Module 6

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Aralin A NG ALAMAT NG PALENDAG

“Ang kabiguay bahagi na nag buhay

6 Ngunit di tayo dapat magpalunod sa lumbay;


Bagkus ay muling bumangun sa at ikot ng
mundo’y sumabay”

Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Naiisa-isa ang mga hakbang at panuntunan na dapat gawin upang maisakatuparan ang proyekto.
2. Nabubuo ang isang makatotohanang panturismo
3. Nagagamit nang wasto at angkop ang wikang Filipino sa pagsasagawa ng isang makatotohanan at
mapanghikayat na proyektong panturismo.
4. Nailalahad ang mga hakbang na ginawa sa pagkuha ng datos kaugnay ng binuong proyektong
panturismo.

MAHALAGANG TANONG

1. Sinasabing ang kabiguan ay bahagi ng buhay. Ano-ano kaya ang dapat gawin ng isanag tao upang unti-
unti siyang makpagsimulang muli o makapag-move on mula sa isang kabiguan?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

ALAM MO BA?

Ang unang pag-iyak at pagluha ng bagong silang na sanggol ay ikinatutuwa ng mga taong naksaksi sa
pagsilang sapagkat ito ay nagpapakita na buhay ang bata. Habang lumalaki ang sanggol, ang pag-iyak o
pagluha ay nagiging malaking bahagi ng kanyang buhay. Dahil wala pang kakayahang magsalita, ito ang
ginagamit niya upang ipaabot sa kanyang mga tagapag-alaga ang iba’t iba nyang pangangailangan.
Katunayan, tinatayang ang sanggol ay umiiyak mula 1 hanggang 3 oras maghapon para sa layuning ito.
Sapagkat paglaki ng sanggl, ang dalas ng pag-iyak o pagluha ay nababawasan subalit ayon sa pag-aaral, ang
mga babae ay madalas na lumiha kaysa sa mga lalaki. Ang karaniwang bilang ng pag-iyak o pagluha raw ng
mga babae ay 50 beses sa isang tan samantalang ang mga lalaki ay 10 beses lamang bagama’t madalas ay
hindi nila tahasang inaamin ang pagluha.
Ayon din sa mga pag-aaral, may tatlong pangunahing dahilan daw ang pagluha. Ang
pinakanangunguna ay pagluha dala ng emosyong maaaring lungkot, galit, tuwa, atbp. Ang dalawa pang uri ay
maikakategorya sa urin lacrimal na nakatutulong upang malinis ang mata upang makakita nang mas
malinaw. Kabilang dito ang uri ng “ basal” na nagpapabasa sa mata upang hindi ito manuyo at reflex o luhang
sadyang dumadaloy kapag may bagay na nakairita sa mata tulad ng sibuyas o usok.
Ang pag-iyak o pagluha ay magkakaroon ng n apakahalagang bahagi sa babasahin nating alamat
sapagkat isang mahalagang bahagi ng kulturang Maguindanawnon ang sinasabing mula rito.

Pampagkatotong Modyul sa Filipino 7 Pahina 79


PANGALAN: _________________________________________________________________
Iskor:
PANGKAT at TAON: _________________________________ ARAW: _______________

PAUNANG PAGSASANAY

A. Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat ng madiin sa hanay A batay sa konteksto
ng pangungusap. Hanapin ang sagot sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa linya bago
ang bilang. Pagkatapos, bumuo ng sariling pangungusap gamit ang mga salitang nakadiin. Isulat
ito sa mga linyang laan.
Hanay A Hanay B
____ 1. Madarama ang bigat ng suliraning dinadala ng dalaga sa kanyang tahimik a. inubos
na paghikbi.
___________________________________________________________ b. nakasaling
___________________________________________________________
___________________________________________________________
____ 2. Ang kalungkutan ng dalaga ay tunay na nakaantig sa aking damdamin. c. pagluha
___________________________________________________________ d. Sundalo
___________________________________________________________
___________________________________________________________
____ 3. Inatasan ng hari ang kawal upang manuno sa isang digmaan. e. tungkulin
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
____ 4. Ipinadala ng hari ang hari ang binata sa isang mahalagang misyon kaya
kinakailangan niyang iwan ang minamahal.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
____ 5. Ginugol niya ang oras sa kanyang habihan upang makalimot sumandali sa
kanyang kasawian.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

B. Ang tatlo sa apat na salita sa bawat bilang ay magkakasing-kahulugan. Lagyan ng ekis (x) ang
salitang may naiibang kahulugan.
1. nakalilikha nakagagawa nakabubuo nakabibili

2. inaliw nilibak pinasaya nilibang

3. dumalang dumalas parati palagi

4. nabigo nasawi nagtagumpay natalo

5. lihim tago bunyag sekreto

Pampagkatotong Modyul sa Filipino 7 Pahina 80


Basahin at unawaing mabuti ang isang Akdang Alamat mula sa Mindanao.

