Banghay Aralin

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

VISION MABINI COLLEGES, INC.

MISSION

“MABINI COLLEGES,
Daet, Camarines Norte MABINI COLLEGES aims to provide quality instruction, research and extension
service programs at all educational levels as its monumental contribution to

2nd Sem., S.Y.2022-2023


national and global growth and
Inc. shall cultivate a
CULTURE OF Specifically, it transforms students into:

EXCELLENCE in God – fearing;


education” Nation Loving;
Earth-Caring;
Law-Abiding;
Productive; and
Locally and Globally competitive persons.

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6


Inihanda ni: Vernon U. Ramirez

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng 40 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang mga kontribusyon ni Miguel Malvar sa pagkamit ng kalayaan ng bansa.
B. Nabibigyang halaga ang mga kontribusyon ni Miguel Malvar sa pagkamit ng kalayaan ng bansa.
C. Nakasusulat ng isang replektibong sanaysay tungkol sa mga naging kontribusyon ni Miguel Malvar sa
pagkamit ng kalayaan ng ating bansa

II. NILALAMAN
A. PAKSANG ARALIN: Natatanging Pilipinong Nakipaglaban Para sa Kalayaan: Miguel Malvar
B. SANGGUNIAN:
C. KAGAMITAN:

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. PANIMULANG GAWAIN
1. PAGBATI 1. Magandang Umaga din po Sir!
Magandang umaga mga bata!
2. PANALANGIN
Maaari bang magsitayo ang lahat at simulan
natin ang araw na ito sa isang panalangin.

*Panginoon maraming salamat sa araw na ito


at kami’y muling nagsama-sama upang
matuto, nawa’y gabayan niyo po ang bawat
isa sa amin at bigyan ng sapat na kaalaman
upang lubos na maunawaan ang paksang
tatalakayin sa araw na ito, ito po ang aming
panalangin na hinihiling namin sa ngalan ng
iyong anak na si hesus. Amen.

Mga bata bago kayo tuluyang maupo maaari


bang pakiayos ang iyong upuan at pakipulot
na rin ang kalat na inyong makikita.
Kung tapos na ay maaari na kayong maupo.

3. PAGTALA NG LIBAN
Mayroon bang liban ngayon sa ating klase?

Mabuti naman kung ganon,


4. BALIK ARAL
Bago tayo tuluyang tumungo sa panibagong
aralin ay magkakaroon muna tayo ng
pagbabalik aral. Ano nga ulit ang paksa na
ating tinalakay kahapon?
Tama! Ano nga ulit ang Cavite Mutiny? Saan
ito patungkol? At kailan ito naganap?

Salamat po sir

Tama mahusay mga bata! Ano naman ang


naging epekto nito sa mga Pilipino?
Wala po sir

Mahusay mga bata ako ay lubos na natutuwa


dahil inyong naunwaan ang ating tinalakay
kahapon. Dumako na tayo sa sunod nating
gawain sa araw na ito.

4. Tungkol po sa Cavite Mutiny Sir.

Sir ito tungkol sa pag aalsa ng mga taga Cavite sa


pamahalaang kastila dahil sa pagtanggal ng mga
pribilehiyong tinatamasa ng mga manggagawa sa arsenal
ng Kabite tulad ng makalibre sa pagpupugay at
puwersahang pagtatrabaho. Ang mga pang aalipin ng mga
kastila ang nag udyok sa mamamayan ng Cavite uoang
mag alsa. Ito ay naganap noong 1872.

Sir ito po ang nagsilbing mitsa upang magising ang


pagkanasyonalismo ng mga Pilipino.

B. PAGGANYAK
Bilang panimulang gawain sa araw na ito tayo
mga bata ay may babasahing isang tula. Ito ay
pinamagatang “Kabayanihan” ni Lope K. Santos
Atin itong sabay sabay na basahin.
“Kabayanihan”

Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod


na walang paupa sa hirap at pagod;
minsang sa anyaya, minsang kusang-loob,
pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos.

Natatalastas mong sa iyong pananim


iba ang aani’t iba ang kakain;
datapwa’t sa iyo’y ligaya na’t aliw
ang magpakasakit nang sa iba dahil. * Ang mga mag aaral ay sabay sabay na babasahin ang
tula
Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo, buhay…
pinupuhunan mo at iniaalay,
kapagka ibig mong sa kaalipinan
ay makatubos ka ng aliping bayan.

Sa tulong mo’y naging maalwan ang dukha,


sa turo mo’y naging mulat ang mulala,
tapang mo’y sa duwag naging halimbawa’t
ang kamatayan mo ay buhay ng madla.

Tikis na nga lamang na ang mga tao’y


mapagwalang-turing sa mga tulong mo;
ang kadalasan pang iganti sa iyo
ay ang pagkalimot, kung di paglililo.

Mahusay mga bata! Napakagandang tula ang ating


binasa. Sa tingin niyo ano ang mensaheng nais
iparating o saan patungkol ang tulang inyong binasa?

