CN 3.3 Mitlohiyang Afrika Ang Kuwento NG Mga Diyos Na Sina Sa at Alitanga

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARELLANO UNIVERSITY

Jose Rizal High School


Gov. Pascual Ave., Malabon City
Tel./Fax # 921 – 27 – 44
PACUCOA ACCREDITED: LEVEL ll
S.Y. 2022-2022

Ikatlong Markahan

Pangalan: ___________________________________________ Marka: __________________________


Baitang at Pangkat: ________________________________ Guro: Gng. Realyn D. Norberte

I. NILALAMAN: Pagsipi ng Konsepto: # 3.3 Mitolohiyang Africa


AFRICA- hindi isang bansa kundi isa sa pitong kontinente sa buong daigdig.
- Ito ay pinalilibutan ng Dagat Mediterranean sa hilaga, Kanal Suez at Dagat Pula sa may Peninsula ng
Sinai sa hilagang silangan, karagatang Indiyo sa timog silangan, at ng karagatang Atlantiko sa
kanluran.
- May 54 na kinikilalang mga estado o bansa sa Africa, siyam na teritoryo, at dalawang de facto o mga
estadong limitado o walang rekognisyon sa kontinenteng ito.
HEOGRAPIYA
Kakaiba ang heograpiya ng Africa, Malaking bahagi ng kontinente ay binubuo ng disyerto.
SAHARA- ang pinakamalawak na disyerto, ang iba pa ay ang mga disyerto ng Kalahari, Namib, Tarkana,
at Somali.
SA GITNANG AFRICA- matatagpuan ang mga makakapal na kagubatan. Dito makikita ang iba’t ibang uri
ng mga mababangis na hayop, mga unggoy, mga kakaibang ibon, mga sawa, mga isda, iba pang mga
hayop, at maging mga halaman- na ang ilan ay malapit nang maubos ang lahi.
- Ang kanlurang bahagi naman ng kontinente ay isang sabana o madamong kapatagan na kung minsan
ay nagiging tuyo at maalikabok na kalaparan.
- Bunga ng kakaibang heograpiya ng lugar, maaasahan ang pag-usbong ng iba’t ibang uri ng tao na may
iba’t ibang kultura.
- Sa pagsusuri ng panitika ng Africa, masasalamin ang kanilang pagiging malapit sa kalikasan, katulad
ng mga puno at mga hayop na matatagpuan sa lugar.
-
Ang Kuwento ng mga Diyos na sina Sa at Alatanga

SA AT ALATANGA- diyos sa mitolohiyang Afrikano.


SA- diyos ng kamatayan na gumawa ng kaniyang tahanan sa putikan.
Si SA ay may asawa at isang anak na babae. Nagustahan ni Alatanga ang anak na babae ni SA at
pinangarap niya itong mapangasawa.
- Ayaw ni Sa na mag- asawa ang kaniyang anak. Ayaw niya itong mapalayo sa kaniya kapag dinala ito ni
Alatanga sa ibang lugar, kaya iniwasan ni SA na payagan si ALATANGA na pakasalan na nito ang
kainyang anak.
- Tinanan ni Alatanga ang babae, pumunta sila sa malayong lugar upang doon manirahan, malayo sa
maaabot ni SA. Namuhay sila nang maligaya, at nagkaroon ng labing-apat na mga supling: pitong
babae at pitong lalaki. Sa mga babaeng anak, apat ang maputi at tatlo ang maitim; sa mga lalaki
naman apat din ang maputi at tatlo ang maitim. Nagtaka rin si Alatanga at ang kaniyang kabiyak dahil
iba’t ibang salita ang sinasabi ng mga bata na hindi nila maintindihan.
- May kinalaman si SA sa nangyari sa anak dahil sa sobrang galit nito, Sinabi pa niya na ang kanilang
mapuputing anak ay magkakapangasawahan upang magluwal ng mga anak na mapuputi, samantalang
ang kanilang maitim na anak ay magkakapangasawahan upang magluwal ng mga anak na maitim. At
iyon nga ang nangyari, at nagsimula ang pagdami ng tao sa daigdig.
- May isa pang problema ang pamilya ni ALATANGA, Sa kanilang buong buhay, patuloy silang
namumuhay sa kadiliman. Wala silang ilaw o apoy na pananglaw sa maghapon.
- Sumangguni siya kayn SA, ipinadala niya ang dalawang ibon na maagang gumising: isang pulang
toutou at isang tandang na kulay ginto. Nakinig si SA at sinabi na lalabas ang liwanag kapag may
nakaaaliw na tunog na aalingawngaw sa paligid.Hindi naunawaan ni ALATANGA ang sinabi ni SA, at
sag alit ay tinangka nitong patayin ang dalawang ibon. Umiyak at humuni ang dalawang ibon, at ang
kanilang pagsamo ay nakarating sa langit. Sa awa ng langit, sumilay ang araw sa unang pagkakataon
at nagliwanag ang paligid ni ALATANGA. Naunawaan ni ALATANGA na ito pala ang ipinag- uutos ni
SA, lumilibot ang araw sa buong maghapon upang magbigay ng liwanag. At sa gabi naman, lumilitaw
ang buwan at mga bituin para magbigay- liwanag sa kadiliman. Masayang – masaya si ALATANGA sa
tulong ni SA.
- Hindi nagtagal, napag- isip-isip ni SA na sobra na ang tulong niya samantala inilayo nito ang kaniyang
nag- iisang anak. Pinuntahan niya si ALATANGA at sinabi na kukunin niyang isa- isa ang mga
miyembro ng pamilya nito bilang kabayaran sa pagkakautang ni ALATANGA. Ipinaalala niya rin na
hindi siya nagbigay ng kabayaran noong pakasalan nito ang kaniyang anak.
- Magmula roon kinukuha ni SA ang isang anak ni AITANGA ayon sa kaniyang kagustuhan. Ito ang
simula ng pagkakaroon ng “kamatayan”ng mga tao sa mundo.