PAGBASA

“Ang Alamat ng Palendag”


(Alamat ng mga Maguindanawnon)
Salin ni Elvira Butos- Estravo ng “The Legend of Palendag”

Ang palendag ay isang instrumentong pang-musika ng mga


Magindanaw.  Ito’y galing sa salitang Magindanaw na lendag, na
nangangahulugang paghikbi.  Gawa ito sa isang uri ng kawayang tinatawag na
bakayawan ang mga katutubo.  Ito’y may habang dalawa hanggang tatlong
talampakan, may tigdadalawang butas sa magkabilang gilid na isang pulgada
ang pagitan.  Tinutugtog ito na gaya ng plauta.
Karaniwang tinutugtog ito ng isang nabigong mangingibig upang aliwin ang
sarili.  Nabibigyang-kahulugan ng isang mahusay na tumugtog sa palendag
ang iba’t ibang damdamin at nakalilikha ng isang maganda at makaantig-
damdaming musika.
Ayon sa alamat, may isang binatang umibig sa pinakamagandang dalaga sa
pook.  Nagkakaisa ang kanilang damdamin, ngunit dahil sa ipinagbabawal ng
tradisyong Magindanaw ang pagliligawan, ang kanilang pagmamahalan ay
nanatiling lihim.  Lihim man ang pag-iibigan, waring walang hanggan ito.
Isang araw, tinawag ng datu ang binata.  Bilang isang kawal ng sultan,
binigyan siya ng misyon sa isang malayong lugar.  Sa pamamagitan ng isang kaibigan, nagkita ang dalawa bago
makaalis ang binata.  Nalungkot ang dalaga sa nalamang misyon ng lalaki.  Inaliw siyang aalalahanin at uuwi
agad pagkatapos ng misyon.  Ipinangako rin niyang susulat nang madalas.
Sa unang ilang linggo, panay ang dating ng sulat na punung-puno ng pagmamahal at pag-aalaala.  Pagkatapos
ng ilang buwan, dumalang ang dating ng sulat hanggang sa ito’y tuluyang nawala.
Isang araw, nabalitaan niya sa isang pinsan ang nakalulungkot na balitang ang binata ay ikinasal sa
ibang babae, sa lugar ng kanyang misyon.
Lubhang nasaktan ang dalagang manghahabi.  Upang maitago ang kalungkutan sa mga magulang,
maraming oras ang ginugugol niya sa kanyang habihan.  Parati siyang umiiyak nang tahimik.  Ang kanyang luha’y
laging pumapatak sa kapirasong kawayang ginagamit sa paghabi.  Nagkabutas ang kawayan dahil sa laging
pagpatak dito ng luha ng dalaga.  Isang araw, sa di sinasadyang pagkakataon, nahipan niya ito at lumabas ang
isang matamis at malungkot na tunog.  Mula noon, inaliw niya ang sarili sa pagtugtog ng palendag, ang
pangalang ibinigay sa kakaibang instrumentong pangmusika.
Sanggunian: https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-legends-mga-alamat-ang-alamat-ng-palendag_282.html

PANGALAN: ________________________________________________________________
Iskor:
Pampagkatotong Modyul sa Filipino 7 Pahina 81
PANGKAT at TAON: _______________________________ ARAW: _________________

A. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa sumusunod na mga tanong batay sa binasang alamat.

