Filipino

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

4

Filipino
Filipino – Ikaapat na Baitang
Ikaapat na Markahan Markahan – Modyul 10: Paggamit ng mga Uri ng
Pangungusap sa Pormal na Pagpupulong.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Ailee A. De Leon
Editor: Maria Menchie C. Moreno
Tagasuri: Maria Menchie C. Moreno
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
4
Filipino
Ikaapat na Markahan
Modyul 10 Para sa Sariling Pagkatuto
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap
sa Pormal na Pagpupulong

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Ikaapat na Baitang ng
Modyul para sa Paggamit ng mga uri ng pangungusap sa pormal na pagpupulong.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan
ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma.
Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng
lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto,
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Ikaapat na Baitang Modyul 10 ukol sa
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Pormal na Pagpupulong.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang magagamit mo ang iba’t-


ibang uri ng pangungusap sa pormal na pagpupulong.

Nilalayon rin ng modyul na ito na lubos mong maunawaan ang aralin at


masasagot nang wasto ang mga nakalaang katanungan o pagsasanay upang
mas lalong maging ganap ang iyong pag-aaral sa araling ito. Halina’t ikaw ay
mag-aral!

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang mga sumusunod na


pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. “Mga kasama, pinulong ko kayo upang hingin ang inyong tulong.”
A. Pasalaysay
B. Patanong
C. Pautos/Pakiusap
D. Padamdam
2. “Ano po ba ang maitutulong namin?”
A. Pasalaysay
B. Patanong
C. Pautos/Pakiusap
D. Padamdam

3. “Lumalala na ang problema sa ating mga kabataan na nalulong sa


droga.”
A. Pasalaysay
B. Patanong
C. Pautos/Pakiusap
D. Padamdam

4. “Naku! Malubha na nga pong talaga!”


A. Pasalaysay
B. Patanong
C. Pautos/Pakiusap
D. Padamdam
5. “Nakahanda po kami makiisa sa inyo.”
A. Pasalaysay
B. Patanong
C. Pautos/Pakiusap
D. Padamdam

BALIK-ARAL

Sa bahaging ito ay iyong babalikan ang nakaraan mong aralin.


Panuto: Isulat ang salitang pormal o di-pormal sa mga pahayag sa
napakinggang pagpupulong.

_______________ 1. “Magandang umaga sa inyo. Simulan na natin ang ating


pagpupulong.”

_______________ 2. “Oo, naman ‘tol kasi uuwi ako dahil naghihintay sa akin si
erma’t at si erpat.”

_______________ 3. “Kailangan simulan na natin ang mga proyektong ito.


Maaasahan ko ba ang inyong suporta?”

_______________ 4. “Oo naman kasi nababanas na ako sa kahihintay sainyo!”

_______________ 5. “Kung gayon ay maaari ko nang itindig ang pulong na ito


Maraming salamat sa inyo.”

ARALIN

Nag-uusap ang mga tao sa pamayanan sa pamumuno ng kanilang


punong barangay.
Narito ang kabuuang bahagi ng pag-uusap ng mga tao sa pamayanan.

PULONG SA BARANGAY

Mang Tasyo : Simulan na natin ang ating pulong. Unang-una ay


nagpapasalamat ako sa inyong pagdalo sa pulong na ito.

Aling Rosa : Pinatao ko nga po sa tindahan ko ang aking pamangkin upang


makadalo ako sa pulong na ito. Mukha pong mahalaga ang pag-uusapan
natin ngayon.
Mang Ben : Bakit nga po biglaan ang ating pulong ngayon, Kapitan Tasyo?

Mang Tasyo : Makinig kayo at sasalaysay ko muna ang isang pangyayaring


siyang naging dahilan ng pulong na ito. Noong isang araw, kinausap ako ng
principal ng ating pansekundaryang paaralan. Nababahala siyang maraming
mag-aaral ang hindi pumapasok sa paaralan. Nakikita raw ang mga itong
gumagala sa parke o sa mga bilyarang at tila lasing sa droga. Itinanong niya
sa akin kung alam ito ng mga magulang. Kaya minabuti kong ipatawag kayo.
Baka ang inyong anak ay kasama sa kabataang ito.

Aling Gloria : Aba! Hindi po namin alam ito!

Ginoong Cruz : Dapat tayong kumilos sa problemang ito.

Mang Tasyo : Kaya nga hinihingi ko ang tulong ninyong lahat. Magkaisa tayo
upang maiwasan ang pagkalulong ng ating mga anak sa droga.

Aling Flor : Iminumungkahi ko pong makipagugnayan tayo sa mga awtoridad


at sa paaralan upang masugpo ang problemang ito.

Aling Rosa : Iminumungkahi ko rin pong maging mapagmasid tayo sa kilos


ng ating kabataan. Bigyan din natin sila ng mga gawaing maglalayo sa kanila
sa droga.

Mang Ben : Tama. Pinapangalawahan ko ang mga naunang mungkahi.


Hikayatin natin silang sumali sa mga palaro o makiisa sa pagtulong sa
pagtatanim sa barangay para sa sariling kita.

