Filipino4 - Q4 - W3 - A1 - Paggamit NG Ibat Ibang Uri NG Pangungusap Sa Panayam - FINAL

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

4
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
S ANGAY NG ZAMBALES

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Paggamit ng Iba’t ibang Uri
ng Pangungusap sa Panayam
Ikaapat na Markahan – Ikatlong Linggo
(Aralin 1)
Balik Aral

Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Ibigay ang


kahulugan ng salitang may salungguhit. Piliin ang letra ng
tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Naaliw sila sa magagandang tanawin sa bukid.


A. nabigla C. nalibang
B. nainis D. napagod
2. Malamig ang simoy ng hangin sa batis.
A. amoy C. hampas
B. hagupit D. ihip
3. Malugod silang sinalubong ng mga magulang ni Eula.
A. inaantok C. tuwang tuwa
B. malungkot D. tawa nang tawa

4. Masaya si Ramon nang isilang ni Lanie ang panganay


nilang supling.
A. anak C. pamangkin
B. kapatid D. pinsan
5. Inaruga si Jaime ng kanyang lola hanggang sa kanyang
paglaki.
A. inalagaan C. pinasyal
B. inutusan D. pinatulog
6. Takipsilim na nang umuwi si Mang Lito galing sa gubat.
A. magdidilim na C. may araw pa
1|Pahina
B. maliwanag pa D. may buwan na
7. Dapat sundin ang mga alituntunin sa iyong paaralan.
A. lagusan C. panuto
B. pakiusap D. paunawa
8. Ang kanilang bahay ay maagang nawalan ng suhay
dahil sa pagkamatay ng kanilang ama.
A. duyan C. ilaw
B. haligi D. kawayan
9. Natuklasan ni Nena ang tinatagong sikreto ni Lupe.
A. nakita C. narinig
B. nalaman D. nabasa
10. Maligaya ako sa pangangalap ng dugo upang
madugtungan ang buhay ng tao.
A. pagbibigay C. pangongolekta
B. pagbili D. pagpapahiram

Magagamit mo ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa


pagsulat ng mga tanong ng tagapanayam at sagot ng
kinakapanayam.

Tagapanayam
ang nagtatanong sa isang panayam

Kinakapanayam
ang sumasagot sa mga katanungan

2|Pahina
Ngayon naman ay mababatid mo kung paano isinusulat
ang isang panayam.

Tandaan na ang panayam ay may tatlong bahagi:

1. Panimula o Pambungad – sa bahaging ito, binabati ng


tagapanayam ang kinakapanayam. Ipinakikilala ang sarili at
inilalahad ang layunin ng panayam.

Monico: Magandang araw po. Ako po si Monico. Narito


ako para kayo ay kapanayamin tungkol sa
pagkapanalo ninyo sa larong speak takraw.
Rodel: Salamat. Isang karangalan na ako ay iyong
maimbitahan.

2. Katawan – ang tagapanayam ay nagbibigay ng katanungan sa


kinakapanayam. Nakasulat dito ang bawat tanong at
kasagutan ng paksang pinag-uusapan sa panayam.

Monico: Bakit sepak takraw ang nakahiligan mo?


Isaisahin mo nga ang mga dahilan.
Rodel: Para sa akin, nakalalakas ito ng katawan kaysa
anomang uri ng laro. Gumagalaw ang halos
lahat ng bahagi ng katawan.
Monico: Ano ba ang larong sepak takraw?

3|Pahina
Rodel: Ito ay isang larong binubuo ng dalawang
koponang magkatunggali. Ang bawat koponan
ay binubuo ng tatlong manlalaro. May sariling
posisyon ang bawat manlalaro. Upang
makagawa ng puntos, kailangang mapabagsak
mo ang bola sa lapag ng kabilang panig.
Labinlimang puntos lang ang kailangan para
manalo.

Monico: Paa lamang ba ang ginagamit sa paglalaro niyan?

Rodel: Maaari ring gamitin ang dibdib, likod at binti sa


pagsangga ng bola ngunit hindi
pinahihintulutang gamitin ang kamay, bisig o
braso.

4|Pahina
Monico: Kung gayon, magaan ang bolang ginagamit.
Rodel: Talagang magaan dahil yari sa makunat na
yantok. Itinatali nang mahigpit ang lambat
upang maging maganda ang talbog ng bola.
Monico: Napanood nga kita sa huling laro ninyo. Ang
husay-husay mong lumundag! Nakabibilib! Kaya
pala maganda at malusog ang katawan mo.
Dahil ba sa sepak takraw?
Rodel: Posible. Saka wastong pagkain at tamang oras ng
pamamahinga ang mahalaga sa isang
manlalarong tulad ko.

3. Pangwakas – dito nakalahad ang pangwakas na pahayag ng


tagapaayam at kinapanayam.

5|Pahina
Monico: May mensahe ka ba sa ating mga kabataan?
Rodel: Dapat ingatan ang lakas ng katawan, gamitin ito
sa mabuting paraan tulad ng isports. Sa darating
na Sabado magkakaroon kami ng isang
programa sa plasa para sa mga kabataang nais
matuto ng larong sepak takraw. Ito ay bukas
para sa lahat.

Monico: Maganda ang balitang iyan!


Siguradong maraming kabataan ang dadalo
Salamat sa pagpapaunlak mo na makapanayam
kita. Muli ay binabati kita sa iyong pagkapanalo.

Rodel: Salamat din sa iyo, Monico.

Panuto: Sumulat ng isang maikling panayam sa iyong magulang


o tagapagdaloy. Gamitin ang iba’t ibang uri ng pangungusap.
Gawin ito sa sagutang papel.

Pumili ng isa sa mga sumusunod na paksa:

1. Pagtulong sa nasalanta ng bagyo


2. Pag-iwas sa sakit na dengue
3. Paglilinis ng kapaligiran

Pangwakas

6|Pahina
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang angkop na salita sa bawat
patlang upang mabuo ang diwa ng talata. Piliin ang sagot sa loob
ng kahon.

pagwawakas padamdam patanong


panayam pasalaysay pambungad

Ang ______________ ay isang pormal na pakikipag-usap sa isang


tao upang makakuha ng karagdagang impormasyon. Mayroong
tatlong bahagi sa panayam, ito ay ang ______________, katawan at
______________. Maaari tayong gumamit ng iba’t ibang uri ng
pangungusap sa pagsulat ng isang panayam tulad ng
______________, pautos, ______________, at _____________.

Magaling! Binabati kita. Natapos mo ang mga gawain sa


araling ito. Maaari ka ng magpatuloy sa susunod na aralin.
7|Pahina
8|Pahina

You might also like