpos pa lamang ng misa. Halos malusaw sa kahihiyan si Sisa.
Kaagad na ipinasok siya sa kuwartel. Nagsumiksik siyang parang daga sa isang sulok. Nanlilimahid at iisa ang
kanyang damit. Ang buhok naman ay daig pa ang sinabungkay na dayami. Gusot-gusot ito. Ang kanyang isip
ay parang ibig ng takasan ng katinuan.
Sa bawat paglipas ng sandali, nadagdagan ang kasiphayuan ni Sisa. Magtatanghali, nabagbag ang
damdamin ng Alperes. Iniutos na palayain na si Sisa. Ngunit hinang hina na siya. May dalawang oras din
siyang nakabalandra sa isang sulok.
Painot-inot na naglakad si Sisa hanggang sa muli siyang makarating sa kanyang bahay. Dagling
umakyat siya sa kabahayan . Tinawag ang pangalan ng mga anak. Paulit-ulit, parang sirang plaka. Ngunit
hindi niya ito makita, kahit na panhik panaog ang ginawa niya. Tinungo niya ang gulod ,at sa may gilid ng
bangin. Wala ang kanyang hinahanap. Patakbo siyang bumalik sa bahay.
Natapunan niya ng pansin, ang isang pilas ng damit ni Basilio na may bahid ng dugo. Hawak ang
damit, pumanaog siya ng bahay at tiningnan sa sikat ng araw ang pilas ng damit na nababahiran ng dugo.
Nilulukob ng matinding nerbiyos ang buong katawan. Ano na nag nangyari sa kanyang mga anak. Hindi
madulumat ang nararamdaman niyang kasiphayuan.
KABANATA 22:
LIWANAG AT DILIM
Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa pistang darating.
Naging bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi sa bayang sinilangan.
Isa pa, minamahal siya ng mga kababayan dahil sa kagandahang ugali, kayumian at kagandahan. Labis na
kinagigiliwan siya. Sa mga taga San Diego, ang isa sa kinapapansinan ng malaking pagbabago sa kanyang
ikinikilos ay si Padre Salvi.
Lalong pinag-usapan si Maria, nang dumating si Ibarra at madalas na dalawin ito. Sinabi ni Ibarra kay
Maria na handa na ang lahat para sa gagawin nilang piknik kinabukasan. Ikinatuwa ito ni Maria sapagkat
makakasama na naman niya sa pamamasyal ang kanyang dating kababata sa bayan.
Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag nang isama ang Kura sa lakad nila sapagkat magmula ng
dumating siya sa bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing makakaharap niya ang Kura. Malagkit kung
tumingin ang kura kay Maria at mayroong ibig ipahiwatig ang mga titig nito. Kung kaya, tuwirang hihingi ni
Maria kay Ibarra na huwag ng isama sa pangingisda si Padre Salvi.
Pero, sinabi ni Ibarra na hindi niya mapagbibigyan ang kahilingan ni Maria sapagkat yaon ay lihis sa
kagandahang-asal at kaugalian ng mga taga- San Diego.
Naputol ang kanilang pag-uusap ng biglang dumating si Padre Salvi. Humingi ng paumanhin si Maria
sa dalawa at iniwanan ang mga ito sa pagsasabing masakit ang kanyang-ulo.
Inanyayahan ni Ibarra si Padre Salvi na sumama sa kanilang piknik. Inaasahan iyon ng Kura, kaya na
kaagad na tinanggap niya ang paanyaya.
Laganap na ang dilim ng magpaalam si Ibarra na uuwi na. Sa daan, nakasalubong niya ang isang lalaki
na dalawang araw ng naghahanap sa kanya. Hiningi ng lalaking nakasalubong ni Ibarra ang tulong nito tungkol
sa kanyang problema sa asawa at mga anak.
KABANATA 23:
ANG PIKNIK
Madilim–dilim pa nagsigayak na ang mga na ang mga kabataan,kadalagahan at ilang matatandang
babae na patungo sa dalawang bangkay nakahinto sa pasigan. Ang mga kawaksing babae ay mayroong
sunung-sunong na mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain at pinggan. Ang mga bangka ay nagagayakan ng
mga bulaklak, mga iba’t-ibang kulay na kagaya ng gitara, alpa, akurdiyon at tambuli.
Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang at
Neneng. Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-minsan ay
binabawalan sila ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang kanilang
kuwentuhan.