1. Ang dalaga sa alamat ay isang ___________ ?


a. mananahi c. manghahabi
b. tagaburda d. magsasaka
2. Ang kasintahan naman ng dalaga ay isang _________________ ?
a. manlalakbay c. kawal
b. datu d. mangangalakal
3. Hindi na natupad ng binata ang pangakong pagbabalik sa kasintahan dahil siya ay _____________ ?
a. ikinasal sa ibang babae c. namatay habang naglalakbay
b. natalo sa sinalihang labanan d. nakatagpo ng magandang
kapalaran
4. Ang palendag ay isang instrumentong pangmusikang tinutugtog na parang isang _____________ ?
a. gitara c. tambol
b. plawta d. piyano
5. Ang instrumentong ito ay nalikha sa pamamagitan ng ___________________
a. Pagtusok dito ng karayom na gamit sa paghahabi
b. Pag-ihip nang malakas sa kapirasong kawayan
c. Paglilok sa kawayan gamit ang kutsilyo at paet
d. Laging pagpatak ng luha sa bahagi ng kawayan

B. Tukuyin at lagyan ng tsek (/) ang lahat ng mga kaisipan o ideyang tinalakay sa akda. Ekis (x) naman
ang ilagay kung hindi ito nabanggit sa akda. Pagkatapos, sa mga linya sa ibaba ay bigyang-reaksiyon mo
ang dalawa sa mga kaisipan o ideyang nilagyan mo ng tsek (/).

1.Ipinagbabawal ng tradisyong Magindanawnon ang pagpaliligawan ng binata at dalaga.

2.Nakuha ng dalaga at ng binata ang basbas ng kani-kanilang magulang para sa kanilang relasyon.

3.Naranasan ng dalaga ang masakit na kabiguan nang hindi na muling para sa kanilang relasyon.

4.Labis na dinamdam ng dalaga ang kabiguang naranasan kaya’t siya’y umiyak o lumuha hanggang sa
mabutas ang kawayang pinapatakan ng kanyang luha.
5.Tinulungan ng kanyang mga kapamilya at kaibigan ang dalaga upang muling makabangon sa
kabiguang naranasan.
6.Inaliw ng dalaga ang sarili sa pamamagitan ng pagtutog ng palendag.

Magbigay ng reaksiyon sa dalawa sa mga pahayag na nilagyan mo ng tsek (/). Isulat sa mga linya ang
bilang ng pahayag at ang reaksiyon mo para sa bawat isa.
1. _______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
2. _______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

PANGWAKAS NA GAWAIN
Pampagkatotong Modyul sa Filipino 7 Pahina 82
Halina Po Sa Mindanao / Pagbuo ng Travel Brochure

Mga gawain at aasahang Awtput


Papangkatin ang mga mag-aaral sa 5 hanggang 10 pangkat na tinatawag na GCT - Tourist Ambassadors na
binubuo ng mga tagapanaliksik, photographer, manunulat, IT ekspert, tourist ambassadors. Ang pangkat ay
magsasaliksik ng mga ikatangi-tanging bagay na matatagpuan sa Mindanao kabilang na ang kultura kalagayan,
inpranstraktura at iba. Kakalap sila ng mga datos at impormasyon tungkol sa lugar na nais nilang ipagmamalaki at
mapuntahan ng mga dayuhan. Ang mga datos na nakuha ay ilalagay sa Brochure na gagawin bilang proyekto.
Ipopost sa online ang ginawang brochure upang ma ebalweyt ng ibang mga estudyante.
Ang grupo ay pipili ng kategorya na itatampok sa kanilang brochure. Maaaring pagpipilian ang sumusunod:
Natural site, Building Site, Cultural Site o Slice of Life.

Kategorya Deskripsyon
- Lokal na tanawin na katangi-tangi at interesanting bisitahin sa mga komunidad ng
Natural Site
Mindanao .
- Lokal na human-made structure tulad ng bahay, simbahan, gusali, plasa o tulay na may
Building Site
katangi-tanging kasaysayan o kwento.
- Lokal na tao, musika, sining, fashion at isports, mahalagang pagdiriwang na naglalarawan
Cultural Site
sa uri ng pamumuhay ng isang komunidad.
- Pang-araw-araw na gawaing sosyal/ isyu/ kaugalian / pagkain at iba pang tampok na
Slice of Life
tanawin na ikinatatangi (uniqueness) nito.

Ang mga datos na dapat ilalagay sa travel brochure ay maglalaman ng mga mabisang larawan tungkol sa
paksa at ilang mahahalagang impormasyon tungkol dito gaya nang:
- ano-ano ang kahalagahan nito sa kasalukuyan?
- mabuting araw na ito ay makita o mabisita?
- halagang dapat ihanda upang ito ay makita?
- ano-ano ang dapat iwasan kung sakaling may nakaambang panganib sa lugar?
- pangalan at numero ng mga taong maaaring kontakin.
- mga larawan
Ang mga mag-aaral ay may kaukulang tungkulin na gagampanan sa pagbuo ng gawain.