G. Cruz : Maaari po bang magmungkahi pa? Maglagay din tayo ng aklatan


ng barangay para masanay sila sa pagbabasa.

Aling Flor : Kapitan. Lahat ng mga mungkahing inilatag ay


pinapangalawahan ko.

Mang Tasyo : Magaling! Magaling ang mga naisip ninyo. Kailangan simulan
na natin ang mga proyektong ito. Maaasahan ko ba ang inyong suporta?

Lahat : Opo.

Mang Tasyo: Kung gayon ay maaari ko nang itindig ang pulong na ito at
magkita-kita tayo sa susunod na Sabado sa ganitong oras muli. Maraming
salamat sa inyo.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Bakit nagpatawag ng pulong si Mang Tasyo?


2. Anu-ano ang pinag-usapan nila?
3. Ano-anong mga pangungusap na ginamit sa usapan?
Sa pag-uusap tungkol sa mga nangyayari sa pamayanan,
gumagamit tayo ng iba’t-ibang uri ng pahayag o pangungusap. Ang mga
pangungusap ay may iba’t-ibang gamit. Ito ay:

A. Pasalaysay- pangungusap na nagsasalaysay nagbibigay ng


impormasyon, naglalarawan o nagpapaliwanag tungkol sa isang
paksa. Nagtatapos ito sa tuldok (.).
B. Patanong- pangungusap na nag- uusisa o nagtatanong. Gumagamit
ito ng bantas na tandang pananong (?)
C. Pautos/Pakiusap- pangungusap na nagsasaad ng utos o pakiusap.
Ang pautos ay nagtatapos sa tuldok (.) Ang pakiusap ay gumagamit
ng mga salitang maaari ba, paki o puwede ba. Nagtatapos din ito sa
tuldok subalit may mga pagkakataong nagtatapos ito sa tandang
pananong (?) lalo na kapag ginamitan ng mga salitang maaari ba o
puwede ba.
D. Padamdam- pangungusap na nagpapahayag ng matinding
damdamin tulad ng tuwa, lungkot, sakit, galit o gulat. Gumagamit
ito ng bantas na tandang padamdam (!).

MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY 1
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang mga sumusunod.
Isulat sa patlang ang pasalaysay kung ito ay nagsasalaysay, patanong, kung
nagtatanong, pautos, kung ito ay nag uutos at pakiusap kung ito ay
nakikiusap, padamdam kung ito ay nagsasaad ng matinding damdamin.

__________ 1. Nagpapasalamat ako sa inyong pagdalo sa pulong na ito.

__________ 2. Bakit po ba biglaan ang ating pulong?

__________ 3. Makinig kayo at isasalaysay ko ang isang pangyayari.

__________ 4. Aba! Hindi po namin alam ito!

__________ 5. Dapat tayong kumilos sa problemang ito.


PAGSASANAY 2
Panuto: Lagyan ng bituin sa hanay ng bawat kolum ang wastong gamit
ng mga pangungusap. PS kung pasalaysay, PT kung patanong, PU kung
pautos, PK kung pakiusap at PD kung padamdam.

Uri ng pangungusap Ayon sa Gamit PS PT PU PK PD

1. Magkaisa tayo upang maiwasan ang


pagkalulong ng ating mga anak sa droga.
2. Bigyan natin sila ng mga gawain na
naglalayo sa kanila sa droga.
3. Maari po bang magmungkahi pa?
4. Maaasahan ko ba ang inyong suporta?
5. Magaling! Magaling ang mga naisip ninyo!

PAGSASANAY 3
Panuto: Basahin ang isang usapan at pagkatapos sagutin ang mga
sumusunod na tanong.
Tunghayan ang dayalogo sa ibaba
Esterlou : Bilang inyong pangulo, ipinatawag ko ang pulong na ito upang
pag-usapan ang mga bagay bagay na makaaapekto sa atin. Simulan muna
natin ang ating pulong sa isang pagdarasal.
(Pagkatapos ng pagdarasal)
Ngayon naman ay ating balikan ang mga napag-usapan natin noong
nakaraang pulong.
(Tinawag ni Esterlou si Juanito, ang kalihim ng klase)
Juanito : Handa na po ako sa pagbasa ng katitikan noong nakarang
pulong.
(Babasahin ni Juanito ang katitikan)
Esterlou : Mayroon ba kayong gustong liwanagin o idagdag sa nakasaad na
katitikan?
Lahat : Wala na po.
Coral Jade : Iminumungkahi ko pong pagtibayin ang katitikan ng
nakaraang pulong.
John Francis : Pinapangalawahan ko ito!
Esterlou : Kung gayon ay pinagtitibay ang katitikan ng nakaraang pulong.
Maaari na tayong umusad at pag-usapan ang proyektong pangkalinisan ng
ating paaralan.
Esterlou : Kung wala na kayong gustong pagusapan pa ay itinitindig ko na
ang pulong na ito. Maraming salamat sa inyong pagdalo.