Nagtig-isang bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang kanilang sinasakyan. Dahil dito,mabilis
na lumipat ang ilang kabinataan sa bangkang sinasakyan ng mga dalagang kanilang pinipintuho. Si Ibarra ay
napatabi kay Maria. Si Albino ay kay Victoria. Natameme sa pagkakagulo ang mga dalaga .
Ang piloto o ang sumasagwan sa dalawang bangkang para umusad sa tubig ay isang binatang may
matikas na anyo, matipuno ang pangangatawan, maitim, mahaba ang buhok at siksik sa laman. Ito ay si Elias.
Habang hinihintay na maluto ang agahan, si Maria ay umawit ng Kundiman. Balana ay hindi nakaimik.
Sinabi ni Andeng na nakahanda na ang sabaw para sa isisigang na isda.
Ang mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago. Ang magbibinatang anak ng isang
mangingisda ay namandaw sa baklad. Ngunit, kaliskis man ng isda ay walang nasalok.
Si Leon na katipan ni Iday ang kumuha ng panalok. Isinalok ito. Ngunit, wala ring nahuling isda.
Sinabi na ang kawalan ng isda sa lawa ay dahil sa buwaya. Agad na lumundag si Elias. Sigawan ang mga babae
na baka mapahamak ito. Pero, pinayapa sila ng ilang mga kalalakihan sa pagsasabing sanay si Elias na humuli
ng buwaya.
Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang buwaya. Pero higit na malakas ang buwaya, nagagapi si Elias.
Dahil dito, kumuha ng isang punyal si Ibarra at lumundag din sa lawa. Hindi hinimatay si Maria Clara
sapagkat ang mga ‘dalaga noon ay hindi marunong mahimatay.’
Biglang umalimbukay ang pulang tubig. nLumundag pa ang isang anak ng mangingisda na may
tangang gulok. Pamayamaya’y lumitaw sin a Ibarra at ang piloto o si Elias na dahil iniligtas siya ni Ibarra sa
tiyak na kapahamakan, utang niya ang kanyang buhay dito.
Natauhan mula sa pagkapatda si Maria ng lumapit sa kanya si Ibarra. Nagpatuloy ang mga
magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli naman ng marami. Nagpatuloy sila sa gubat na pag-aari ni Ibarra.
Nananghalian sila sa lilim ng mayatabong na punongkahoy na tumutunghay sa batisan.
KABANATA 24:
SA KAGUBATAN
Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Pari Salvi, nagtuloy ito sa kumbento upang kumain ng
almusal. May inabot na sulat ang kanyang kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdaka’y nilamutak ang liham at
hindi na nag-almusal. Ipinahanda niya ang kanyang kaerwahe at nagpahatid sa piknikan.
Sa may di–kalayuan, pinahinto niya ang karwahe. Pinabalik niya sa kumbento . Namaybay siya sa mga
latian hanggang sa maulinigan niya si Maria na naghahanap ng pugad ng gansa. Naniniwala ang mga dalaga
na sinuman ang makakita ng pugad upang masundan niya at makita parati si Ibarra nang hindi siya makikita
nito.
Tuwang-tuwa si Pari Salvi sa panood sa papalayong mga dalaga. Nais niyang sundan ang mga ito.
Pero, ipinasya niyang hanapin na lamang ang mga kasama nito. Nang punahin ng mga kasama nito tungkol sa
sa kanyang galos, sinabi niyang siya ay naligaw.
Pagkaraang makapananghali, napag-usapan nina Padre Salvi ang taong tumatampalasan kay Padre
Damaso na naging dahilan ng pagkakasakit nito. Kamala-mala, dumating si Sisa. Nakita siya ni Ibarra, kaya
kaagad na iniutos na pakainin ito. Ngunit, mabilis na tumalilis si Sisa.
Napunta ang usapan sa pagkawala nina Crispin at Basilio, mga sakristan ni Pari Salvi. Naging maigting
ang pagtatalo nina Pari Salvi at Don Felipo sapagkat sinabi ng Don na higit pang mahalaga sa Kura ang
paghahanap sa nawawalang onsa kaysa sa kanyang dalawang sakristan.
Namagitan na si Ibarra sapagkat magpapangana na ang dalawa. Sinabi niya sa mga kaharap na siya na
ang kukupkup kay Sisa. Kadagdaka’y nakiumpok na si Ibarra sa mga nagsisipaglarong biinata at dalaga na
naglalaro ng Gulong ng Kapalaran. Nagtanong si Ibarra kung magtatagumpay siya sa kanyang balak. Inihagis
niya ang dais at binasa siya ang sagot na tumama sa: Ang pangarap ay nanatiling pangarap lamang. Ipinihayag
niyang nagsisinungaling ang aklat ng Gulong ng Kapalaran.