Kasapi Tungkulin
Ang mananaliksik ang may katungkulang mangalap ng mga impormasyon sa lugar na nais
Mananaliksik
ipagmamalaki. Napakahalaga ng kanyang katungkulan sapagkat ang mga impormasyon
(3)
nakalap ay malaking bahagi sa bubuuing proyekto.
Ang manunulat ang magbubuod sa mga impormasyong nalikom ng mananaliksik upang
Manunulat
ang mga nilalaman sa proyekto ay magkakaroon ng kaisahan at magiging organisado. Sya
(3)
rin ang bahala sa iba pang sulat pangkomunikasyon na kakailangan ng pangkat.
Tagakuha ng Ang magaling sa paggamit ng kamera. Siya ang taga kuha ng larawan na ilalagay sa travel
Larawan brochure na gagawin. Siya din ang taga dokumentaryo ng pangkat.
(2)
IT Siya ang gagawa sa brochure at magaling sa kompyuter at paggamit ng kagamitan ng
Expert/Debuhista publisher siya ang maglalagay ng kaukulang diskrisyon, desenyo at larawan sa pamphlet.
(3)

Naririto ang mga habang sa pagsasagawa ng isang Travel Brochure:


1. Pag-alam o pagpili ng paksa - Kung walang tiyak na paksang sasaliksikin, siguraduhing ang pipiliing paksa
ay naaayon sa iyong interes at yaong mayroon kang malawak na kaalaman.
2. Paglalahad ng layunin - Isa-isahin ang iyong dahilan o layunin kung bakit nais isagawa ang pananaliksik.
3. Pananaliksik at pagsulat ng nilalaman - Ito ang unang hakbang sa pagsasagawa ng proyekto kung saan
tinutukoy mo ang mga mahahalagang datos at ang mga bagay na gusto mong bigyang-diin sa proyekto.

Pampagkatotong Modyul sa Filipino 7 Pahina 83


4. Pangangalap ng mga talâ o “note-taking” - Iminumungkahi sa bahaging ito na gumamit ng index card.
Hatiin sa tatlo ang mga talang nakuha – lagom, tuwirang sipi, at hawig.
5. Pagpili ng mga Larawang Isasama - Mahalaga ang hakbang na ito sapagkat ito ang inaasahang lalo pang
makapang-aakit sa target ng iyong gagawing proyekto.
6. Paghahanda ng tentatibong balangkas - Makakatulong ito para sa mas mabilis na pananaliksik dahil ito
ang magbibigay ng direksyon at magsisilbing patnubay mo sa pagbabasa at pangangalap ng mga tala.
7. Pagbuo ng Borador – Sa hakbang na ito kailangan tiyaking nagamit ang wasto at angkop na wikang Filipino
upang ito ay hindi lang maging makatotohanan kundi makapanghihikayat din ang iyong proyekto.
8. Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador - Sa bahaging ito ay bigyang-pansin ang nilalaman at paraan ng
pagsulat gayundin ang baybay, bantas, at wastong gamit ng mga salita.
9. Paghahanda ng iwinastong balangkas o “final outline” - Sa bahaging ito, planuhin at isiping mabuti ang
kabuoan ng pananaliksik na gagawin.
10. Pagbuo ng aktuwal na proyekto – Dito na gagamitin ang mga impormasyong iyong nasaliksik gayundin ang
mga larawang pinili mo para sa proyekto.

Gawing gabay ang pamantayan sa pagmamarka.

Ang buong proyekto ay inaasahang matatapos sa loob ng dalawang linggo.


Day 1 of Week 1: Brainstorming at Pagpaplano sa Proyekto Pagsisimula sa Proyekto.
Day 2 of Week 1: Oryentasyon sa Pagbuo ng Brochure Pagsisimula sa Proyekto.
Day 3 of Week 1: Pagsasagawa ng pananaliksik Pag-oorganisa ng datos at mga ideya para sa
proyektong gagawin.
Day 4 of Week 1: Pagpapakinis sa Proyekto.
Day 1 of Week 2: Pag ki-kritik ng outputs gawing gabay ang pagmamarkahan.
Day 2 of week 2: Pagpapakinis sa ginawang brochure para sa pinal na kopya.
Day 3 week 2: Pagsusumite sa pinal na kopya ng brochure.
Day 4 week 2: Pagsulat ng Repleksyon.

Pampagkatotong Modyul sa Filipino 7 Pahina 84

You might also like