SAAN NAGSIMULA ANG MGA TAO SA DAIGDIG?

- Maraming mga taga- Africa ang naniniwala na ang mundo ay siyang Inang Diyosa, na siyang
panginoon ng lahat, at pinagmulan ng lahat.
- Bilang Inang Diyosa, ang mundo ay may buhay na walang hanggan, at siyang nagluluwal sa bawat sa
henerasyon ng mga mamamayan kailan man nito naisin.
- Si Inang Diyosa rin ang pinanggagalingan ng mga halaman, kapag pumatak na ang mga luha mula sa
kalangitan. Kapag walang mga ulan, pinipigil ni Inang Diyosa ang pagsibol ng mga halaman, at
hinihintay nito kung kailan ipagkakaloob ng kalangitan ang mga ulan.
- Naniniwala sila na ang tao ay galing sa lupa ( o mundo), sapagkat ang bumubuhay sa tao ay mga
pagkaing nanggagaling sa lupa o nabubuhay buhat sa pangangalaga ng lupa.
- Naniniwala sila na ang mundo ay nagagalit din, at kapag nagalit, nagkakaroon ng lindol o paggalaw ng
lupa, ng mga daluyong bagyo, o kaya naman ay pagkatuyot ng mga tubigan.

II. LAYUNIN: Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa suliranin ng akda, kilos at
gawi ng tauhan, desisyon ng tauhan.
Napangangatwiranan ng sariling reaksyon tungkol sa akdang binasa.

III. PAGTATAYA:
GAWAIN 3.3
A. Magbigay ng 10 mahahalagang detalye ng aralin.
B. Sagutan ang sumusunod na mga tanong.
- Sa iyong palagay, paano naiiba sa mga mitolohiyang iyo nang napag- aralan ang mitolohiya ng Africa?
Ano- ano ang ilang mga dahilang nakapagdulot ng kakaibang kuwento o mito?
- Sa anong paraan ipinakikita ng kanilang mitolohiya ang lubhang pagiging malapit ng mga Afrikano sa
mundo o sa kalikasan?

IV. SANGGUNIAN: Jocelyn M. Collado at Richard de Leon, 2019, Bukal ng Lahi 10, Brilliant Creations
Publishing, Inc. Pahina 174-179

V. PANGKALAHATAN: Katulad din ng ibang uri ng mga panitikan sa mundo, ang sinaunang
mitolohiyang Afrikano ay nagkukuwento tungkol sa kanilang mga sinasambang diyos at diyosa na may taglay
na pambihirang mga katangian.
VI. INSTITUTIONAL CORE VALUES: COMPETENCE (KAGALINGAN)

You might also like