Panuto: Magbigay ng isang pangungusap na ginamit sa pagpupulong


batay sa hinihingi sa talahanayan.
Uri ng pangungusap Pangungusap

1. Pasalaysay

2. Patanong

3. Pautos

4. Pakiusap

5. Padamdam

PAGLALAHAT

Ano ang natutuhan mo sa aralin na ito?


Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang
diwa ng talata. Piliin sa kahon ang tamang sagot.

pangungusap pasalaysay Pautos/pakiusap


Patanong padamdam

Ang mga (1)_____________ ay may iba’t-ibang gamit.


(2)_____________kung ito ay nagsasalaysay. Nagtatapos ito sa tuldok (.).
(3)_________________naman kung ang pangungusap ay nagtatanong.
Ginagamit dito ang tandang pananong (?) (4) _____________ ang ginagamit
kung ito ay nag-uutos o nakikiusap. Nagtatapos din ito sa tuldok subalit may
mga pagkakataong nagtatapos ito sa tandang pananong (?) lalo na kapag
ginamitan ng mga salitang maaari ba o puwede ba at

(5) _______________kung ito ay nagsasaad matinding damdamin tulad tuwa,


galit sakit, gulat at iba pa. Tandang padamdam (!) ang bantas na ginagamit
dito.

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Lagyan ng tsek () kung tama ang isinasaad sa pangungusap at ekis
(X) kung mali. Ilagay ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

________ 1. Ang pagpupulong ay isang gawain kung saan ang grupo ng mga
tao ay nagtitipon sa isang lugar sa takdang oras.
________ 2. Hindi kailangan ang presensiya ng mga kasapi.
________ 3. Ang “minutes ng pagpupulong” o katitikan ay isang mahalagang
dokumento sa isang pagpupulong.
________ 4. Hindi na isinusulat sa minutes ng pagpupulong ang oras at petsa
kung kailan ito nangyari.
________ 5. Binabasa muna ang minutes o katitikan ng nakaraang pulong
bago simulan ang bagong pulong.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Nakikilala ang uri ng pangungusap ayon sa pagkakagamit nito.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang na nakalaan sa tabi ng bawat
bilang.
________1. “Pinatao ko nga po sa tindahan ko ang aking pamangkin upang
makadalo ako sa pulong na ito.”
A. Pasalaysay
B. Pautos/pakiusap
C. Patanong
D. Padamdam

________2. “Hikayatin natin silang sumali sa mga palaro o makiisa sa


pagtulong sa pagtatanim sa barangay para sa sariling kita.”
A. Pasalaysay
B. Pautos/pakiusap
C. Patanong
D. Padamdam

________3. “Bakit nga po biglaan ang ating pulong ngayon, Kapitan Tasyo?”

A. Pasalaysay
B. Pautos/pakiusap
C. Patanong
D. Padamdam

________4. “Magaling! Magaling ang mga naisip ninyo.”

A. Pasalaysay
B. Pautos/pakiusap
C. Patanong
D. Padamdam

________5. “Kung gayon ay maaari ko nang itindig ang pulong na ito at


magkita-kita tayo sa susunod na Sabado sa ganitong oras muli.”
A. Pasalaysay
B. Pautos/pakiusap
C. Patanong
D. Padamdam
SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagsubok
1. C
2. B
3. A
4. D
5. A

Balik-Aral
1. Pormal
2. Di-pormal
3. Pormal
4. Di-pormal
5. Pormal

Mga Pagsasanay
Pagsasanay 1
1. Pasalaysay
2. Patanong
3. Pautos
4. Padamdam
5. Pakiusap

Pagsasanay 2
1. PS
2. PU
3. PK
4. PT
5. PD

Pagsasanay 3
1. Pasalaysay- Bilang inyong pangulo, ipinatawag ko ang pulong na
ito upang pag-usapan ang mga bagay bagay na makaaapekto sa
atin.
2. Patanong- Mayroon ba kayong gustong liwanagin o idagdag sa
nakasaad na katitikan?
3. Pautos- Iminumungkahi ko pong pagtibayin ang katitikan ng
nakaraang pulong.
4. Pakiusap- Maaari na tayong umusad at pag-usapan ang
proyektong pangkalinisan ng ating paaralan.
5. Padamdam- Pinapangalawahan ko ito!
Paglalahat
1. Pangungusap
2. Pasalaysay
3. Patanong
4. Pautos/ Pakiusap
5. Padamdam

Pagpapahalaga
1. 
2. X
3. 
4. X
5. 

Panapos na Pagsusulit
1. A
2. B
3. C
4. D
5. A

Sanggunian

A. Aklat
Liwanag, Lydia B. et. al Landas sa Wika 6, Batayang aklat sa Filipino 6,
2008 Pahina14-20, Dane Publishing House Inc.

Santiago, Erlinda M. et al, Pag-unlad sa Wika at Pagbasa 4, 2007 Pahina 25-26,


Books on Wheels Enterprises.

Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma 4 (K to 12) Wika at Pagbasa para sa


Elementarya, pahina 369, Phoenix Publishing House Inc.

B. Online o Elektronikang Pinagmulan


Https://www.slideshare.net/caraganalyn/ang-pagpupulong

You might also like