Tama magaling, tungkol ito sa mga bayaning Pilipino


na nagsakripisyo at nag buwis ng buhay upang
makamit ang kalayaan. Nakakalungkot lang isipin na
kung minsan nakakalimutan natin sila at hindi
napahahalagahan ang kanilang mga ginawa.

Tungkol po sa kabayanihan ng ating mga magigiting na


bayani at sa kanilang mga sakripisyo.
C. AKTIBITI
Ngayon naman mga bata magkakaroon tayo ng
isang aktibi. May ipapakita ako sainyong apat na
larawan, at inyong huhulaan ang isang salitang
tumutukoy sa apat na larawan.

Anong salita ang inyong nabuo base sa apat na


larawan na inyong nakikita?
Tama mahusay, kabayanihan nga ang salitang
inyong mabubuo base sa mga larawang inyong
nakita.

Kabayanihan po sir
D. ANALISIS
Ngayon naman, mayroon akong tanong sainyo.
1. Anong mga katangian mayroon ang isang tao
para matawag na bayani?

Mahusay mga bata pero ilan lamang iyan sa


1. Sir matapang, may mabuting kalooban, mas inuuna ang
napakaraming katangian upang matawag na isang
bagay na makabubuti sa nakararami at may pagmamahala
bayani.
sa kapwa.

2. Kailan ba natatawag ang isang tao na sya ay


bayani? O ano ang mga bagay na ginawa o
gagawin para matawag na bayani? 2. Sir kapag po may nagawang mabuti sa kapwa maging
ito man ay sa magulang, mga kapatid, kaibigan o kahit na
sino pa at kapag may mabuting nagawa para sa bayan.
Tama mga bata natatawag na bayani ang isang tao
na bayani kapag siya ay isang mabuting tao na
inuuna ang makakabubuti sa kapakanan ng
nakararami at may pag mabuting nagawa at
pagmamahal kanyang bansa.

E. ABSTRAKSYON
1. PRESENTASYON
Ngayong araw mga bata ang ating paksang
tatalakayin ay may kinalaman sa
kabayabihan. Ating pag aaralan ang naging
buhay ni Miguel Malvar at ang kanyang mga
naging kontribusyon sa pagkamit ng kalayaan
ng ating bansa.

May ideya ba kayo kung sino si Miguel


Malvar?

Mabuti kung ganun.

Opo, siya po ay isang bayani na lumaban sa mga dayuhan.


Sa ating talakyan ngayong araw ay mas
palalawigin pa natin ang inyong kaalaman
tungko kay Miguel Malvar.

Pagkatapos ng ating talakayan kayo ay


inaasahang;
A. Natutukoy ang mga kontribusyon ni
Miguel Malvar sa pagkamit ng kalayaan
ng bansa.
B. Nabibigyang halaga ang mga naging
kontribusyon ni Miguel Malvar sa
pagkamit ng kalayaan ng bansa.
C. Nakasusulat ng isang replektibong
sanaysay tungkol sa mga naging
kontribusyon ni Miguel Malvar sa
pagkamit ng kalayaan ng ating bansa

2. PAGTALAKAY
Ngayon mga bata upang inyong makilala
kung sino si Miguel Malvar at malaman kung
ano ang kaniyang nagawa para sa ating bansa
ay may ipapanood akong video sainyo na
kung saan tatalakayin dito ang naging buhay
ni Malvar.

Inyong itong panoorin at unawaain ng mabuti


dahil pagkatapos ng inyong panonood ay may
mga katungan ako tungkol rito at ito’y inyong
masasagot kung pinanood ninyo ng mabuti
ang video.

Maliwanag ba mga bata?

*Pagkatapos manood ng video ng mga mag


aaral

Mga bata ngayong inyo ng napanood ang


kwento ng buhay ni Heneral Miguel Malvar
at malaman ang kabayanihan na kanyang
ginawa, tulad ng sabi ko kanina ay may mga
katanungan ako sainyo tungkol sa inyong
napanood.

Handa na ba kayo mga bata?

1. Para sa unang tanong sino si Miguel


Malvar?
Tama mahusay, siya nga ay isang sundalong
heneral lumaban sa mga dayuhan.
Opo sir

2. Anu-ano ang mga katangian na mayroon si


Heneral Miguel Malvar?

Magaling, Tunay nga na napakatapang at


isang makabayan si Malvar dahil sa mga
kanyang ginawa para sa mga Pilipino.

3. Ano naman ang mga naging kontribusyon


niya o kanyang mga nagawa upang makamit
ang kalayaan ng ating bansa?

Opo sir

1. Sir si Miguel Malvar po ay isang Pilipinong Heneral na


Mahusay, ang pamumuno niya sa lumaban sa mga dayuhan.
pagkikipaglaban sa mga amerikano ay tunay
ngang napakalaking ambag sa pagkamit ng
ating kalayaan.