Mula sa kanyang bulsa, inilabaas niya ang isang kapirasong sulat na nagsasaad na pinatibay na ang
kanyang balak na magtayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang sulat, ang kalahati ay ibinigay kay Maria at
ang natitirang kalahati ay kay Sinang na nagtamo ng pinakamasamang sagot sa kanilang paglalaro. At
iniwanan na ni Ibarra sa paglalaro ang mga kaibigan.
Dumating si Pari Salvi. Walang sabi-sabing hinablot ang aklat at pinagpunit-punit ito. Malaking
kasalanan, anya ang maniwala sa aklat sapagkat ang mga nilalaman nito’y pawang kasinungalingan. Nabanas
si Albino at sinabihan ang Kura na higit na malaking kasalanan ang pangahasan ang hindi kanya at walang
pahintulot sa pagmamay-ari nito. Hindi na tumugon ang Kura at sa halip ay biglang tinalikuran ang
magkakaibigan at nagbalik na ito sa kumbento.
Dumating naman ang apat na Sibil at ang Sarhento. Hinahanap nila si Elias na siya umanong
tumampalasan kay Padre Damaso. Inusig nila si Ibarra dahil sa pag-aanyaya at pagkupkop sa masamang tao.
Pero, tinugon sila ni Ibarra sa pagsasabing walang sinuman ang maaring makialam sa mga taong kanyang
inaanyayahan sa piging kahit na sinuman ang mga taong ito. Ginagulad ng mga Sibil at Sarhento ang gubat
upang hanapin si Elias na umano’y nagtapon din sa labak sa Alperes. Ni bakas ni Elias ay wala silang nakita.
Nagpasyang umalis na sa gubat ang mga dalaga at binat ng unti-unting lumalaganap ang dilim sa
paligid. Magtatakipsilim na.
KABANATA 25:
ELIAS AT SALOME
Kung hindi nag-iba ng landasin ang mga guwardiya sibil, maaaring natagpuan nila ang taong kanilang
hinahanap, sa isang dampang nakalagak sa mataas na pook sa may baybayin ng isang lawa. Naroon sa batalan
ng kubo si Salome, ang dalagang nanahi. Dumating si Elias, ang piloto ng bangkang hanap ng mga Kastilang
guwardiya sibil. Sa buong akala ni Salome, lilitaw si Elias mula sa lawa, subalit hindi ito ang nangyari dahil sa
nakakilala kay Elias. Napag-usapan ng dalawang nagsusuyuan sina Crisostomo Ibarra at si Maria Clara na anak
ni Kapitan Tiago. Nagkaroon ng pamamaalam. Lilisanin ni Elias ang pook, at ibig ding umalis ni Salome upang
manirahang kapiling ng mga kamaganak sa Mindoro. Kung hindi lamang sa kanilang mga kapalaran, maaaring
matagal nang nagpakasal ang dalawang magkaibigan sa puso. Ibig sanang makapiling ni Salome si Elias, na
samahan siya nito sa paglipat sa Mindoro, subalit walang kalayaan si Elias na gawin ito dahil sa mga
kaganapan noong araw na iyon bago sila muling magkita. Hiniling ni Elias na pahalagahan ni Salome ang ari
pa nitong kabataan at kagandahan upang makakita ng kapalit ni Elias para maging kaisang-dibdib. Hinikayat
naman ni Salome, na sa kaniyang paglayo, na gamitin ni Elias ang tahanan ni Salome bilang kaniyang tirahan
at tulugan, bilang pagaalala nila sa isat isa habang magkalayo. Isang gawaing maituturing ni Salome sapat na
upang maituring na magkasama pa silang dalawa sa kabila ng kanilang magiging pagkakalayo sa isat isa. Sa
halip, kumalas si Elias sa pagkakayap kay Salome. Mabilis siyang lumiwas at naglaho sa mga anino ng mga
puno. Sinundan lamang ni Salome ng tanaw ang papalayong si Elias, nakikinig sa mga humihina nang mga
yabag ng lalaking kaibigan.