4. Sainyong palagay dahil sa paghahali ni


Malvar kay Aguinaldo sa pagkapangulo dapat
ba na hirangin na ikalawang pangulo ng
Pilipinas si Miguel Malvar? Ipaliwanag 2. Sir matapang po at makabayan dahil handa siyang
lumaban at itaya ang sariling buhay dahil sa pagmamahal
niya sa ating bayan. Isa po ay ang pagiging matalino
bukod sa pagiging heneral isa rin siyang maunlad na
negosyante.
3. Ang napakalaking kontribusyon po ni Malvar ang
pamumuno at paghihimagsik sa mga dayuhan upng
Mahusay mga bata, Napakaganda ng inyong
makalaya ang ating bayan. Siya po ang namuno sa
mga argumento at parehas kayo ay may
paghihimagsik sa batangas at sa buong timog luzon. Siya
punto. Pero hirangin man o hindi na pangulo
rin po ang humalili sa posisyon ni Aguinaldo bilang
si Malvar hindi pa rin nito maaalis ang
pangulo ng pamahalaang himagsikan simula ng ito ayg-
katotohanang napakalaki ng naging
madakip. Maging ang mga amerikano ay kinilala ang
kontribusyon niya sa kalayaang tinatamasa
kanyang tapang at pagiging makabayan.
natin sa kasalukuyan kung kaya dapat natin
itong patuloy na pahalagahan at pagyamanin.

5. Dapat bang tularan ang isang katulad ni


Miguel Malvar? Bakit?

*Maaaring magkaiba ang sagot ng mag aaral

Sang ayon
4. Sa aking sariling pananaw ay dapat lamang na siya ay
Tama mahusay, ang katulad ni Miguel hirangin bilang pangalawang pangulo dahil siya ang
Malvar ay dapat tuluran isang tao na mahal namuno at humalili kay Aguinaldo noong nadakip ito.
ang kanyang bayan at alam gamitin sa tama
ang tapang na mayroon siya. Handang
tumindig sa at lumaban sa kung ano ang Di-sang ayon
tama.
4. Para po sakin hindi dapat dahil hindi siya dumaan sa
natural na proseso yun ang ayn botohan bagamat humalili
siya noong nadakip si Aguinaldo hindi pa rin natin
maituturing na siya ay pangulo

3. PAGLALAHAT
Bilang isang mag-aaral, paano ninyo
pahahalagahan ang mga nagawa ng mga
natatanging Pilipino para sa kalayaan ng ating
bansa tulad ni Miguel Malvar?

Tama mahusay! Bilang isang mag aaral ang


pagbibigay pansin o tuon sa pag aaral at
pagmamahal sa bayan at mapapakita na natin
ang pagpapahalaga sa mga nagawa ng ating
mga bayani. Dahil dito naipapakita natin na
hindi nasayang ang kanilang mga ginawa
dahil kayong mga kabataan ang nagsisilbing 5. Opo, dahil isa siya sa magandang halimbawa na dapat
patuloy na pag asa ng ating bayan. natin pamarisan. Ang pagtindig sa kung ano ang tama at
May nais pa ba kayong linawin o mga bagay paglaban kung kinakailangan. Hindi rin matutumbasan
na hindi nyo lubos na naunwaan sa ating ang pagmamahal na mayroon ang isang Miguel Malvar sa
ginawang talakayan? ating bansa, kung kaya isa siyang magandang ihimplo na
dapat natin tuluran.

Sir bilang isang mag aaral mapahahalagahan ko ang


naging kontribusyon ni Malvar sa pamamagitan ng
pagiging isang mabuting mamamayan na nagmamahal sa
ating bansa. Aking bibigyan tuon ang aking pag aaral
upang maging isang kabataan na pag asa ng bayan.
Wala na po

F. APLIKASYON
Para naman sa inyong huling gawain sa araw na
ito, kayo ay susulat o gagawa ng isang
replektibong sanaysay tungkol sa mga naging
kontribusyon ni Miguel Malvar sa pagkamit ng
kalayaan ng ating bansa. Ang sanaysay na inyong
gagawin ay binubuo ng 5 o higit pang
pangungusap.
Paalala ko lang mga bata, na ang replektibong
sanaysay ay isang uri ng sanaysay kung saan ito
ay binubuo ng inyong mga pananaw o opinyon,
damdamin tungkol sa isang paksa.
Ito ang rubriks kung paano mamarkahan ang
ginawa ninyong sanaysay.
IV. EBALWASYON
Panuto: Basahin at alamin kung ano ang tinutukoy ng bawat pahayag. Isulat ang sagot sa patlang bago ang n

_______ 1. Kailan isinilang si Miguel Malvar?


_______ 2. Sino ang mga magulang ni Heneral Miguel Malvar?
_______ 3. Sino ang napangasawa ni Miguel Malvar?
_______ 4. Ano ang dahilan ng kamatayan ni Malvar?
_______ 5. Kailan namatay si Malvar?

V. TAKDANG-ARALIN
Sumulat ng isang maikling mensahe ng pasasalamat kay Miguel Malvar sa mga naging kontribusyon nito sa
pagkamit ng ating kalayaan.

You might also like