KABANATA 26:
SA TAHANAN NG PILOSOPO
Pagkaraang libutin ni Ibarra, nagsadya ito sa bahay ni Mang Tasyo. Inabutan niya ito ng nagsusulat ng
heroglipiko sa wikang Pilipino. Abala ito, kaya ninais niyang huwag ng gambalain ang matanda. Pero napuna
nito nang siya ay papanaog na. Pinigilan si Ibarra, sinabi ni Mang Tasyo na ang sinusulat niya ay hindi
mauunawaan ngayon. Ngunit, ang mga susunod na salinlahi ay maiintidahan ito sapagkat ang mga ito ay higit
na matalino at malamang hindi maihahambing sa panahon ng kanilang mga ninuno.
Ipinalagay ni Ibarra na siya ay dayuhan sa sariling bayan at higit namang kilala si Mang Tasyo ng mga
tao. Kung kaya’t isinangguni niya ang kanyang balak tungkol sa pagpapatayo ng paaralan. Pero, sinabi ng
matanda na huwag siyang sangguniin sapagkat itinuturing siyang baliw ni Ibarra, at sa halip ay kanyang
itunuro sa binata ang Kura, ang Kapitan ng bayan at ang lahat ng mayayaman sa bayan. Ayon pa rin sa kanya,
ang mga taong kanyang tinutukoy ay magbibigay ng masasamang payo subalit ang pagsangguni ay hindi
nangangahulugan ng pagsunod. Sundin lamang kunwari ang payo at ipakita ni Ibarrang ang kanyang
ginagawa ay ayon sa mga pinagsangunian.
Tinugon ni Ibarra si Mang Tasyo na maganda ang kanyang payo pero mahirap gawin sapagkat
kinakailangan pa bang bihisan ng kasinungalingan ang isang katotohanan. Maagap na tumugon din ang
matanda na higit pa sa pamahalaan, ang kapangyarihan ng isang uldog, nagtagumpay lamang ang binata kung
ito ay tutulungan at kung hindi naman, ang lahat ng kanyang mga pangarap ay madudurog lamang sa matitgas
na pader ng simbahan. Matindi ang paniniwala ni Ibarra na siya ay tutulungan kapwa ng bayan at
pamahalaan.
Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang Tasyo at Ibarra. Ayon pa rin kay
Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan lamang ng simbahan. Na ito ay matatag sapagkat nakasandig sa
pader ng kumbento at ito ay kusang babagsak sa sandaling iwan ng simbahan.
Sinabi ng binata na kasiyahan na niyang masasabi ang di pagdaing ng bayan. Ito ay hindi naghihrap
tulad ng sa isang bansa sapagkat dati–rati tinatangkilik tayo ng relihiyon at ng pamahalaan. Pero, sinabi
naman ni Mang Tasyo na pipi ang bayan kaya hindi dumaraing. Katunayan, anya darating ang panahong
magliliwanag ang kadiliman at ang mga tinimping buntunghininga’y magsisiklab. Ang bayan ay maniningil ng
pautang at sa gayo’y isusulat sa dugo ang kanyang kasaysayan.
Ipinaliwanag ng binata na ang Pilipinas ay umiibig sa Espanya at alam ng bayan na siya ay tintangkilik.
Kaya ang Diyos, ang Gobyerno at ang relihiyon ay di papayag na sapitin ang araw na sinabi ni Mang Tasyo.
Ikinatwiran naman ng matanda na tunay na mainam ang mga balak sa itaas ngunit hindi natutupad sa ibaba
dahil sa kasakiman sa yaman at sa kamangmangan ng bayan. Sa palagay niya, ang dahilan ay sapat, ang utos
ng Hari ay nawawalang silbi sapagakat walang nagpapatupad. Dahil dito, ang aatupagin ng pamahalaan rito
kundi ang magpayaman sa loob lamang ng tatlong taong panunukungkulan. Sa puntong ito, napuna ni Mang
Tasyo na lumalayo na sila ni ibarra sa usapan. Inungkahi muli ni Ibarra ang paghingi niya ng payo. Ang payo
ng matanda ay kailangang magyuko muna si Ibarra ng ulo sa mga naghari-harian.
Hindi naatim ni Ibarra ang payo ng matanda at sa halip ay sunod-sunod na tanong ang kanyang
pinakawalan: (1)Kailangan bang magyuko at mapanganyaya? (2)Kailangan bang maapi upang maging
mabutiing Kristiyano at parumihin ang budhi upang matupad ang isang layunin? (3)Bakit ako
mangangayupapa kung ako ay nakapagtataas ng ulo?
Direkto sa punto naman ang sagot ni Mang Tasyo na Sapagakat ang lupang pagtatamanan ninyo ay
hawak ng inyong mga kaaway. Kayo ay mahina upang lumaban. Kailangang humalik muna kayo ng kamay!
Mariing sinalungat naman ni Ibarra ang pahayag na ito ng matanda sa pagsasabing: humalik pagkatapos
nilang patayin ang aking ama at hukayin sa libingan. Ako’y hindi naghihiganti sapagakat mahal ko ang aking
relihiyon. Ngunit ang anak ay hindi nakakalimot!
Sa sinabing ito ni Ibarra, inimungkahi ng matanda na habang buhay sa alaala ng binata ang sinapit ng
kanyang ama ay limutin muna niya ang tungkol sa kanyang balak na papapatayo ng paaralan. Kinakailangang
gumawa na lamang siya ng ibang paraan na ikagagaling ng kanyang mga kababayan. Naunawaan ni Ibarra ang
payo ng matanda, pero kailangang gawin niya abang naipangakong handog sa kasintahang si Maria. Humingi
pa si Ibarra ng payo kay Mang Tasyo.
Isinama ng matanda ang binata sa may tabi ng bintana. Ang ibinigay nitong payo ay mga halimbawa.
Itinuro ni Mang Tasyo kay Ibarra ang isang rosas na sa dayami ng bulaklak ay yumuyuko sa lakas ng hangin.
Kung ito ay magpapakatigas ng tayo, ang tangkay niya ay tiyak na mababali. Ang sinunod niyang itinuro ay
matayog na puno ng Makopa. Dati-rati, anya, ay isang maliit na puno ang itinanim. Ito ay tinukuran niya ng
mga patpat hanggang sa kumapit ang mga ugat nito sa lupa. ang puno ay itinanim niya ito ng malaki ay hindi
mabubuhay sapagkat ibubuwal ng hangin. Ito ay ipinaparis niya kay Ibarra na parang isang punong inilipat sa
isang lupaing mabato mula sa Europa. Kaya, kailangan nito ang sandalan. Isa pa, hindi kaduwagan ang
pagyuko sa dumarating na punlo. Ang masama ay sumalubsob sa punlong iyon, upang hindi na muling
makabangon.
Tinanong ng binata kung malilimot ng Kura ang ginawa niya. Nag-aalala na baka pakitang–tao lamang
ang pagtulong sa kanya dahil sa ang pagtuturo ay magiging kaagaw ng kumbento sa kayamanan ng bayan.
Binigyan diin ni Mang Tasyo na hindi man magtatagumpay si Ibarra, ito ay maroon ding mapapala
sapagkat tiyak na may lalabas na bagong pananim mula sa mga itinanim nito. At ang binata ay magsisilbing
isang mabuting halimbawa sa iba na natatakot lang magsimula. Kinamayan ni Ibarra si Mang Tasyo at
sinabing kakausapin niya ang Kura na marahil ay hindi naman kasingtulad ng umusig sa kanyang ama.
Ipakikiusap din niya sa Kura na tangkilikin ang kaawa-awang balo at ang mga anak. Ilang saglit pa, tuluyang
umalis na si Ibarra.
KABANATA 27:
ANG BISPERAS NG PISTA
Ika-10 ng Nobyembre angn bisperas ng pista sa bayan ng San Diego. Naging masigla sa paghahanda
ang kilusan sa lahat ng dako. Ang mga bintana ng bahay ay napapalamutian ng iba’t-ibang dekorasyon. May
nagpapaputok ng kuwitis at may nagtutugtugan ng mga banda ng musiko.
Sa bahay ng mga nakakariwasa, nakaayos ang minatamis na bungang kahoy, may nakahandang
pagkain, alka na binili pa sa Maynila na katulad ng hamon at ng relyenong pabo, serbesa, tsanpan at iba pang
klase ng alak na inangkat pa mula sa Europa. Ang mga pagkain ganito ay inuukol sa mga banyaga, kaibigan o
kaaway, at sa mga Pilipino, ahirap man o mayaman upang masiyahan sila sa pista.
Ang mga ilawang globong kristal na minana pa sa kanilang mga kanununuan ay inilalabas din kabilang
na ang kanyong binurdahan ng mga dalaga, belong ginansilyo, alpombra, bulaklak na gawang kamay,
banehang